Share

Chapter 31- The Grim Reaper

Napupuno ng sigaw ang kweba dulot ng aming mga kapangyarihan. Hindi namin dapat hinayaang mangyari ito. Hinigpitan ko ang pagkakayakap ko kay Ada. Iisang salita ang aking binibigkas sa bawat paghabol ni Ada sa kanyang hininga. 

“Pakiusap, huwag kang bibitaw!” ang sigaw ko. 

Lumapit si Sebastian sa amin pagkatapos niyang sunugin ang bawat duwendeng manunubig. Itinutok niya ang kanyang wand sa sugat ni Ada. 

“Nakikiusap ako! Kahit sa pagkakataong ito, makisama ka! Huwag mong hayaang mawala si Ada!” ang sigaw ni Sebastian na halatang pinipilit niya ang wand niya na gamutin si Ada. 

Narinig namin ang mga yabag na papalapit at nang tingnan ko kung sino ang mga dumating ay tuluyan nang umagos ang mga luha ko. Sana hindi ko na lang ginawang pagsubok ang kabaliwang ito.

“Anong nangyari kay Ada?” ang sigaw ni Gray. 

Napaluhod naman lalo si Sebastian sa tindi ng pagod. Hindi ko alam kung makakatulong ba sa sitwasyon ni A

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status