Share

Chapter 96.2

last update Last Updated: 2025-05-19 01:37:35

LUMIIT ANG MGA mata at pinatulis na ni Daviana ang nguso habang nakatingin sa ina. Hindi na niya mapigilan ang mamula ang buong mukha nang maalala ang mga nangyari sa kanilang dalawa ni Rohi sa hotel suite. Kapag ba kasal na sila mas maraming beses na nilang gagawin iyon? Nangamatis pa ang kanyang mukha nang maalala ang reaction ni Rohi noon habang inaangkin ang katawan niya sa unang pagkakataon. Ang mga haplos nito at halik na nagpakilabot sa kanya. Gusto niyang bumalik sa nakaraan nilang iyon ni Rohi. Nakaraan na ang tanging nakikita lang niya ay pagmamahal nito.

“Mommy, si Tita Carol tumatawag…” pakita ni Daviana sa screen ng kanyang cellphone nang mag-vibrate iyon.

“Sagutin mo. Bakit? Anong ikinakatakot mo sa kanya? Anak naman niya ang unang sumira sa usapang engagement ah?”

Sinunod ni Daviana ang utos ng kanyang ina. Sinagot niya ang tawag ni Carol gamit ang maliit niyang tinig.

“Hello? Viana?”

“Uhmm, y-yes po Tita?” nakatingin ang mga mata ni Daviana sa ina habang nakikipag-
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Jannett Padernilla
thank you sa update....bukas ulit....
goodnovel comment avatar
Vyn Cabaluna
more more episodes please ............
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 97.1

    BUMALATAY NA ANG matinding galit sa mukha ni Carol. Ilang segundong na-blangko ang kanyang isipan. Hindi niya namalayan na may matalas palang dila si Daviana. Sa isang pangungusap na sinabi niya, ibinalik naman ni Daviana ay sampung pangungusap na kanyang katwiran. At ang labis na ikinakatakot niya pa doon ay wala siyang maisip na sasabihin. Sa huli, maaari lamang siyang sumigaw upang sabihin ang nilalaman ng kanyang galit na puso kay Daviana. “Mabuti na lang pala talaga at hindi natuloy ang engagement niyo ni Warren. Hindi kayo bagay. Kaugali ka na ng anak sa labas ng Tito Welvin mo. Congrats! Perfect match kayong dalawa. Pareho kayong bastos ang ugali ng bastardong ’yun!”Hindi na natiis ni Nida ang kanyang naririnig. Tumayo na siya at hinampas na ng kamay ang lamesa nila. “Paano ka nakakapagsalita ng ganyan sa anak kong nangangatwiran lang sa bulok niyong ginawa?!” angil ni Nida na nanlilisik na rin ang mga matang nakatingin nang matalim kay Carol, “Sinimulan mo siyang isumpa nan

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 96.3

    HINDI NA NAPIGILAN pa ni Daviana ang galit na namuo na sa loob ng kanyang dibdib. Kailangan niyang mailabas iyon. Hindi pwede na basta na lang siya manahimik habang niyuyurakan ng mga taong kaharap nila ang buong pagkatao niya.“Pero kasalanan pa rin ng anak niyo kung bakit nangyari ang bagay na ito! Bakit hindi niyo magawang maamin iyon?!”Kadalasang introvert at mahiyain si Daviana na palaging nagsasalita sa malambot na boses, kung kaya't natigilan saglit sina Welvin at Carol sa ginawa niyang malakas na pagsigaw upang ipagtanggol ang kanyang sarili at ang naging desisyon. Namula pang lalo ang mga mata ni Daviana na parang maiiyak na sa mga nangyayari na paninisi sa kanya ng mag-asawa.“Hindi ako nagte-take advantage sa inyong pamilya. Iyong investment, wala pa naman iyon pero ang tahasang iwan ako ni Warren habang bihis na bihis na at handa na sa engagement makatarungan ba iyon? May pera ba kayong binigay sa akin para sigawan niyo ako at sisihin sa mga bagay na hindi ko naman kontro

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 96.2

    LUMIIT ANG MGA mata at pinatulis na ni Daviana ang nguso habang nakatingin sa ina. Hindi na niya mapigilan ang mamula ang buong mukha nang maalala ang mga nangyari sa kanilang dalawa ni Rohi sa hotel suite. Kapag ba kasal na sila mas maraming beses na nilang gagawin iyon? Nangamatis pa ang kanyang mukha nang maalala ang reaction ni Rohi noon habang inaangkin ang katawan niya sa unang pagkakataon. Ang mga haplos nito at halik na nagpakilabot sa kanya. Gusto niyang bumalik sa nakaraan nilang iyon ni Rohi. Nakaraan na ang tanging nakikita lang niya ay pagmamahal nito.“Mommy, si Tita Carol tumatawag…” pakita ni Daviana sa screen ng kanyang cellphone nang mag-vibrate iyon. “Sagutin mo. Bakit? Anong ikinakatakot mo sa kanya? Anak naman niya ang unang sumira sa usapang engagement ah?” Sinunod ni Daviana ang utos ng kanyang ina. Sinagot niya ang tawag ni Carol gamit ang maliit niyang tinig. “Hello? Viana?” “Uhmm, y-yes po Tita?” nakatingin ang mga mata ni Daviana sa ina habang nakikipag-

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 96.1

    NABURO PA ANG mga mata ni Daviana sa kanyang ina na nakatitig lang din sa kanya. Alam niya kung ano ang pinupunto nito. Ngunit ang kailangan ay mayroong magsabi pa sa kanya.“Close ba kami? Ilang beses pa lang din kaming nagkita, hindi ba?” tawa na ni Nida habang naiiling ang kanyang ulo, “Kita naman na kaya niya ginagawa ang lahat ng bagay na ito ay dahil sa iyo at hindi sa akin. Malamang dahil ako ang magiging mother-in-law niya kung kaya naman nagpapalakas siya. Huwag mo sanang isipin na pinapahirap ko ang mga bagay sa kanya. Gusto ko lang makita kung gaano niya ako pakikisamahan nang dahil sa’yo anak.”“Kahit na Mommy, napaka-responsable niyang lalaki. Huwag naman sanang ganun…”“Aba at talagang prino-protektahan mo siya ah? Sobrang mahal na mahal mo siya ‘no?”Natutop pa ni Nida ang kanyang bibig at pinanliitan ng mga mata ang anak upang tuksuhin pa. Naging dahilan iyon upang parang sinusunog na ang tainga ni Daviana. “Halika, tutal maaga pa naman ay mamili tayo ng mga gamit na

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 95.3

    NAPAKURAP NA NG mga mata niya si Daviana nang maramdaman niya ang pag-init noon. Pahapyaw niya iyong hinaplos. Alam niyang kaunti na lang at bababa na ang mga luhang nasa mga pilik-mata niya ngayon. Suminghot siya na tumalikod na at muling pumasok sa loob. Pinalis niya na ang ilang butil na tumakas.“Paanong hindi iyon masakit ay maga na nga tapos bakas pa ang mga daliri ni Tito Welvin? Ililihim niya pa sa akin eh, alam ko rin iyon dahil naranasan ko…” Natatandaan niya pa noong nasampiga siya ng kanyang ama, sobrang sakit kaya noon na ilang araw niyang hinintay bago gumaling at bumalik sa dati.“Bakit nakabusangot ka? Hindi mo na naabutan?” “Naabutan.” “Oh, e bakit ganyan ang reaction ng mukha mo?” Napatingin na si Daviana sa kanyang mga paa. Gulong-gulo ang isipan niya. Sasabihin niya ba sa ina o hindi? Sana pala hindi na lang niya tinanong si Rohi kung nais nitong maging fiance niya. Baka napipilitan lang ito at ngayon lamang nito na-realize.“Wala po. Mommy, sana ay hindi mo ti

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 95.2

    NANG MAPANSIN ANG hilatsa ng mukha ng inang parang galit ay nilapitan siya ni Daviana. “Mom, sino ang tumawag?” Nilingon na ng Ginang ang anak. “Nurse.” Nangunot na ang noo ni Daviana na hindi maintindihan ang sinasabi ng kanyang ina. Bakit naman ito tatawagan ng nurse. Hindi niya kailangang itago ang lahat dito kung kaya naman sinabi niya kung ano ang tunay na kalagayan ng kanyang ama. Sinubukan ng babae na buksan ang bibig upang may sabihin patungkol sa ama ngunit walang lumabas sa bibig niya. “Kung anuman ang mangyari sa iyong ama ngayon, hindi pa rin naman ako lubusang magiging masaya. Napakarami niyang utang na malamang ay ako ang sasalo. Sakit sa ulo!” Sumagi sa isipan ni Daviana ang sinabi ni Rohi noon na pwedeng mag-divorce ang kanyang mga magulang, tapos tutulungan sila nitong kumawala sa malaking utang. Ngunit iba na ang sitwasyon ngayon. Nakakahiya naman kung sasamantalahin niya ang lahat na sa kabila ng kanyang mga ginawa ay hihiram pa siya ng pera sa lalaki. Kahit n

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 95.1

    WALANG IMIK PA rin na naupo na si Daviana sa sofa at kinuha na ang kanyang cellphone. Isa-isa na niyang tiningnan kung sino ang mga nag-message sa kanya galing sa mga kakilala. Pinakamarami pa ay ang message ng bestfriend niya. Tinatanong kung ano ang nangyari at bakit biglang may replacement ng lalaking naganapp. Ilang beses niyang pinakatitigan ang screen ng kanyang cellphone. Iniisip kung sasabihin niya ba ang totoo. Sa huli ay nag-reply siya dito na nilayasan siya ni Warren na sa tingin niya ay mas piniling makasama ang nobyang si Melissa, kung kaya naman ilang sandali pa ay nakita niyang tumatawag na ito. Malamang ay upang mas makibalita pa ang kaibigan ng mga kaganapan. “Gago ba siya? Bakit niya ginawa iyon sa’yo? Siraulo talaga ang Warren na iyon! Mabuti na lang at may sumalo sa’yo!” Naisip ni Daviana na oo nga, mabuti na lang at may isang Rohi na laging willing na nais siyang saluhin sa pagkalugmok.“Oo nga, ako lang sana ang sobrang nakakahiya at pinagtatawanan doon.” Napa

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 94.3

    GUSTO RIN MAKAALIS ni Nida sa sitwasyon na kanyang kinasasadlakan ng mga sandaling iyon at ngayong nagkaroon na siya ng pagkakataon na siyang lumalapit na sa kanya, pakakawalan niya pa ba? Walang pag-aalinlangan na humakbang siya palapit sa anak at diretsong pumasok sa loob ng sasakyan ni Rohi. Ni hindi nilingon ang kanyang asawa.“Saan ka pupunta?!” hablot ni Danilo sa isang braso ni Nida dahilan upang matigilan ito sa kanyang pagpasok sa loob. Ubod lakas na pinalis ni Nida ang kamay ni Danilo at nanlilisik na itong nilingon. “Saan sa tingin mo? Malamang para makalaya na sa mga kalupitan mo. Sa tingin mo sasama pa ako sa’yo na walang ginawa kung hindi ang pasakitan lang ako? Kahit pa tumawag ka ng pulis, hindi ako natatakot! Huwag mo akong pigilan!”“Nida—” “Hindi ko na kayang pagtiyagaan pa ang mga ginagawa mo sa akin, Danilo. Tama na!” iling ni Nida na buo na ang desisyon, “Ano? Tatawag ka ba ng pulis? Ang tagal naman. Naiinip na ako. Bilisan mo na. Tawagan mo na sila ngayon!”

  • Addicted to the Imperfect Billionaire   Chapter 94.2

    NAMEYWANG PA DOON si Danilo upang ipakita sa kanyang anak na siya ang batas hangga’t naroon siya sa bahay nila. “Rohi is my fiance, Dad!” may diin na sagot ni Daviana ngunit nanatili siyang kalmado sa reaksyon ng mukhang ipinapakita, “Wala ka ng pakialam kung sa tingin mo ay pagsira sa pangalan ko o sarili ko ang pagsama ko sa kanya.” Napuno pa ng galit ang mga mata ni Danilo sa pangangatwiran ni Daviana sa kanya na alam niyang maling-mali.“Ama mo ako! Kung hindi dahil sa akin, wala ka sa mundong ito!” panunumbat na niya na kahit saang anggulo tingnan ay maling-mali naman, “Wala kang galang at respeto sa isa sa taong bumuhay sa’yo. Ngayong malaki ka na at pakiramdam mo ay matigas na ang buto mo, basta ka na lang sasama sa kanya at sisirain ang mga plano ko? Wala kang utang na loob!” Hindi na makayanan ni Nida ang mga panunumbat ng kanyang asawa sa anak. Alam niyang wala itong karapatan doon.“Danilo, pwede ba bago mo sumbatan ng ganyan si Daviana ay tanungin mo muna ang sarili mo

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status