Share

Chapter 1

Seila Veinaberde 

MABILIS na tinanggal ni Seil ang diyaryong naka takip sa mukha niya, bago napatingin sa mga kaibigan niyang kasama niyarin na nag tatakip rin ng diyaryong mga hawak ng mga ito.

“Bakit ba tayo nag tatago?” Naiinis na sabi ko sa dalawang kasama ko napatingin naman sila saakin ng makita nilang hindi na ako nakatakip ng mukha ay tinanggal narin nila ang kanila.

“Excuse me? Ex ko yong isa sa mga kasama ng kinakahuhumalingan mo PO.” Ani ni jasmin na diniinan pa ang salitang po napatawa naman ako sakanya ng tinarayan ako nito, napatingin naman ako kay Siquie.

“Eh ikaw naman bat ka nag tatakip? Eh hindi kanaman kilala ni clyden” Taray na banggit ko rito patungkol sa gusto nitong lalaki, agad naman akong sinamaan ng tingin ni gaga at padabog na binaba ang ang hawak na diyaryo.

“Tss nakikigaya lang eh atsaka bakit ikaw hah look at you nag takip karin ng mukha e never ka naman nakilala ni Fafa Vous mo” naka taas kilay na balik tanong saakin ni Siquiera, oo nga bakit ba ako nag tatakip eh hindi naman talaga ako kilala ng pakay ko rito sa Santiago Villa Resort.

Nandito kasi kami para pigilan ang nalalapit na kasal ng taong mahal ko at iyon nalang ang tanging magagawa ko nalang para mapigilan ang kasal ay ang pikutin ang taong mahal ko, hindi ko alam pero wala manlang akong pag-alinlangan na nararamdaman sa sarili ko sa gagawing ito, siguro dahil sanay na ako na ganito ugali ko na walang pake sa sinasabi ng ibang tao kapag tinuloy ko ang balak ko at siguro dahil narin ganoon kulang kamahal si Vous kahit hindi niya manlang ako kilala, ang tanga ngang isipin na nag mahal ako sa taong hindi naman ako kilala pero siya kilalang kilala ko since college palang kami.

Napangiti naman ako ng maalala yong araw nayon, yong araw na hindi ko alam ay mag-mamahal ako ng subra at ito na iyon.

Flashback

Mabilis na pumasok ng Classroom niya si Seil na puno ng basag na itlog ang uniform niya, pero imbis na umiyak ay nilinis niya nalang ang sarili dahil sanay na siya sa ganong setwasyon halos araw araw ganon ang nangyayari sakanya.

Tapunan ng itlog, buhusan ng juice or kaya tubig na malamig mas malala itulak pa siya fountain na kong saan sintro ng atensyon ng mga istudyante dahilan para masanay narin siyang mag dala ng extra uniform.

Hindi niya akala na sa ganitong edad ng mga taong nag-aaral ay umaasta paring mga bata ang mga ito at makikitid ang utak ,tila sila ang abgrabyado na hindi naman talaga dahil siya, siya ang agrabyado at imposibleng makita iyon ng mga taong may mga matang mapanghusga may mga bibig na masasakit mag salita.

Bata pa lamang siya ay binubully na siya kaya sanay na siya sa kahit anong paaralang pinapasukan niya o kaya nililipatan ay ganito palagi ang setwasyon na kong saan parang sila pa ang mali at ang mga ito pa ang agrabyado.

“Seillll.. Seilll!!” rinig kong sigaw ni jasmin papalapit saakin napatingin naman ako sakanya, nakita ko nanaman ang mga matang may pag-alala saakin, napatingin ako sa pinto ng biglang may pumasok si Sequei na may pag-alala din sa mukha nito.

“Seilllll” Sigaw nito at lumapit saakin bago tinaas ang braso ko at sinusuri ito kong may sugat ba ako o wala.

“Sumusubra na sila, palagi nalang ito nangyayari saiyo, okay kalang ba asan ang masakit?,may sugat kaba asan gagamutin ko” Ani nito na habang sinusuri pa ang buong katawan ko napangiti naman ako sa kabila ng mga pangungutya at nakaraan ko ay may dalawa parin akong kaibigan na natili saakin sa kabila ng mga iyon.

“I'm okay don't worry” Ani ko at hinawakan ang kamay niya para pakalmahin siya tumango naman ito saakin at umupo siya sa tabi ko.

“Tsk bakit dika kasi lumalaban, ano yan forever tanga-tangahan at papaapi lang?Ghad Seil Veinaberde Gonzales” Inis na ani ni Jasmin na binanggit pa ang buo kong pangalan kaya napatingin kami sakanya ni siquiera kapag binanggit na kasi nito ang buong pangalan namin ni Siquiera, seryoso na ito at walang halo ng kahit anong biro. Galit na talaga siya.

“You know me, i don't care about what they said, I'm okay jas, don't worry ” Ani ko at hinawakan ang kamay nito, napatingin naman ito sa bintana na malapit saamin at bago ito tumingala at bumuntong hininga bago tumingin saakin at ngumiti.

“hays ano panga ba magagawa ko ayan na ugali mo eh” Ani nito at niyakap siya, mabilis naman na lumapit saamin si Siquiera at niyakap din kaming dalawa ni jasmin.

Nagpapasalamat ako dahil may mga kaibigan akong kagaya nila na hindi bumabasi sa ano mang nakaraan na meron ang isang tao.

At kong tatanungin niyo ako patungkol sa kong bakit din ako binubully ay dahil sa mga magulang niya, may asawa si Dad but he didn't love her, he just marry her just because of what he's family said, si Dad and Mom ay High school lover na sila at nag kahiwalay sila ng sapilitang ipakasal si dad sa business partner ng lolo ko sa anak nito at hindi na sila nag kita ni dad, nag sumikap si Mom na buhayin ako dahil bago sila nag kahiwalay ni Dad ay buntis na siya saakin, nakuha si Mom bilang extra sa mga penikula hanggang sa naging isa na siya sa mga pinaka magaling na actress sa pilipinas kaya roon siya nakita ni dad, and all of that change when she meets dad again, nalaman ni dad na buntis si Mom nong nag kahiwalay silat at roon na nakilala ko si dad ng mag kabalikan sila at nag pakasal pero ang nangyare pag katapos ng divorce ni dad sa dating asawa nito ay nag kalat ng balita ang dating asawa ni dad which is isa rin sa mga sikat na business woman sa bansa at roon nag simula ang maraming tawag sa pamilya namin na keshu anak ako ng kabet ni dad, keshu anak ako sa labas at hanggang sa lumaki ako ay nasanay na ako sa ganoong setwasyon.

At dahil roon natuto akong hindi lumaban, hindi patulan at lalong walang pake alam.

Mga ilang sandali pang nag stay sila Jasmin at Siquei dito sa classrom ko, mag kaiba kasi kaming course na piniling tatlo, ako ay nursing samantalang si jasmin naman ay bilang FA at si Siquei naman ay isang Chef, ng matapos kaming mag usap tatlo at nag sibalik na sila sa class nila at naiwan nanaman ako mag isa.

“Oh here's the malandi kagaya ng nanay niya” Ani ni Mina ang Mean girls dito sa Samil University, hindi ko nga alam na meron parin palang mga ganitong tawagan kahit sa college.

“ Look at her babe she's pipe Hahaha tingnan natin kong tatahimik ka parin sa gagawin nila” Ani ni Mina napatingin naman ako sakanya, may malapad na itong ngiti sa mga labi nito, Sinong Nila? Ano ba tinutukoy ng malditang to.

“Boys” Ani nito at tumingin sa likod nito kaya napaangat pako lalo ng tingin, mabilis naman na Lumapit ang tatlong lalaki at hahawakan na sana ako ng isa sa mga ito ng may mga kamay na biglang humawak sa lalaking hahawak na sana saakin at pinilipit ito.

VOUS?” Gulat na tanong ni Mina, kaya napatingin ako roon sa tinawag niya, nakatalikod saakin ang lalaki at ang ilong lang nito ang nakikita ko unti at ang mahaba nitong mga pilikmata.

“Don't you dare to do this again in our Classroom Mina, baka nakakalimutan mo kong sino ako rito” Ani nito kay Mina nakita ko naman ang gulat, kaba, takot at inis sa mga mukha ni Mina na halatadong may di pag kagusto sa inasta ng kausap niyang nag ngangalang Vous.

“Tss, let's go boys” Ani nito sa mga kasama nitong lalaki at masama pang bumaling saakin bago tuloyang nag lakad paalis, napatingin naman ako sa kamay na tumambad sa harapan ko.

“Hi are you okay?, btw I'm vous in you're Seil Veinaberde Gonzales right?” Sambit pa nito sa buong pangalan ko na ikinalaki ng mata ko maging ang bibig ko ay bumukas, kilala niya ako? But how.

“Y..yeah”Ani ko at nakipag kamay din saka umangat ng tingin para makita ang mukha ng lalaki, pero halos malaglag ang panga ko sa nakikita.

Hindi ata ito tao eh. Kasi anghel siya anghel.

Napangiti pa ito lalo ng tinanggap ko ang pakikipag kamay nito, mabilis naman akong nag iwas ng tingin dahil lumalalim yong tinginan namin bago napakagat ng labi, shit.

“B.. Btw take care, I'm going to leave na may training pa ako eh, see you next time” Ani nito at ngumiti ulit saakin kaya napatango nalang ako na sinusundan ito ng tingin habang umaalis ito sa harapan ko hanggang sa mawala ito sa paningin ko.

At doon ako nag simulang mag kahumaling sakanya na hindi ko alam na habang patagal na patagal ay mamahalin ko na siya.

End of flashback

“Seil?” Ani ni jasmin kaya napabalik ako sa pag-iisip at tumingin kay jasmin at siquiera na masama ang tingin saakin.

“Akala ko natulog kana sa subrang tagal mong naka tulala diyan, ghad” Ani pa ni Siquiera kaya nag peace sign nalang ako sakanya.

“Tss iniisip nanaman ang Fafa Vous niya tss” Pang aasar pa ulit saakin ni Siquiera kaya natawa nalang ako, napatingin naman ako sa disk kong saan nandon ang tatlong staff na babae na nag aasikaso ng mga papasok at mag papabook para mag stay sa resort na nila.

Napangiti ako ng makitang nag sisitawanan ang mga kaibigan ni Vous at nakitawa rin ito kasama ang mga kaibigan nito.

Kailan mo kaya ako ngingitian ng ganyan?.

Hindi ko mapigilang tanong ko sa sarili ko, bakit hindi nalang ako si Cindy ang fiance ni Vous bakit hindi nalang ako siya, dahil sabik na sabik na akong makitang ang ngiti nayon na ako ang dahilan.

“Hays ang tanga nating kaibigan Bow” Ani jasmin kaya napatingin ako sakanya na nakatingin saakin at alam kong ako ang tinutukoy niya, tinarayan niya naman ako at tumingin sa tinitingnan kong kalalakihan na kasama ang taong mahal ko, actuallytutol sila sa pagiging tanga ko pero dahil kaibigan raw nila ako at ito talaga ang kasiyahan ko, tutulongan nila ako sa katangahan at ka impokretahang gagawin ko.

“Lets go natitigan kuna ang mukha ni clyden kaya busog nako at full charge kaya mag swimming na tayo sayang naman ang bikini kong dala kong di magagamit ng maganda kong katawan” Ani ni siquiera kaya napabaling kami sakanya na nakataas ang kilay saamin ni jasmin, gusto ko sanang mag reklamo sa sinabi niya pero baka mag karoon ng World war ll dito

Actually kanina pa kami nakabook at nasa pad narin namin ang mga luggage namin bago kami bumaba dito para abangan sila Vous na dumating, sila lang ang mga lalaking pumunta dito, actually groom shower kasi ang gagawin nila at iyon ang mangyayare bago ito ikasal sa sunod na linggo at nandito naman ako para patusin ang huli kong Chansa na makuha pa si Vous dahil pag hindi, hindi kuna alam, i can't see myself being happy again without him and seeing him with his love.

“I'll make you mine no matter what” ani ko nalang sa isip ko at mabilis na sumunod kila jasmin at siquie na papuntang swimming area ng resort.

-

Mabilis na lumipas ang gabi at nasa pad narin namin kaming tatlo we're just having a little conversation about our plan,my plan. may babae kasing ipapasok sa kinauupahang pad ni Vous at iyon kuno ang plano ng mga kaibigan to tease him iyon ang sabi sa mga waitress-man na nag hatid ng mga drinks and food sa pad ng mga kalalakihan.

At ang plano nila ngayong mag kakaibigan ay ako ang papalit bilang babae na ipapasok nila sa kwartong iyon.

“If gusto mo pang umurong pwede kapang umurong you don't have to do this Veina” Seryosong ani saakin ni siquie na alam kong nag-alala lang siya patungkol sa desisyon ko, sino ba naman ang matutuwa na sa subrang katangahan ko sa pagmamahal gagawin ko ang bagay na ito para lamang sa pansarali kong kasiyahan at isasakripisyo ko ang lahat para lamang sa lalaking minahal ko mahigit anim na taon at ngayon handa ako manira ng ibang relasyon mapa akin lang ang taong matagal kunang hinahangad.

“Naku iyan uurong? Eh mas tanga pa iyan sa tanga eh” Pagalit na ani ni Jasmin na tinutukoy ako, gaya ng sabi ko kanina tutol silang dalawa sa desisyon ko napilit kulang sala pumunta dito dahil ito talaga gusto ko at hindi na mag babago ang desisyon.

tiningnan ko naman silang dalawa na may pagmamakaawa na tingin, umiwas silang dalawa ng tingin saakin nakita ko naman si jasmin na gumalaw ang balikat na tila umiiyak.

“Ang tanga lang kasi na subrang pag kabaliw mo sa lalaking yan handa kanang isuko lahat ng saiyo”Ani nito at tinabig ang kamay ko ng lumapit ako sakanya.

“You're so heard headed girl veina sana hindi mo ito pag-sisihan sa huli” Ani pa ulit ni jasmin at humarap saamin bago nag punas ng luha, sana nga, sana hindi ko pag sisihan ang katangahang ginawa kong ito.

“Tigilan niyo nanga kakadrama diyan ito na yong susuotin mo gaga, ay bet ko ito makikita ang kasingit singitan ko rito”Pasigaw na ani ni Siquiera  na may kasamang pag-kaarte, kaya napatingin kami sakanya ni jasmin at natawa.

“Gaga hindi naman ikaw mag susuot niyan eh kaya sayang ikaw sana ang ibubugaw” Ani ni jasmin kaya humarap sakanya si siquiera na may masamang tingin, natawa naman ako sa ginawa ng dalawa.

“Alam mo iyang bunganga mo jas malapit kunang tahiin, mesheket se hert eh” Ani siquiera kaya mas lalo kong kinatawa na dahilan para ikatingin nila saakin at taasan ako ng kilay.

“Ang tanga....” Ani ni jasmin na. pinutol pa ang kasunod na sasabihin.

“At ang martyr”Kasunod naman na sabi ni siquiera na nakatingin din saakin kaya ikinasama ng tingin ko.

“Ay tumatawa...Hahaha” Ani nitong dalawang ako nanaman ata ang trip dahil pagkatapos nilang sabihin yon malakas silang tumawa na ikinatayo ko at mabilis ko silang hinabol na mabilis naman nilang ikina-ilag ng mahawakan kuna sila at iyon nga ang nangyare nag-sitakbuhan kami hanggang sa mapagod kami.

Napahiga naman kaming tatlo sa kama nakadapa si jasmin at paryas kaming dalawa ni siquiera na nakatingin sa kisame ng pad namin.

“Are you sure with this?” Ani ni jasmin kaya napatango ako na tumingin sakanya na seryoso na uli, tumango din ito at gumaya na saamin ni siquiera na nakatingin din sa kisame.

“All right akala ko mapipigilan pa kita, namin ni siquiera, but we're wrong, pag nasaktan ka talaga sa gagong iyon wag mo kakalimutang andito lang kami ah” ani pa ni jasmin, tumango naman ako sa sinabi niya at yumakap ako paharap sakanya na nakatagilid nasa gitna kasi ako at siya ang ay nasa kanan ko habang sa kaliwa kunaman si siquiera.

“Thank you” i mounted napangiti naman siya ng tumingin saakin at yumakap din saakin, nakaramdam din ako na yumakap saakin si siquiera sa likod ko.

Kong ano man ang mangyare sa gagawin kong katangahan alam kong ako ang may papanagutan, dahil ako ang may kasalanan dahil sa gusto kong manira ng relasyon ng iba sa pansaraling kasiyahan ko lamang.

And maybe that's my karma ang masira ako sa gagawin kong ito, pero ang hirap kasi ang hirap na nag mahal lamang ako at sa subrang pagmamahal ko hindi kuna ma-control ang bagay na mali para sa pagmamahal na ito, aware ako sa kamaliang gagawin ko at tumutol ako sa gagawin kong ito pero malaki ang tyansa na gagawin ko ito dahil ito na ang huling tyansa na mapasaakin siya.

I'm inlove with the man who can't love me back. 

Ayon na ata ang dapat ipamagat sa katangahang gagawin ko ang mahalin ang taong hindi man lang ako nakilala at hindi manlang ako mahal.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status