Bumangon siya at naupo sa gilid ng kama. Hinanap niya ang numero ni Theo. Makalipas ang ilang tunog sa bilang linya ay sinagot na rin ito."Good morning. This is Sofia. Let's meet tomorrow for another editing session at the office. Paki-accept ang calendar invite kung available ka. If not, propose another date and time." Diretso niyang sinabi nang hindi na inintay na sumagot si Theo. Kumakabog ang kaniyang dibdib at habang nagsasalita ay sapo-sapo niya ito.Matapos ibaba ang telepono ay napabuga sila ng malakas ng hangin. Hindi niya maintindihan ang sarili. Ibinaba niya ang telepono sa katabing side cabinet at bumalik sa paghiga.Napapikit siya ngunit mukha ni Theo ang nakikita niya. Shit! Pinagpapantasyahan ko ba siya?Pagkatapos ng tanghalian ang schedule na sinabi ni Sofia kay Theo para sa editing process ng kaniyang libro. Saktong oras naman na iyon ay dumating si Theo at pinuntahan ng kusa sa opisina nito nang malaman sa Receptionist kahit pa sinabi nito na pumunta na sa conferen
"I miss you too, Ate Rafa!" Balik naman ni Sofia.Bumitaw sa yakap si Rafa pero kasabay noon ay hinikit naman nito ang bras oni Sofia at inakay papunta sa loob ng bahay nila Miguel. Wala na nagawa ang binata at hinayaan na lamang ang dalawa na magkwentuhan.Ibinigay ni Miguel ang susi ng sasakyan sa tauhan nila at sumunod na rin sa loob ng bahay. Napa-iling iling na lamang ito habang nakatawa. Labis ang saya niya kapag nakikitang magkasundo ang dalawa."Ano na bang ganap sa iyo ngayon, Sofia? Wala ka pa bang boyfriend?" Pang-uusisa ni Rafa. Lagi itong tinatanong ang dalawa dahil nasa tamang edad naman na ito para magkaroon..Bente-singko anyos na si Sofia at nasa edad na ito para magkanobyo. Bumalik ang isip niya sa madilim na mukha ni Theo. Napailing siya sabay maiging inabala ang sarili sa pagkukwentuhan nila si Rafa."Nako ate Rafa, wala pa talaga. Hayaan mo ikaw ang unang makakaalam.""Baka magkaroon na iyon ngayon. Parang nakakaramdam ako na may aaligid na diyan sa mga susunod na
Tinawanan na lamang ito ni Sofia at hinayaan silang maglaro ang pantasya sa kanilang isipan.Nakita niya ang sasakyan ni Miguel na nakaparada sa mga reserved parking bay ng opisina. Lumapit siya at kinatok ang bintana. Lumingon si Miguel na noong una at abala ito sa kape na iniinom."Wala ka na bang naiwan?" Tanong nito sa kaniya nang pumasok siya at maupo sa tabi.Napangiti naman siya dahil talagang kabisado na siya ni Miguel. Alam nitong makakalimutin siya at may mga panahon na bumabalik sila sa opisina dahil may mga gamit niyang nakalimutan na bitbitin.Tiningnan niyang muli ang mga gamit at saka ngumiti kay Miguel. "Wala na naman na Kuya Migs".Nagpunta na silang dalawa sa Marikina unang puntahan ang isa nilang rental property nila doon. Nagkaroon kasi ng issue ang mga tenant na may nanakawan daw at gustong makakuha ng kopya ng CCTV para maipakita sa barangay.Nang makarating si Sofia sa gate ay bumaba na siya at pinuntahan ang mga tenant. Habang si Miguel naman ay nagpaiwan na sa
Nang kumalma sila at naupo si Les sa tabi ng kama. “Damn Theo, sino si Sofia?” may hapdi sa kaniyang kalooban sa hindi inaasahang pangyayare. Siya ang kasama pero ibang pangalan ng babae ang binanggit nito. Alam naman ni Les na hindi siya dapat masaktan at malinaw sa kaniya kung anong mayroon sila. Ngunit mapapadalas ang pagtatalik nila ni Theo at nasasanay na ito sa hawak ng binata kung kaya sa puso niya ay hindi ito tama.Kahit pa patay ang ilaw at alam ni Les na nakatingin ang binata sa kaniya. “You don’t have the right to question me. Alam mo kung ano ka lang sa buhay ko.” Marahas na tumayo si Theo at pumasok sa banyo pagkabukas ng ilaw nito.Napaismid na lamang si Les at isinantabi ang nararamdaman. Mas mahalaga ang init na nararamdaman niya ngayon kaysa sa pride niya. Alam naman niyang hanggang ganito lamang ang kayang ibigay ni Theo at tatanggapin niya iyon para maibsan din ang sensuwal na ito.Sinundan niya si Theo sa banyo at makailang beses pa silang nagtalik. Kahit pa pala
Napangisi naman si Theo sa komento ng matanda. “Wala po ito Mang Berto. Kayo talaga. Isusumbong niyo na naman po ako sa dalawa.” Pinapatungkulan niya ang mga magulang na siguradong maiintriga na naman sa mga kwento ng matanda.“Parang may kakaiba kasi sa iyo, anak. Saan ka ba galing, nga pala?” Pag-uusisa nito.Kinuha ni Theo ang meryendang nakalagay sa kitchen countertop. “Sa publishing house po. Nag-uumpisa na po kasing ayusin ung librong isinulat ko noong nakaraang taon.” Bahagi niya. May tatlong nobela siyang isinulat na hindi pa nailalathala kung saan napagdesisyunan niyang isang libro kada taon ang kaniyang ilalabas kahit pa marami siyang magawa sa isang taon.“Nabalitaan ko ay hindi na si Monty ang editor mo. Mabuti naman at nakinig na sa akin ang matandang iyon. Ang nais yata ay mamatay siyang hawak ang papel at pluma.” Pailing iling si Mang Berto.Nang maalala ni Theo ang nangyare sa opisina, napahawak siya sa kaliwang pisngi at ngumisi. Ramdam niya pa rin ang malambot na pal
“Mang Berto, maaari niyo po bang linisin ang sasakyan ko bago iparada?” Inabot niya ang susi sa matandang nasa cincuenta y cinco na. Ang sasakyan niya ay isang Toyota Fortuner na kulay itim. Matte ang kulay nito at tinted ang mga salamin. Pinaayos niya ito pagkatapos bayaran ng cash sa isang bilihan ng mga sasakyan sa Bulacan para umayon sa kaniyang gustong maging itsura.‘Sige Theo. May lakad ka pa ba ngayong araw?” tanong ng matanda. Halata na sa balat at kilos nito ang edad pero nandoon pa rin ang kakisigan sa pangangatawan. Kapag tinitigang mabuti ay may mga maliliit pa ring ulbok ito sa dibdib at braso na bunga siguro ng pagtatrabaho sa bukid.“Wala na po. Pagkalinis niyo po ay itabi niyo na rin po siguro. Pero kung gusto niyo pong gamitin sa pamamalengke, ayos lang po”. Magalang nitong sagot. Tila ibang-iba ang ugali ni Theo kanina sa opisina sa ngayon na nasa bahay na siya.“Nako ayos na sa amin ang electric bike. Baka magasgasan pa ito sa palengke.”Matapos iyon ay ngumiti nal