Maynila – Abala, mabagal na trapiko, at higit sa lahat, napakainit.Lahat ng Pilipino ito ang reklamo sa Maynila. Sa pangit na pamamahala ng gobyerno, hindi malabong na isa ang Pilipinas sa “Third World Country” kung tawagin. Ano pa nga bang bago doon? Sa dami na ng presidente na namuno dito, iisang lang naman talaga ang may malasakit. At isa na sa mga patay na pinuno iyon.Nagtimpla ng kape si Sofia sa kusina na kanilang opisina. May Barista Express silang ginagamit kaya kalidad na kape ang kanyang naiinom palagi. Hindi na niya kailangan pang magpunta ng Coffee Shop para lang makatikim nito. Isa pa, libre at sariling timpla pa niya ang magagawa.“Sofia,” pagkaway ng Manager ni Sofia sa kaniya. Siya si Sir George, matalik na kaibigan ng ama ni Sofia. Si George Alcantara ang manager at may-ari ng Lexa House and Publishing na nakatayo sa Quezon City na nasa isang dekada na mula nang itinayo. Bagong renovate ang gusali dahil nagdiwang ito ng ika-sampung taon at nais ng pamahalaan ng nego
Terakhir Diperbarui : 2025-08-06 Baca selengkapnya