Affair with Editor-in-Chief

Affair with Editor-in-Chief

last updateปรับปรุงล่าสุด : 2025-08-08
โดย:  Maegamiอัปเดตเมื่อครู่นี้
ภาษา: Filipino
goodnovel16goodnovel
คะแนนไม่เพียงพอ
9บท
1views
อ่าน
เพิ่มลงในห้องสมุด

แชร์:  

รายงาน
ภาพรวม
แค็ตตาล็อก
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป

คำโปรย

Steamy

Playboy

Affair

Sofia is an editor known for her discipline and closed-off heart. Theo, the bestselling romance novelist she’s assigned to, is charming, intuitive, and dangerously flirtatious. As they revise scenes together late at night, the tension between them grows—blurring the line between fiction and real desire.

ดูเพิ่มเติม

บทที่ 1

Chapter 1

Maynila – Abala, mabagal na trapiko, at higit sa lahat, napakainit.

Lahat ng Pilipino ito ang reklamo sa Maynila. Sa pangit na pamamahala ng gobyerno, hindi malabong na isa ang Pilipinas sa “Third World Country” kung tawagin. Ano pa nga bang bago doon? Sa dami na ng presidente na namuno dito, iisang lang naman talaga ang may malasakit. At isa na sa mga patay na pinuno iyon.

Nagtimpla ng kape si Sofia sa kusina na kanilang opisina. May Barista Express silang ginagamit kaya kalidad na kape ang kanyang naiinom palagi. Hindi na niya kailangan pang magpunta ng Coffee Shop para lang makatikim nito. Isa pa, libre at sariling timpla pa niya ang magagawa.

“Sofia,” pagkaway ng Manager ni Sofia sa kaniya. Siya si Sir George, matalik na kaibigan ng ama ni Sofia. Si George Alcantara ang manager at may-ari ng Lexa House and Publishing na nakatayo sa Quezon City na nasa isang dekada na mula nang itinayo. Bagong renovate ang gusali dahil nagdiwang ito ng ika-sampung taon at nais ng pamahalaan ng negosyos lalo na si George na maging bagong mukha ito at hustong makilala sa buong Pilipinas sa larangan ng literatura at kumpanyang tagapaglathala. At hindi naman sila nagbibiro dahil mas lalong nakilala ang Lexa House and Publishing at dumami ang nakuha nilang manunulat para sa kanila maglathala ng mga librong naisulat. Sila rin ang gumagawa ng mga okasyon para sa tinatawag na book signing nito. Marami silang ginagawang marketing strategy upang makilala ng husto ang manunulat at mas marami ang tumangkilik ng libro nito. At dahil doon, marami ang kanilang mabebentang kopya.

“Around 1pm ang meeting mo kay Theo today. Pero nabanggit niya na mahuhuli siya dahil sa traffic. Galing pa kasi siya ng Pasay.” Sabi ni George ng makalapit na ito sa pwesto ni Sofia sa kusina.

“Ayos lang Uncle, wala naman akong appointment mamaya. Hihintayin ko nalang siya bago magpunta sa Marikina. Pinapasuyo kasi ni Dad yung isang property doon. May nagreklamo raw na tenants dahil may nanakawan. Ipapa-check ko lang iyong CCTV.” Tugon ni Sofia na siya naming higop ng mainit na kape na kakatapos lang niyang gawin. Bahagyang naasihan siya sa gawa niya dahil hindi niya namalayan na madami na ang na-extract niya sa coffee beans at hindi niya ito nahinto agad. Pero hinayaan niya na lang din dahil sayang naman.

“Just a heads up, anak. Palabiro si Theo. Minsan off na iyong mga hirit niya kasi may iba na hindi siya gustong kausap. Kapag pakiramdam mong nababastos ka na, sabihan mo ako at ako na ang bahalang pagalitan siya. Pero alam ko naman din na kaya mo iyong mga ganoong tao kaya ikaw ang napili kong pumalit kay Monty.” Pagpapaliwanag ni George. Inaanak niya si Sofia sa binyag, ngunit ayaw nitong nagpapatawag ng ninong dahil kapatid ang turing nito sa tatay ni Sofia. Kaya kahit pa inaanak niya si Sofia, mas gusto ni George na Uncle ang tawag sa kanya ng dalaga.

“Walang problema, Unlce George. Ako pa ba?” Sabay tawanan nila.

Ginulo-gulo naman ni George ang buhok ni Sofia kaya nagusot ito. Napabusangot naman ang dalaga na mas lalong ikinalakas ng tawa ni George.

“O, sige na. May lakad pa kami ni Tita Rose mo. May pwesto na naman siyang nagustuhan na gagawin niyang boutique store. Balitaan mo nalang ako anak kung anong ganap sa meeting niyo ni Theo.” Tapik nito sa balikad ni Sofia. Tumalikod na ito pero may naalalang sabihin kaya pumihit ulit at hinarap siya. “Nga pala, baka dumaan dito si Kuya Migz mo, sa kanya ka na sumabay umuwi. Kung gusto mo magpasama sa Marikina, mas Maganda para hindi ka na mamasahe. At pagkatapos at dumiretso kayo sa bahay. Doon ka na maghapunan. May good news akong ibabalita.” Malaki ngiti nitong sabi sa kanya.

“Sige po Uncle. Ingat po kayo.” Kumaway na siya at bumalik sa office niya.

Dahil sa isa si Sofia sa magagaling na editor-in-chief, may sarili siyang opisina at may sariling oras sa pagpasok. Kahit naman kasi sa gabi ay nagtatrabaho siya basta sinipag o hindi makatulog. Gustung-gusto niyang magsulat at makabuo ng libro ngunit wala siyang istorya na sa tingin niya ay papatok sa masa.

Tumingin siya sa orasan ng dingding ng opisina. “Alas dose,” bulalas niya.

Binasa niyang mula ang nobela ni Theo at sa imahinasyon niya, pakiramdam niya at tunay itong nangyayare. Bawat detalye, pagpili ng salitang gagamitin, pati ang emosyon. Nandoon lahat. Marahil pa at sinusulat niya ito habang nangyayare.

Napalunok siya ng maisip niya iyon. Naging interesado tuloy siya kung anong klaseng tao si Theo. Sa isip ni Sofia, talented ito sa pagsusulat. Hindi basta kung sino lang na sumulpot at nagsulat sa Internet.

Pumikit siya ng mariin ng maramdamang pumitik ang kanyang sentido. Sa halip at uminom siya ng tubig at tumayo. Balak na naman niyang kumuha ng kape ngunit natigilan siya ng tumunog ang kanyang telepono.

“Hello. Sofia speaking.” Bungad niya.

“Hi Iya!” Masayang bulalas ng kausap niya sa kabilang linya.

Nakilala niya agad na boses nito kaya napangiti na rin siya sa bati nito.

“Hello Kuya Migz!” Sagot niya. Nagtaka siya kung bakit numero lang ang lumabas sa screen ng telepono niya. “Bakit iba ang number mo? Nagpalit ka?” tanong niya.

“Hindi. Number ito ng kasama ko sa work. Namatay na kasi ung phone ko kaya hindi kita matawagan. Wala akong charger na dala, e. Buti saulo ko ang number mo. Papunta na ako diyan, siguro mga isang oras. Hintayin mo ako, ha? Ba-bye na.” Dire-diretso nitong sabi kay Sofia. Napatulala na lang siya sa mga impormasyong narinig niya. Nangiti na lamang siya at napailing ng kusa. Si Kuya Migz talaga, isip niya.

~~

Bago pa man mas ala-una ng hapon ay dumating na si Theo. Pumasok ito sa opisina ng Lexa House and Publishing. Dahil ang opisina ni Sofia ay tanaw ang glass door entrance ng main building, Nakita niya agad ito. Dali-dali siyang lumabas ng opisina niya at sinalubong si Theo.

“Hi Theo, I’m Sofia Reyes. Your new editor. Ako rin ang editor-in-chief ng company bukod kay Monty na nag-retire na. Nice to meet you.” Nilahad ni Sofia ang kamay upang makipagkamay kay Theo.

“Hi Sofia. I’m Theo.” Maikling sagot nito na hindi man lang ngumiti at nakatingin lang sa kanya ng mairiin. Inabot nito ang kamay ni Sofia na bahagya namang nag-alangan ang dalaga dahil sa matagal na titig nito at pagpisil nito sa kamay niya.

Binawi ni Sofia ang kamay niya ng pabagyang marahas para matauhan ang kaharap. Nagpakurap kurap naman ito at unti unting ngumiti nang nakakaloko.

แสดง
บทถัดไป
ดาวน์โหลด

บทล่าสุด

บทอื่นๆ

ถึงผู้อ่าน

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

ความคิดเห็น

ไม่มีความคิดเห็น
9
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status