Share

CHAPTER 10

Kasalukuyan siyang naka-duty ngayon, medyo busy sila dahil marami-rami ang customer dahil sabado. Mabuti na lang din talaga ay may mga intern sila na makakatulong.

May panibagong pumasok na customer at awtomatikong binati niya ito. Inasikaso niya ang isang lalaki para makaupo sa bakanteng table.

"Good evening po, ito po ang menu, sir," nakangiting sambit niya at inabot ang menu.

"Oh?" Napatingin siya sa lalaki dahil nakakunot itong nakatingin sa kaniya. "You're the girl in the ramen restaurant. The one who stared at me obviously," he laughed. Nanlaki ang mata niya nang mamukhaan ang lalaki.

"You remember me?" nakangiting tanong pa nito. Nahihiyang tumango siya rito at iniwas ang tingin sa lalaki.

"So, I'll order one triple cheese baked mac, hot stone steak, and one can of coke zero." Nilista niya ang mga sinabi nito para hindi makaligtaan.

"Noted sir. I'll be back with your order," sambit niya at yumuko rito. Tinanguan lang siya nito habang nakangiti. Pinasa niya agad ang order sa kit
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status