Home / Romance / After Divorce: Lost in Lust and Love / Kabanata 5 Miraculously Pregnant

Share

Kabanata 5 Miraculously Pregnant

Author: Docky
last update Last Updated: 2026-03-06 09:26:23

“So, bakit bigla ka na lang nawala noong gabing ‘yon?” bungad ni Cy kay Serene pagkaupo nila sa isang table sa loob ng coffee shop.

“Ah.” Mabilis na napaiwas ng tingin si Serene sa kaniyang kaibigan. Abala siya kunwaring tingnan ang paligid ng coffee shop. “Inantok ako, Cy. Umuwi agad ako. Sabi ko naman sa’yong wala ako sa mood,” palusot niya at saka inabot ang juice na nasa lamesa. Sumimsim siya roon ng marahan.

“Inantok?!” OA na reaksyon ni Cy. “Inantok ka sa mga g’wapong nasa harapan mo, Serene?! Jusko naman, sana tinikman mo si Don! Masasarap sila, mag-eenjoy ka!”

Halos pumasok ang juice sa ilong ni Serene dahil sa kaniyang narinig, paulit-ulit siyang napaubo. “Kung alam mo lang, Cy na sobrang nag-enjoy ako nang gabing ‘yon…baka sabunutan mo ako,” bulong niya sa sarili. Alam niyang hindi niya na dapat sabihin pa iyon kay Cy dahil hindi siya titigilan nito sa katatanong. Ayaw rin naman niyang maalala ng kaibigan ang kagagahan niya nang gabing ‘yon!

“So, bakit tatlo ang drinks na inorder mo? May iba ka pa bang i-me-meet today bukod sa akin?” pagbabago ni Serene ng usapan bago pa kung ano ang masabi ng bibig niya at lalo na ang kaibigan niyang may pagkabastos ang mga salitang binibitiwan. Nasa public place pa naman sila at may iba ng napapatingin sa p’westo nila.

“Yes! Anak siya ng boss ko. You know, pinagkatiwala siya sa akin and… guess what?”

Tumingin si Serene kay Cy at tinaasan niya ito ng kilay. May kuryoso rin na bumalagtas sa kaniyang mga mata dahil sa paraan ng pagsasalita ng kaibigan niya. “What?”

“Well, hindi ako sure kung totoo pero narinig ko minsan na handa siyang pakawalan ang lahat ng mana niya para sa isang tao.”

“Huh? Ang tanga naman pala niya. Kung ako ang magmamana ng milyon-milyon ay mas pipiliin ko ‘yon,” mabilis na sabi ni Serene.

Sabay silang nagkibit-balikat.

“Shh! H’wag kang maingay. Nand’yan na s’ya!” pigil ni Cy nang akmang magsasalita pa ulit ang kaniyang kaibigan.

Sabay silang umayos ng upo at tumikhim.

“Here!” tawag ni Cy sa paparating na kung sino sa likod at kumaway pa siya na parang hindi nila iyon pinag-uusapan kanina.

Naramdaman ni Serene ang pagtayo ng sinasabing anak ng boss ng kaibigan niya sa kaniyang likuran. Mabilis na humalik ang pamilyar na pabango sa ilong niya kaya medyo kinabahan siya. Marahan siyang lumingon sa gawi ng kung sinong nakatayo sa likuran niya at unti-unting nanlaki ang kaniyang mata. ‘Arison?!’ sigaw niya sa sariling isip, hindi siya makapaniwala sa kaniyang nakikita.

“Come here, maupo ka na,” aya ni Cy at pinalo ang katabing upuan, ngunit sa halip na maupo ang lalaki doon ay sa tabi ito ng kaibigan niya umupo.

‘Ano sa tingin niya ang ginagawa n’ya?’ sigaw ni Serene sa kaniyang isip. Gusto niyang samaan ng tingin at itulak ang lalaki para sa tabi ni Cy ito maupo pero hindi niya iyon nagawa.

‘Bakit siya pa?! Magkakilala sila?!’ Nag-pa-panic na si Serene, pero pinanatili niyang kalmado ang kaniyang hitsura.

Tumingin si Cy kina Serene at Arison kaya mas napaupo si Serene ng diretso lalo na ng magpalipat-lipat ang tingin niya. Agad na rumehistro sa mukha niya ang kaguluhan. “Magkakilala ka’yo?” tanong niya habang titig na titig pa rin sa dalawa.

“Hindi!” mabilis na sagot ni Serene.

“Yes," kalmado namang sagot ni Arison.

Mas lumala ang kunot ng noo ni Cy sa sagot ng dalawa.

“Bakit hindi na lang siya magpanggap na hindi kami magkakilala?” inis na bulong ni Serene.

Nalipat ang tingin ni Cy kay Serene at tinaasan niya ito ng kilay. Halatang nakakaramdam na siya ng kakaiba sa pagitan nina Arison at ng kaniyang kaibigan. “Ano ba talaga? Magkakilala kayo o hindi?”

“We know each other, Cy,” sagot ni Arison at unti-unting gumapang ang kamay niya sa hita ni Serene. “We…” Lumingon siya at ngumisi. “...meet each other once.”

Nakahinga naman si Serene ng maluwag. Akala niya ay sasabihin na ni Arison ang tunay nilang ugnayan sa isa't-isa.

Nawala rin ang kunot sa noo ni Cy. “Oh… Kung makatanggi naman si Serene, akala ko ay may nangyari na sa inyo,” sabi niya.

Mabuti nalang at walang iniinom na kung anuman si Serene ng mga oras na ‘yon dahil kung hindi ay baka nabugahan niya ng juice ang kaniyang kaibigan. “Ehem, h-hindi naman sa gano’n,” maikling sagot niya at agad na tinapakan ang paa ni Arison sa ilalim ng lamesa dahilan para ito naman ang maubo sa iniinom na kape.

“Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Cy at inabutan agad ng tissue ang anak ng boss niya.

“Masakit… I mean…mainit ang kape, napaso ako,” palusot ni Arison at pinisil niyang muli ang hita ni Serene na nakapagpaigtad ulit dito.

“You’re acting weird, Arison,” naiiling na sambit ni Cy at nagsimula na silang mag-usap ng mga bagay na walang kinalaman si Serene kaya mas pinili na lang nitong manahimik sa gilid.

~~~~

“Sige na, mauna na ako sa inyo. Marami pa akong aasikasuhing trabaho,” sabi ni Cy at niyakap si Serene. “Let’s meet again once we both have free time, okay?”

Mabilis na tumango si Serene at kumaway siya kay Cy. Nang makalayo ito ay agad siyang humarap kay Arison. “Mag-usap nga tayo!” Inis niyang tiningnan ang binata.

“Sure, come with me. Sa kotse na tayo mag-usap, ihahatid na rin kita,” alok ni Arison.

Pumayag naman si Serene at naglakad na sila kung saan naka park ang kotse ni Arison. Nasa kalagitnaan palang sila ng byahe ay agad na siyang nagsalita at hinarap ito. “Don’t tell Cy what happened between us. Hindi ko alam kung gaano kayo ka-close sa isa’t-isa pero hindi ko gustong malaman niya ang tungkol do’n,” panimula niya.

Huminto sa pagmamaneho si Arison at tumingin sa p’westo ni Serene. Medyo disappointed ang mukha niya pero tumango pa rin siya.

“Fine. So kailan tayo ulit magkikita? I mean, tayong dalawa lang in some… private place?” makahulugang tanong ni Arison at unti-unting yumuko palapit. Halata ang pang-aakit niya kay Serene sa paraan ng pangisi niya.

“Bakit mo ba ginagawa ‘to? Wala ng dahilan para magkita tayo ulit,” naguguluhang tanong ni Serene. Hindi na niya alam kung paano lulusutan ang gulo dahil lang sa isang gabing kagagahan niya.

“Because I want you, Miss Serene,” bulong ni Arison at mas inilapit pa sa ang mukha niya rito.

Ang pagmamatigas ni Serene ay agad na natunaw at kusang unti-unting pinikit ang kaniyang mga mata. Ngunit nang makaramdam siya ng pagkahilo ay muli siyang nagmulat. Para na rin siyang nasusuka.

“W-Wait!” Agad na naitulak ni Serene ang lalaki at sinapo ang kaniyang bibig. Pinipigilan niyang lumabas ang hindi dapat sa kaniyang bibig.

“Anong nangyayari, ayos ka lang ba?” tanong ni Arison at sinapo ang dalawa pisngi ni Serene. “Namumutla ka, anong nararamdaman mo?”

“A-Ayos lang ako. Medyo nahilo lang at nasusuka…” Pinilit ni Serene na huwag masuka sa loob ng kotse at paulit-ulit na lumunok.

“Hindi kaya buntis ka?” pabirong tanong ng binata. “Marami rin akong naiputok sa loob mo noong gabing ‘yon—”

“Ang bastos mo!” asik ni Serene kay Arison. Umayos siya ng upo. Ramdam niya ang pagkalat ng init sa mukha niya dahil sa hiya. “May sakit ako at imposibleng mabuntis ako kaya huwag kang mag-alala. Hindi kita bibigyan ng responsibilidad.” Inirapan niya ang lalaki.

“Pero…”

“Stop. Tapos na tayong mag-usap. Kung maari ay huwag na tayong magkita. Isang pagkakamali ang nangyari sa atin noong gabing iyon,” mabilis na sabi ni Serene. Ayaw niyang marinig pa ang sasabihin ng lalaki dahil alam niyang imposible ‘yon. She has endometriosis. It's impossible for her to conceive.

“H-Hey! That’s unfair!” sigaw ni Arison pero hindi na siya pinansin ni Serene at tuloy-tuloy itong naglakad palayo sa kaniya.

“Ako? Mabubuntis? Imposible,” bulong ni Serene at umiling. Ayaw niyang umasa sa isang bagay na alam niyang wala ng pag-asa.

Pagkauwi ni Serene ay hindi pa rin nawala ang pagkahilo at pagsusuka niya kaya napilitan na siyang kumunsulta sa doktor.

“Indeed, you are pregnant Miss Choi,” anunsyo ng doktor na halos makapagpatigil ng mundo ni Serene.

“What?!” gulat na tanong ni Serene. “Doc, I guess there was a mistake. I am not capable of carrying a child in my womb. I have endometriosis.”

“Ang sakit na endometriosis ay nakakaapekto sa fertility pero hindi naman imposibleng mabuntis ka, Miss Choi. If you have mild endometriosis, there's a thirty to forty percent chance of pregnancy. If severe naman ang case mo, there's still a ten to twenty percent chance of being pregnant,” paliwanag ng doktor.

Nag-init ang gilid ng mga mata ni Serene. Hindi siya makapaniwalang posible pa ring magdalang-tao siya. Ilang taon din nilang sinubukang makabuo ni Dylan pero hindi sila biniyayaan ng anak kaya nawalan na siya ng pag-asang magkakaroon pa siya ng pag-asang mabuntis. They tried several times tapos nagkamali at nagpakagaga lang siya ng isang gabi sa mas bata sa kaniya, nabuntis agad siya!

“B-Buntis po ba talaga ako, doc?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ni Serene.

Tumango ang doktor. “Yes, ‘yon ang lumalabas sa resulta. Pero hintayin natin ang resulta ng isa pang serum test para mas masigurado natin. Hintayin mo na lang ako sa waiting area.”

Nang makaalis ang doktor ay hindi mapigilang maluha ni Serene. “B-Buntis ako…M-Magiging ina na ako. Ang matagal ko ng pangarap na magkaroon ng anak…ma-matutupad na? Sana ay hindi ako nananaginip.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 15

    Pagkahinto pa lang ng kotse sa parking lot ng mall ay akma nang bubuksan ni Serene ang pinto nang pigilan siya ni Arison, magkasalubong ang mga kilay nito.“Stay still, I will open the door for you,” reklamong wika ni Arison, saka nagmamadaling lumabas ng kotse at umikot para pagbuksan si Serene ng pinto.Hindi mapigilan ni Serene na mapahagikgik sa kakulitan ni Arison sa mga bagay-bagay. Para sa kaniya ay hindi naman obligado ang lalaking gawin ang mga iyon lalo na at hindi rin naman niya nakasanayan ‘yon sa dati niyang karelasyon.“Here, hold my hand,” nakangiting sabi ni Arison habang nakalahad ang kaniyang palad sa harap ni Serene. Gusto niya itong alalayan pati sa paglabas ng kotse.Napahinga na lang si Serene at wala siyang nagawa kung hindi ang abutin at tanggapin ang naghihintay na kamay ni Arison. Marahan siyang kumilos palabas ng kotse pero mabilis naman niyang hinarap si Arison. “Hindi mo naman kailangang gawin ang mga ganitong bagay, kaya ko namang alagaan ang sarili ko—”

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 14

    “Welcome to my house, my dear wife!” masiglang sabi ni Arison pagpasok nila sa bahay niya. Agad namang ginala ni Serene ang mga mata niya sa malawak na living room. Kung tutuusin ay parang buong apartment na niya ‘yon. Marami rin ang display na mga miniatures doon na halatang mamahalin. Malayong-malayo iyon sa kung anong mayroon si Dylan noon… sa kung anong mayroon din siya.“Come in, don’t hesitate! Simula ngayon ay bahay mo na rin ito kaya dapat ay maramdaman mong welcome na welcome ka rito,” excited na dagdag pa ni Arison na nakapagpangiti kay Serene.Ang pagdadalawang-isip ni Serene na humakbang pa papasok ay nawala na. Tuluyan na siyang pumasok sa loob. Napahinto siya sa tabi ng isang painting at tinitigan iyon. “Ang lawak, maganda, at ang linis ng bahay mo. Mukhang komportableng tumira rito,” komento niya.Ngumisi naman si Arison at lumakad papunta sa tabi ni Serene at walang pasabing ipinulupot ang dalawang braso sa magkabilang bewang nito habang ang baba niya ay pinatong niya

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 13

    “S-Sandali, Arison!” pigil ni Serene sa binata nang makarating sila sa harap ng building ng registrar. “S-Sigurado ka ba sa balak mo? Pinag-isipan mo ba nang maayos ‘to o baka naman nabibigla ka lang,” sunod-sunod na tanong niya rito. Ayaw niyang… baka nabibigla lang si Arison sa mga bagay na nangyayari at bigla itong magsisi sa bandang huli.“Gusto kitang pakasalan, Serene. Seryoso ako,” diretsong sagot ni Arison habang nakatingin sa mga mata nito.“I’m a divorced woman. Mas matanda rin ako sa’yo ng sampong taon, Arison. Bata ka pa. Mayaman, matalino at nagmula sa mayayaman at respetadong mga angkan. You deserve someone better than me,” ani Serene ngunit ngumiti lang si Arison.“Still, I want to marry you,” seryosong sambit ni Arison nang walang pagkabahala.“I’m your tutor when you’re still a student—”“So? I want to marry you, Serene.” Puno pa rin ng paninindigan ang boses ni Arison. Hindi nawawala ang ngiti sa labi at mata niya.Ngunit naroon pa rin ang pangamba ni Serene. Hindi n

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 12

    “The fetus has a rare blood type, so the mother of the baby needed more rest and care,” anunsyo ng nurse na nakakuha muli ng atensyon ng lahat.“Rare blood type?!” gulat at parehong sigaw nina Karen at Dylan.“Yes,” mabilis na sagot ng nurse at pinakita ang hawak niyang papel. “Ang ganitong pangyayari ay kung pareho ang mga magulang ng blood type kaya nagiging rare ang dugo ng bata,” paliwanag niyang dagdag kaya mabilis na lumakad palapit si Karen.“Akin na ‘yan.” Nagmamadaling kinuha ni Karen ang resulta ng test mula sa kamay ng nurse at binasa ‘yon. Nangunot ang kaniyang noo. “Imposible ‘to. Ikaw at si Ashley ay walang gano’ng klase ng dugo!” naguguluhan niyang sabi.Agad na lumapit sa tabi ng kaniyang ina si Dylan at kinuha rin ang test result. Mabilis niyang pinasadahan ng tingin ang bawat salitang nakasulat doon.“Paanong naging rare blood ang apo ko?!” giit ni Karen, naguguluhan pa rin sa nangyayari.Napaismid naman si Serene at tumingin sa nakangising si Arison na nanonood lang

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 11

    Naitikom ni Serene ang kaniyang bibig habang nakatingin siya kay Arison. Napayuko siya at mahigpit niyang hinawakan ang papel kung saan nakusulat ang resulta ng kaniyang tests na nagpapatunay na buntis nga siya. Napalunok siya ng laway para basain ang nanunuyo niyang lalamunan at huminga ng malalim bago niya muling inangat ang tingin niya kay Arison na nakatingin pa rin sa kaniya ng malalim at puno ng pag-aalala.“B-Bakit ka nandito?” naguguluhang tanong ni Serene. Alam niyang hindi naman dapat madamay ang lalaki sa gulo niya. Ngunit sa halip na sagutin siya nito ay kinuha nito ang papel sa kamay niya at binasa ‘yon habang unti-unting nagsasalubong ang kilay nito. Mas lalong kumabog ng malakas ang dibdib niya sa reaksyong nakita niya mula rito kaya muli siyang nagsalita. “A-Alam kong ayaw mong magkaroon ng anak. Hindi ako nagsisinungaling nang sabihin ko sa’yo noong gabing ‘yon na hindi ako p’wedeng magbuntis dahil mayroon ang sakit—” Hindi na niya naituloy ang sinasabi niya nang bigl

  • After Divorce: Lost in Lust and Love   Kabanata 10

    Gustong magmura ni Arison ngunit pinanatili niyang kalmado ang kaniyang sarili at mas inayos ang kaniyang pagmamaneho. Kailangan niyang makarating ng ligtas kung nasaan si Serene.“Kung may lalaki mang gugusto sa’yo, baka isa siyang walang k’wentang lalaki at wala siyang kayang patunayan sa buhay. Aasa lang siya sa’yo at sa pera mo para mabuhay. In short, gagawin ka lang niyang sugar mommy,” dagdag na insulto pa ni Dylan kay Serene.Kumawala ang malakas na tawa ng ina ni Dylan mula sa kabilang linya. “Tama! Isang babaeng baong at malandi at isang lalaking walang pera. Bagay na bagay!” komento niya na hindi pa rin tumitigil sa pagtawa. “Mga gano’ng lalaki ang bagay sa’yo, Serene!”Gusto mang manatiling tahimik ni Serene ay hindi na niya napigilan ang sariling tumayo at tumingin nang diretso sa mag-ina. “Sinasabi ko sa inyo, hindi isang walang k’wentang lalaki ang ama ng mga anak ko! Ang ama ng mga anak ko ay si Arison Gray!” diretso niyang anunsyo. Taas-noo niya ‘yong binigkas.Saglit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status