LOGIN“Balae!” Nangunguna ang maarteng boses ni Arya ng makita ang ina ni Rain na nakatayo sa gilid. “Ang ganda-ganda mo sa dress mo, sabi na nga ba at bagay na bagay sa’yo ‘yan, diba?” Lumingon pa si Arya kay Serene na nakangiti rin na nakatingin sa kanila.Ngayon ang kasal nila Jam at Rain, ngunit napa-registered na nila ang kasal kaya gano’n na lang ang lakas ng loob ni Arya na tawaging balae ang ina ni Rain.Mabilis na tumango si Serene. “Ano pa po ba ang inaasahan, e ikaw po ang pinakamagaling pagdating sa fashion world. Isa pa, ang ganda rin kaya ni tita kaya talagang bagay na bagay sa kaniya ‘yan!”Nahihiya ang ina ni Rain habang pinagsiklop ang mga daliri niya. “N-Nako, masyado ninyo naman akong binobola. Hindi naman ako maganda, sadyang maganda lang ang dress kaya siguro nagmukha akong disente.”“Ano ba ang sinasabi mo! Lahat ng pamilya natin ay maganda!” Sambit ni Arya at lumapit na kay Rain na inaayos na lang ang buhok at handa na ang lahat.Ilang minuto na lang din at magsisimul
“Where are you?” tanong ni Jam sa kabilang linya, anong oras na at walang Rain na bumabalik sa hospital. Nagsisimula na naman siyang kabahan, lalo na at anong oras na. “Sabihin mo kung nasaan ka at susunduin kita, nakabalik na rito si James pero hindi ka niya kasama.”“Nandito ako ngayon sa restaurant,” alangan na sagot ni Rain na animo’y ayaw pa sanang sabihin ang tungkol doon.“Restaurant? Anong ginagawa mo diyan, sinong kasama mo?” sunod-sunod na tanong ni Jam wala sa sariling napatayo mula sa upuan, maging mama tuloy ni Rain ay napalingon na sa kaniya ng may pag-aalala sa mga mata.“Kasama ko ang kapatid mo… at ang mama at papa mo,” habol pa ni Rain.Hindi alam ni Jam kung makakahinga siya ng maluwag o kakabahan dahil sa narinig, alam niyang nasa malapit lang si Arison ngunit wala siyang kaalam-alam na sumunod na rin ang mga magulang niya.“Sabihin mo sa akin ang address, pupuntahan kita riyan,” sambit niya at pinatay na ang tawag.Tumingin si Jam kay Mari at hinawakan ang kamay n
“What’s your plan?”Bitbit ang binili na mga coffee in can, hindi na pinalagpas ni James na kausapin si Rain tungkol sa plano. Tatanggapin naman niya kahit anong sagot ang marinig niya rito, gusto lang talaga niyang malaman kung ano ang mga susunod na mangyayari para alam din niya at mapaghandaan.“Balak ni Jam na ilipat si mama ng hospital, unti-unti na rin namang nagiging maayos ang lagay niya pero sempre hindi pa sa ngayon dahil kailangan pa ng matinding pahinga ni mama…” Medyo humina ang boses ni Rain.“Pasensya na talaga, hindi ko alam kung ano ang naisip ko para gawin ang bagay na ‘yon. Masyado lang siguro akong naging desperado, hindi ko agad naisip at nakita na kahit anong gawin ko wala talaga akong laban sa kaniya.”Nalalasahan ni James ang pait na kumakalat sa loob ng bibig niya, hindi dahil hindi pa rin niya tanggap na nagkabalikan na si Rain at Jam kundi sa ginawa niya sa mama ni Rain na pinilit gisingin.“Ilang beses ka ng humingi ng tawad tungkol sa ginawa mo na pagpilit
“Mga palpak kayo!” Asik ni Hailey sa mga lalaking puro pasa ang mukha at sugat ang katawan. “Ano, para saan ang binayad ko sa inyo? Simple lang naman ang utos ko, takutin ninyo siya at palabasin na si Rain ang nagutos sa inyo!”“M-Ma’am, hindi sa gano’n! Ginawa namin ang utos ninyo, tinakot namin siya, pero hindi namin akalain na may darating siyang mga kasama!” Paliwanag ng isa at mabilis na lumuhod sa harapan ni Hailey. “Sinunod namin ang utos mo, pero wala sa usapan na may mga kasama siya—”“Sinasabi mo bang kasalanan ko pa at hindi ninyo nagawa ng maayos ang trabaho ninyo?! Kahit may mga dumating siyang kasama, hindi ba dapat ay handa kayo? Ang sabihin ninyo ay mga wala lang talaga kayong k’wenta!” Asik niya at dinuro ang mga lalaki sa harapan niya. “Ibalik ninyo ang pera na binayad ko sa inyo, ngayon na!”Pagak na natawa ang isa sa mga lalaki, tumayo ito at nagsimulang humakbang palapit kay Hailey dahilan para mawala ang tapang sa mukha ni Hailey at unti-unting napaatras. Ang kan
“Rain?” tawag ni James. Kararating lang niya at may bitbit na paper bags. Ang mga mata ni James ay nakatutok ngayon kay Jam na nakatayo sa gilid ni Rain. May maangas at nagmamalaking ngisi na nakapaskil sa mga labi nito. Ang kanang braso rin nito ay malayang nakapulupot sa bewang ni Rain, animo’y may aagaw rito anumang oras. At hindi niya hahayaang mangyari iyon.“J-James, si Jam... sumunod siya rito,” sambit ni Rain kahit halata naman iyon. “Hindi kita nasabihan dahil nagulat din ako. Maraming tinanong si Mama at nag-usap din kami. Nagpaliwanag ako.”“You don’t need to explain,” sambit ni James. Sa wakas ay binitiwan na niya ang titigan nila ni Jam. “Wala naman akong magagawa kung gusto niyang sumunod dito,” makahulugan niyang sabi.“Of course,” sabat ni Jam mula sa gilid. Mas hinapit pa niya si Rain palapit sa kaniya. “Sino ka nga naman para makialam sa gusto kong gawin? Sino ka para pigilan ako? Susundan ko ang fiancée ko kahit saan at kahit kailan ko gusto. Wala kang magagawa roo
“Explain yourself, Rain.” Humakbang pa palapit si Jam sa kaniya. “Sabihin mo lahat ng dapat mong sabihin, tulad ng sabi ko bago mo ako iniwan sa harap ng altar sa araw ng kasal natin.” “J-Jam,” bulong ni Rain, nawawala lahat ng balak niyang sabihin. Parang nalulutang ang utak niya sa paraan ng pagtitig ni Jam sa kaniya, naihanda na niya ang mga dapat niyang sabihin, lahat-lahat. Ngunit ngayon na oras na para sabihin ang mga salitang kinabisado niya ng paulit-ulit para maging maayos ang paliwanag niya, lahat ay parang naglahong bula sa utak niya. “Ano? Bakit hanggang ngayon wala kang masabi?” Naghahamon ang tono ni Jam na tanong sa kaniya. “Ayos na ang tungkol sa mama mo, ang gusto kong malaman ay bakit hindi mo sa akin sinabi ang tungkol sa problema mo? Bakit kailangan mong ipalabas na hindi mo na ako mahal at gusto kong malaman bakit mas pinili mong lumapit at humingi ng tulong sa lalaking ‘yon kaysa sa akin?” May pait ang huling salitang sinabi ni Jam. Sa dami ng mga bagay na
“Welcome to my house, my dear wife!” masiglang sabi ni Arison pagpasok nila sa bahay niya. Agad namang ginala ni Serene ang mga mata niya sa malawak na living room. Kung tutuusin ay parang buong apartment na niya ‘yon. Marami rin ang display na mga miniatures doon na halatang mamahalin. Malayong-m
“So, bakit bigla ka na lang nawala noong gabing ‘yon?” bungad ni Cy kay Serene pagkaupo nila sa isang table sa loob ng coffee shop. “Ah.” Mabilis na napaiwas ng tingin si Serene sa kaniyang kaibigan. Abala siya kunwaring tingnan ang paligid ng coffee shop. “Inantok ako, Cy. Umuwi agad ako. Sabi
Hindi alam ni Serene kung paano sila nakarating sa isang k’warto. Nakita na lang niya ang sarili niyang nakasandal sa pader habang muling inaangkin ni Arison ang kaniyang labi. Nagsimula na rin ang kamay nitong humaplos sa mga parte na tanging ang ex-husband lamang niya ang may karapatan. “Ahh! W-
“Here!” Kumaway si Cy kay Serene para makuha ang atensyon nito pagpasok pa lang sa bar. Agad naman niya itong nakita. Kanina pa siyang palinga-linga sa paligid na animo’y batang nawawala sa gitna ng maraming tao. “Cy, anong klaseng bar ‘to?” Puno ng pagtataka ang mukha ni Serene ngunit kalauna







