Share

Kabanata 4

Penulis: GreenRian22
last update Terakhir Diperbarui: 2024-11-26 11:09:59

Dasha's Point Of View.

Namatay si Mama dahil sa sakit sa puso, ilang taon niya na ring iniinda iyon ngunit masyado kaming mahirap para bilhin lahat ng gamot na kailangan niya. Naalala ko noon, palagi niyang sinasabi sa akin na mag-asawa ako ng mayaman. Alam niya kasing hindi niya ako mapagtatapos ng pag-aaral.

Kaya siguro isang golddigger ang palaging tinatawag sa akin ni Elias, dahil sa tingin niya ay pera lang ang habol ko sa kaniya. Kahit ilang beses kong sabihin na mahal ko siya, hindi niya iyon pinaniniwalaan.

Alam kong kaya palaging sinasabi sa akin ni Mama na mag-asawa ako ng mayaman ay dahil isang walang kwentang lalaki ang napang-asawa niya. Iniwan ni Papa si Mama noong nalaman niyang buntis ito, hindi pa raw kasi handang magpamilya.

Nakakatawang isipin na parehas kami ng landas na tinatahak ni Mama. . .

"Mama, magkakaroon ka na ng apo," bulong ko sa libingin niya habang hawak-hawak ko ang tiyan kong may kalakihan na. 7 months na akong buntis at ilang buwan na lang ang hihintayin ko para masilayan ko ang aking anak. "Alam kong ayaw mo akong matulad sa nangyari sa'yo, pero sorry dahil nabigo kita. Mahal na mahal ko si Elias, Mama. Pero anong magagawa ko kung may pamilya na pala siya?"

Naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata, kahit ilang taon na ang lumipas ngunit masakit pa rin ang pagkawala ni Mama. Sana ay nandito siya sa tabi ko para gabayan ako sa aking pagbubuntis dahil hanggang nyayon, pakiramdam ay hindi ko pa rin kayang maging isang mabuting Ina.

"I'm sure she's really proud of you," narinig kong saad ng kung sino at kahit hindi ako lumingon sa aking likuran ay alam kong si Samuel iyon.

Hindi ko maiwasang mapangiti, ang akala ko noong una ay isang beses niya lang ako tutuluyan. Ngunit sa ilang buwan na lumipas, napagtanto kong siya pa rin ang lalaking una kong minahal non, siya pa rin si Samuel na naging asawa ko sa loob ng isang taon. Hindi niya ako pinabayaan kahit na madalas ay abala siya sa kaniyang trabaho, hindi niya nakakalimutang tanungin kung ayos lang ba ako.

Siya ang bumibili ng mga cravings ko kahit na nahihiya akong magsabi dahil pera niya ang gagamitin para makabili, pero palagi niyang sinasabi na isipin kong tinutulungan lang ako ng isang matalik kong kaibigan. Nagpapasalamat talaga akong nandito siya sa tabi ko, dahil hindi ko alam kung makakayanan ko ba ang lahat ng 'to nang mag-isa lang.

Hapon na noong umalis kami ng seminteryo, tahimik lang ako sa loob ng kaniyang sasakyan na kaagad niya namang napansin.

"Kanina ka pa tahimik, what are you thinking?" tanong niya at lumingon sa akin.

Malakas akong bumuntong-hininga bago hinimas ang aking tiyan. "Ang baby ko..."

"Sinabi ko naman sa'yong handa akong tumayong maging Tatay ng anak mo," seryosong tugon niya, hindi ito ang unang beses na sinabi 'yon ni Samuel. Palagi nitong sinasabi na huwag na akong mag-alala dahil kaya niya namang maging Ama sa anak ko.

Alam ko namang kaya niya at alam kong mamahalin niya ang anak ko na parang sarili niya itong anak pero, "Anong sasabihin ng magulang mo? Hindi pa nga nila alam na sa condo mo ako nakikituloy."

"Don't worry about them, pwede tayong magpakasal ulit at saka natin sabihin sa kanilang may anak na tayo," saad niya na nagpakunot ng noo ko.

"Seryoso ka ba sa sinasabi mo? Alam mo namang mahal ko pa si Elias," inis kong sabi. "Huwag mong sayangin ang buhay mo para sa akin, ang daming babaeng magmamahal sa'yo. Sobra-sobra na ang pagtulong mo sa akin, hindi naman kailangan umabot pa sa puntong pakasalan ko ulit ako."

"Pero kaya ko ba silang mahalin katulad ng pagmamahal ko sa'yo?" pagtutol niya, "Wala akong pakialam kung mahal mo pa ang lalaking iyon, ang sa akin lang ay handa akong tumayong maging Tatay ng anak mo. Alam ko rin namang ayaw mong maranasan niya ang naranasan mo."

Natahimik ako dahil sa narinig, alam kong tama siya. Ayokong maranasan ng magiging anak ko ang lumaking walang Tatay, pero napakasarili ko naman ata para pakasalanan si Samuel kahit na sa puso ko ay hindi pa rin mawala si Elias.

"Pag-isipan mong mabuti ang alok ko, Dasha. . ."

Pag-uwi namin sa condo ay kaagad akong naupo sa sofa dahil sa labis na pagod, dumiretso naman si Samuel sa kusina upang gumawa ng miryenda.

Hindi pa rin mawala sa isip ko ang alok niyang pakasalan ulit ako, ang akala ko noong una niyang sinabi ang bagay na 'yon sa akin ay nagbibiro lang siya dahil tumatawa siya noong sinasabi niya iyon. Pero seryoso pala siya, seryoso siyang pakasalan ako sa pangalawang beses.

Makakas akong napabuntong hininga, sumasakit ang ulo ko kapag iniisip ko iyon at bago pa ako tuluyang mabaliw sa kakaisip ay tumayo ako upang buksan ang TV, mabilis kong naramdaman ang panlalamig ng mga kamay ko ng bumungad sa akin si Elias. Nasa korte siya at nakausot ng formal na damit, pinagmasdan ko ang kaniyang mukha. Ito ang unang beses na nakita ko siya pagkatapos ng divorcement namin.

Ang dami kong napansin na pagbabago sa kaniyang mukha, malalim pa rin ang mga mata niya dahil alam kong palagi siyang stress sa mga kasong hinahawakan niya. Pero kahit ganoon ay ang guwapo niya pa rin, nang matapos ang hearing ay nakatutok pa rin sa kaniya ang camera at hindi ako pwedeng magkamali sa nakita ko paglabas niya ng supreme court.

Si Bianca ang naghihintay sa kaniya paglabas niya, nakita kong ngumiti si Elias bago halikan ang babae sa pisngi pagkatapos noon ay sila sumakay ng sasakyan at umalis.

Mabilis kong pinatay ang TV pagkatapos kong mapanood iyon, ilang minuto akong nakatulala. Iyon ang unang beses kong makita ang ganoong klaseng ngiti ni Elias, may parte sa akin ang natutuwa dahil alam kong masaya na siya sa piling ni Bianca. Ngunit may parte rin sa akin ang nasasaktan dahil alam kong hindi siya naging masaya sa tatlong taon naming kasal.

"Here's your food, Dasha."

Napatingin ako kay Samuel ng ilapag niya ang niluto niyang meryenda sa harapan ko, may ngiti sa kaniyang labi habang binibigay iyon sa akin.

Sa tingin ko dapat na rin akong maging masaya, ngumiti ako pabalik sa kaniya at nagsalita. "Samuel, napag-isipan ko na ang alok mo. Handa akong magpakasal ulit sa'yo. . ."

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Special Chapter 3 : Wakas

    Elias's Point Of View."Umalis ka rito! Ayokong makita ang mukha mo! Naiinis ako sa'yo!" Mas lalo akong kinabahan sa sinabi ni Dasha, damn it. Ganito ba talaga kapag buntis? Palagi na lang siyang irita sa akin! At ayoko noon! Due date niya na next month. Malaki na ang kaniyang tiyan at sobrang excited na akong makita ang aming second baby girl. Simula noong nalaman kong buntis siya, nagbawas-bawas na ako ng mga gawain sa trabaho... Work from home lang din ako dahil gusto ko talagang nandito lang ako sa bahay at nababantayan siya. Wala ako noong unang beses siyang nagbubuntis kaya naman ayoko talagang mawala'y sa tabi niya."D-Dasha... Baby, please. Wala naman akong ginawa, diba? Huwag ka ng magalit sa akin," pagpapakalma niya sa akin ngunit inirapan niya lang ako at pumasok sa aming kwarto. Kaagad akong sumunod."Bakit nandito ka pa?! Hindi ba't pinaalis na kita?!" sigaw niya ulit ng makita akong sumunod, umupo siya sa kama at nanlilisik ang mga matang nakatingin sa akin.Alam ko na

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Special Chapter 2 : Surprise

    Dasha's Point Of View.Kung sino man ang lintik na tumatawag sa akin ng ganitong kaaga, sisiguraduhin kong malilintikan talaga.Nakapikit pa ang aking mga mata ngunit kinuha ko na ang aking cellphone na nasa gilid lang naman, nang makuha ko iyon ay kaagad kong sinagot ang tawag."Please... Ang aga-aga naman bakit kailangang tumawag ng ganitong oras?" naiinis kong sabi.Kaagad kong narinig ang malakas na pagtawa ni Jazz sa kabilang linya. "Anong maaga sa 7AM? Napaka-OA, Dasha ha? Ba't ba laging mainitin ang ulo mo? Huwag mo sabihing buntis ka na?"Inis akong tumayo mula sa pagkakahiga at dumiretso sa balcony, wala naman si Elias ngayon dahil maaga siyang umalis, may emergency daw kasi sa law firm niya."Oo, buntis nga ako," inis ko pa ring sagot at narinig ko naman ang malakas niyang pagsigaw."Totoo ba?!" gulat na gulat siya. "Magkakaroon na ako ng panibagong pamangkin?!""Oo nga, ang kulit? Paulit-ulit?" sabi ko at malakas na bumuntong. "Pero huwag ka munang maingay, ikaw pa lang ang

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Special Chapter 1 : Honeymoon

    R18+Dasha's Point Of View."T-Teka lang naman, Elias," nanghihina wika ko habang nararamdaman ko ang paghalik niya sa aking leeg. Parang siyang tigreng gutom na gutom na gusto ng kumain. Naramdaman ko naman ang pagtigil niya, tumayo siya ngunit nanatili siya sa aking ibabaw."What?" tanong niya, ang mga mata ay nakatingin sa akin.Napalunok ako. "E-Eh ano eh..."Shit naman, Dasha! Honeymoon niyo 'to oh?!Narinig ko naman ang panlalaki niyang pagtawa. "Why? Are you shy?" tanong niya na mas lalong nagpamula sa aking mga pisngi. Ni-hindi ko siya magawang sagutin dahil totoo naman ang sinasabi niya. Narinig ko muli ang pagtawa niya. "We already make love once... Nakita mo na ang lahat sa akin, bakit nahihiya ka pa?"Doon ako nagkaroon ng boses para magsalita. "Iba naman 'yon, lasing ako noon," sabi ko. "Wala ako sa katinuan noon dahil sa alak, ni-hindi ko na nga maalala kung gaano kalaki 'yang sa'yo."Nakita ko ang pagseryoso niya bigla. "Sino ba ang mas malaki sa amin?"Nanlaki ang mga

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 170 ;

    Dasha's Point Of View.Sa dalawang buwan na lumipas, naging busy kami ni Elias dahil sa papalapit na kasal namin. At ngayon nakatayo na ako sa labas ng simbahan, suot ang off shoulder wedding gown, handa ng pakasalan si Elias. Masasabi kong worth it lahat ng pagod na pinagdaanan namin dalawa, mula sa mga nangyari noon, hanggang sa pag-aayos ng mga kailangan para sa kasal namin. Masasabi kong worth it ang lahat.Nakita ko ang dahan-dahan pagbukas ng malaking pintuan sa aking harapan, sunod kong narinig ang pagtugtog ng isang pamilyar na musika, ang Valentine by Jim Brickman at Martina McBride. Kasabay ng bawat indayog ng kanta ay ang dahan-dahan kong paglalakad papasok sa panibagong pahina ng aking buhay.Tatlong beses na akong kinasal sa buong buhay ko, at ito na ang pang-apat. Totoo nga ang sinasabi nilang iba talaga ang pakiramdam kapag parehas niyong mahal ang isa't isa.Nakangiti akong tumingin sa mga bisita ng aming kasal, ang mga taong mahal ko. Sa kaliwang banda ng mga upuan, n

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 169

    Dasha's Point Of View."Why are you still awake?"Napalingon ako kay Elias ng marinig ko ang sinabi niya, nandito na ako sa balcony ng aming kwarto, mahimbing na ang tulog ng anak namin pag-akyat namin rito. Malalim na rin ang gabi at alam ko namang pagod ako dahil galing ako sa byahe noong pauwi ako galing Bacolod... Pero sa hindi ko malamang dahilan, hindi ako dinadalaw ng antok."Hindi ako makatulog eh," ani ko. "Ewan ko, masyado siguro akong masaya."Hindi naman marami ang ininom namin kaya naman nasa katinuan pa rin naman ako. Ayokong mag-inom ng marami dahil babalik na rin kami sa Maynila kinabukasan.Naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin, kakatapos niya lang maligo at amoy na amoy ko ang natural niyang panlalaking amoy."Masaya rin ako," narinig kong sagot niya habang pinagmamasdan namin ang kalangitan."Coincidence lang bang maraming bitwin ngayong gabing nagpropose ka o talagang planado 'to?" curious kong tanong habang pinagmamasdan ang napakagandang langit.Narinig ko ang p

  • After Divorce : Marrying My First Husband Again   Kabanata 168

    Dasha's Point Of View.Nang matapos kaming kumain ng hapunan ay dumiretso na sa kanilang mga kwarto sina Mama, Papa, Lola, Tita Cyla, at Tita Elysa. Kasama rin nila sina Dawn at Ethan na pinatulog na namin, habang kami ay naiwan sa sala at nagkwekwentuhan pa rin habang umiinom ng alak.Magkatabi kaming dalawa ni Elias sa couch, sa gilid namin ay nandoon sina Angela at Joel. Sa harapang couch naman ay nandoon si Jazz mag-isa, pagod daw kasi sa byahe si Celaida kaya naman hindi na ito makakasama sa amin, nakapagpalit na ako ng pantulog na damit para komportable akong kumilos."Huwag niyong painumin ng marami 'yan si Jazz," wika ko. "Baka kapag narinig ni Celaida ang mga corny jokes niya ay biglang maturn off bigla."Nagtawanan sila habang si Jazz naman ay inirapan ako. "Baka i-kwento ko kung paano ka umiyak noong nag-inuman tayo noon."Tinawanan ko na lamang siya."Nga pala, Dasha. Kamusta ang Bacolod?" tanong sa akin ni Angela.Sumandal ako sa couch at sumagot. "Maayos naman ang naging

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status