After Divorce : Marrying My First Husband Again

After Divorce : Marrying My First Husband Again

last updateTerakhir Diperbarui : 2025-04-21
Oleh:  GreenRian22Tamat
Bahasa: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
68 Peringkat. 68 Ulasan-ulasan
173Bab
20.1KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

Napilitang magpakasal ang tanyag na abogadong si Elias Macini sa isang anak ng maid na si Dasha Rivera, sa tatlong taon nilang pagsasama ay hindi niya pinakitaan ng kabutihan ang babae, ngunit sa kabila nito ay pagmamahal pa rin ang binabalik ni Dasha. Natapos ang kanilang pagsasama noong nalaman ng lalaki na nagdadalang tao si Dasha, kaagad na nakipag-divorce si Elias sa kaniya at sumama sa tunay nitong mahal. Umalis ng mansyon si Dasha at isang aksidente ang nangyari na naging dahilan upang muli niyang makita si Samuel Valdez, ang una niyang naging asawa. Sa gitna ng kaguluhan sa kaniyang buhay at sa pag-alalang walang tatayong maging ama ng kaniyang anak, muli niyang pinakasalan si Samuel na walang kaalaman na ito ang desisyon na pagsisihan niya buong buhay.

Lihat lebih banyak

Bab 1

Kabanata 1

Dasha's Point Of View.

Napatingin ako sa orasan at malakas na napabuga ng hangin dahil malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin umuuwi ang aking asawa, bakit wala ba siya? Nag-overtime na naman ba siya sa kaniyang trabaho?

O sadyang ayaw niya lang talagang umuwi dahil katulad ng palagi niyang sinasabi, ayaw niya 'kong makasama?

Kinuha ko ang aking cellphone para tingnan kung may text ba sa akin si Elias ngunit nabigo ako ng makitang wala man lang siyang sinabi kung uuwi ba siya ngayong gabi o hindi. Palagi naman siyang ganito, bakit ba hindi pa rin ako sanay?

"Hindi ka ba inaantok, Ma'am Dasha? Mukhang hindi uuwi si Sir Elias ngayong gabi."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Manang Nina na mukhang naalimpungatan at naabutan ako rito sa sala. Hindi niya na kailangang magtanong pa kung anong ginagawa ko dahil alam ng lahat na palagi ko siyang hinihintay na umuwi.

Ngumiti ako bago umilang. "Ayos lang po, hindi rin ako makatulog," kaswal na sagot ko. Hindi ito katulad ng ibang gabi na hinihintay ko siyang umuwi, dahil ngayong gabi ay mayroon akong importanteng ibabalita sa kaniya.

Kaninang umaga ay gumamit ako ng pregnancy test dahil ilang linggo ko nang napapansin ang mood swings ko, may mga pagkain din akong gustong kainin na ayaw ko naman noon. Lumabas sa pregnancy test na positibong buntis ako, hindi ko maipagkakailang labis ang takot at kabang naramdaman ko noong malaman iyon. Dahil unang-una, ang kasal namin ay isang arranged marriage lamang. Mahirap lang naman ang pamilyang pinanggalingan ko, ang Mama ko ay minsang nagtrabaho sa hacienda nila at malapit silang dalawa ni Madame Elysa na siyang ina ni Elias. Noong namatay si Madame Elysa ay ang huling habilin nito ay ang ipakasal ang kaniyang anak sa akin. Alam ko namang tatanggi si Elias ngunit alam ko ring masiyado niyang mahal ang kaniyang Ina upang hindi tanggapin ang habilin nito.

"Kung desidido ka talagang maghintay ay ipagtitimpla kita ng gatas," wika ni Manang bago dumiretso sa kusina at naiwan naman akong mag-isa ulit sa sala.

Tatlong taon na kaming kasal ni Elias, alam ko sa sarili kong hindi maganda ang pagtrato niya sa akin ngunit hindi niya naman ako pisikal na sinasaktan. Pero wala ng mas sasakit pa sa mga lumalabas sa kaniyang bibig, palagi niya akong minamaliit sa pagiging mahirap ko. Hindi na iyon nakakapagtaka dahil galing siya sa isang mayamang pamilya na maraming kompanyang pinapatayo rito sa Pilipinas at maging sa ibang bansa rin. Alam kong galit siya sa akin dahil ako ang naging dahilan kung bakit nasira ang relasyon niya kay Bianca, ang babaeng mahal niya.

Noon pa man sa kanilang hacienda, unang beses ko siyang makita noon ay kaagad akong nabighani sa kaniya. Siya ang tipo ng lalaki na pinapangarap ng mga babae, matangkad, maganda ang pangangatawan at buhok. Matangos na ilong, mapupulang labi, at ang pinakapaborito ko sa lahat ay ang mga abo niyang mga mata.

Pero kahit anong gawin ko yata ay hindi niya ako magagawang mahalin. Sa kabila ng lahat ng masasakit na bagay na sinasabi niya sa akin, wala akong ibang binabalik kundi ang pagmamahal ko para sa kaniya.

"Ito na ang gatas, Ma'am Dasha."

Ngumiti ako at tinanggap ang baso. "Salamat po, Manang."

"Oh sige babalik na ako sa pagtulog ko, kung mamaya ay wala pa rin si Sir Elias ay mas mabuting matulog ka na dahil hindi makakabuti sa iyo ang pagpupuyat," paalala nito, tumango naman ako at tuluyan na siyang umalis.

Ilang minuto ang lumipas pagkaalis niya ay kaagad kong narinig ang tunog ng isang pamilyar na sasakyan, napatayo ako at napasilip sa bintana kung saan nakita ang mamahaling sasakyan ni Elias. Maya-maya ay nakita ko itong naglalakad papasok ng bahay.

Nakausot ng itim na tuxedo, pinanood kong maglakad si Elias, halata ang pagod sa kaniyang mukha. Kahit ang tanging bukas na lamang na ilaw ay ang ilaw sa kusina, kapansin-pansin pa rin ang pagod sa mga mata niya. Hindi na nakakapagtaka iyon, isa siyang tanyag at mahusay na abogado. Palagi akong nanonood ng mga court hearing niya, kahit na wala akong maintindihan ay natutuwa pa rin akong panoorin siyang magsalita at ipagtanggol ang kaniyang klayente.

"Elias, bakit ngayon ka lang?" kaagad kong tanong nang mapadaan siya sa harapan ko, huminto siya sa paglalakad at dumapo sa akin ang pagod na mga mata niya, mukhang ngayon niya lang napansin na nandito ako sa sala at hinihintay siya.

Hindi niya ako sinagot at umiwas lamang ng tingin bago muling naglakad habang tinatanggal ang kaniyang necktie. Napahigpit ang kapit ko sa pregnancy test na aking hawak, kailangan kong maghanap ng lakas ng loob upang sabihin sa kaniya na buntis ko.

Malakas akong bumuntong hininga at muling nagsalita.

"May kailangan kang nalaman," nilabanan ko ang kabang nararamdaman, muli siyang napahinto sa paglalakad bago ako hinarap, pansin ko ang iritasyon sa kaniyang mga mata.

"What else do you fucking want?" galit niyang tugon, dahilan upang mapaawang ang labi ko. "Car? Money? Mansion?" dagdag niya habang nakakunot ang noo.

"Hindi ko kailangan ng mga 'yan, Elias," matigas kong saad, pinipilit kong ipakitang hindi ako nasasaktan sa mga sinabi niya. "Ganyan ba talaga ang tingin mo sa akin?"

"Yes, because you're a golddigger, Dasha. You're just like your mother," walang pag-aalinlangang sagot nito. "Hindi ka pa ba masayang sinira mo ang buhay ko? Hindi ka ba talaga marunong makuntento?—"

"Elias, buntis ako," putol ko sa sasabihin niya, kaagad kong nakita ang gulat sa mga mata niya at ang pag-awang ng kaniyang labi.

"You're lying! Sinasabi mo lang 'yan dahil gusto mong makuha ang yaman ko," baritonong wika niya at tinignan ako ng masama. "Kahit kailan ay hindi ako magpapaloko sa mga sinasabi mo, Dasha."

Kahit nanginginig ang aking mga kamay, pinakita ko sa kaniya ang hawak kong pregnancy test. "Hindi ako nagsisinungaling, Elias. Nagbunga ang nangyari sa atin noong gabing iyon—"

"I'm just drunk that fucking night! Huwag kang mag-isip na may ibig sabihin ang nangyaring iyon!" galit niyang sigaw dahilan upang mabitawan ko ang pregnancy test at mahulog iyon sa sahig.

Nalipatan iyon ni Elias at galit na tinapakan, naramdaman ko ang pagtulo ng luha sa aking mga mata habang pinapanood siya.

"A-Anak natin 'to, Elias. Wala ka ba talagang puso?" nabasag ang aking boses.

"Are you really asking me that question?" sarkastikong siyang tumawa habang nakatingin sa akin.

"M-Mahal kita, noon pa man, alam mo 'yan."

"I don't fucking care, I don't love you. And I will never be, because you are nowhere near from the woman I love," seryosong wika niya bago ako iniwan sa salang umiiyak.

Wala akong ginawa noong gabing iyon kundi umiyak, alam kong kahit sabihin kong buntis ako ay hindi niya ako magagawang mahalin dahil si Bianca pa rin ang nasa kaniyang puso. Ang babaeng una at tanging mamahalin niya, ang babaeng kahit kailan ay hindi magiging ako.

Pagkagising ko kinabukasan ay bumungad sa akin ang isang papel, hindi lang isang ordinaryong papel. Nang mabasa ko ang nilalaman nito ay ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay.

"Bakit kailangang umabot sa divorcement, Elias?" umiiyak kong tanong sa kaniya.

"Why? I told you before that this useless marriage will end in divorce," sagot niya habang malamig ang matang nakatingin sa akin.

"P-Pero paano ang batang nasa sinapupunan ko? Ayokong lumaki siyang walang tatay!" sigaw ko, nagmamakaawa sa kaniya. "Kahit para sa bata na lang, Elias."

"Sa'yo nga ay wala akong pakialam, sa bata pa kayang dinadala mo?" wika niya dahilan upang mas lumakas ang pag-iyak ko. "Sign that damn paper and leave this mansion. I was just drunk that night, hindi ko na kasalanan kung nagbunga ang nangyari sa atin," dagdag niya.

Napaawang ang labi ko, hindi ako makapaniwalang nagawa niyang sabihin iyon. "A-Ano? Wala kang puso, Elias," nanghihina kong saad ngunit nanatiling blanko ang kaniyang ekspresyon.

"Yes, Dasha. I don't have a fucking heart," baritonong sagot niya. "It's not my fault you kissed me back that night, sana ay tinulak mo ako at sinampal pero hindi mo ginawa, because you were enjoying what was happening, weren't you?"

Nanatiling tikom ang aking bibig.

"Now you're acting like it's all my fault that happened," dagdag niya.

"Alam kong kasalanan ko rin iyon, ang hindi ko lang matanggap ay hahayaan mong lumaki ng walang tatay ang batang nasa loob ko," nanggagalaiting saad ko, "Lumaki kang walang tatay, hindi ba dapat alam mo kung gaano kahirap iyon?"

"Shut up!" galit na sigaw ni Elias, ang mga mata niya ay nanlilisik na nakatingin sa akin. "You know nothing, woman! So don't act like you know everything about my life!" dagdag niya, ang boses niya ay parang kulog sa buong kwarto. "Hindi pa ba malinaw sa'yo na wala akong pakialam sa batang dinadala mo? Ilang beses ko pa ba uulitin iyon para maintindihan mo?! I don't care, Dasha. I don't fucking care at all. Just fucking abort it and don't ever disturb me."

Napatulala na lamang ako sa sahig pagkatapos kong marinig ang mga iyon, nang tuluyan siyang umalis ng kwarto ay malakas akong napahagulhol.

Kung ganoong klase ng ama ang makikilala ng anak ko ay mas mabuti pang ilayo ko na siya sa buhay ni Elias dahil walang ama ang gustong mamatay ang kaniyang anak.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

Bab Lainnya

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

10
100%(68)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
68 Peringkat · 68 Ulasan-ulasan
Tulis Ulasan
user avatar
GreenRian22
happy 20k reads! maraming maraming salamat po sa pagbabasa:)
2025-05-27 21:09:22
0
user avatar
GreenRian22
happy 19.5k reads!
2025-05-22 19:58:39
0
user avatar
GreenRian22
happy 19.4k reads!
2025-05-22 10:04:07
0
user avatar
GreenRian22
happy 19.3k reads!
2025-05-21 09:39:00
0
user avatar
GreenRian22
happy 19.2k reads!
2025-05-20 16:33:46
0
user avatar
GreenRian22
happy 19.1k reads!
2025-05-19 19:28:11
0
user avatar
GreenRian22
happy 19k reads!
2025-05-19 07:08:43
0
user avatar
GreenRian22
happy 18.9k reads!
2025-05-18 16:33:21
0
user avatar
GreenRian22
happy 18.8k reads!
2025-05-18 06:53:34
0
user avatar
GreenRian22
happy 18.7k reads!
2025-05-17 09:58:13
0
user avatar
GreenRian22
happy 18.6k reads!
2025-05-16 20:55:42
0
user avatar
GreenRian22
happy 18.5k reads!
2025-05-16 09:50:47
0
user avatar
GreenRian22
happy 18.4k reads!
2025-05-15 19:03:06
0
user avatar
GreenRian22
happy 18.3k reads!
2025-05-15 07:16:48
0
user avatar
GreenRian22
happy 18.2k reads!
2025-05-14 20:52:54
0
  • 1
  • 2
  • 3
  • 4
  • 5
173 Bab
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status