Share

Kabanata 3

Penulis: Elara Night
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-16 12:09:53

Nang magising si Camila ay nilalaro niya ang mga daliri niya sa dibdib ni Elijah. Napapangiti siya dahil hindi man lang siya nahirapan na makuha si Elijah ngayong gabi. Nang magising si Elijah ay tiningnan niya si Camila. Nagulat pa siya ng makita niyang si Elijah ang nasa tabi niya. Nang maalala niya naman ang nangyari kagabi ay napapikit na lang siya. Tumayo na si Elijah saka niya pinulot ang mga damit niya sa sahig.

“Aalis ka na? Iiwan mo na ako kaagad dito?” nakangusong wika ni Camila. Napangiti naman si Elijah saka niya bahagyang pinitik ang noo ni Camila.

“Kailangan kong umuwi, sweety.”

“Uuwi ka sa asawa mo? Bakit ba kasi hindi mo pa siya iwan? Hindi mo naman siya gusto diba? Napilitan ka lang naman na pakasalan siya dahil sa business. Ngayong kami na ang nagmamay-ari ng business ng mga magulang ni Scarlett, bakit hindi mo pa siya iwan?” Naupo si Elijah sa tabi ni Camila saka niya ikinawit sa likod ng tainga ni Camila ang mga buhok nito.

“I’m still her husband, Camila. I am planning to divorce her soon pero wala akong masabing dahilan sa korte. I need a valid reason to divorce her.” Napapairap naman si Camila saka siya napapanguso na tila ba isang bata.

Nagbihis na si Elijah at pinapanuod naman siya ni Camila.

“Gusto mo bang tulungan na kita para makapagfile ka na kaagad ng divorce?” nananatiling nasa kama pa rin si Camila at tanging kumot lang ang nagtatakip sa hubad niyang katawan.

“Ako na ang bahala. Ayaw kong madamay ka pa. Maghintay ka na lang, ayaw kong masangkot ka sa gulo ng dahil kay Scarlett. You don’t deserve that.” Napapangiti si Camila sa mga matatamis na salita ni Elijah. Nang matapos magbihis ni Elijah ay hinalikan niya sa noo si Camila.

“Kailan ulit tayo magkikita? Mamimiss kita kaagad.”

“Wait for my call,” tanging sagot ni Elijah saka ito lumabas ng hotel room. Umuwi naman siya sa bahay nila. Pagdating niya ay nasa sala na si Scarlett at naghihintay sa kaniya. Nanatiling blangko ang mukha niya.

“Love, saan ka nagpunta kagabi? Bigla ka na lang umalis at iniwan mo ako dun.” Wika ni Scarlett. Inalis ni Elijah ang suit niya at ibinigay yun kay Scarlett saka siya dumiretso sa sofa.

“Natulog na muna ako sa bahay ng mga magulang ko. Nakauwi ka naman ng ligtas, hindi ba? Ano pang nirereklamo mo? Pagod ako, Scarlett. Huwag mo muna akong aabalahin.” Nang maalis ni Elijah ang mga sapatos niya ay dumiretso na siya sa kwarto. Naiwan naman si Scarlett habang hawak-hawak ang suit ng asawa niya.

Inamoy yun ni Scarlett at naamoy niya ang pangbabaeng perfume. Alam niyang naamoy niya na yun somewhere pero hindi niya alam kung saan.

“Bakit amoy pabango ng babae ang suit niya?” usal ni Scarlett saka niya tiningnan si Elijah na papasok na ng kwarto nila. Gusto niya sanang magtanong pero baka magalit lang si Elijah sa kaniya. Naghintay siya sa sofa pero tila ba wala man lang pakialam sa kaniya ang asawa niya lalo na at naiwan siya ng mag-isa sa hotel.

Napaupo na lang si Scarlett sa sofa habang yakap-yakap ang suit ng asawa niya. Kailangan ba magbabago ng pakikitungo sa kaniya si Elijah. Hinawakan ni Scarlett ang mukha niya. Pumapangit na ba siya? Hindi ba siya nakakaakit tingnan?

Nilapitan ni Scarlett ang human size na salamin sa sala at tiningnan ang sarili. Bakas ang lungkot sa mukha niya. Dry tingnan ang mukha at mga buhok niya. Malalim din ang mga mata niya at may eyebugs.

“Napabayaan ko na ba ang sarili ko? Ginagawa ko naman ang lahat ng gawain ng mag-asawa. Hindi naman nakakahiyang housewife lang ako.” Aniya sa sarili niya. Napapabuntong hininga na lang si Scarlett. Napapaisip siya kung magkakaanak kaya sila ni Elijah, magbabago kaya ang pakikitungo nito sa kaniya at magiging masaya silang dalawa?

Isinabit ni Scarlett ang suit ng asawa niya saka niya ito pinuntahan sa kwarto. Katatapos namang maligo ni Elijah. Niyakap ni Scarlett mula sa likod ang asawa niya.

“Gusto mo bang subukan ulit nating magkaanak?” tanong ni Scarlett. Inalis ni Elijah ang mga kamay ni Scarlett na nakayakap sa kaniya.

“Ang aga aga, Scarlett, kung ano-ano ang iniisip mo.” Sagot ni Elijah saka ito nanguha ng damit. Pansin naman ni Scarlett ang kissmark sa leeg ng asawa niya.

“Anong nangyari diyan? Bakit may kiss mark ka?” tanong ni Scarlett. Napahawak naman si Elijah sa leeg niya.

“Hindi yan kiss mark, kinamot ko lang yan. Pwede ba Scarlett, kung wala kang matinong sasabihin lumabas ka muna.” naiinis na sambit ni Elijah saka ito nagbihis at nahiga na sa kama.

Sumunod naman si Scarlett sa kaniya.

“Love what if pumasok ako sa company niyo para maging designer para may trabaho rin ako? Can you support me?” inis namang tiningnan ni Elijah ang asawa niya.

“Babalik ka sa pagiging designer? Sa tingin mo makakasunod ka pa sa mga designer ngayon? It’s been five years, Scarlett, nang iwan mo ang passion mo. Wala na ring bakante sa mga designer. Hindi ko na kailangan ng bago lalo na ng katulad mong walang experience.” Masakit man ang salita ni Elijah, nilunok ni Scarlett ang lahat ng yun.

“Pwede naman akong mag-aral ulit para makasunod sa mga designer ngayon. Napag-aaralan naman yun para naman hindi lang ako nakakulong dito sa bahay.”

“Itigil mo na ang pangarap mo, Scarlett. Masyado ka ng napag-iwanan ng panahon. Kahit na mag-aral ka ulit tungkol sa designing, paano ka pa makakahabol sa mga kaedad mo? Dito ka na lang sa bahay.” Napapabuntong hininga na lang si Scarlett. Nang hindi na magsalita si Scarlett ay tiningnan siya ni Elijah.

“Kulang pa ba ang ibinibigay ko sayo para maghanap ka ng trabaho? Mas magaan ang trabaho mo rito kesa ang mag-apply ka sa kompanya. Ipinahiya mo na ako sa charity gala kagabi, huwag mo na akong ipahiya pa sa mga empleyado ko.” Napapatango na lang si Scarlett.

Pinanghihinaan na rin siya ng loob na tuparin ang pangarap niya dahil maging ang asawa niya ay hindi man lang siya suportahan.

“Matutulog muna ako, huwag mo akong gigisingin.” Wika pa ni Elijah saka ito nahiga. Kitang kita naman ni Scarlett ang kiss mark sa leeg ng asawa niya. Pakiramdam niya ay hindi lang yun dahil sa kamot pero wala naman siyang ebidensya para patunayan na kiss mark nga ang nasa leeg nito.

Ayaw niya ring mag-away pa silang dalawa.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 5

    Nang dumating si Elijah ay kaagad siyang sinalubong ni Scarlett para kunin ang suit at bag nito. Nagdadalawang isip pa si Scarlett kung magpapaalam ba siya sa asawa niya para sumama kay Camila.Humugot ng malalim na buntong hininga si Scarlett saka tiningnan ang asawa. Bahagya pa siyang nagulat ng makita niyang nakatingin sa kaniya ang asawa niya.“What? May sasabihin ka?” tanong nito. Ngumiti naman si Scarlett.“Iniimbitahan kasi ako ni Camila para sa celebration niya mamaya. Pwede ba akong sumama?” malambing niyang wika. Napapabuntong hininga naman si Elijah saka tiningnan ang asawa mula ulo hanggang paa na tila ba nahihiya pa itong ilabas ang asawa niya.“Pumunta ka kung gusto mo pero ito lang ang sasabihin ko sayo, Scarlett. Oras na binigyan mo ako ng kahihiyan sa mga bisita ni Camila, huwag ka ng umuwi dito at huwag ka ng magpapakita sa akin.” May diing sambit ni Elijah. Napapayuko naman si Scarlett. Hindi naman siya mahilig gumawa ng gulo bakit naman naisip ng asawa niya na gaga

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 4

    Binisita ni Camila si Hazel sa office nito, ang ina ni Elijah. May dala-dalang mga pagkain at regalo para kay Hazel.“Come in,” wika ni Hazel ng marinig niya ang katok.“Good morning, Mrs. Logan.” Nakangiting bati ni Camila. Napatingin naman si Hazel sa pumasok at ng makita niya si Camila ay napangiti siya. Itinigil niya muna ang ginagawa niya para harapin si Camila.“Napabisita ka, mija. May maitutulong ba ako sayo?” nakangiting wika ni Hazel. Ibinaba naman ni Camila ang mga dala niya.“Dinalhan kita ng pagkain at mga regalo, Mrs. Logan. Pasasalamat na rin dahil nakipagmerge kayo sa business namin. Hindi niyo alam kung gaano kalaking tulong sa amin ng partnership niyo.”“You deserve it naman, dear. Nag-abala ka sa mga regalo pero thank you.” Kinuha naman ni Camila ang isang jewelry box saka ito binuksan.“Ako ang nagdesign ng kwintas na ito, Mrs. Logan. Nag-iisang design lang ito sa mundo. I hope you like it.” Natuwa naman si Hazel saka kinuha ang kwintas at tiningnan iyun.“Napakaga

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 3

    Nang magising si Camila ay nilalaro niya ang mga daliri niya sa dibdib ni Elijah. Napapangiti siya dahil hindi man lang siya nahirapan na makuha si Elijah ngayong gabi. Nang magising si Elijah ay tiningnan niya si Camila. Nagulat pa siya ng makita niyang si Elijah ang nasa tabi niya. Nang maalala niya naman ang nangyari kagabi ay napapikit na lang siya. Tumayo na si Elijah saka niya pinulot ang mga damit niya sa sahig.“Aalis ka na? Iiwan mo na ako kaagad dito?” nakangusong wika ni Camila. Napangiti naman si Elijah saka niya bahagyang pinitik ang noo ni Camila.“Kailangan kong umuwi, sweety.”“Uuwi ka sa asawa mo? Bakit ba kasi hindi mo pa siya iwan? Hindi mo naman siya gusto diba? Napilitan ka lang naman na pakasalan siya dahil sa business. Ngayong kami na ang nagmamay-ari ng business ng mga magulang ni Scarlett, bakit hindi mo pa siya iwan?” Naupo si Elijah sa tabi ni Camila saka niya ikinawit sa likod ng tainga ni Camila ang mga buhok nito.“I’m still her husband, Camila. I am plan

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 2

    Isinama ni Elijah si Scarlett sa isang charity gala. Hindi naman maalis ang ngiti sa mga labi ni Scarlett dahil naisipan siyang isama ng asawa niya sa isang event. Palagi na lang kasi siyang nasa loob ng bahay.Busy na nakikipag-usap si Elijah sa mga businessmen na kakilala nito habang nasa tabi niya lang si Scarlett.Napapataas naman ang kilay ni Camila ng makita niya si Scarlett.“Mom, why is she here?” tanong ni Camila sa kaniyang ina. Sinundan naman ni Eleanor ang tinitingnan ng anak niya at nakita niya naman si Scarlett.“I don’t know, siguro isinama ni Elijah. Akala ko ba ay nakikipagmabutihan ka na kay Mr. Logan? Bakit isinama niya rito ang babaeng yan?” pagbubulungan nilang dalawa. Napapairap na lang si Camila saka siya ngumiti nang lapitan niya sina Elijah at iba pang mga businessmen.“Hi, I hope you guys are enjoying this night.” Matamis na nakangiti si Camila saka niya tiningnan si Elijah.“Miss Mason, you’re so beautiful tonight.” Papuri naman ng iba na ikinangiti ni Camil

  • After Divorce: No Second Chances   Kabanata 1

    Scarlett is a quiet, loving wife married to Elijah, a cold CEO who never valued her. Nagluto si Scarlett ng mga paboritong pagkain ni Elijah. It’s been five years simula nang maikasal siya kay Elijah pero hanggang ngayon wala pa rin silang anak. Sinusubukan naman nila magkaroon ng anak pero hindi pa rin ito ipinagkakaloob sa kanila.Nang matapos siyang magluto ay naghain na rin siya. Napangiti siya ng marinig niya ang pagbukas ng pintuan. Lumabas siya kaagad sa kusina para salubungin ang asawa pero nawala ang ngiti sa mga labi niya ng ang dumating ay ang mother-in-law niya.“Mom, anong ginagawa mo dito?” magalang niyang tanong. Tinaasan naman siya ng kilay ng mother-in-law niya.“Nasaan si Elijah?” tanong ng hindi man lang sinasagot ang tanong niya.“Hindi pa siya umuuwi,” sagot ni Scarlett. Dumiretso namang umupo si Hazel sa sofa.“Siguro nagsasawa na rin ang anak ko sayo kaya palagi ng late umuuwi sayo. Bakit kasi hindi mo man lang gayahin ang pinsan mong si Camila? Napakagaling niy

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status