LOGINNoong mga sandaling iyon, paulit-ulit niyang tinawagan si Nardo, ngunit hindi ito sumasagot. Ngayon niya napagtanto: baka noong panahong iyon pa man ay kasama na niya si Mistica.
Ang ina niya ay laging nangangarap na makita silang masayang magkasama habambuhay. Laging sinasabi nito na siya’y mapapangasawa ng mabuting lalaki, na magkakaroon sila ng tahimik at masaganang buhay.
Ngunit baka hindi na niya matutupad ang hiling na iyon.
Matapos ayusin ang lahat mag-isa, mula sa mga papel hanggang sa pag-aayos ng handaan para sa mga kamag-anak at kaibigan, naupo nang mag-isa si Amara sa isang upuan sa sulok ng kainan. Ang mga ilaw ay nagsisimula nang patayin, at ang ingay ng mga tao’y unti-unting nawawala, iniwan siyang mag-isa sa tahimik at sa bigat ng mga iniisip.
Huli na nang dumating si Nardo. Nakasuot siya ng itim na kamiseta, ang makisig niyang mukha ay walang gaanong ekspresyon, ngunit nang mapadako ang kanyang mga mata kay Amara na nag-iisa roon, bihira nang makita ang bahid ng paghingi ng tawad sa kanyang mukhang dati nang walang pakialam sa anumang emosyon.
Hawak ni Amara ang kanyang tiyan, dahan-dahang tumingala para harapin siya. Sa mga sandaling iyon, lahat ng sama ng loob, sakit, at mga pinagtagong hinagpis ay biglang sumabog, parang ilog na tumatakas mula sa mga pader na matagal nang pinipigilan ito.
Malalim na huminga si Amara, pinilit niyang lunukin ang lahat ng sama ng loob hanggang sa mawala ang anumang bakas ng sakit sa kanyang mukha. Walang bahid ng emosyon ang kanyang boses nang magsalita:
“Tapos ka na bang magtrabaho?”
Hindi napansin ni Nardo ang panghihinang na nakapaloob sa kanyang tinig.
“May meeting ako ngayong araw.” malamig na sagot ng lalaki.
“Paano naman kagabi? Masaya ka bang nagdiwang ng kaarawan?” halos pabulong ang boses ni Amara.
Ang mga salita ay tila bato na mariing binagsak niya sa mesa, ngunit pinanatili niya pa rin ang kanyang tingin na walang buhay, parang tinatanong lamang niya kung umulan ba kagabi o hindi.
Kumunot ang noo ni Nardo, handa na sanang magsalita nang biglang pumasok sa loob ang isang babae, nakasuot ito ng pula pang damit, at ang amerikana ni Nardo ay nakapatong sa kanyang balikat.
Lalong lumalim ang kulay ng mukha ni Amara, parang ulap na bumabalot sa buong kanyang mukha.
“Amara, paumanhin. Kasama ako ni Nardo kagabi. Nagkasakit ang nanay ko nitong mga nakaraang araw, natakot kasi siya na mahirapan akong gumawa ng mga gawain mag-isa, kaya tinulungan niya akong alagaan ito. Kaya hindi niya nabasa ang mga mensahe mo, lahat ito ay kasalanan ko, hindi ko dapat inabala si Nardo.” matatag na wika nito.
Ang mga salita nito ay tila mga tinik na dahan-dahang tumutusok sa kanyang puso, ngunit pinilit niyang panatilihing tahimik at walang emosyon ang kanyang mukha habang nakatingin sa babae.
Narinig ni Amara ang mga salita ni Mistica, at isang matinding panlalait ng loob ang tumagos sa kanyang dibdib.
“Mabigat ba ang sakit ng nanay mo?” tanong niya, ang boses ay tila pinipilit na manatiling kalmado.
“Ahh, hindi naman masyado, simpleng sipon lang at konting lagnat, ngayon ay halos gumaling na rin.” anito.
Para bang isang martilyo ang biglang bumagsak sa kanyang puso. Sinubukan niyang pigilan ang lahat ng emosyon na gustong pumatakbo, ngunit ang pamumula ng kanyang mga mata at ang panginginig ng kanyang mga labi ay hindi na niya maitago pa.
Ramdam ni Nardo ang bigat ng kanyang pagkakamali, kaya't lalong kumulubot ang noo niya. Naalala niya, noong pumanaw ang ina ni Amara, abala siya sa isang mahalagang pagpupulong. Binalak niyang dumalaw sana pagkatapos, ngunit nagkaroon ng emergency kay Katrina. Sa sunod-sunod na pangyayari, tuluyan niyang nakalimutan si Amara.
Ngayon, alam niyang may pagkukulang siya.
Nag-isip si Nardo kung dapat ba siyang magpunta para magtirik ng insenso sa puntod ng ina ni Amara, ngunit pinigilan siya nito. "Hindi na kailangan," malungkot niyang sabi. "Mas kailangan ka ni Tita. Samahan mo na lang siya."
Napahinto si Nardo sa kanyang paghakbang.
Hindi na komportable si Amara sa sitwasyon, kaya't tumayo siya at nagpasyang umalis.
Hindi siya umiyak. Hindi pinayagan ni Amara ang sarili na magsayang ng luha para sa mga taong hindi karapat-dapat.
Tinitigan ni Nardo ang katawan ni Amara, halata na ang kanyang pagbubuntis na nasa pitong buwan na. Nahihirapan na siyang maglakad, at nakaramdam siya ng kaunting awa.
Litong-lito si Mistica at labis na nag-aalala sa kalagayan ng kanyang ina kaya't tinawagan niya si Nardo. Umiyak siya nang umiyak sa telepono, halos hindi na makapagsalita. Samantala, si Amara naman ay mag-isang nagdadalamhati sa pagpanaw ng kanyang ina, walang ibang mapagsabihan.
"Saan ka pupunta? Mag-ingat ka, huwag kang masyadong magpagal dahil buntis ka," pigil ni Nardo kay Amara, puno ng pag-aalala ang kanyang boses.
Mapait na ngumiti si Amara, Sa isip niya, naalala parin pala niyang buntis siya.
Mas pinili niyang iwanan ang kanyang nagdadalang-tao para alagaan ang ina ng iba. Malinaw na hindi niya talaga sila pinapahalagahan, siya at ang kanyang anak.
Alam ni Amara, na hindi magiging maganda ang kapalaran ng isang batang isinilang nang walang pagmamahal. Kung hindi siya mahal ng kanyang asawa, paano pa kaya ang kanilang magiging anak?
Tiningnan ni Amara ang kanyang tiyan, at sa kanyang isipan, nabuo ang isang mapait na desisyon. Humakbang siya papalayo, papalapit sa elevator. Parang gusto niyang takasan ang lahat ng sakit.
Nakaramdam ng biglaang pagkabagabag si Nardo. Gusto niyang pigilan si Amara ngunit hinawakan siya ni Mistica sa braso. "Nardo, alam kong nasasaktan si Amara sa pagkawala ng kanyang ina. Hayaan mo muna siyang magpalamig ng ulo. Kailangan niya ng panahon para makapag-isa." mahinahong wika nito.
Sumimangot si Nardo, dinuro si Mistica ng tingin, at walang alinlangang inalis ang kamay nito sa kanyang braso. "Delikado siya sa ganitong estado. Pwede siyang mapahamak," mariin niyang sabi. "Umuwi ka na."
Ngunit huli na ang lahat. Paglabas niya, wala na si Amara.
Tiningnan ni Nardo ang mga kalye na punong-puno ng nagdaraang sasakyan. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at tumawag sa kanyang mga tauhan. "Hanapin niyo si Amara! I-locate niyo ang cellphone niya ngayon din!"
Halata ang pag-aalala sa gwapong mukha ng lalaki.
Makalipas ang isang oras...
Tumawag ang tauhan kay Nardo. "Sir, nasa ospital po ang misis niyo." bulalas nito.
"Anong ginagawa niya sa ospital?" agad na tanong ni Nardo.
"Nagpapa... nagpapa-abort po, saka nagpatawag po ng abogado para gumawa ng divorce agreement. Pirma na rin po ni misis."
Biglang na papreno si Nardo, hindi makapaniwala sa kanyang narinig.
Hawak ni Anton ang teleponong nakabukas pa sa tawag at nagtanong,“Sir, nandito po ba kayo para magpa-DNA test?”“Mm.” maikling tugon niya rito.Bahagyang naguluhan si Anton. “Kay… kanino po?”Bakit ang daming tanong?Agad na nakaunawa si Anton sa sitwasyon.“Opo, Sir, pero may nangyari po sa kumpanya. Mukhang kailangan ninyo muna itong personal na asikasuhin.”Bahagyang kumibot ang mahahaba at maitim na kilay ni Nardo. “Ano iyon?”Sa sandaling iyon, malakas na umuugong ang tunog ng mga tambol at gong sa harap ng gusali ng Morales. Mahigit sandaang kababaihang nasa hustong gulang, pawang nakangiti at nakasuot ng matingkad na pulang kasuotan, ang nakahilera habang sumasayaw sa masiglang tugtog, hawak ang malalaking pulang pompom sa kanilang mga kamay.Sa loob ng lobby ng grupo, biglang kumislap ang malaking screen, at lumitaw ang dalawang animated na pigura. Bagama’t simple at payak ang anyo ng mga ito, kapansin-pansin pa rin ang pagkakahawig, kitang-kita na sina Nardo at Mistica ang i
Noong gabi, pagkatapos ng hapunan, hiniling ng matandang lalaki na manatili si Amara sa lumang bahay.Ngunit tumanggi si Amara. Nag-aalala na rin siya tungkol kina Mike at Miko, at baka kung mas magtagal pa pagsasama nila ni Sally, lalong madagdagan pa ang mga pagdududa nila.Babalik din si Mistica sa gabi. Basta't wala siya roon, mapapanatag naman si Amara tungkol kay Sally.Alam ng matandang lalaki ang kasalukuyang ugnayan nina Amara at Nardo. Pinapahalagahan niya si Amara at hindi niya ito pinipilit. Inutusan niya ang isang tao na samahan si Amara pauwi.Bago umalis, tahimik na tumingin si Amara kay Sally.Itinaas ni Sally ang kanyang matabang maliit na kamay at kumaway sa kanya, "Paalam, Auntie."Lumingon ng natural at ngumiti si Amara at nagsabi, "Paalam rin saiyo Sally."Nakatayo si Nardo sa harap ng bintanang mula sahig hanggang kisame habang nagte-telepono nang makita niya ang pag-uugnayan ng dalawa, ay bahagyang kumuripot ang kanyang mga mata.Talagang gusto niyang malaman ku
"Oo." Tumango ang matandang lalaki.Kapag natapos na ang paternity test, lahat ay magiging malinaw.Hindi agad nagsalita si Nardo; kumunot ang noo niya at nag-isip-isip."Hindi pa rin ma-contact ang ina ni Sally. Ngunit ng bumalik na si Amara, ang paglitaw ni bata nang mag-isa sa Paliparan ng Punong Lungsod ay lubos nang kahina-hinala," dahan-dahang sabi ng matanda.Kumunot ang noo ni Nardo.May mga kahina-hinalang punto naman sa lahat ng dako.Gayunpaman, may mga makatwirang paliwanag sa likod ng mga pagdududa na ito."Sa aking palagay, dahil may mga pagdududa, kailangang gawin ang paternity test. Kahit na ang resulta ay isang maling hatol, walang mawawala." Seryusong sambit muli ng matanda.Ang isang simpleng paternity test ay makakapag-alis ng lahat ng mga pagdududa.E bakit hindi na lang subukang gawin?Tumango si Nardo bilang pag sang-ayon, "Naiintindihan ko." aniya.Matapos niyang magsalita, tumayo siya at lumabas.Samantala, mabilis na nagtago si Mistica, at matapos maka alis s
Malinaw na makikita sa mga kuha ng CCTV na inilipat ni Mistica ang takure, at partikular na inilagay ito papunta sa direksyon ni Sally.Pagkatapos noon ay tumayo siya, may dinampot na bagay, at aksidenteng natamaan ng siko ang takure kaya tumalsik ang tubig at direktang tumama sa bata.Kumunot ang noo ni Nardo at malamig na tumingala kay Mistica.Mabilis na umiling si Mistica at puno ng luha ang kanyang mga mata. "Hindi ganoon ang nangyari. Naisip ko lang na masyadong nakalabas ang takure at baka mabangga ng mga bata, delikado kaya inilapit ko ito. Talagang hindi ko inaasahan na mangyayari iyon." Nanlamig ang mukha ni Amara habang sinasabi, "Sobrang linaw na ng mga kuha sa CCTV, tinatanggi mo pa rin ba? Posible bang magkaroon ng ganitong pagkakataon na parang sinadya?""T... talagang hindi ko sinasadya..." giit parin ni Mistica.Patuloy na umiling si Mistica, na tila pinagbibintangan lang siya nang mali at labis na nasasaktan sa nangyayari."Aksidente lang naman iyon, ano pa ang dapa
Samantala, pagbaba ni Miko sa taksi, tumayo siya sa harap ng pasukan ng ospital at nakakunot ang kanyang makikitid na noo.Sigurado silang nasugatan o nasaktan ang kanilang Mommy at kapatid kaya sila naparito sila sa ospital. Mabilis na pumasok silang dalawa sa loob ng gusali.Paglabas ni Nardo sa market matapos bumili ng kendi, nahagip ng kanyang tingin ang dalawang batang tumatakbong dumaan sa tabi niya.Dalawang musmos na tila nasa apat o limang taong gulang ang pumasok doon habang magkahawak ang kamay.Mabilis silang tumakbo, at bahagyang nakunot ang noo ni Nardo habang pinagmamasdan ang kanilang paglisan.Marahil dahil sa labis niyang paghahangad na magkaroon ng sariling mga anak, akala pa niya ay may pagkakahawig siya sa dalawang batang lalaki na kanyang nakita kanina lamang.Mabilis na sumunod si Nardo na tila may sinasapian. Pagpasok nila sa ospital, bigla na lamang naglaho ang dalawang bata sa gitna ng maraming tao.Nakaramdam ng kaunting pangungulila si Nardo.Marahil ay ma
Mahinang humihikbi si Mistica habang nakatingin kay Nardo.Nakatikom naman ang labi ni Nardo at nanatiling tahimik."Nardo... masakit, pakawalan mo ako..." Pilit na pilit na binabawi ni Mistica ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Amara, ngunit hindi niya nagawa.Itinaas ni Nardo ang kanyang kamay at idiniin ito sa kamay ni Amara. "Bitawan mo na."Lumihis ang tingin ni Amara kay Nardo at matibay na sinabi, "Nakita ko talaga. Sadyang itinapon niya ang tubig patungo sa bata."Matapos ang ilang sandaling pag-iisip, may bigat sa sinabi ni Nardo, "Hindi niya gagawin iyon." Bakit kaya tumagilid ang takure nang eksakto patungo kay Sally?"Aksidente lang iyon!" Sumunod niya pa.Nang marinig ni Amara ang sinabi ni Nardo, labis siyang nadismaya."Bitawan mo," mariing ulit ni Nardo.Binawi ni Amara ang kanyang kamay mula kay Mistica. Pagkatapos noon, umiyak si Mistica na tila siya pa ang nasaktan at labis na naapi.Matagal-tagal rin na tinitigan ni Amara si Nardo at halos walang sinabi.Sa


![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)




