Se connecterMakalipas ang limang taon.
Sa isang kilalang bahay-subasta sa Bansang Yera.
Sa malawak na bulwagan, nagsama-sama ang mga kilalang personalidad at mga taong may kaya.
Sa harapan, nakatayo ang tagapagsubasta, nakasuot ng isang puting bestida. Ang kanyang buhok, buong ingat na nakatali at pinalamutian ng berdeng sutla, ay bahagyang natatakpan ng manipis na telang tulle na nagtatago sa kanyang mukha. Gayunpaman, kahit hindi man makita ang kanyang mukha, ang bawat kilos niya ay nagtataglay ng kakaibang ganda at karisma.
Sa kanyang maganda at matatas na Ingles, kalmado niyang ipinakilala ang mga koleksyon na nakatanghal sa entablado. Nagsimula nang magtaasan ng bid ang mga manonood, sabik na makamit ang mga natatanging bagay na iyon.
Habang nagpapatuloy ang subasta, isang pares ng mapanuring mata ang nagmasid sa bawat sulok ng bulwagan. Mahigpit niyang hinahawakan ang kanyang maliit na martilyo, handang tapusin ang bawat transaksyon sa tamang oras.
Sa ikalawang palapag, nakaupo si Nardo. Bahagya siyang tumagilid at sumulyap sa babae sa ibaba. "Siya ba ang babaeng gustong makita ni Lolo?" tanong niya sa kanyang sarili.
Inabot ng kanyang assistant ang mga dokumento. "Tama po, Sir. Ang pangalan niya ay Marah. Isa siyang auctioneer na nagsimula rito limang taon na ang nakalipas. Sa kanyang unang subasta, naibenta niya ang isang lumang landscape painting sa halagang animnapung milyon mula sa panimulang presyo na isang milyon. Mula noon, sumikat na siya."
Bahagyang kinuyom ni Nardo ang kanyang mga mata. "Palagi ba siyang may belo?" tanong niya.
Nag-isip ang assistant bago sumagot. "Oo, Sir. Nabalitaan ko na may nag-alok ng sampung milyong yuan para lang tanggalin niya ang kanyang belo, pero tumanggi siya. Kaya sabi-sabi nila, pangit daw siya kaya ayaw niyang magpakita." anito.
Pinatay ni Nardo ang sigarilyo sa kanyang kamay at tahimik na pinagmasdan ang auctioneer. "Maganda ang kanyang mga mata," sabi niya.
Imposibleng maging pangit ang isang taong may ganyang kagandang mata.
At ang mga matang iyon... may kahawig.
Sino kaya? Para silang mga mata ni Amara.
Ang babaeng nag-iwan sa kanya ng divorce agreement limang taon na ang nakalipas, iniwan ang kanilang anak nang walang pasabi, at hindi pa rin niya mahanap hanggang ngayon.
"Dalhin niyo siya sa akin."
Tumayo si Nardo, humakbang ng dalawa, at bigla siyang napahinto.
"Limang taon na ang nakalipas... hindi kaya si Amara, ang babaeng nakita ko?" aniya.
Labis na kinakabahan ang assistant.
Sabi nga nila, walang taong basta na lang naglalaho sa mundo.
Pero ang asawa nila... tila naglaho na parang bula. Limang taon na ang nakalipas.
Sumasakit ang ulo ni Nardo. "Hanapin niyo pa rin siya," utos niya.
Ang babaeng iyon ay talagang kahanga-hanga. Nakipag-divorce, nagpa-abort, at binura ang lahat ng kanyang contact information.
Siguro walang nakakaalam na ang presidente ng Kompanyang Morales ay iniwan ng kanyang asawa sa pamamagitan ng isang divorce agreement. Walang nakakaalam na sa loob ng limang taon, ang babaeng iyon pa rin ang kanyang hinahanap.
Kailangan siyang mahanap ni Nardo. Kailangan niyang itanong kung ano ang kanyang kasalanan para gawin sa kanya iyon.
Ilang sandali, umalis si Nardo.
Nanginginig na nakatayo si Assistant Loyd. Hinanap na niya ang lahat ng pwedeng hanapin, pero wala pa rin siyang mahanap na kahit anong impormasyon.
Kung hindi mahanap ang isang tao sa loob ng limang taon, parang naghahanap na lang ng karayom sa dayami.
Napasigaw na lang si Loyd sa kawalan, "Madam, nasaan na po kayo?"
Sa pagtatapos ng subasta, si Marah ay bahagyang yumukod nang elegante at tumalikod para umalis.
Limang taon na ang nakalipas, pumunta si Amara sa Bansang Yera para magtrabaho sa isang auction house at nagpalit ng pangalan sa Marah. Para iwasan ang gulo, palagi siyang nagtatakip ng mukha sa loob ng auction house.
Pagdating niya sa opisina...
Isang maliit at malambot na batang lalaki ang tumakbo palapit sa kanya. Binuksan niya ang kanyang maliit na kamay, niyakap nito ang kanyang binti, at masayang tinawag siya, "Mommy."
Inalis ni Amara ang kanyang belo, at bumungad ang isang napakaganda at maamong mukha. Yumuko siya para buhatin ang kanyang anak at hinalikan ang maputi at malambot nitong pisngi. "Kanina ka pa ba naghihintay? Nasaan ang mga kapatid mo?" tanong niya.
Tinaas ng batang lalaki ang kanyang maliit na ulo at sumagot, "Hmph, naglaro po sila sa labas." magalang na sagot nito.
"Hindi ba nila isinama si Mike?" agad na tanong ni Amara.
"Sabi nila, mga laro lang daw ng lalaki ang lalaruin nila, kaya hindi pwede si Mike."
Napailing na lang si Amara. Alam niyang gusto lang talagang iwanan ng dalawang nakatatandang kapatid si Sally. Kung sabagay, napakaraming atensyon ang ibinibigay sa bunso.
Napaalala tuloy niya sa panahong gusto niyang ipalaglag ang bata. Noong mga sandaling iyon, puno siya ng panghihinayang at pag-aalala. Sa huli, nanaig ang kanyang puso at pinili niyang ituloy ang pagbubuntis.
Makalipas ang dalawang buwan sa Bansang Yera, nanganak siya ng tatlong sanggol: dalawang lalaki at isang babae.
Ang panganay ay pinangalanang Mike, ang pangalawa ay si Miko at ang bunso ay si Sally.
Tinitigan ni Amara ang kanyang anak na si Sally. Sa isip-isip niya, laking pasasalamat niya at ipinagpatuloy niya ang pagbubuntis noon.
"Mommy, hulaan mo kung sino'ng nakita namin ni kuya kanina," masayang sabi ni Sally.
"Sino?" ani Amara
"Masamang daddy!" Malakas na sabi ni Sally, ngunit hindi ito narinig nang malinaw ni Amara.
"Sino'ng sinasabi mo, Sally?" tanong ni Amara.
"Nakita namin ni kuya 'yung masamang daddy! 'Yung nasa TV! Ang pangalan niya... Nardo Morales! Masamang daddy! 'Yung galit na galit," sagot ni Sally, habang itinaas ang kanyang maliit na kamay para ipakita kung gaano ka-galit si Nardo.
Biglang kumirot ang puso ni Amara. Sa mga nakalipas na taon, bihira na niyang marinig ang pangalan ni Nardo.
Halos nakalimutan na niya ang pagkatao nito.
Ngunit nang marinig niya ang pangalan nito mula sa bibig ni Sally, bumalik ang mga alaala ng nakaraan. Muling nakaramdam ng sakit si Amara.
Pero paano napunta si Nardo dito?
Ang alam lang ng mga anak niya ay Nardo Morales ang pangalan ng kanilang ama. Nakita lang nila ito sa TV, kaya siguro nagkamali lang sila.
"Nagkakamali ka, Sally. Hindi siya pupunta rito," sabi ni Amara.
"Pero..."
Tok tok...
May kumatok sa pinto at naputol ang sasabihin ni Sally.
"Sino 'yan?" tanong ni Amara.
"Sister Marah, busy ka ba? Pinapatawag ka ni Manager! May importanteng bisita raw na gusto kang makita. Kailangan mo raw magmadali," sagot ng nasa labas.
Importanteng bisita?
Sa dami ng importanteng bisita na dumadayo sa kanilang auction house, iilan lang ang kayang kabahan si Manager nang ganito. Sino kaya ang espesyal na bisitang ito?
"Hindi ako abala, pupunta na ako agad," tugon ni Amara, nagtataka kung sino ang naghihintay sa kanya.
"Pero Mommy, nakita ko talaga yung masamang daddy," malungkot na sabi ni Sally, sumimangot pa. Tiningnan siya ni Amara at biglang nagtanong si Sally na may halong pagtatampo, "Magtatrabaho na naman po ba si Mommy?" anito.
Inupo ni Amara ang munting paslit sa sofa at humingi ng paumanhin. "Sandali lang, baby. Babalik agad si Mommy, okay?"
Gustong-gusto man ni Sally na makasama ang kanyang Mommy, hindi naman niya gustong makaabala sa trabaho nito.
"Okay po, hihintayin ko si Mommy," sagot ni Sally.
Itinataya niya ang buhay niya para lang makalayo sa kanya.Sa huli, naintindihan na ni Nardo kung gaano kagusto ni Amara na makipaghiwalay. At kung gaano na kababa ang tiwala at pag-asa nito sa kanya.Napagtanto niya baka nga hindi pa siya naging sapat at mabuti noon. Baka nga napakarami niyang pagkakamali at nasayang na pagkakataon.Hindi lang dahil hindi siya naroon noong pinagpalaglag at inoperahan si Amara ang dahilan ng paglisan nito.Ito ang bunga, ng matagal na panahong pagtitimpi, sakit, at sama ng loob na naipon sa loob ng maraming taon."Amara, patawad." puno ng pag-sisisi ang boses niya.Tumingala si Nardo at seryosong sinabi,"Nagkamali ako noon at babawi ako sa'yo. Pero ang pag-alis, hindi pwede. At saka, natalo ka. Base sa usapan, kailangan mong manatili at maging asawa ko pa rin.""Nandaya ka! Malinaw naman na." walang emosyon na sabi ni Amara."Sinabi ko sa'yo, kahit anong paraan ang gamitin mo, pwede ko ring gawin 'yon, Amara. At kahit ulit-ulitin ko pang isang libong
Sa sandaling iyon.WROOOOAR!Umugong ang buong paligid dahil sa lakas ng ingay ng makina.Mabilis na umilag si Karl sa suntok at binawi ang kamay. Tumingala siya at pinagmasdan ang eroplanong unti-unti nang umaangat at lumalayo sa langit.Gumuhit ang isang matagumpay na ngisi sa labi niya."Nardo. Talo ka na." aniya.Kumunot ang noo ni Nardo. Tinitigan niya ang pribadong eroplanong nakaparada sa harap niya.Nanigas ang panga niya at mabilis na humakbang papasok.Hindi naman siya pinigilan ni Karl.Pagpasok ni Nardo sa loob.Walang tao.Walang kahit isang anino ni Amara.Nanliit nang husto ang mga mata niya.Naloko siya.Hindi sa private jet sumakay si Amara.Nalito lang siya at na-distract nang makita niya si Karl na nakatayo doon.Ang totoo, sinakay ni Amara ang huling commercial flight para makaalis bago maghatinggabi.Napagtanto niyang naisahan siya, agad na kinuha ni Nardo ang cellphone at tinawagan ang mga tauhan niya."Alamin niyo kung anong flight ang kakatapos lang umalis! Han
Sadyang idinidiin niya ang salitang "aalagaan" na para bang may halong banta at pananakot.Namula ang mga mata ni Sally at halos mapaluha sa galit at takot. Pagkaalis ni Mistica, dali-dali niyang kinuha ang cellphone at tinawagan ang nanay niya.Una... walang sumasagot.Pangalawa... wala pa rin.Pangatlo... tila patay na ang linya at hindi na dumadaan ang tawag.Nanginginig na ang buong katawan ni Sally, Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa pisngi niya.Pero pilit niyang pinapakalma ang sarili."Magsinungaling ka lang, hindi totoo 'yan. Buhay si Mommy. Hindi siya mamamatay. Nagsisinungaling lang ang masamang babae na 'yon..."Samantala, pagdating ni Nardo sa airport, hinarang siya ng mga tauhan ni Karl sa labas.Tiningnan niya ang hanay ng mga armadong lalaki at propesyonal na mga bodyguard sa harap niya.Nagdilim ang mukha niya at nanigas ang panga."Umalis kayo sa harap ko." malamig at nakakatakot na utos niya.Hindi man lang kumilos o umatras ang mga humarang sa kanya.Walang sinaya
Samantala, nasa VIP lounge na ng airport si Amara at mahinahong naghihintay ng flight."Marunong kang manloko at manlamang... eh di ako rin!"Halos hatinggabi na.Kapag nakalabas at nakaalis siya ng bansa bago matapos ang araw na ito, panalo na siya!Panalo na siya laban kay Nardo!Nasa tabi niya ang doktor at binibendahan ang mga sugat niya."Miss, hindi po kayo pwede sumakay ng eroplano sa ganitong kondisyon. Kailangan niyo pong ma-confine at ma-monitor sa ospital."Namumutla nang husto si Amara at dahan-dahang umiling habang nakapikit."Wala na tayong oras. Kailangan kong makaalis." aniya.Napakunot ang noo ng doktor. Hindi niya maintindihan, anong klaseng dahilan ba ang meron ang babaeng ito?Kahit ganito kalala ang tama at sugat niya, ipipilit at ipipilit pa rin niyang umalis?Lumapit naman si Karl at tiningnan ang nanghihina at duguan na si Amara. Nanliit ang malalalim niyang mga mata."Kailangan mo pang masaktan at ipagsapalaran ang sarili mo, para lang makaalis?"Dahan-dahang
Ayaw niyang maniwala, pero paulit-ulit na lang sa tenga niya ang sinabi ng nurse.At sa isip-isip niya, ang imahe lang ni Amara na nasagasaan at posibleng ikamatay niya."Kung pinayagan ko lang sana siyang umalis kanina.""Hindi sana mangyayari ito at hindi siya mamamatay."Siya mismo ang pumigil at nagpilit na manatili ito, at dahil doon napahamak at nasagasaan ito.Kung mawawala siya, siya ang may kasalanan. Siya ang pumatay sa kanya.Ang katigasan ng ulo at maling akala niya, siya ang sumira sa kanya.Bumulwak sa dibdib ni Nardo ang matinding pagsisisi. Sobrang sakit ng puso niya na parang pinipiga at hindi siya makahinga nang maayos."Kung may mangyaring masama kay Amara hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko habambuhay." aniya sa sarili.Dahan-dahang lumilipas ang oras at mabilis na umabot ng mahigit apat na oras.Sa mga sandaling iyon, tinawag man siya ng nurse para magbayad o asikasuhin ang mga papeles, wala siyang ibang inisip kundi ang emergency room lang. Sunud-sunuran s
Si Arnold Divaz ang namumuno sa kanila.Mga tauhan sila ni Ernesto.Dahan-dahang binawi ni Amara ang hakbang na akmang gagawin niya.Lumingon si Divaz at yumuko nang magalang kay Nardo."Sir, utos po ni Boss, hayaan niyo pong umalis si Miss Amara."Hindi alam ng lahat na mahigit isang oras lang ang nakalilipas, nakausap at nakontak na pala ni Amara si Ernesto.Walong taon nang ayaw ni Ernesto na maging manugang siya.Siyempre, siya ang taong pinakagustong makalayo at makawala siya piling ni Nardo.Tinitigan siya ni Nardo nang may lamig sa mga mata."Umalis ka."Lalong yumuko si Divaz."Sinabi po ni Sir, kayo po ay..."Pero lalong tumindi ang nakakatakot na aura ni Nardo, kaya napahinto at napatahimik na lang bigla si Divaz.Kahit na dating pinuno ng pamilya si Ernesto, sa mga nakaraang taon, si Nardo na ang may hawak ng tunay na kapangyarihan.Ang gusto niyang mangyari, mangyayari. Ang gusto niyang manatili, mananatili. Paano pa siya mapipigilan ng isang Assistant lang na katulad ni A
Malinaw na makikita sa mga kuha ng CCTV na inilipat ni Mistica ang takure, at partikular na inilagay ito papunta sa direksyon ni Sally.Pagkatapos noon ay tumayo siya, may dinampot na bagay, at aksidenteng natamaan ng siko ang takure kaya tumalsik ang tubig at direktang tumama sa bata.Kumunot ang
Mahinang humihikbi si Mistica habang nakatingin kay Nardo.Nakatikom naman ang labi ni Nardo at nanatiling tahimik."Nardo... masakit, pakawalan mo ako..." Pilit na pilit na binabawi ni Mistica ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Amara, ngunit hindi niya nagawa.Itinaas ni Nardo ang kanyang k
"Hindi ka niya kilala, pati na rin si Amara kaya bakit ka niya sisiraan para rito? Kung hindi niya narinig ang mga salitang iyon, kaya bang makabuo ng ganito ang isang batang tulad niya?" galit na tanong ni Nardo."A…ako…" Walang masabi si Mistica habang nakatayo doon.Kagagaling lang ni Amara mula
Napunta ang tingin ni Nardo sa namamagang mukha ni Mistica, na namumula dahil sa sampal. Malinaw na bakas ang marka ng kamay patunay na hindi nagpigil ang taong nanampal.Dumulas ang malamig na tingin ni Nardo kay Amara. Ang kanyang tinig ay kasinglamig ng yelo.“Bakit mo siya sinampal?” malamig na







