LOGINSa gabi, mabilis na lumalampas ang mga tanawin sa labas ng bintana.Isang silver-gray na kotse ang sumusunod sa kanila, pinapanatili ang tamang distansya, at tatlong interseksyon na ang nakakalipas mula nang mapansin ito. Noong una ay hindi ito pinansin ni Aera, pero nang lumiko ang kanilang sasakyan sa isang pribadong daan patungong Session road, sumunod din ang kotseng iyon."Ethan," mahinang tawag ni Aera, ang paningin ay nananatili sa side mirror."Hmm?" lumingon ang lalaki sa kanya mula sa pagkakatingin sa daan."Yung sasakyan sa likod... parang kanina pa tayo sinusundan."Biglang tumalas ang tingin ni Ethan. Tiningnan niya ang side mirror at dahan-dahang nagbagal ng takbo. Gaya ng inaasahan, nagbagal din ang silver-gray na kotse, pinapanatili ang distansya na mga limampung metro. Tahimik ang kalsada sa Session Road, at sa oras na ito ay halos wala nang ibang sasakyan."Kumapit ka nang maayos," wika ni Ethan, ang boses ay kalmado pero may kasamang kakaibang lamig.Bigla siyang na
Sa ikapitong round ng laro, tila naubos na ang swerte ni Aera. Nanlalaki ang kanyang mga mata habang ipinapakita ni James ang 20 puntos."Aera, pasensya na," wika ng lalaki habang pinagkiskis ang mga palad. May kakaibang kislap ng panunukso sa kanyang mga mata na nagpaba sa dibdib ng babae."Anong parusa?"Inilibot ni James ang kanyang tingin sa paligid hanggang sa tumama ito sa isang plato ng makukulay na marshmallow sa mesa."Alam ko na!" sabay palakpak niya. "Kakain kayo ng isang marshmallow kasama ang lalaking pinakamalapit sa'yo dito. Kakainin niyo ito mula sa magkabilang dulo, hindi dapat maputol sa gitna hanggang sa... alam niyo na."Sandaling tumahimik ang kwarto bago sumabog ang malakas na tawanan at hiyawan.Awtomatikong napalingon si Aera sa kanyang kaliwa si Shawn ang nakaupo doon, at halatang natigilan din ang abogado."James!," reklamo ni Shawn. "Nagiging sobra na ata ang mga parusa mo.""Rules are rules," paninindigan ng lalaki. "Kung talo, tanggapin ang parusa. Ano Aer
“Ang rules natin ang matatalo ay mamimili sa pagitan ng Truth o Dare”, wika ni james habang inilibot ang tingin sa lahat. "Ngayong gabi, walang makakatakas."Nakaupo si Aera sa tabi ng asawa niya, hawak ang isang baso ng red wine habang interesadong nanonood. Napansin niya na kapag magkakasama ang grupong ito, pansamantalang nawawala ang kanilang mga seryosong posisyon sa lipunan napapalitan ito ng gaan ng loob na tila ba bumalik sila sa panahon ng pagiging estudyante."Anong laro?" tanong ni Shawn habang inaayos ang kanyang salamin. Dahil sa kanyang trabaho bilang abogado, nakasanayan na niyang linawin muna ang mga patakaran."Simple lang, Twenty-One," wika ni James habang binabalasa ang mga baraha. "Dalawang baraha sa simula, kayo ang magpapasya kung hihingi pa o hindi. Ang pinakamalapit sa 21 ang panalo pero kapag lumampas, talo agad. Ang may pinakamababang puntos ang tatanggap ng parusa."Mabilis na nagsimula ang laro. Sa unang round, bahagyang nanalo si Shawn na may 20 puntos, ha
Sa Verve Music Lounge, ang mga ilaw ay sapat lang ang liwanag mainit sa pakiramdam at hindi masakit sa mata.Ito ang ikatlong araw mula nang bumalik ang magasawa sa bansa, at ito rin ang unang pagkakataon na pormal siyang ipinakilala ni Ethan sa kanyang pinaka-importanteng social circle."Kinakabahan ka ba?" tanong ng lalaki habang nasa loob sila ng elevator.Suot ni Aera ang isang simpleng champagne-colored silk long dress, ang kanyang buhok ay bahagyang kulot at nakalaylay sa kanyang balikat, at ang kanyang make-up ay simple pero elegante.Umiling siya at ngumiti. "Hindi ako kinakabahan, mas curious lang. Akala ko kasi wala kang kaibigan."Napaangat ang kilay ng lalaki at nagkunwaring nagtatampo. "Mrs. Almeda, ganoon ba talaga ako kahirap lapitan sa tingin mo?""Hindi naman sa mahirap lapitan," inosenteng pagkurap ni Aera. "Masyado ka lang kasing high and mighty. Sa aura mo pa lang, sino ba ang maglalakas-loob na lumapit sa'yo?"Kalahating biro at kalahating totoo ang sinabi niya.
Kinabukasan. Nagpatuloy si Zach sa pagpapadala ng mensahe."Mahal mo ba talaga ang asawa mo? Hindi ba't hindi mo ako kayang kalimutan? Sagutin mo ako ng totoo."Ito ang tanong na ipinadala niya habang nanginginig ang mga kamay, matapos ang pag-amin ni Serene na patuloy na nag papanggap bilang si Aera na galit lang ito dahil hindi siya makalimutan. Kailangan niya ng isang tiyak na sagot isang sagot na magbibigay sa kanya ng pag-asa.Pagkatapos, dumating din ang reply."Zach, magsasabi ako sa'yo ng totoo. Hindi ko siya mahal, kailanman ay hindi ko siya minahal."Tumigil ang paghinga ng lalaki nang isang segundo."Wala lang akong... magawa. Kailangan ko ng kakapitan, kailangan kong magkaroon ng matatag na posisyon sa tabi niya. Alam mo naman, bilang isang babae, napakahirap sa mundo ng negosyo."Isa-isang lumalabas ang mga salita sa screen, bawat isa ay tumatama sa kanyang puso."Ang totoo, ikaw lang naman talaga ang mahal ko. Walang iba kundi ikaw."Biglang napatayo ang lalaki, muntik n
Madaling-araw. Hindi natulog si Zach nang buong gabi, pero wala na sa kanyang mga mata ang baliw na tingin kagabi. Sa halip, napalitan ito ng isang matalas at malinaw na pag-iisip.Nasa ibabaw ng coffee table ang kanyang laptop. Nakabukas ang screen at nagpapakita ng ilang mga encrypted na records ng imbestigasyon. Ginamit niya ang kanyang huling mga koneksyon para imbestigahan ang numerong iyon isang virtual number ito na may matinding encryption, pero ang IP address na natunton niya ay tumutugma sa lugar kung saan niya hinalang nagtatago si Serene.Pero hindi pa sapat iyon. Kailangan niya ng direktang ebidensya. Kailangan niyang makita at makumpirma kung ang Aera na kausap niya ay totoo o pekeng tao lang.Ibinaba ng lalaki ang kanyang baso at muling binuksan ang mensahe. Saglit na nag aalinlangan ang kanyang daliri sa keyboard bago siya nagsimulang mag-type. Sa pagkakataong ito, ganap nang nagbago ang kanyang tono."Pasensya na, marami akong nainom kagabi kaya kung ano-ano ang nasab
Samantalang sa bahay ng mga Villamor, nang malaman nilang nakatakas si Serene mula sa pagkakakulong sa kanya, halos sumabog sa galit si Brent. Agad siyang nagpadala ng mga tao papuntang Manila.Hindi nahirapang hanapin ng ilang bodyguard ni Brent ang inuupahan apartment ni Serene sa Manila. Nang wa
Pagtapos makipag bati ni Zach kay Serene, medyo gumaan ang loob niya habang pabalik sa bahay nila. Pero pagkapasok pa lang niya, narinig na niya agad ang iyak ng anak niyang si Cedric sobrang lakas at parang nasasaktan.May kasabay pang matinding pagsigaw ng Mommy niya.Biglang sumikip ang dibdib n
Maganda ang mga neon lights tuwing gabi sa Baguio.Maganda ang naging ayos ni Aera, simple pero professional ang dating. Isa itong magandang pink skirt, samantalang si Ethan naman ay naka suot ng isang simple suit pero ang lakas ng maka sosyal. Sabay silang pumasok sa loob ng isang high-end bar. N
Hindi niya kakayanin na mabangga ang ganitong kalaking tao sa Baguio.Napangiti si Mr. Lee nang alanganin at mabilis na nag-sorry: “Pasensya na, Mr. Ethan! Ako ang nagkamali. Congrats sa inyo.” Pagkasabi nun, dali-dali siyang umalis.Pagkaalis niya, pabulong na sabi ni Aera:“Salamat at niligtas mo







