LOGINInabutan na ng madaling araw si Rusty sa harap ng laptop.Halos hindi na niya namalayan ang oras dahil sunod-sunod niyang chine-check ang mga nakuha niyang impormasyon. May ilang bagay na kailangan pa niyang i-verify at ayaw niyang tumigil hangga't hindi niya naiintindihan kung paano nagsimula ang lahat.Nang bahagya siyang mapalingon sa sofa ay saka lamang niya napansin si Hestia. Nakatulog na ito. Marahil ay dahil sa pagod at sa mga nangyari sa nakalipas na mga araw. Nakahiga ito sa sofa habang nakayakap sa maliit na unan at halos natatakpan na ng buhok ang mukha.Saglit na napatigil si Rusty.Kinuha niya ang kumot na nasa kabilang sofa at maingat na ibinalot iyon sa katawan ni Hestia. Pagkatapos ay inayos niya ang buhok na nakatakip sa mukha nito. Ilang minuto siyang nakatayo roon habang tahimik itong tinitingnan.Noong una pa lamang niyang nakita ang video ay hindi agad siya naniwala. There's no way.Kilala niya si Hestia simula pa noong bata sila. Alam niya kung anong klaseng bab
Agad na kumilos si Hestia matapos niyang makausap si Marco.Hindi na siya puwedeng manatiling nakatago lamang sa maliit na apartment at hintaying mawala ang iskandalo. Kung talagang may mali sa video, kailangan niyang malaman kung ano iyon at kung sino ang nasa likod ng lahat ng nangyari sa kanya.Hindi nagtagal ay dumating si Rusty.Anak siya ni Marco at lumaki kasama ng ama niya kahit half-Japanese siya. Sa unang tingin pa lamang ay mapapansin na agad ang magandang features nito at ang laging magulong buhok na parang wala itong pakialam sa itsura niya. Palaging nakangiti at palabiro si Rusty, pero ibang usapan kapag trabaho na ang pinag-uusapan.Magaling ito sa technology at ilang taon na ring tumutulong kay Marco sa iba't ibang bagay na may kinalaman sa security at digital investigation.Pagpasok nito sa apartment ay agad nitong nilapitan si Hestia.“You look terrible.”“Thanks.”“I'm trying to comfort you.”“That’s not how to comfort someone, Rusty,” reklamo ni Hestia.Napangisi s
Sa isang maliit na apartment sa isang probinsya, tahimik na nakaupo si Hestia sa harap ng lumang television.Walang nakakakilala sa kanya roon. Walang nakakalam na isa siyang Elizalde. Walang nakakalam na siya ang model na laman ng bawat news report. At iyon ang dahilan kung bakit pinili niyang doon muna magtago.Simple lamang ang apartment. Isang maliit na sala, isang kwarto at kusina na halos kasya lamang para sa isang tao. Walang kahit anong bagay na magpapaalala sa kanya ng buhay na mayroon siya noon.Sa unang pagkakataon matapos ang napakatagal na panahon, parang normal na tao lamang siya ulit. Ngunit kahit dito ay hindi niya matakasan ang pangalan niya.“Breaking news…”Muling lumabas sa television ang mukha niya. Mabilis niya iyong instop. Hindi niya kayang panoorin.Mula nang kumalat ang video ay hindi na niya binuksan ang social media niya. Alam niyang puro pangalan niya ang laman noon at ayaw niyang makita kung ano ang sinasabi ng mga tao.Hindi niya rin sinagot ang mga tawa
Maagang umaga pa lamang ay nagsimula nang kumalat ang video.Sa loob lamang ng ilang oras ay umabot na iyon sa iba't ibang social media platforms at news outlets. May mga nagre-repost, may gumagawa ng screenshots, at may mga taong pinag-uusapan ang bawat segundo ng footage.At hindi iyon nagkataon. Maingat na pinili ni Nathan ang oras kung kailan niya iyon ilalabas. Kasabay ng launching ng bagong Lumen campaign.Nang araw na iyon dapat ay si Hestia ang laman ng bawat billboard, advertisement, at social media page ng brand. Siya ang bagong mukha ng Lumen at isa iyon sa pinakamalaking opportunity na nakuha niya mula nang bumalik siya bilang Hestia Isabelle Elizalde.Ngunit sa halip na puro papuri ang matanggap niya, ibang pangalan ang mabilis na naging laman ng internet.Elizalde Heiress Scandal. Lumen's New Model Caught in Controversial Footage.Tahimik na nakaupo si Nathan sa loob ng opisina habang pinapanood ang sunod-sunod na lumalabas na articles sa laptop niya. Bahagyang umangat a
Dahan-dahang iminulat ni Hestia ang kanyang mga mata. Hindi niya agad maintindihan kung nasaan siya. Pulang-pula ang buong silid. Pati ang ilaw mula sa lampshade sa gilid ng kama ay may bahid na pula. Masakit ang kanyang ulo at pakiramdam niya ay nanghihina ang buong katawan niya.Para siyang binugbog. Ibang iba iyon sa sakit ng katawan niya tuwing galing siyang training. Napakunot ang noo niya habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Ang huli niyang naaalala ay ang tawag niya kay Levi. Pagkatapos noon ay wala na.Napatingin siya sa sarili niya nang maramdaman ang makapal na kumot na nakapulupot sa buong katawan niya. Hinila niya iyon nang kaunti, at halos mapahiyaw siya nang mapagtantong wala siyang kahit isang saplot.“What the…”Agad niyang hinila pataas ang kumot hanggang balikat. Mabilis na kumabog ang dibdib niya nang mapansin ang mga damit niyang nakakalat sa sahig.Nandoon ang blouse niya, ang pantalon, pati ang underwear niya ay nakakalat sa gilid ng kama. Magulo ang buong
Isang buwan din ang lumipas bago tuluyang natapos ang training ni Hestia kay Charlotte. Hindi naging madali ang buong buwan. Halos araw-araw siyang nasa studio ni Levi. Minsan ay mula umaga hanggang hapon ang training niya, at kapag may kailangang habulin si Charlotte ay umaabot pa sila hanggang gabi.Sa dami ng oras na ginugol niya roon, hindi niya maiwasang mas makilala ang mga taong nakapaligid sa kanya. Kasama na roon si Levi. Noong una ay iniisip pa rin niyang mayabang at mainitin ang ulo ang lalaki.Pero habang tumatagal, napansin niyang hindi naman pala ito ganoon sa lahat ng oras.Madalas ay tahimik lamang si Levi kapag nagtatrabaho. Kapag may problema naman sa studio ay siya mismo ang unang kumikilos para ayusin iyon. Hindi rin ito nakikialam sa training niya. Hinahayaan nitong si Charlotte ang magturo sa kanya at hindi siya pinapakialaman maliban na lamang kung may kailangang pag-usapan tungkol sa trabaho.Hanggang sa isang araw ay napag-usapan nila si Alea.“Hindi ba talaga
“How about that?” nanunuyang tanong ni Hector, tila siguradong sigurado na hindi iyon tatanggihan ni Vincent.How could he?For years, Vincent had worked as hard as possible, trying to get close to him and get his attention. Ginagawa nito ang lahat para lang matuwa ito sa kanya, ngunit hanggang nga
“Nakauwi na ba si Vincent?” tanong ni Hector kay Eunice nang hindi pa rin inaalis ang titig niya.“H-hindi pa, sir,” kinakabahan niyang sagot.Hindi alam ni Eunice ang kanyang irereact. Kung iiwas siya ng tingin ay baka isipin nitong wala siyang respeto. Pero kung makikipagtitigan naman siya rito a
“Trabaho na naman? Wala ka na bang ibang bukam-bibig kundi yan na lang?!” Tila pikon na pikon nang bulalas ni Vincent sa kanyang asawang si Eunice.Galit na kinalabog niya ang mesa dahilan para sabay-sabay na manginig ang mga plato, kutsara, at basong naroon. Tuwing umaga na lang kasi niyang nariri
Hindi sigurado si Vincent kung paniniwalaan niya iyon dahil hindi naman siya sinabihan ng boss niya na didiretso ito sa bahay nila.“Oo, kanina pa siya dito. Kalahating oras na,” ani Eunice.Hindi na siya pinansin ni Vincent at nagmadaling tumungo sa sala kung saan niya nakita si Hector na prenteng







