Share

Chapter 7

Parang nagpupumalakpak ang tainga ko sa tuwa matapos mabasa ang mensaheng iyon.

Hindi ko aakalaing mapapadali siyang umuwi sa Pilipinas. Matagal na matagal ko na siyang gustong makita ulit pero tinitiis ko lang dahil alam ko naman ang takbo ng utak ng mokong na iyon, sa oras na sinabi kong gusto ko siyang makita ay uuwi kaagad siya kahit pa nasa gitna ng trabaho kaya halos walang ipaglagyan ang tuwa sa puso ko nang siya na mismo ang nagtext sa akin na uuwi siya rito sa Pilipinas.

I was all smiles when I put my phone down and imagining ourselves getting the bond that we always want to when I noticed Waylen looking at me. Eyes were sharp, fists were clenched while holding the spoon and fork while his back was still leaning against his chair.

"Are you okay?" I worriedly asked. He seems like a baby that wants something but can't get.

Napahinga siya ng malalim at umiwas ng paningin tsaka sunod-sunod na tumikhim. Nang tumingin ulit siya sa akin ay biglang lumambot ang lalim ng kanyang mga mata kasunod ang hindi inaasahang pagnguso niya.

"Who are you calling to?" Waylen shyly pointed his long index finger at my phone whose on the side of my plate.

Humugot pa siya ng malalim na hininga at umubo ng ilang beses upang klaruhin ang lalamunan.

"Ah, si Ace," tugon ko at ininom ang tubig na sinalin niya kanina.

Nakita kong nangunot ang kanyang noo kasabay ang pagsasalubong ng mga kilay.

"Ace?" Bingi-bingihan niyang tanong dahilan para irapan ko siya. "How are you two related to each other?" Pang-uusisa niya pa at umayos sa pagkakaupo. Pinatong niya ang siko sa ibabaw ng mesa tsaka hinayaang ipahinga ang baba sa nakabukas na palad habang ang atensyon ay nakatuon sa akin.

Bahagya akong tumigil para tignan siya at hindi maitatanggi ang pagkunot ng noo.

"My childhood friend. We used to be partner's in crime," ngumiti ako nang maalala ang lahat ng kabulastugan namin noong kami'y bata pa.

Naranasan na naming habulin ng may-ari sa isang kilalang malaking tindahan sa probinsya dahil sa nabasag ni Ace ang plorera matapos niyang hindi sinasadyang itapon ang hawak na bola. Nahulog ang tanim nito at nabuhos ang mamahaling lupa at pataba na nilagay dahilan para pagalitan kami.

But Ace being Ace don't want to be caught that's why we ran away causing that owner to run after us.

"How long have you known each other?" I woke up from my sudden reverie when he asked.

"Half of my life," kibit-balikat kong sinabi tila nagmamayabang dahilan para ngiwian niya ako kasunod ang hindi inaasahang pag-irap.

Natawa ako sa ginawa niya habang siya naman ay halatang hindi natutuwa sa usapang meron kami.

Ang akala ko ay titigilan na niya ako pero napabuga na lamang ako ng mabigat na hininga nang magtanong ulit siya.

"Is it a boy or a girl?" He uncrossed his legs and pull his chair towards while his eyes were still not leaving my eyes.

My forehead furrowed and looked at him who's now sitting beside me with a hint of disbelief.

"A boy?" Parang nag-aalangan ko pang sinabi nang makita kong gaano kaseryoso ang gitla ng kanyang noo.

Bigla nalang siyang napabuga ng mabigat na hininga at pinadausdos ang upo sa silya para isandal ang batok sa sandalan bago minasahe ang sentido. Umiling ako sa pagiging OA niya.

"You're treating him like a criminal who's under investigation." Inilingan ko ulit siya at marahas na nilagay ang tikas ng buhok sa likod ng tainga.

Nilingon niya ako at natigil sa pagmasahe sa sentido tsaka dahan-dahang umayos sa pagkakaupo.

"I was just checking and also knowing you better." Palusot nito kahit halata naman sa mukha na hindi talaga ganoon ang kanyang intensyon kanina. Kulang nalang ata ay balatan niya ng buhay si Ace dahil sa inis niya lalo na nang malamang lalaki ito.

Inungusan ko siya at binelatan dahilan para bahagya siyang matawa tsaka guluhin ang buhok ko na parang aso.

Tinapos ko na lang ang pagkain at ganoon rin siya habang tahimik na pinapakiramdaman ang paligid.

"By the way, are you free today?" Maya-maya'y tanong nito at nilagay sa lababo ang pinagkainan naming plato na inutos ko sa kanya.

Sumandal siya sa gilid ng marmol na counter kasabay ng pagkrus ang binti at mga braso sa dibdib bago ako taimtim na tinignan.

Kinuha ko iyon tsaka tinanggal ang dumi at inipon sa tupperware para ipakain sa alaga niyang aso na ngayon ko lang rin nalaman na meron pala bago sinabunan.

"Why?" I asked and glanced at him only to see him smiling as if imagining something, "You're being weird." I notified before turning the faucet on.

Nauwi sa tawa ang ngiti niya tsaka lumapit lang sa akin para guluhin ulit ang buhok ko.

"Why don't we have a vacation this weekend?" He suggested while fixing my hair after he messes it up.

Yumuko siya sa akin para tignan ako dahilan para bumalandra ang matangos niyang ilong at mapupungay niyang mata.

In an instant, the butterflies in my stomach went wild especially after he puts the last strand of my hair behind my ear, slightly poking my nape with his pinky finger. I shivered in a weird feeling before looking away to hide my slowly turning red cheeks.

"Just the two of us?" That was almost a whisper.

Halos mabitawan ko na ang hawak kong plato lalo na nang tumango siya dahilan para mas mapalapit ang mukha niya sa mukha ko.

My knees were trembling and my body is sweating. I don't know what's happening but every move he makes starts to create a weird feeling inside my being.

"Ayaw ko! Hindi kita gaanong kilala baka kung anong gawin mo sa akin." Pagtanggi ko lalo na no'ng maisip ko na mananatili kami sa iisang lugar bawat minuto. Hindi ko ata kaya iyon, ni dito palang nga sa bahay namin ay iniiwasan ko na siya paano pa kaya kapag nangyari na ang bakasyon na sinasabi niya baka pagtaguan ko na siya.

"That's why we're having a vacation. Just the two of us to know each other more," giit niya at pinanood akong ilagay ang mga plato sa tamang lalagyan.

Nginiwian ko siya tsaka pinunasan ang basang kamay bago tumingin sa kanya.

"We can know each other without having a vacation." Paninindigan ko at tinulak siya gamit ang bewang para malinisan ko ng maayos ang lababo nang hindi iniisip ang layo ng mukha naming dalawa.

"I know but vacation is more effective rather than in this house. We can't see each other only if I sleep in the room with you. Plus I want to know how are you when you're my wife. As in wife like a normal wife. No arranged marriage just pure love and affection." Waylen explained along with the smooth gesturing of his hands, trying to make me understand the situation.

"What do you mean?" Natitigilan man ay nakakunot-noo kong tanong.

"Let's pretend like we're happy to have each other." He simply said and shrug his shoulders off.

"I can't do that." Awtomatiko kong pag-alma at sinabayan ng agresibong pag-iling tsaka tinalikuran siya.

Bakit kami magpapanggap? Ano ba tingin niya sa saya, tuwa at pagmamahal? Madali ba iyong gawing pagpapanggap ni hindi ko nga kayang maging malakas sa harapan ng maraming tao ano pa ang pagiging masaya? Nahihibang na siya.

"Just this once. Please..." he blocked his broad shoulders on the hallway making me to stop and looked up to him. I saw a hint of genuine sincerity in his green eyes as if begging me to that, "We were tied up in this situation and only to make this relationship a less hassle is to have happiness in each other even though as a friend." he continued and locked my hands around his huge hands.

Bigla ay parang may kung anong nagpatunaw sa puso ko sa pamamaraan ng pagkausap niya sa akin tila hinihipnotismo ako.

Ang gusto niya lang naman ay maging maayos ang relasyon namin bilang mag-asawa kahit na hanggang pagiging magkaibigan lang ang kaya naming ibigay sa isa't-isa. Alam kong tama siya. Tama siya na pareho naming hindi ginusto itong mangyari at nasa amin lang ang desisyon kung piliin naming maging malayo sa isa't-isa o simulang buksan ang puso at maging komportable sa kung anong meron na kami ngayon.

Dahan-dahan akong tumango at tinignan siya. Halos malagutan naman ako ng hininga matapos niya akong yakapin ng mahigpit na mahigpit habang tumatalon-talon dahilan para umalog-alog ang baba kong nakapatong sa malapad niyang balikat.

"I'm sorry," paghingi niya ng tawad nang umubo-ubo ako sa sobrang pagkahigpit ng yakap niya at napakamot sa batok kasunod ang paglitaw ng munting ngiti.

Sinamaan ko siya ng paningin at inayos ang sarili.

"Come on! Let's packed our things." Parang batang minsan lang nakawala sa hawla na sinabi niya tsaka ako hinila papunta sa ikalawang palapag para sabay na mag-impake.

I let him do what he wants to do. We took atleast 30 minutes of packing our things because he can't decide whether we'll use the blue luggage or use the yellow instead because he knows that it is my favorite color.

Ang sabi ko ay okay lang naman sa akin kahit na anong kulay ng luggage ang gagamitin basta kasya lahat ng gamit namin pero talagang problemadong-problemado siya sa sitwasyong mayroon siya ngayon.

In the end, he chose to used both luggages, one for our clothes and another one for the things that I don't know, but I saw him that he puts my hair blower, coffee mixer and even a lamp to make sure that I'm having my comfortable time on our vacation.

How does those things makes my vacation more comfortable?

Hinayaan ko na lamang siya na gawin iyon hanggang sa makontento siya.

"Here," inabot niya sa akin ang telepono niya nang makasakay na kaming dalawa sa sasakyan at handa ng pumunta sa kung saan niya balak magbakasyon.

Nangunot ang noo ko at tinignan siya.

"I don't have any ideas but I think husband and wife do this thing," tukoy niya sa pag-abot sa akin ng telepono.

"Talagang kinareer mo ang pagiging mag-asawa, ha?" Natatawa kong puna at binalik sa kanya ang telepono.

Hindi niya iyon tinanggap at pinagkrus ang mga braso para itago ang kamay.

"No." He firmly said and tucked his tongue out like a baby before rolling his eyes.

Ngumiwi ako at napipilitan na lamang na isilid sa sling bag ang telepono.

I don't know where would this pretending leads us but I wish that it won't complicate the things between us.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status