"Wow!" I was in an awe on the first three seconds that my eyes landed on the beautiful and tantalizing beach view.
It was filled with different people, showing their different sizes just by wearing their comfortable swim wears along with their confidence.The wide peaceful beach and the ray of the light that was touching my skin is one of the evidence that I'm in front of the beach after so how many years.Noon kasi nang maging kami ni James ay ayaw na ayaw niyang nagbabakasyon kami lalong-lalo na sa mga beaches dahil raw wala naman raw kaming ibang makikita roon kundi dagat. Hindi ko rin naman magawang sabihin sa kanya na paboritong-paborito kong tumambay sa dagat dahil iyan ang parating tambayan namin nila Mommy sa tuwing masyado na silang nagiging abala sa work para magkaroon pa ng oras sa akin.But despite the fact that they were too busy, they didn't let me think that I am abandoned by my own parents which I'm grateful with.Hinayaan kong halikan ng sariwang hangin na nagmumula sa dalampasigan ang katawan ko sa pamamagitan ng pagbukas ng dalawang braso. Ngunit bahagya ring natigilan matapos maramdaman ang mga braso ni Waylen na dahan-dahang pumapalibot sa aking bewang tsaka ako tuluyang niyakap ng patalikod. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko nang ngumiti siya sa libu-libong taong naglalakad sa ilalim ng tirik na tirik na araw tsaka hinayaang ipatong ang baba sa aking balikat upang tignan ako ng mas malapitan.Naiwang nakataas ang mga braso ko sa ere tsaka natitigilang tinignan siya."What?" He asked as he tightens his hug behind my back.Kumurap ako ng ilang beses upang gisingin ang sarili bago dahan-dahang binaba ang braso tsaka siya nanlalaki ang mga matang pinandilatan."What are you doing?" Pabulong kong sigaw at napatingin sa mga taong sumusulyap sa gawi namin tsaka ngingiti bago ulit magpapatuloy sa paglalakad.I tried pushing him away but he only used that as an opportunity to locked me more in his arms."I'm hugging you," he shrugs his shoulders off and waved his hands to the group of people who's looking at us from affar, lowkey admiring the sight.Parang ako ang biglang nahiya sa ginawa niya at mabilis na tinago ang mukha sa kanyang dibdib.Hindi ako sanay sa ganito. Sa tuwing pumapasyal kami ni James ay ayaw na ayaw niyang hinahawakan ko siya, wala naman siyang sinasabi sa akin pero nararamdaman ko na sa tuwing may tumitingin sa amin na magkasama kaming dalawa ay parang nahihiya pa siya ng dahil sa akin. Hindi ko alam kung bakit gano'n pero hinayaan ko nalang dahil pilit kong pinapaniwala ang sarili na normal lang iyon sa magjowa kahit ang totoo ay hindi naman talaga."Why are you hiding?" He confusedly asked and slightly loosen the hug.Mabilis akong nag-iwas ng paningin nang makaramdam ng pagkailang tsaka tumikhim."Nahihiya ako. Baka kasi napipilitan ka lang na gawin iyon para hindi iparamdam sa akin na nahihiya kang kasama ako," napalabi ako matapos kong magtapat sa kanya at napahinga ng malalim.Agresibong nangunot ang kanyang noo kasunod ang pagsasalubong ng mga kilay. Hindi makapaniwala niya akong tinignan tsaka pinasadahan ang paningin sa mga tao bago ulit ako tinignan."I was not expecting you to think of that, but that's not true. Why would I be ashamed of having you?" He genuinely asked and puts the strands of my hair behind my ear.Napatitig ako sa kanya nang sabihin niya iyon at umiwas na lamang ng paningin sa huli tsaka umiling."Nothing," I mumbled under my heavy breath.Hindi ko aakalain na gano'n siya mag-isip. Ibang-iba siya sa inaakala kong magiging siya.I heard him sigh, a very heavy sigh while looking at me."Whatever that keeps bothering in your head, you can always tell me, okay? I'm always here to be your friend," paalala niya at ginulo ang buhok ko tsaka ako nginitian. "Come on! Our room is waiting for us!" Biglang naging masigla ang boses niya na halatang pilit na iniiba ang usapan tsaka hinila ang dalawang luggage papasok sa lobby.Pinili ko nalang na h'wag iyong isipin at sumunod na sa kanya para hindi ko masira ang araw na pinaglaanan namin ng oras.He settled it all while we're on the way that's why we easily get to know where our hotel room is."Wow!" Muling nasabi ko naman nang makita kong gaano kalawak at kalinis ng kwarto tsaka nakaawang ang mga labing pinasadahan ng palad ang marmol na counter."Did you like it?" Tanong ni Waylen at napangiti matapos makita ang malapad kong ngiti.Wala sa sarili naman akong sunod-sunod na napatango tsaka lakad-takbong tinahak ang balcony. Namilog ang labi ko lalo na nang makita kung gaano kaganda ang view ng taas tsaka dinungaw ang baba para makita ang mga taong labas-masok sa loob ng hotel."Let's have a lunch after that we'll going to try all the activities here," he stated and sat on the edge of the bed with the body facing my direction and eyes were only torn on my every move.Halos wala ng paglagyan ang tuwa ko nang sabihin niya iyon dahilan para tumitiling tinakbo ko ang distansya namin para sunggaban siya ng yakap. Awtomatiko siyang napahiga sa kama na yakap-yakap ako sa bewang upang alalayan ang balanse namin dahilan para mahulog ako sa dibdib niya. Mas niyakap ko pa siya ng mahigpit matapos niyang matawa sa reaksyon ko tsaka tapikin ang ulo ko."You don't have an idea how much this means to me." I whispered and hug him even tighter than before making him froze.Ito na ata ang pinakamasaya kong araw. Ewan ko ba pero naging masaya naman ako kay James pero ni minsan sa buhay ko ay hindi ko talaga maranasan na mas maging masaya pa ng sobra sa saya.Ngayon ko nalang ulit ito naranasan. Ngayon ko nalang ulit naranasang paglaanan ng oras ng kung sino at dahil iyon sa kanya. Naging busy kasi sila Mommy sa panahon na lumilipas at gano'n rin ako lalo na't ako na mismo ang tumutustos sa mga pangangailangan ko. Halos wala na kaming oras para sa isa't-isa at ang parati ko nalang kasama ay si James pero ni isa sa mga nararamdaman ko ngayon ay hindi ko naramdaman nang kasama ko siya.Oo, naging masaya ako, pero alam kong may hangganan. Oo, napangiti niya ako pero alam kong may dahilan."Are you crying?" Pansin niya nang bumagsak ang luha ko sa kanyang leeg.Mabilis ko iyong pinunasan at umiling nang umiling bago dahan-dahang pinakawalan ang yakap."Who's crying?" Patay malisya ko pang tanong tsaka siya nagawang tignan.Minsan siyang napatitig sa akin at napabuga ng malalim na hininga tsaka dahan-dahang bumangon at umupo sa dulo ng kama, kung saan ako nakatayo."Go wear your favorite swim wear," he announced instead making my eyes gleamed in excitement.Bakit ba kapag kasama ko ang lalaking 'to bigla-bigla nalang nawawala ang lungkot ng nakaraan ko dahil sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig."Really?" Parang bata ko pang pagkukumpirma dahilan para tatawa-tawa niya akong tanguan. "Wala ng bawian 'yan, ah!" Sabi ko at mabilis na lumuhod sa luggage para halungkatin ang mga dinala kong damit.I chose a pair of red two piece and hurriedly run towards the bathroom to change. A bandean and a side tie panty that I always want to wear when going to the beach.Ito na ang pinakaunang pagkakataon pagkatapos ng mahabang panahon na makakapagsuot ulit ako ng two piece. Simula kasi noong naging kami ni James ay parati niyang sinasabi ay hindi dapat ako nagsusuot ng mga revealing clothes because that should girls wear.I lived believing that only to realize that it was so toxic. We girls can wear what we want, not to impress others but to find confidence on ourselves. They should not put any limit on how we dress, they should put limit on their judgement.Lumabas ako ng banyo na dala-dala ang damit na suot na papunta dito at suot ang pulang two piece. Mabilis kong tinungo ang life size mirror para suriin ang kabuoan dahilan para mangiti ako.The color of the swim wear that I'm wearing helps my skin to glow even more. It shows my hourglass-shaped body that I managed to maintain by doing some healthy diet. It shows too much of my skin but instead of being ashamed of my body, I used it to boost my self-esteem."What do you think?" Baling ko kay Waylen na kanina pa tahimik tsaka siya hinarap ng halos mapunit na ang mga labi sa ngiti.Muntik na siyang mahulog sa kama kung hindi lang siya agad napakapit sa bedsheet kasabay ng pagkalaglag ng panga habang habol-hiningang napatitig sa akin.Ilang sandali pa ay pinunasan niya ang pawis sa kanyang noo tsaka umiwas ng paningin at sumipol sa hangin, "You looked so hot, stunning and perfectly gorgeous." Pag-amin niya na pulang-pula na ang pisnge at hindi na halos na makatingin sa gawi ko.I giggled at myself before pulling the top see through."Hali ka na! Baka mahuli tayo sa mga activities." Sigaw ko tsaka nauna ng lumabas ng hotel room.Agad naman siyang sumunod sa akin na mukhang nasa apalaap pa tsaka sinabing magtanghalian muna kami bago gawin ang mga activities.We were busy enjoying ourselves that we didn't even knew that the time was passing by in a faster manner. After doing some snorkeling, scubba diving, island hoping, banana boat and many more activities, I insisted that we should have our dinner outside.Minutes passed and in just a blink of an eye it was already near midnight but we were still outside the hotel room just wandering the night view of the blue wide beach."Did you enjoyed our day?" Napukaw ang atensyon ko sa boses niya mula sa likuran dahilan para lingunin siya.Kanina pa ako rito nakatayo sa dalampasigan habang hinihintay siyang matapos ang kung sino man ang tumatawag sa kanya. Muntikan ko pa ngang makalimutan na ako pala ang may hawak ng telepono niya kaya medyo natagalan ang pagsagot ng mga tumatawag sa kanya.Sasagot na sana ako pero nagulat nang yakapin niya ang bewang ko at ibaon ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat kasabay ng marahang paghinga.Parang nagsilabasan ang lahat ng aking mga alaga sa sikmura at bigla iyong nagwala.Hinigpitan niya ang yakap at mas lalong diniin ang sarili sa akin."I did," tanging nasabi ko na lamang at niyakap ang ulo niyang nakabaon sa leeg ko kahit na nag-aalangang gawin.Naramdaman kong ngumiti siya kahit na hindi kita ang kanyang mukha kasabay ng pagtama ng mainit niyang hininga sa balat ko."I also did," he answered his own question and continue to breathe evenly.Napangiti ako sa sinabi niya at sinuklay ang buhok sa kanyang batok gamit ang dulo ng mga daliri tsaka nanatiling tahimik.We were both taking advantage of the rhythmic silence and shared heat with each other despite the cold breeze that keeps kissing our bodies when I saw someone, no three men walking towards us, looking at us, specifically at Waylen.Biglang bumilis ang tibok ng aking puso kasabay ang nakakabinging pagkalabog nito lalo na nang huminto sila sa likuran ni Waylen na nakayakap pa rin sa akin. Halos lumuwa ang aking mga mata sa kaba nang maglabas silang tatlo ng handgun tsaka iyon tinutok sa sentido ni Waylen nang ilang metro lamang ang layo.I can't see their faces. They were all wearing black face masks and covered with a white cap. The knuckle gloves that they were wearing and the way they stood confidently behind Waylen screams their expertise in this field.Nahigit ko na lamang ang aking hininga nang marinig ang pagkalabit nito ng gatilyo at mahigpit na napakapit sa dulo ng damit niya nang dahil sa unti-unting panghihina dulot ng takot."T-there's a g-gun," finally, I said it.Waylen's Pov:White petals on the red carpet, white bouquet she's holding with her pale hands. The beat of the solemn song and gentle rhythm of the music that I made for her echoed the whole church as she walked her high heels towards me who's been waiting for her for my whole life.My fragile woman,My sefless baby,My independent wifeAnd my one and only therapy. Those four lines from my song is already enough to explain how much I appreciate her. Those four lines, I can already say that even if she's not perfect in the eyes of every people, I can say to myself that she's more than perfect to be imperfect in my eyes.Hindi ko inaasahan na darating pa ang araw na ito. Iyong araw na mapapaiyak ko siya pero hindi na dahil sa sakit at lungkot kundi dahil sa galak at tuwa. My heart is filled now with so much happiness that I can't fight back my tears and take my eyes away from her. Parang tumitigil ang pag-ikot ng mundo kasabay ng paglakas at pagbilis ng tibok ng aking puso sa tuwing
Author's Pov:(One Month Later)Umalingawngaw ang malakas na tunog ng telepono sa buong silid matapos ang mahabang palitan ng usapan ng mga board members dahilan para pansamantalang madistorbo ang isa sa mga pinakaimportanteng meeting ni Waylen. Sabay-sabay na napatingin ang lahat sa gawi ni Waylen tsaka siya tinignan nang nakakunot ang noo. Wala sa sarili naman niyang naituro ang sarili nang mapansin ito dahilan para tanguan siya ng mga kasamahan niya sa meeting. "Your phone is interrupting our meeting, Sir." Masungit at iritadong bulong ng kanyang secretary na pumalit kay Abegail. Lalaki ito at kung umasta at makipag-usap sa kanya akala mo'y hindi nakikinabang sa kompanyang pinagta-trabahuan. Mabilis lamang itong mairita lalo na kapag hindi nasusunod ng maayos ang schedule niya maging ang pagkumpleto at paggawa ng tama sa trabaho. Minsan nga ay si Waylen na lang ang nagpapakumbaba rito at iniintindi ang ugali nito kahit na minsan ay naiinis siya. Alam niya kasi sa sarili niya na
"The title of this song is ‘My therapy.’" With all smiles, he said while looking into my eyes.Kahit may gusto pa akong sabihin at tanungin ay hindi ko na ginawa nang simulan niyang ikaskas ang kanyang daliri sa string ng gitara. Para siyang may mahika dahil sa biglaang pananahimik ng paligid na tipo ang tunog ng plastik ng chichirya ay naririnig. “In the aisle, your eyes first met mineSeeing you holding your bouquet, walking towards meMade me not happy and thought I'm unlucky.” He began singing while eyes were still not leaving mine as if I'm his one and only audience well in fact he has a bunch of them shrieking and admiring him. Agaran akong napanguso sa unang stanza na kinanta niya matapos maalala ang una naming pagkikita na siya ring unang pagtagpo ng aming mga mata. Pakiramdam ko noong mga panahong iyon ay ako ang pinakamalas na tao sa mundo habang nakikita ko siyang naghihintay sa akin sa harap ng altar na para bang sa oras na pumayag akong ikasal sa kanya ay tuluyan nang
"Where are we?" I confusedly asked and scanned my gaze all over the place. Mas nilakihan niya ang pagkabukas sa pintuan ng sasakyan habang inaalalayan akong bumaba. He even put his hand on the top of my head to avoid from hitting it on the ceiling of the car. Nasa labas kami ng bayan. Iyon ang una kong napansin. Ang maiingay na busina ng mga sasakyan, ang makapal at maitim na usok sa kalangitan maging ang matatayog na mga gusali't tahanan ay biglang naglaho at napalitan ng simple ngunit eleganteng mga kagamitan. The houses were not as huge as ours in the city yet it looks so peaceful. Noise not coming from the factories instead from the kids who were scattered all over the small asphalt, playing with each other along with their genuine smiles and laughters echoed all over the place while their parents were all outside their house, talking about life with happiness in their eyes. "This place is awesome!" I beamed and scanned the place for the third time before looking at him who's
"This day is so exhausting!" Reklamo ko pagkatapos magbihis ng pantulog tsaka sumampa na lang ng basta-basta sa kama dahilan para umuga ang bahaging iyon kasabay ng paglingon sa akin ni Waylen. Nakasandal ang likod nito sa headboard habang nakapatong ang laptop sa magkadikit niyang mga hita. Ang mga paa nito ay pinaglalaruan ang isa sa mga unan namin.He was wearing our pair yellow pajamas. His hair was messy and his face was serious. The eyeglasses that he's wearing made him more professional and intimidating. Noong una ay ayaw niya pa sanang pumayag na suotin ang pajamas marahil siguro ay wala sa hulog ang utak niya pero kalaunan naman ay napapayag ko rin. "Waylen," tawag ko at bahagyang hinila ang dulo ng suot niyang damit.Tinungkod ko ang isa kong siko tsaka pinatong ang baba sa ngayo'y nakabukas nang palad habang patuloy na hinihila ang dulo ng kanyang damit. He did not bother to give me a single glance and chose to continue from typing. Inis akong umirap sa kawalan nang wa
Parang may kung sinong dumaan sa loob ng shop dahil sa mas lalong pangingibabaw ng katahimikan sa paligid. Ramdam na ramdam ko ang pagkailang na nararamdaman nina Janina na tipong hindi nila kayang tignan ang sitwasyon naming tatlo. Aksidenteng dumapo ang mga mata ko kay Janina dahilan para makagat niya ang pang-ibabang labi kasabay ng tila pagong na pagtago sa ulo bago ako pilit na nginitian. I slightly shook my head and massaged my temples as I put my gaze back to James and Waylen who seemed to not bothered by the presence of others. Parang ako iyong nahihiya sa komosyong ginawa naming tatlo. "Simula nang makita kita, bigla ng nawala ang 'ganda' sa hapon ko." May riin at inis sa tinig ng boses ni James kasabay ang pagkuyom nito sa sariling kamao. "It's okay. I'm not really here to please your afternoon, I'm here for my Wife." Waylen flashed his most sweetest smile, slightly showing his teeth along with his dimples that is deep as a hole. Sumingkit ang dating singkit na niyang