MasukTumingin si Althea kay Xavier.
"Hindi mo man lang ako kinausap tungkol dito bago ka nag desisyon?" "Althea..." "Hindi ako pumapayag." Pagkasabi niya noon ay biglang nanahimik ang buong silid. Sa gilid ng kanyang paningin ay nakita ni Althea na mabilis na sinenyasan ni Amanda si Yana. "Waaah..." Agad umiyak ang bata. Sunod-sunod na tumulo ang luha nito habang nakatingin kay Xavier. "Pwede po ba akong mag-aral sa pinakamagandang school? Uncle, wala na po akong daddy... Ayaw niyo na rin po ba sa akin?" Kanina pa may bakas ng guilt at pag-aalinlangan sa mukha ni Xavier dahil ginawa niya ang pagbabago sa household registration nang hindi nagpapaalam kay Althea. Ngunit sa sandaling umiyak si Yana ay agad na nawala iyon. Binuhat niya ang bata at marahang hinaplos ang likod nito. "Huwag kang umiyak, Yana. Paano naman kita hindi gugustuhin?" Pagkatapos ay tumingin siya kay Althea. "Althea, hindi ko akalaing magiging ganito ka ka-unreasonable. Tingnan mo naman kung gaano kalungkot si Yana. Napakabata pa niya. Paano mo nakakayang makita siyang umiiyak nang ganoon?" Halos matawa si Althea. Siya ang unreasonable? Ang asawa niyang may ibang babae at anak sa labas ang nagdesisyong ipasok ang dalawa sa household registration nila nang hindi man lang siya kinakausap, pero siya pa ang masama dahil tumanggi siya? Hindi pa man siya nakakasagot ay tumayo na si Amanda. "Kuya, huwag mong sisihin si Sister-in-law. Kasalanan naming mag-ina ito." Pagkatapos ay yumuko siya kay Yana. "Yana, mag-sorry ka kay Auntie." Sa halip na tumigil ay mas lalo pang umiyak ang bata. Napabuntong-hininga si Xavier. Nang tumingin siya kay Althea ay puno ng pagod at pagkadismaya ang mga mata nito. "Althea, na-update na ang household registration. Tapos na ang usapan. Ilalabas ko na sina Amanda at Yana." Pagkaalis nilang tatlo ay saka lamang muling naging tahimik ang hospital room. Dahan-dahang itinaas ni Althea ang kamay niya at pinunasan ang pisngi. Basa ang kanyang mga daliri, at saka lamang niya napagtanto na umiiyak na pala siya. Napapikit siya. Hindi sulit umiyak para kay Xavier. Hindi para sa isang lalaking ganito. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakahiga roon bago niya tuluyang pinunasan ang mga luha sa mukha niya at kinuha ang cellphone. Nag-message siya kay Lawyer Mateo para tanungin kung kamusta na ang divorce agreement. Maraming negosyo ang pamilya Zobel, kaya hindi simpleng paghahati ng ari-arian ang haharapin nila. Kailangan pang ayusin ang maraming dokumento at kalkulahin ang mga property na pag-aari ng dalawa, kaya sinabi ni Lawyer Mateo na kailangan pa niya ng ilang araw. Pero ayaw nang maghintay ni Althea. Tinawagan niya ito. "Gusto kong umalis si Xavier sa kasal na ito na wala siyang makukuha kahit isang sentimo." Makalipas ang limang araw ay dumating si Freya sa hospital dala ang divorce agreement na inihanda ni Lawyer Mateo. Matalik na kaibigan ni Althea si Freya at nag-flight pa ito pauwi para lamang dalawin siya. Pagkakita sa makapal na dokumento ay napangiti si Althea. "Bestie talaga kita. Alam mo agad kung anong get-well gift ang gusto ko." Iniabot ni Freya ang mga papeles sa kanya. "Para sayo talaga yan." Kinuha iyon ni Althea, ngunit bago pa niya tuluyang mabasa ang laman ay nagsimula nang magmura si Freya. "Hindi ko talaga akalain. Ang kapal pala ng mukha ng gagong si Xavier. Hindi ko akalaing ganito siya kabasura." Matapos ikuwento ni Althea ang tungkol sa ginawa ni Xavier sa household registration nila nang walang pahintulot niya ay halos apatnapung minutong nagmura si Freya. Pagkatapos ay bigla itong napatingin sa kanya. "Pero seryoso, Althea. Kailan ka pa naging ganito ka-passive? Hindi mo man lang siya pinag-sigawan?" Nagkibit-balikat si Althea. "Ididivorce ko rin naman siya. Kung sino ang gusto niyang isama sa household registration niya ay bahala na siya. Wala na akong pakialam." "Malaki pa ang kailangan ng bagong kumpanya ni Xavier na suporta mula sa tatay ko." Dahil doon ay hindi kayang basta-basta talikuran ni Xavier si Althea. Kahit gaano pa niya kamahal si Amanda ay mas mahalaga pa rin sa kanya ang suporta ng pamilya Zobel habang nagsisimula pa lamang ang bagong kumpanya nito. At higit sa lahat, sa mata ng ibang tao ay mananatili lamang si Amanda na isang babaeng itinago niya sa gilid. Sa papel, adopted sister niya ito. Hindi niya maaaring hayagang aminin ang tunay na relasyon nila. Naalala ni Althea ang gabing sinabi ni Xavier sa kanya ang tungkol sa household registration. Pumunta pa ito sa hospital para humingi ng tawad at may dala pang mga paborito niyang lychee. Noon, sa tuwing nag-aaway sila ay ganoon palagi si Xavier. Bumibili ito ng lychee para suyuin siya at kadalasan ay siya rin ang unang humihingi ng tawad. Dati, iniisip ni Althea na kaya siya nito sinusuyo dahil mahal siya nito. Ngayon, kapag naaalala niya iyon ay gusto niyang matawa sa sarili. Napakatanga niya. Hindi niya napansin na sa tuwing sinusuyo siya ni Xavier ay palagi rin itong may hinihiling pagkatapos. Minsan ay may kailangan itong business resource. Minsan naman ay gusto nitong humingi ng tulong sa ama niya. Sa tuwing may kailangan ang negosyo nito ay saka ito nagiging lalong mahinahon at maalaga. Ngayon ay malinaw na sa kanya ang lahat. Hindi kailanman minahal ni Xavier si Althea. Ang minahal niya ay ang mga benepisyong kaya niyang makuha mula sa pamilya Zobel. "Pero kahit hawak mo na ang divorce papers, sabi ni Lawyer Mateo ay hindi raw magiging madali na paalisin si Xavier na wala siyang makukuha," sabi ni Freya. "Kahit magdemanda ka ay mahirap pa ring makuha ang lahat. Hindi ganoon kadaling alisin sa kanya ang bawat ari-arian. Anong balak mong gawin?" Dahan-dahang hinaplos ni Althea ang malamig na papel ng divorce agreement. "Bibigyan ko si Xavier ng regalo." Napakunot ang noo ni Freya. "Regalo? May sikretong asawa at anak na pala siya sa labas ng hindi mo alam, tapos bibigyan mo pa sya ng regalo?” Halos tumalsik ang laway nito sa mukha ni Althea sa sobrang inis. Hindi sumagot si Althea. May punto naman si Freya. Pero talagang naghihintay siya. Ayaw niyang basta makipaghiwalay kay Xavier at tuluyang umalis nang walang nangyayari. Gusto niyang matiyak na bago matapos ang lahat ay matatanggap ni Xavier ang pinakamalaking sampal sa mukha na hindi nito makakalimutan. At alam na niya kung kailan iyon mangyayari. "Nag-aalala si Xavier kung magiging successful ang bagong kumpanya niya sa pagpasok sa stock market." Biglang nagbago ang ekspresyon ni Freya. Napatingin ito kay Althea at unti-unting nagliwanag ang mga mata nito. "Gusto mong pigilan ang IPO ng kumpanya niya?" "Hindi." Umiling si Althea. Malamig ang ngiting sumilay sa labi niya habang nakatingin sa divorce agreement. "Sa halip ay gagawin ko ang lahat para matulungan siyang makapasok sa stock market." Natigilan si Freya. Sa wakas ay naintindihan niya. Hindi gustong pigilan ni Althea ang tagumpay ni Xavier. Gusto niyang tulungan itong makarating hanggang sa pinakatuktok. Dahil kapag nasa pinakatuktok na ito ay saka niya ito itutulak pababa.Napalingon si Althea. Paparating si Xavier. Mahahaba ang mga hakbang nito at mukhang kampante pa rin gaya ng dati, na para bang wala itong ideya kung ano ang nangyayari sa harapan niya. “Kuya.” Agad na nagbago ang ekspresyon ni Amanda nang makita siya. Hindi man lang ito nagdalawang-isip na lumapit at hinawakan ang braso ni Xavier sa harap ng lahat. “Ano ba ang pinag-uusapan ninyo?” Tumingin si Xavier kay Lucille bago bahagyang kumunot ang noo. “Sinabi ni Director Zobel na ilipat ko raw ang lahat ng gamit niya sa bago niyang desk at ayusin iyon para sa kanya.” May bahid ng pagtatampo sa boses ni Lucille habang nakatingin kay Xavier. Para bang hinihintay nitong sa halip na siya ay si Althea ang pagalitan nito. “Kung ganon, dapat—” Bago pa matapos ni Xavier ang sasabihin ay agad na sumingit si Amanda. “May mga dokumento akong kailangang iproseso at kailangan ko ng tulong ni Secretary Lucille. Kakapasok ko pa lang bilang director at ang dami ko nang kailangang asikasuhin.” Hab
Pagdating ni Althea sa opisina kinabukasan ay agad niyang napansin na may ibang tao nang nakaupo sa loob ng kanyang dating opisina.Si Amanda.“Director Zobel, naipon ko na ang lahat ng gamit mo. Nandito na ang mga iyon.” Itinuro ni Lucille ang isang karton na basta na lamang inilagay sa sahig. “Simula ngayon ay Business Development Specialist ka na. At alam mo naman na hindi binibigyan ng sariling opisina ang mga specialist.”Malamig at puno ng pang-iinis ang tono ni Lucille.Totoo nga. Naroon ang mga gamit niya. Pati ang ilang personal na bagay na matagal niyang inilagay sa opisina ay basta na lamang isiniksik sa isang karton na para bang wala namang halaga ang mga iyon.Si Lucille ang secretary ni Xavier. Noong bagong pasok pa lamang ito sa kumpanya ay ilang beses nitong sinubukang akitin si Xavier. Ngunit hindi man lang ito natinag.Noon ay lihim pa ngang ipinagmamalaki iyon ni Althea. Akala niya ay pinipigilan ni Xavier ang sarili dahil gusto nitong manatiling tapat sa kanya.Nga
“Althea, tingnan mo. Nagsalita na si Dad. Huwag ka na sanang magalit sa akin.” Lumapit si Xavier sa kanya. Ngunit agad na umatras si Althea upang hindi siya makalapit. “Sinampal mo ako gamit ang isang kamay, tapos tinanggal mo naman ang posisyon ko gamit ang isa. Ngayon, bawal pa ba akong magalit?” Pagkasabi niyon ay tumalikod siya at tuluyang naglakad palabas. “Althea! Althea, sandali!” Hinabol siya ni Xavier hanggang sa labas ng villa. Alam na alam ni Althea kung bakit ito patuloy na sumusunod. Nagpapakitang gilas lang ito sa kanyang ama. Alam ni Xavier na sumobra na siya ngayon. Hindi lang niya ito nasampal dahil sa bugso ng galit. Tinanggal pa niya ang posisyon nito sa kumpanya. Ngunit kailangan ni Amanda ng trabaho sa Westbridge. At dahil gusto nito mismo ang posisyon ni Althea ay handa si Xavier na ibigay iyon kahit si Althea ang kailangang isakripisyo. Sa isip niya ay pansamantala lang naman iyon. Maaari naman niyang bigyan ng ibang posisyon si Althea kapag naging maayo
Sa mismong oras na iyon ay tumawag ang kanyang ama. Pagkatapos ng nangyari sa kanila ni Xavier ay bigla siyang nakaramdam ng hindi magandang kutob.“Hello? Dad…”“Papunta ka ba ngayon sa Green Spirit?”Malamig at halatang hindi masaya ang boses ni Alfredo sa kabilang linya.Napakunot ang noo ni Althea. “Dad, nilagyan mo ba ako ng tracker?”“Ilang beses ko bang sinabi sa iyo na tigilan mo na ang pakikisalamuha kay Freya?”Hindi kailanman nagustuhan ni Alfredo si Freya. Nagkaroon ng magulong nakaraan ang babae bago nito inayos ang buhay niya. Kahit ilang taon na ang lumipas ay hindi pa rin iyon nakalimutan ni Alfredo.Kaya kahit wala nang kinalaman sa kanya ang mga dating ginawa ni Freya ay hindi pa rin komportable si Alfredo na nakikita itong patuloy na nakikipagkaibigan sa anak niya.“Pumunta ka sa Lakeside Villa. Ngayon din.”Pagkasabi niyon ay agad na pinutol ni Alfredo ang tawag.Wala nang nagawa si Althea kundi tawagan si Freya upang sabihin dito na sa ibang araw na lamang siya pu
“Althea, I’m sor—” Hindi na niya natapos ang sasabihin. Umangat ang kamay ni Althea at gumanti. Pak! Mas malakas at mas malinaw ang tunog ng sampal na ibinalik niya kay Xavier. Napako si Xavier sa kinatatayuan niya. Pati si Amanda ay natigilan. Nakatitig lamang ito kay Althea nang ilang saglit, na para bang hindi makapaniwalang nagawa nitong gantihan ang kuya niya. “Sister-in-law, anong ginagawa mo?! Paano mo nagawang sampalin ang kuya ko?!” “Hindi ba siya ang unang nanampal sa akin?” Malamig ang tingin ni Althea kay Amanda. Wala na siyang nakitang dahilan para magpigil pa. “At ginawa niya iyon para sa isang puta na katulad mo.” Biglang nagbago ang ekspresyon ni Amanda. Namutla ang mukha nito habang mas lalong humigpit ang pagkakayakap nito kay Yana. “Althea!” Galit na sigaw ni Xavier ang muling umalingawngaw sa buong silid. Dahil nasampal siya sa harap ng ibang tao ay tuluyan nang nawala kay Xavier ang kaunting guilt na nararamdaman niya. Napalitan iyon
Pagkarinig ni Freya sa sinabi ni Althea ay napairap siya nang todo.“Sa tingin ko ay talagang naapektuhan ang utak mo sa aksidente.”Hindi alam ni Althea kung matatawa ba siya o maiinis sa sinabi ni Freya. Ngunit hindi siya nagbibiro. Talagang determinado siyang gawin ang lahat para matulungan si Xavier na mapalago ang bago nitong kumpanya at matagumpay na makapasok sa stock market.At kapag dumating na ang araw ng listing ay saka niya gagamitin ang divorce agreement na iyon.Sa araw na iyon ay hindi na niya hahayaang basta makawala sina Xavier at Amanda. Hihilahin niya sa putikan ang dalawang taong nagtaksil sa kanya at sisiguraduhin niyang babayaran nila ang lahat ng ginawa nila sa kanya.Nagpatuloy ang pag-uusap nila ni Freya hanggang gabi. Habang lumalalim ang gabi ay unti-unting nagtipon ang maiitim na ulap sa labas ng bintana.Ayon sa weather forecast ay malakas ang ulan na darating sa gabing iyon, kaya hinikayat ni Althea si Freya na umalis na bago tuluyang bumuhos ang ulan.Hi







