Share

After Divorce: Claimed by my Cold Stepbrother
After Divorce: Claimed by my Cold Stepbrother
Author: Loulan

Simula

Author: Loulan
last update Last Updated: 2025-11-18 16:26:58

Sa ikatlong taon ng kanilang kasal, sa mismong araw na namatay ang nakatatandang kapatid ni Drake Monteverde—nagpasa ng papeles si Celeste para sa divorce.

Hindi makapaniwala si Drake dahil doon. “Dahil lang ba sa tinanggap ko ang sampal para kay Este?”

Este... Ganoon niya ito tinawag—malambing, pamilyar. Parang hindi lang manugang. Parang… minamahal.

Pinilit ni Celeste na ngumiti. “Oo. Dahil doon.”

Pero alam niyang hindi iyon ang totoong dahilan. Hindi lang iyon.

Tatlong araw ang nakalipas mula ng wedding anniversary nila, lumipad siya patungo sa Manila kung saan nagbi-business trip ang asawa niya, dala ang pag-asang ma-su-surpresa niya ito. Ngunit ang sumalubong sa kanya ay ang boses ni Drake—at ang katotohanang kayang bumiyak ng puso.

“Drake, bro. I am not trying to be mean or anything, but hiding out every year on your wedding anniversary isn’t a good thing. Niloloko mo lang ang asawa mo.”

The usually gentle and refined man had a hint of melancholy in his eyes. “Do you think I wanted this? If I didn’t… she would never believe that I haven’t touched Celeste all these years.” 

“She?” agad na wika ng isa ring kaibigan nito. “Are you talking about Estella Garcia? Your brother’s wife? Drake, siraulo ka ba? Are you actually fucking crazy? Don't tell me you'll still be hung up on this when she's pregnant with her second child? And besides, aren’t you afraid that 'he' will cause trouble for you for hurting Celeste?”

“He won’t.” Pinaglingkis ni Drake ang mga daliri niya. “Pagkatapos naming ikasal ni Celeste, nag-away sila. It’s been three years now since they’ve blocked each other.”

Her whole world shattered right in front of her eyes.

Hindi dahil hindi siya minahal.

Dahil hindi man lang siya hinawakan.

At ang babaeng iniingatan nito? Ang kinatatakutan niyang pangalan?

“Si… Estella Garcia-Monteverde,” bulong niya sa sarili habang nanginginig ang mga daliri.

Tatlong taon niya itong tinawag na sister-in-law.

Tatlong taon siyang naghintay, nagtiwala, umasa.

Tatlong taong kahihiyan.

Nang gabing iyon, sa unang pagkakataon, hindi siya umiyak. Pagkalabas niya ng club ay malakas na ang buhos ng ulan, ngunit tila ay hindi niya ‘yon maramdaman. She was just letting herself get wet from the pouring rain. Para siyang siraulong naglalakad na walang patutunguhan. 

She booked a flight back to Cebu that night. Doon siya inabutan ng kanyang lagnat. At habang nanlalata pa ang katawan niya, tumawag ang ospital—si Damon Monteverde, ang kapatid ni Drake, na parang kapatid na rin niya… wala na.

Parang mas lalo siyang nanlumo at tila’y pinagbagsakan ng langit ang kanyang mga balikat sa sobrang bigat ng kanyang dinadala ngayon. 

Sa libing, halos hindi na siya kumakain. Halos wala na siyang tulog. Para siyang multo na gumagalaw dahil kailangan, hindi dahil kaya niya pa. 

At noong araw na inilagay nila ang labi sa lupa, doon niya tuluyang napagtanto: Hindi niya kailangang manatili.

Pagkatapos ng seremonya, sumakay siya sa kotse. “Manong Joe, uwi na tayo.”

“Hindi na tayo dadaan sa mansyon?”

“Huwag na,” mahina niyang sagot. “Tapos na ako roon.”

Tapos na ang libing, pero may gulo pa rin sa pamilya Monteverde.

Si Damon ang panganay na anak at apo, lumaki sa layaw at aruga. Ang aksidenteng pagkamatay niya ay dahil sa pagpilit ng asawa nitong si Estella na bumili ng ice cream. Kung anong flavor, hindi niya alam. The road was slippery due to heavy rainfall. And that caused the accident. 

 Pati sa ospital, hindi man lang sinubukang isalba si Damon. Tinahi lang nila ang katawan nito. Kaya naman mainit pa rin ang galit ng pamilya Monteverde kay Estella. They’re blaming her.

Celeste didn't want to see her husband defend another woman; she had her own things to do.

Ngunit bago umandar ang sasakyan, biglang bumukas ang pinto sa likod.

Si Drake—naka-itim na suit, kaguwapuhan na halos nakakapaso, at ang buong mukha nito ay puno ng pag-aalala at pagod. Tumitig ito sa kanya.

“Celeste,” bulong ng binata, puno ng pakiusap na hindi niya kailanman narinig dati. “Uuwi ka na?”

Sandali siyang tumingin sa binata. Isang titig na pinaghalo ng pagod, sakit, at katapusan.

“Oo,” sagot niya.  

Agad niyang napansin si Estella kasama ang isang maliit na batang lalaki sa tabi nito. Si Estella at ang anak ni Damon na si Liam ay apat na taong gulang pa lamang at chubby.

Medyo naguluhan si Celeste sa intensyon ng binata nang makita niya si Liam na umaakyat sa kotse na talagang gumapang pa.

The kid looked at her and rudely said, “Tita, puwede niyo ba kaming ihatid ng mommy ko pauwi?”

Kumunot nang bahagya ang noo ni Celeste at tiningnan si Drake para manghingi ng eksplenasyon dito. 

Drake pursed his thin lips. “Galit pa sina Mama at Papa. Sa atin muna sina Estella at Liam makikitira.”

Parang natatakot na tumutol siya, he added, “Hindi ba’t gusto mo ng bata? Gusto mo ng anak? It's a good opportunity for you to learn how to take care of Liam.”

Halos napatawa si Celeste. Then she felt that laughing in the cemetery was a bit inappropriate, so she remained silent.

Ano ba ang pagpipilian niya? Kahit labag sa kanyang kalooban ay wala siyang ibang choice kundi ang pumayag na umuwi kasama ang dalawang nilalang. Pagdating nila sa bahay, tiyak na tumawag na si Drake bago pa sila dumating dahil naihanda na ni Aling Sharon ang guest room.

Sa wakas ay makakapagpahinga na siya. 

Pagkatapos maligo, humiga siya sa kama at nakatulog nang mahimbing. Nang muling magising, alas nuwebe na ng gabi. Saktong pag-abot niya ng phone ay siyang pagtawag ng kanyang matalik na kaibigan. 

“Na-draft ko na ang divorce agreement ayon sa gusto mo. Ipapa-send ko ba sa’yo?”

“Salamat, Maia.”

Kakagising niya pa lang kaya naman napakamalumanay ng kanyang tinig, medyo paos pa nga. “Hindi na kailangan i-send. Just call someone to deliver it. Thanks.”

“Ang bilis naman. Sigurado ka ba talaga rito?”

Marami nang kaso ang hinawakan ni Maia Revamonte, at natatakot itong pabigla-bigla lang ang desisyon ni Celeste. 

“Drake may not be a good lover, but in some ways...” She sat, turned off the lights. Even with the lights off, her thoughts become clearer. “I've thought it through…”

“Celeste…”

Humigpit ang kanyang pakakahawak sa phone at humugot ng malalim na hininga. 

“May pinagnanasaan siyang ibang babae, Maia.”

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • After Divorce: Claimed by my Cold Stepbrother   Kabanata 114: I saw them kissing

    AYAW NA niyang patagalin pa. Only by ending things as soon as possible could she truly detach herself from this marriage.Kung hindi, sa tuwing haharapin niya si Drake, pakiramdam niya ay may nakabara sa kanyang lalamunan—hindi mailuwa, hindi rin malunok.Nang marinig ni Danica ang diretso niyang sagot, halos masamid ito sa galit at gigil na nagtanong, “Anong mapapala mo sa divorce? Kung wala ang proteksyon ng pamilya Monteverde, puro kapahamakan lang ang aabutin mo!”Gustong matawa ni Celeste.“Kung hindi mo ibibigay sa akin, lalapit ako kay Rage. Kaya niyang tulungan akong kumuha ng replacement ng divorce certificate, ‘di ba?” kalmado niyang tanong.May mga koneksyon si Danica at ginamit iyon ng ginang para pigilan siya na makakuha ng replacement ng divorce certificate.But if Rage made a phone call, he could probably get her ten replacement divorce certificates in one go. Pero nagmamatapang lang siya; wala talaga siyang balak na humingi ng tulong sa binata.Kung hindi niya babanggi

  • After Divorce: Claimed by my Cold Stepbrother   Kabanata 113: 3 Billion, In Cash

    Celeste hadn’t expected that this was the reason she’d been called here.HINDI INAASAHAN ng dalaga na ito ang dahilan kung bakit naparito ang isang babaeng katulad ni Secretary Cath. Ngunit nanatiling kalmado ang kanyang ekspresyon.“Walang kinalaman sa ‘kin kung ano man ang nakita mo.”Kung tungkol ito sa bagay na ‘yon, si Rage dapat ang kausapin nito.ALAM DIN ito ni Cath. Ngunit ang lalaking tulad ni Rage Roswell ay hindi madaling lapitan.Personal niyang nasaksihan kung paano malamig at walang-awang tinanggihan ni Rage ang mga babaeng lumalapit dito—mula sa mga edukadong mayayamang dalaga hanggang sa mga mapang-akit na mga babae.At isa rin siya sa mga tinanggihan ng binata. Kaya alam niya na kung sakaling may babaeng makuha si Rage, ibig sabihin lang ay gusto ito mismo ni Rage.No one could force him.Mahinang napahugot ng malalim na hininga si Cath at tumingin sa doktor sa kanyang harapan. “Lumapit lang ako sa’yo dahil wala na akong ibang paraan.”Of course, umaasa siyang tuluya

  • After Divorce: Claimed by my Cold Stepbrother   Kabanata 112: New Patient

    Marahil dahil hindi niya pa naranasan ang bagay na ito noon, mas nakakaramdam ng safety si Celeste kung sa kama sila.Suot niya ang nightgown na pinili ni Rage sa kanya.Ang lace sa kuwelyo at laylayan nito ay lalo siyang nagmukhang maamo at masunurin. Habang pinapatuyo niya ang buhok gamit ang hair dryer, tila wala ang kanyang isip. The airflow pushed her bangs to one side, adding a touch of playful charm. Her already flawless skin was flushed pink from the hot shower, making her look like a ripe, juicy peach.On the surface, she appeared calm. Ngunit ang pagkakapilipit ng kanyang mga daliri sa harap niya ay naglantad ng kanyang kaba, at ang kanyang maamong mga mata ay may bahagyang bakas ng pagkabalisa.Higit sa lahat, padalos-dalos siya.Nang mapansin ni Rage ang eskpresyon niya sa mga mata. Mahina itong nagsalita. “Let’s watch a movie before going to sleep.”Watch a movie?Agad na iba ang pumasok sa isip ni Celeste. “Huwag na lang tayong manood…”Minsan na siyang nanood dahil sa k

  • After Divorce: Claimed by my Cold Stepbrother   Kabanata 111: Pwedeng sa Kama Na Lang?

    Mariing humarap si Celeste at nakita si Rage na nakasandal sa pinto, nakapako ang madilim nitong mga mata sa kanya.Mukha itong kakaligo lang. Ang bahagyang basang itim na buhok ay maluwag na bumabagsak sa noo ng binata. Wala ang dati nitong talim—sa halip, may kakaibang lambing at pagiging “tahanan” ang dating ng binata, mas presko, mas mapanganib sa pagiging kalmado.Nawalan ng pag-asa ang dalaga. “You’re overthinking it.”Hindi.Siya ang nag-o-overthink.Paano siya naging gano’n ka-naive? Sa wakas ay nagkaroon ng pagkakataon si Rage na hawakan siya sa palad nito—paanong bibitaw ito nang gano’n kadali?Bahagyang ngumiti ang binata. “So you’re not looking forward to my return?”“…Hindi.” Hindi tugma ang kanyang sagot sa tibok ng dibdib niya.Parang wala lang kay Rage. Bahagya itong kumilos, tila inaanyayahan siya. “Kung gano’n, come back for dinner.”Alam ni Celeste na wala siyang puwang para tumanggi.With that contract in place, she had far less power in front of Rage than she ever

  • After Divorce: Claimed by my Cold Stepbrother   Kabanataa 110.1: Rage is Back

    Chapter 110.1Nang mapansin niyang napadako ang tingin ng dalaga sa kanyang phone, nakaramdam ng takot si Drake na baka makita nitong may iba siyang tinitignan. Wala sa sarili niyang tinago ang phone at tumikhim.“I—”“May aasikasuhin ka, ‘di ba?” pagpuputol nito sa kanya. Mukhang napansin din nito ang pagkabalisa at pagmamadali niya.Sinong hindi? He urgently wanted to confirm where he had seen that photo before.Tipid siyang tumango rito. “I do have something to do.”“Kung gano’n, mauna ka na,” sabi ni Celeste.May kaba sa loob, sinulyapan ni Drake si Dr. Jack Lopez na nasa tabi ng asawa. Pagkatapos timbangin ang lahat, tumango siya. “Sige. Talagang may mahalaga akong aasikasuhin.”Nang tumango si Celeste, mabilis na naglakad si Drake papunta sa elevator.Kahit ang kanyang likuran ay naglalantad ng kanyang pagkabalisa.Pagkasakay na pagkasakay niya sa kotse, agad niyang tinawagan pabalik si Noah. “I’m absolutely sure I’ve seen this photo somewhere before.”Habang mas matagal niyang t

  • After Divorce: Claimed by my Cold Stepbrother   Kabanata 110: Photograph

    NANG MARINIG ito ay saglit na natigilan si Estella ngunit agad ding humagalpak ng tawa. Nakatingin kay Celeste na para bang nahihibang ito.“Sasabihin mo bang ikaw ang apprentice na sinasabi nila? Stop dreaming, Celeste.”Kung totoong apprentice ito ni Prof. Arnold Castillo, matagal na sana itong nakabuo ng koneksyon sa mga makapangyarihang tao at nakaangat na sa rurok. Why would she still be here, toiling away in research and development?Bahagyang ngumisi si Celeste. “Kung totoo man o hindi, it’s none of your business.”Hindi na nito hinintay ang kanyang sagot at agad nang tumalikod para umalis.Ngunit ayaw sumuko ni Estella. “Do you not want to know why I am here today?”“Hindi ako interesado.”HINDI NA LUMINGON pa si Celeste.Halos mahulaan na niya ang sasabihin ni Estella. Malamang ay gagamitin nito si Drake para inisin siya. At sasabihin nitong si Drake ang nag-ayos ng koneksyon.After all, there were not many people in Cebu with that level of influence.Pumasok sila sa elevator

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status