China oil! Hahaha!
Now playing: When you say nothing at all SabrinaHindi ko mapigilan ang malawak na ngiti sa aking labi habang napapatulala at tahimik na pinagmamasdan si Cara mula dito sa bintana ng aking opisina. Habang masayang nakikipag kwentuhan ito sa kanyang mga kaibigan mula sa isang shed na nasa harap lamang ng aking opisina. Hindi ko kasi mapigilan ang hindi kiligin sa tuwing naaalala ang mga kaganapan noong weekend kasama sina Lenny. Masaya ako dahil kahit papaano ay binigyan kami nito ng pagkakataon mapatunayan kung gaano ba namin kamahal ni Cara ang isa't isa. Alam kong hindi parin ito sumasang-ayon ng tuluyan sa relasyon na meron kami. Pero masaya na ako na kahit papaano ay binuksan nito ang kanyang puso, na makita nito kung gaano ako kasaya sa feeling ng babaeng minamahal ko ngayon. Kagat labi na napasulyap ako sa aking kamay kung saan makikita ang promise ring na ibinigay sa akin ni Cara noong gabi na maging official kami. Napaka payapa na ng puso ko. Iyong feeling na wala na it
Now playing: Hindi ko kaya - Zack Tabudlo Sabrina Isa hanggang tatlong araw na yata kaming hindi masyadong nakakapag-usap ni Cara. Naiintindihan ko naman ito dahil bukod sa exam week eh, alam kong maraming personal na bagay din itong ginagawa at pinagkaka abalahan sa ngayon. Habang abala kasi ito ay ganoon din ako bilang teacher. Sa totoo lang nga eh wala na yata akong maayos na tulog at pahinga dahil sa inaabot na ako ng umaga minsan sa pag checheck ng mga test paper. Minsan naman eh nakakaligtaan ko na rin ang kumain, kaya madalas akong mahilo ngayon bukod sa puyat na nga palagi ay nalilipasan pa ng gutom. Pagod na pagod na ako ngayon sa araw-araw. Isa lang naman kasing place ang gustong pag pahingahan at iyon ay sa piling ng aking girlfriend. Sobrang namimiss ko na ang mga yakap niya. Iyong nakakatunaw sa puso na boses niya at mga tawa. Iyong nakakakilig nitong mga ngiti at tingin. Lahat. Siya mismo, ay sobrang namimiss ko na. Kaya lang ngayon kasi ang linggo na hindi ako pwed
SabrinaKinakabahan na pumaparoon at parito ako habang naghihintay sa pagdating ni Cara. Alam kong kahit na hindi ako nito nirereply sa mga text message ko eh nababasa niya parin ang mga iyon.Kaya kahit na wala akong natanggap na reply mula sa kanya, eh agad na sumibad parin ako papunta rito sa seaside. Ito lamang kasi ang alam kong ligtas na lugar na pwede naming pag tagpuan, na tanging kami lamang na dalawa ang nakakaalam.Halos nasa kalahating oras na rin yata akong nandito at naghihintay sa kanya, ngunit hanggang ngayon ay hindi parin ito dumarating. Kaya naman, naghintay parin ako at maghihintay kahit na abutin man ako rito ng maraming oras, makausap ko lamang ito.Hindi na ako makakapayag pa na hindi nito nabibigyan ng kalinawan ang mga nangyayari. Halos dalawang linggo na kaming ganito. Hindi nag-uusap at palaging deadma lamang kapag nagkakasalubong o nagkikita sa school.Sobrang nakakabaliw na ang mga nangyayari. Minsan pa nga iniisip ko, baka naman masyado lamang akong nasan
CaraMadalas, makakasakit talaga tayo ng mga tao na hindi natin inaasahan. Minsan o madalas, by choice. Ngunit meron din naman na, hindi natin sinasadya ngunit kinakailangan.Kailangan, kasi alam nating mayroong mga bagay na mas nakabubuti para sa kanila o maging para sa mga sarili natin.Kailangan, kasi may mga bagay na doon tayo mas sasaya, at hindi sila iyon ang makakabigay sa atin. At hindi rin tayo ang makakabigay ng mga bagay na mas higit na makabubuo sa kanila.Kinakailangan natin sila minsang bitiwan, upang mas makita nila na may mga bagay pa na mas mahalaga at importante sa atin na pwede nilang matagpuan. Mga bagay na hindi nila makita, dahil nakaharang tayo. Mga bagay na mas may halaga sa atin, na mas karapat dapat para sa kanila.Nakakasakit tayo ng mga taong mahal natin, pati na rin ng mga taong mahal tayo dahil kasama iyon sa buhay. Kailangan nating masaktan upang matuto. Ngunit tayo ay nakakasakit din, para matuto. Magkaiba man ang pinagdaan, ang mahalaga parehas na mayr
Now playing: At ang hirap by Angeline QuintoSabrinaMabilis lamang lumipas ang mga araw. It's been three months since Cara Brigette Olsen's engagement was announced and tomorrow, she will marry the son of her parent's best friend.Oo, ganoon kabilis. Maging ako, nagulat din na ganoon kabilis na niyang gustong mag patali sa iba at hindi sa akin.Hindi naging madali sa akin ang araw-araw. At mas lalong hindi madaling tanggapin na basta na lamang nagtapos ng ganoon lamang kabilis ang relasyon namin ni Cara.Well, hindi ko na rin alam kung naging kami ba talaga o isang malaking pagpapanggap at laro lamang sa kanya ang lahat.Hindi na rin ako nagtanong pa dahil alam kung wala namang sasagot ng mga iyon para sa akin. Itinigil ko na ang mga katanungan sa aking isipan at sapat ng nanatili na lang ang mga iyon na walang kasagutan.Sa totoo lang, hindi ko na rin alam kung ano pa ba ang dapat kong maramdaman. Napapagod na akong umasa, kasi alam kong wala naman ng pag-asa. Ni hindi nga niya ako
Now playing: I wanna grow old with you by WestlifeCaraTyler did not show up on our wedding day. I also don't know why pero isa iyon sa pagkakataon na hindi ko inaasahan na mangyayari pa.Pagkakataon na alam kong hindi ko na palalampasin pa. Pagkakataon na alam kong dininig na ng maykapal ang mga lihim kong pagsusumamo at panalangin.Hindi na ako naghintay pa ng maraming oras. Agad na sinamantala ko na ang pagkakataon na makatakas mula sa mga mata ng aking ama, habang abala ito sa paghanap kay Tyler at habang nagtatago ito sa napakaraming medya.Agad na dinala ako ng aking mga paa patungo sa tahanan na matagal ko ring inasam na muling mahagkan. Isang tahanan na alam kong akin parin hanggang ngayon. Tahanan na alam kong hinihintay parin ako sa aking muling pagdating...sa aking muling pagbabalik.And that is Sabrina. The only person who feels like home. The home I want to keep forever.I cried as I ran towards her apartment. And hopefully, she was waiting for me as I expected. Because
SabrinaUnti-unti nang naging magaan muli ang lahat para sa aming dalawa ni Cara. Unti-unti ay bumabalik na sa normal ang aming relasyon, kahit na kailangan parin namin itong itago sa iba dahil sa aking propisyon.Alam kong magiging mas maayos pa ang lahat. At mas lalong alam ko rin, na darating ang araw na hindi na namin kailangan pang itago ang anumang meron kaming dalawa.Patago man ang aming relasyon, ay sobrang proud ako na maging girlfriend si Cara. Kung pupwede nga lang ipagsigawan ko pa sa buong mundo na akin siya, ginawa ko na. Ngunit sa ngayon, hindi ko man magawa ang bagay na iyon ay sapat at kontento naman kami sa isa't isa. Ang importante ay alam namin pareho na mahal namin ang isa't isa.Araw-araw naman ay patuloy naming pinatutunayan ang aming pagmamahal. At mas lalong pinatutunayan namin na magmula noong magkahiwalay kami, ay hinding-hindi na ito muli pang mangyayari.Masasabi kong panatag nang muli ang aking puso. Alam kong may mga pagsubok parin kaming pagdaraanan, p
SabrinaHindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman sa mga sandaling ito. Napakasaya ng puso ko na tila ba wala na itong katapusan.Napakatamis ng bawat sandali kapag kasama ko si Cara. Kaya naman palagi kong ninanamnam ang bawat segundo na kapiling ko ito.Ang mahalin si Cara ang isa sa tama at alam kong bagay na kailanman ay hinding-hindi ko pagsisisihan. Bagay na alam kong kahit na ano pa man ang mangyari pa aming relasyon, ay hinding-hindi ko na pakakawalan pa.She was the best thing that ever happened in my life. A gift I will never want to lose again. Kung hindi si Cara, hindi na ako magmamahal pa. At hindi na rin ako maniniwalang mayroong forever.I know forever is just a word that cannot be seen. But for me, forever is a feeling you can feel with the person you want to be with for the rest of your life.Forever is a feeling.Sa edad kong ito, marami na akong natutunan at nakuhang aral sa buhay na pwede ko ng magamit sa aking araw-araw. Ngunit pagdating kay Cara ay ibang-iba.