Share

CHAPTER 12: Little Bubble

MAY NAGPUNTANG miyembro ng kinauukulan sa tirahan ni Drew kasama ang ilan sa security ng village kung saan sila nakatira. In-explain ni Orion ang mga naganap lalo na at ito ang talagang nakasaksi sa mga nangyari. Naroon lang si Lily sa couch na may bahid ng pintura habang may nakabalot ng kumot sa kanyang katawan. Hindi siya makatingin kay Victor na hawak na ngayon ng miyembro ng seguridad.

Gayunman ay ramdam niya ang matalim nitong tingin sa kanya. Bakit ba siya nito sinisisi?

“Ang hindi ko maintindihan ay kung bakit nakapasok sa village ang isang iyan. Hindi ba’t mahigpit dito?” kuwestiyon ni Orion.

Natatakot dito ang ilan sa mga bagong dating. Kahit papaano ay hindi siya nag-iisa. Matapang ang anyo ng bodyguard ni Drew. Hindi pa nga niya ito nakitang ngumiti kahit sa loob ng ilang araw nilang pagsasama.

“Pasensya na kayo, Mr. Walton. Inaasahan kasi namin sa gate na may mga parating talaga dito sa bahay niyo. Tumawag po ang asawa n’yo sa ‘min para magbigay ng go-signal sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status