Share

Chapter 2: Cold War

Penulis: Moody_baby
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-16 12:58:40

Sa mga sumunod na araw, naging parte na ng daily routine ni Alyana Mendoza ang makipagbanggaan kay Dr. Sebastian "Bash" De Almonte. Kung ang ibang nurse ay kinikilig sa presensya ng CEO-doctor na ito, si Alyana—hindi takot. Sanay siyang makipagsabayan. Lalo na sa mga taong akala mo kung sino kung makapag-utos.

“Miss Mendoza,” malamig na tawag ni Bash habang hawak ang tablet. “Bakit mali na naman ang pagkaka-record ng BP ng pasyente kahapon?”

Tumigil sa paglalakad si Alyana. Aba, umaga-umaga, simula na naman? Nilapitan niya si Bash at hinarap ito nang buong respeto—pero may tapang ang boses.

“Sir, na-double check ko na po 'yan. Naka-leave po ako kahapon. Baka po may nag-edit ng record habang wala ako.”

“Don’t pass the blame,” mariing tugon ni Bash. Hindi ito tumitingin, nakatutok lang sa tablet.

“Hindi po ako nagpa-pass ng blame, Sir. Nagsasabi lang po ako ng posibilidad.”

Napabuntong-hininga si Bash. “You should be more careful. One wrong number can cost a life.”

Alam niyang may point ito. Pero hindi rin siya papayag na pagbintangan nang basta-basta.

“Alam ko po iyon, Sir,” aniya, ramdam ang pagpipigil sa tono. “I take my job seriously.”

Mataas ang kilay ni Bash nang tumingin sa kanya. “Then act like it.”

Sa ibang pagkakataon, baka napatigil na ang nurse sa harap niya. Pero si Alyana ay hindi basta natitinag. Tiningnan niya ito sa mata, ngumiti ng bahagya, saka tumango.

“Copy, Doc. Next time, babantayan ko kahit naka-leave ako.”

Tahimik si Bash. Pero sa loob-loob niya, unti-unting napapansin ang kakaibang ugali ng nurse na ito. Hindi sumusuko. Hindi rin nagpapakababa. Professional. Palaban. Hindi siya tulad ng ibang babae sa ospital na kapag nakita siya ay biglang nagbabago ang boses at ayos ng buhok.

Walang flirtation. Walang bola.

She just… works.

At kahit hindi niya inaamin, he finds that oddly refreshing.

---

Isang gabi, habang nag-iikot si Bash sa floor ng ICU para i-check ang mga report, napadaan siya sa suite ng ina. Tahimik sa loob, bukas ang dim light, at may nakasandig sa gilid ng kama.

Si Alyana.

Nakatulog habang hawak pa ang clipboard, may bolpen pa sa pagitan ng mga daliri. Nakasuot pa rin ng uniform, at halatang hindi pa nagpapahinga simula nang mag-duty.

Lumapit si Bash, tahimik, at napansin ang maliit na benda sa kanang braso nito. Napilayan? May gasgas din ang tuhod. Ngunit wala itong sinabi ni kailanman. Patuloy pa rin ang trabaho.

“Stubborn,” bulong niya sa sarili.

Pero sa halip na mainis, hindi na niya mapigilan ang sarili. Tinitigan niya ang mukha nito—mahinhin, tahimik, at parang ibang tao kapag natutulog. Wala ang apoy sa mga mata, wala ang pasaring sa mga salita. Tahimik. Payapa.

Naglakad siya pabalik sa kanyang opisina. Pero sa unang pagkakataon, may iniwang bakas ang isang simpleng eksena. At hindi niya maipaliwanag kung bakit… pero parang gusto niya itong protektahan.

---

Kinabukasan, habang inaayos ni Alyana ang mga dokumento sa nurse station, may napansin siyang hindi pamilyar na bagay sa ibabaw ng desk.

Isang cup ng mainit na cappuccino mula sa isa sa mga mamahaling coffee shop sa baba. At sa tabi nito, isang maliit na post-it note:

“You need rest too. –B”

Napahinto si Alyana. Hindi makapaniwala. Tiningnan niya ang paligid, baka prank lang. Pero nang iangat niya ang tingin, nakita niya si Bash sa loob ng glass office. May hawak itong file pero saglit na tumingin sa kanya. Walang salita. Pero sapat ang isang tingin para malaman niyang ito nga ang nagpadala.

Napalunok si Alyana, hawak ang cup. Mainit. Mabango.

Seryoso ba ‘to? Si Dr. Ice King nagbigay ng kape? At may concern?

Tahimik siyang umupo at uminom ng kaunti. Mainit, pero mas mainit ang unti-unting kumikiliti sa dibdib niya.

Pero kahit na may sandaling ganoon, hindi nawawala ang pader sa pagitan nila.

Si Bash—sanay magtago sa likod ng professionalism at perfectionism.

Si Alyana—puso’y minsan nang nawasak, at natuto nang huwag basta-basta magtiwala.

Sa bawat banggaan nila, may tensyon. Sa bawat tinginan, may tila hindi sinasabi.

Parang isang Cold War—hindi sigawan ang labanan, kundi titigan, galawan, at tahimik na kilos.

At sa mundong malamig at puno ng distansya, unti-unti nang may nadudurog.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 8: Ang Ama ng Anak Ko

    Tahimik ang buong suite habang si Alyana ay abala sa pag-check ng IV line ng batang pasyente. Sa labas, bumubuhos ang ulan, tila sinasalamin ang bugso ng damdaming matagal na niyang kinukubli. Ramdam niya—darating na ang oras na hindi na siya makakatakas sa katotohanan.Sa bawat araw na lumilipas kasama si Bash, lalong sumisikip ang dibdib niya. Hindi dahil sa takot mawala ito—kundi sa takot na masaktan ito sa katotohanang matagal na niyang ikinukubli.Nang lumapit sa kanya si Nurse Lyka, may dala itong brown envelope. “Alyana, may nag-iwan nito para sa’yo sa front desk. Sabi urgent daw.”Napakunot ang noo niya. Wala naman akong inaasahang dokumento…Binuksan niya ito. At sa unang tingin pa lang, parang huminto ang mundo niya.Custody PetitionCamilo Sebastian vs. Alyana MendozaFiling for Visitation Rights – Minor Child: Gabriel C. MendozaNalaglag ang envelope sa sahig. Nanginig ang kamay niya. Humugot siya ng hangin, pilit pinipigil ang luhang gustong kumawala.Gab.Anak nila ni Ca

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 7: Hanggang Kailan ang Lihim?

    “Ma, okay ka na ba riyan? Hindi po kayo naiinitan?” tanong ni Alyana, habang inaayos ang bentilador sa sulok ng maliit nilang bahay sa Caloocan. Isang araw lang siyang naka-leave—pero pakiramdam niya, kulang na kulang pa iyon.“Okay lang anak, huwag mo akong alalahanin. Ang importante, ikaw. Hindi ka na masyadong napupuyat?” tanong ng ina niya, habang nakaupo sa sofa, binabalot ang paa ng mainit na tubig na may asin.Napangiti si Alyana. “Sanay na, Ma. Pero… okay naman. Actually, masaya na ako sa trabaho ko.”Tumigil saglit ang kanyang ina sa pag-aasikaso sa paa nito. “May dahilan ba ang kasayahan mong 'yan? Baka may lalaki na diyan, ha?”Napahinto si Alyana. Ilang segundo siyang hindi nagsalita. Tumingin siya sa bintana, kung saan sumasayaw ang mga dahon sa malamig na hangin. Dati, bawat tanong ng ina niya tungkol sa pag-ibig ay parang tusok ng karayom. Pero ngayon, tila may ibang laman na ito.“Ma… meron.”Napatingin ang ina niya. “Talaga? Aba, sino naman ‘to? Nurse din ba?”“Doctor

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 6: Baka Maging Tayo

    Magkaharap sila sa isang maliit na coffee table sa labas ng coffee shop, kung saan tanaw ang ilaw ng ospital na nagsilbing saksi ng halos lahat ng bangayan, pagtitiis, at... paglalapit nila. Si Alyana, suot pa ang simpleng gray na hoodie na tila niyakap ang buong araw na pagod, habang si Bash, casual sa kanyang dark long-sleeve shirt, ay mas kalmado kaysa dati.Pero sa pagitan ng mga tahimik na lagukan ng kape, may mga tanong na hindi masambit—mga takot na unti-unting humuhubog sa kung anong meron sila ngayon.“Bakit mo ako hinayaan, Alyana?” tanong ni Bash, diretso pero mababa ang boses. “Hindi ka naman ‘yung tipong madaling ma-fall.”Nagulat siya sa tanong. Hindi niya inaasahan na mag-uumpisa ito ng ganoon. Ngunit hindi niya rin maitatanggi—iyon din ang tanong niya sa sarili.“Hindi ko alam,” sagot niya, tapat. “Maybe kasi, kahit gaano ka kasungit, kahit gaano ka ka-demanding… hindi ka plastic.”Nag-angat ng tingin si Bash. “Hindi ako sweet.”“Exactly,” tugon ni Alyana, may ngiti. “

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 5: Ang Halik sa Dilim

    Hindi mapakali si Alyanabbuong gabi. Maghahatinggabi na, pero gising pa rin siya, nakatingin sa kisame ng kanyang maliit na kwarto. Nasa ilalim siya ng manipis na kumot, pero hindi iyon ang kailangan niyang panlaban sa lamig. Ang totoo, hindi naman malamig ang gabi—ang kalituhan sa loob niya ang talagang nanginginig.Ang tanong ni Bash kanina, paulit-ulit na nag-e-echo sa isip niya."Kung sakali lang... may pagkakataon ka bang mahalin ang tulad ko?"Simple lang. Diretso. Pero sa puso niyang ilang taon nang sarado, ang tanong na iyon ay parang bomba.Hindi niya alam kung anong mas mahirap—ang bigat ng responsibilidad sa trabaho, o ang bigat ng emosyon na pilit pumapasok sa puso niyang matagal nang nilagyan ng harang.Hindi siya ganito dati. Isang Alyana na marunong mangarap, maniwala, magmahal. Pero pagkatapos ng mga taong sinayang niya sa isang lalaking sinaktan lang siya, natuto na siyang magtayo ng pader. Hindi para sa iba. Kundi para sa sarili niya.Pero bakit si Bash?Bakit sa lah

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 4: Mas Mahirap Pa Sa Operasyon

    Tatlong araw na ang lumipas simula nang i-assign si Alyana bilang lead nurse ng batang pasyenteng may rare neurological disorder. Pero kahit anong pilit niyang i-adjust ang sarili, parang hindi pa rin siya makabuwelo. Hindi dahil sa kakulangan ng kaalaman o kasanayan—nasanay na siya sa under pressure na environment. Pero ngayong hawak niya ang buhay ng isang batang anak ng senador at isang kilalang fashion designer, parang hindi sapat ang experience niya.Sobrang init ng mata ng media, ng admin, at higit sa lahat—ni Dr. Bash.Lahat ng kilos niya, mino-monitor. Lahat ng galaw, may checklist. Sa loob ng isang araw, parang may limang exam siyang kailangang ipasa.“Alyana, double-check mo ulit ang dosage sa IV,” utos ni Bash habang nakatitig sa lab results ng bata. “The kid’s immune system is weak. One wrong move, and he’ll be in critical condition.”Tahimik na tumango si Alyana. Hindi siya sumagot, hindi rin nagpakita ng kahit konting inis kahit pakiramdam niya ay tinatrato siyang estudy

  • Akin Ka Lang, Kahit Saglit   Chapter 3: Fire and Ice

    Maagang nagising si Alyana kinabukasan. Hindi gaya ng ibang araw na halos hatakin pa niya ang sarili palabas ng kama, ngayon ay parang may kakaibang sigla siyang naramdaman. Hindi niya maintindihan kung bakit, pero siguro... dahil sa kape kahapon. O baka dahil kahit paano, napansin siya ni Dr. Bash.Pero hindi ibig sabihin nito ay patutulugin niya ang damdamin niyang unti-unti nang naguguluhan. She’s here to work. Period.Wala siyang oras sa kilig-kilig. Hindi siya pumasok sa ospital para umibig.Pagpasok niya sa suite ng pasyente, bumungad sa kanya ang kakaibang eksena—si Dr. Bash, tahimik na nakaupo sa tabi ng kanyang ina. Hawak nito ang kamay ng matanda habang binabasa ang chart sa tablet. Ang stern, cold doctor na kilala niya, biglang parang ibang tao. Malambot ang aura. Tahimik ang mata. May puso."Good morning po," bati ni Alyana, pinipigilan ang paglalambot ng tuhod.Hindi siya tiningnan ni Bash. "Vitals update?"“Stable po ang BP, 120 over 80. Oxygen level at 98 percent. No rep

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status