Compartir

CHAPTER 4

last update Fecha de publicación: 2026-09-14 23:50:42

Makalipas ang ilang linggo matapos maospital ni Cece ay nakauwi na siya. Araw-araw pa rin naman siyang dinadalaw ni Sugar kaya lagi silang nagkikita. 

Noong una pa nga ay ayaw ni Sugar na roon umuwi si Cece dahil naisip niyang baka walang mag-alaga sa kanyang kaibigan pero pinilit siya nitong okay lang siya.

Isa pa, may tiyahin naman na makakatulong si Cece sa paggaling niya. Ayaw din kasing dumagdag ni Cece sa problema dahil alam niyang marami nang inaasikaso si Sugar sa kanila.

Habang nasa sofa sila at nag-uusap, napansin ni Cece na para bang balisa si Sugar. Kanina pa ito nakatingin sa baso ng juice na iniinom niya pero wala naman siyang ginagawa rito. As in, nakatulala lang siya.

“Uy, Su. Okay ka lang ba? Kanina ka pa tulala dyan,” sabi ni Cece, roon lang nagising si Sugar sa katotohanan.

“Ha? Ah, sorry. May iniisip lang. Ano iyong sinasabi mo?” tanong ni Sugar.

“Sabi ko, okay ka lang ba? Tulala ka kasi kanina. May problema ba?” may pag-aalala sa tono ni Cece noon.

“Ah, wala.. Naalala ko lang kasi iyong lalaking nakayosi session ko habang nasa ospital ka. Iniisip ko lang kung kamusta sya..” nahihiyang sagot ni Sugar, ni hindi siya makatingin kay Cece noon.

Naging seryoso ang tono ni Cece nang marinig ang kaibigan. “Ano? Nagyoyosi ka na naman? Bakit? Akala ko ba tumigil ka na dyan?”

Tumawa saglit si Sugar, halatang guilty sa kanyang ginawa. “Konti lang naman, saka hindi mo rin ako masisisi noon kasi stressed ako. 

“Ikaw ha. Pero teka, ano kamo? May nakilala kang lalaki roon?” paglilinaw ni Cece, tumango naman si Sugar, halatang kilig na kilig sa sinabi ng kanyang kaibigan.

“Oo, iyon na nga.. Nakilala ko nga yung lalaki, kaso ang alam ko lang, Alejandro iyong pangalan niya, pero hindi ko naitanong social media niya or phone number. Sayang. Dapat iyon pala ang ginawa ko.”

Kitang-kita ni Cece ang panghihinayang ni Sugar sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o maiinis dahil masyadong maharot ang kaibigan niya.

“Bakit nga ba hindi mo naisip? Iyan tuloy, hindi ka na yata makatulog sa kakaisip sa kanya,” nang-aasar pa na sabi ni Cece, pilit na tumatawa.

“Hay, nakakatunaw kasi iyong mga tingin niya sakin. Alam mo iyon? Iyong tipong parang titigil talaga ang buong mundo mo kapag nagtama ang mga mata namin. Ganun!” Kumikinang ang mata ni Sugar habang sinasabi iyon kaya alam ni Cece na tinamaan na ang kaibigan niya sa lalaking iyon.

“Naku, iyan ha. Umayos ka, baka may asawa naman ‘yang lalaking iyan. Sa mga kwento mo pa lang, ramdam na ramdam ko na gusto mo talaga siya, e.” Babala ang sinabi ni Cece.

“Aba, syempre, kung may asawa siya, lalayo ako. Hindi naman ako papayag na maging isang kabit, di ba? Pero sana.. wala.” Kilig na kilig pa rin si Sugar, parang matatapon na nga nito ang hawak niyang baso.

“Siguraduhin mo lang talaga na wala, kasi iyong huli mo, meron!” Pang-aasar ulit ni Cece sa kanya.

Natahimik na lang si Sugar noon pagkatapos ay nagpaalam na, may pupuntahan kasi siyang party sa isang bar kasama ang iba pa niyang kaibigan. Originally, kasama talaga dapat si Cece pero dahil sa nangyari sa kanya ay hindi niya na iyon nagawa.

Tumayo na si Sugar sa sofa. “Ay, naku. Bahala ka na nga. Aalis na ko dahil baka ma-late pa ko. O, kapag may kailangan ka, tatawag ka sakin, ha? Para mapuntahan agad kita.”

Natawa naman si Cece sa kanya dahil para siyang magulang nito. “Mama, ikaw ba iyan? E, sige na.. Ikamusta mo na lang ako sa kanila. Sabihin mo, pasensya na at hindi ako makapunta.”

Bago umalis si Sugar, inayos niya muna ang mga kailangan ni Cece, hindi niya talaga pinabayaan ito kahit anong mangyari.

Pagdating ni Sugar sa bar, medyo malamig na ang gabi pero hindi iyon naging hadlang para hindi maging masaya ang buong lugar. Maingay ang tugtugan at lahat ay busy sa pakikipagchikahan.

Pagpasok pa lang niya, sinalubong na agad siya ng dalawa niyang kaibigan na nauna nang dumating. 

“Oh hey. Finally! Nakarating ka na,” bati ng isang babae.

“Oo. Syempre, hindi ko hahayaan na hindi ako makapunta ngayon,” sagot naman ni Sugar at pareho niyang hinalikan sa pisngi ang dalawa niyang kaibigan.

Napangiti si Sugar habang naglalakad papunta sa table nila. Tinanggal niya ang dala niyang maliit na bag at umupo sa bakanteng upuan.

Sandali lang siyang nakipagkwentuhan dahil maya-maya ay napatingin siya sa kabilang bahagi ng bar.

Parang may nakita siyang pamilyar na mukha. Napatigil si Sugar at bahagyang kumunot ang noo. Hindi niya agad maaninag ang mukha ng lalaki dahil madilim ang bahagi kung saan ito nakaupo. Pero habang nagbabago ang ilaw, mas lalo niyang nakilala ang lalaking iyon.

Nanlaki ang mata niya at napabulong sa kanyang sarili. ‘Siya iyon.’

Si Alejandro.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Sugar. Ilang linggo na niyang iniisip kung saan kaya niya siya pwedeng makita ulit. Sa bar lang pala niya ito mahahanap. At ngayon, nasa harap na niya ito.

Hindi niya na napansin ang mga kasama niya. Tumayo agad si Sugar at maingat na naglakad patungo sa direksyon ni Alejandro. Hindi niya alam kung paano siya lalapit o kung ano ang sasabihin niya, pero ang mahalaga sa kanya ay makumpirma niyang siya nga talaga iyon.

Ilang hakbang na lang ang layo niya nang biglang may humawak sa kanyang braso. Napahinto siya.

“Ano ba?” napalingon si Sugar sa taong humawak sa kanya.

Isang lalaki ang nakatayo sa kanyang likuran. Hindi niya ito kilala. May hawak itong baso at halata mo talagang nakainom na, bahagya itong nakangiti habang nakatingin sa kanya.

“Sandali lang. Saan ka pupunta?” tanong nito.

Tinanggal ni Sugar ang kamay nito sa kanyang braso.

“Sa kaibigan ko. Bakit? Sino ka ba?” pagtataray pa niya.

“Dito ka lang muna sa tabi ko. Hayaan mo na iyong kaibigan mo, masaya naman dito, e,” pagyayabang pa noong lalaki.

Naiinis na si Sugar dahil unti-unting nawawala sa paningin niya si Alejandro dahil may mga taong dumadaan sa pagitan nila. Pilit siyang sumisilip sa direksyon nito.

Pero nang tuluyan nang luminaw ang kanyang paningin, wala na roon si Alejandro.

Parang bang bula na bigla na lang nawawala. Napatingin si Sugar sa paligid. Hinanap niya ang lalaking ilang segundo lang ang nakalipas ay nakita niya.

Pero, wala.

Napakagat siya sa labi at mabilis na naglakad palayo sa lalaking humawak sa kanya. Hindi na niya ito pinansin kahit tinatawag pa siya nito.

Umikot ang paningin ni Sugar sa buong bar.Hanggang sa may nakita siyang pamilyar na itim na jacket sa may hallway papunta sa likod.

Hindi siya nagdalawang-isip at sinundan niya iyon.

Habang papalapit siya, mas lalo niyang nararamdaman ang kakaibang kaba sa dibdib niya. Puno na siya ng tanong noon dahil para sa kanya, ano ba ang ginagawa ng isang lalaking matino sa bar ng ganoong oras?

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Alejandro's Babymaker    CHAPTER 27

    Makalipas ang ilang araw, maagang pumasok si Alejandro sa opisina. Hindi siya mapakali mula nang mapirmahan ang agreement. Kahit nasa harap na niya ang mga dokumentong kailangan niyang ayusin para sa trabaho, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari noong nakaraang araw. Hindi niya alam kung bakit parang mas mabigat iyon kaysa sa inaasahan niya. Bandang alas-diyes, pumasok si Brandon sa kanyang opisina. “Bro.” Hindi agad sumagot si Alejandro. Nakatingin lang siya sa isang folder sa ibabaw ng mesa. “Bro?” Doon lang narinig ni Alejandro na tinatawag na pala siya ni Brandon. “Ano iyon?” tanong niya. “Okay ka lang?” tanong ni Brandon sa kaibigan. Napatingin si Alejandro sa kaibigan. “A-Ah. Oo. Ayos lang naman ako. May sasabihin ako sa'yo.” Umupo si Brandon sa tapat niya. “About saan? Kay Sugar ba iyan?” Tumango si Alejandro. Napabuntong-hininga siya bago tuluyang sumagot.“Napirmahan na niya ang kontrata.” Sandaling natahimik si Brandon. “Seriously?” “Oo. Noong isan

  • Alejandro's Babymaker    CHAPTER 26

    Pagkatapos mapirmahan ang agreement, magkasabay na umuwi sina Ivy at Alejandro. Tahimik lang ang loob ng sasakyan. Si Ivy ay nakaupo sa passenger seat habang nakatingin sa dokumentong hawak niya. Ilang beses na niya iyong binuklat kahit alam na niya ang laman. Hindi niya mapigilang ngumiti. Sa wakas. Matapos ang matagal na paghihintay, mga consultation, mga pakikipag-usap sa doktor at mga gabing iniisip kung magkakaroon ba talaga sila ng anak, may pag-asa na siyang masasandalan. Hindi man siya mismo ang magdadala ng bata, magiging bahagi pa rin nito ang pamilya nila. “Hindi pa rin ako makapaniwala,” mahina niyang sabi. Nakatitig lang sa kalsada si Alejandro noon. “Hmm.” Napatingin si Ivy sa kanya. “Hindi ka ba masaya?” Sandali siyang natahimik. “Masaya naman ako.” Pero hindi sapat ang sagot na iyon para kay Ivy. “Parang hindi naman.” Huminga nang malalim si Alejandro bago sumagot ulit. “Hindi naman sa ganoon.” “Then ano? Bakit parang kanina ka pa tahimik dyan?” may inis na

  • Alejandro's Babymaker    CHAPTER 25

    Dumating ang araw na matagal nang iniiwasang isipin ni Sugar. Maaga pa lang noon ay gising na siya.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone niya. Ilang beses na niyang binuksan ang message ni Ivy.‘The documents are ready. We can meet at ten.’Alas-nuwebe pa lang, nakabihis na siya. Simple lang ang suot niya. Blouse, maong at maliit na shoulder bag. Wala siyang ginawang espesyal sa araw na iyon. Ayaw niyang maramdaman na parang may malaking selebrasyong mangyayari.Dahil para sa kanya, hindi iyon isang masayang araw. Isa iyong araw ng desisyon. Desisyon na talagang magpapabago sa buhay niya.Bago siya umalis, tiningnan muna niya ang kanyang ina na mahimbing na natutulog sa hospital room.Bahagya nang bumuti ang kondisyon nito, pero kailangan pa rin nitong manatili sa ospital para sa mga karagdagang tests.Lumapit si Sugar sa kama. “Ma, aalis lang po ko saglit ah.”Hindi sumagot ang kanyang ina. Kaya, marahan na lang niyang hinawakan ang kamay nito.“Gagawin

  • Alejandro's Babymaker    CHAPTER 24

    Pagbalik ni Sugar sa ospital, ilang segundo muna siyang nanatili sa labas ng pinto bago tuluyang pumasok.Huminga siya nang malalim at inayos ang mukha. Ayaw niyang makita ni Cece na may iniisip siya.Ayaw niyang mapansin nito na nanginginig ang mga kamay niya at ilang beses na niyang tinitingnan ang cellphone niya mula nang umalis siya sa coffee shop.Pagpasok niya sa waiting area, agad siyang nakita ni Cece. “Saan ka galing?”Napahinto si Sugar. “Ah…”Sandali siyang napatitig sa kaibigan. “May inasikaso lang ako.”Agad na kumunot ang noo ni Cece. “Anong inasikaso?”“May tinanungan ako ng assistance,” nanginginig pang sagot ni Sugar.“Assistance?” naguguluhan na tanong ni Cece.Tumango si Sugar. “Oo. May nagsabi kasi sa akin na baka pwede tayong makahingi ng tulong doon para sa hospital bills, kaya pinuntahan ko.”Bahagyang lumuwag ang mukha ni Cece. “Ah. Okay. Kaya pala. Kanina pa kasi kita hinahanap.”Umupo si Sugar sa tabi niya. “May nakuha ka bang information?”“May ilang require

  • Alejandro's Babymaker    CHAPTER 23

    Kinabukasan, hindi sinabi ni Sugar kay Cece ang tungkol sa desisyong unti-unting nabuo sa isip niya.Buong gabi niyang pinag-isipan ang sinabi ng kaibigan niya. Sinubukan niyang kumbinsihin ang sarili na may iba pang paraan. Pero habang nakahiga siya sa maliit na upuan sa tabi ng kama ng kanyang ina, paulit-ulit niyang tinitingnan ang listahan ng mga gastusin na hawak niya.Hindi pa iyon ang kabuuang halaga ng kailangan nila. May mga laboratory test pang kailangan, gamot at kung anu-ano pa. At kung sakaling kailanganin ng mas matagal na confinement ang kanyang ina, alam niyang patuloy lang lalaki ang bill.Bandang alas-diyes ng umaga iyon, nakatanggap siya ng message galing kay Ivy. Tinext niya kasi ito first thing in the morning dahil pakiramdam niya ay buo na ang isip niya.‘Pwede ba tayong magkita? Tayong tatlo ng asawa ko. May gusto akong pag-usapan tungkol sa offer ko.’Matagal na nakatitig si Sugar sa screen. Hindi niya agad sinagot ang text na iyon.Maya-maya, isa pang messag

  • Alejandro's Babymaker    CHAPTER 22

    Pagbalik nila sa waiting area, tahimik na umupo si Sugar. Si Violet naman ay may kausap sa kanyang tungkol sa ilang requirements sa ospital.Maya-maya, napabuntong-hininga si Sugar. Iniisip pa rin kung ano ba ang best decision para sa kanyang problema. “Cece. May naisip ako.”Lumapit si Cece sa kanya para marinig nito kung ano ang sinasabi ng kaibigan. “Hmm? Ano ang nasa isip mo?”“Paano kung…” Hindi niya itinuloy kung ano mang sasabihin niya, may idea na kasi siya kung anong magiging reaksyon ng kanyang kaibigan.“O bakit hindi mo tinuloy? Ano ba iyon?”“Paano kung tanggapin ko na lang?”Agad na nagbago ang mukha ni Cece. “Alin? Yung offer?”Tumango si Sugar. “Iyong offer nila Alejandro at Ivy. Kapag tinanggap ko iyon, sigurado akong masasagot na ang lahat ng problema ko.”“Hindi.” Mabilis ang sagot ni Cece. “Hindi mo tatanggapin ang offer na iyon dahil mas lalaki ang problema mo kapag tinanggap mo iyan.”Napatingin sa kanila si Violet pero hindi na nakialam. Alam niyang kahit kapati

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status