INICIAR SESIÓNTahimik ang buong kwarto nang pumasok si Alejandro. Tanging mahinang tunog ng heart monitor ang maririnig habang nakahiga si Ivy sa hospital bed. Nakapikit ito, pero alam ni Alejandro na hindi natutulog ang asawa niya.
Kita niya ang bahagyang paggalaw ng mga talukap nito at ang mga luhang patuloy na tumatakas sa gilid ng kanyang mga mata. Mabigat ang dibdib ni Alejandro habang dahan-dahan siyang lumapit. Hindi niya alam kung ano ang tamang sasabihin sa asawa niyang ilang araw nang nasa ospital. Ilang araw lang ang nakakalipas, muntik nang mawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal. Nagtangka kasi ito sa kanyang sariling buhay, bagay na hindi matanggap ni Alejandro dahil nakikita niya namang malakas ang kanyang asawa. Ang dahilan noon ay isang bagay na matagal na nilang pinag-uusapan, ang hindi nila pagkakaroon ng anak. Umupo siya sa tabi ng kama at hinawakan ang kamay ni Ivy. “I hope you'll be okay.. I love you so much.” Malamig ang mga kamay na iyon pero hinawakan pa rin niya. Naluluha na siya noon pero wala siyang magawa. Maingat niya iyong hinaplos gamit ang hinlalaki niya. “Ivy…” Bahagyang gumalaw ang babae pero hindi pa rin ito dumilat. “Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa’yo,” mahinang sambit ni Alejandro. “Pero sana… pakinggan mo muna ako.” Ilang segundo ang lumipas bago tuluyang dumilat si Ivy. Mapula ang mga mata nito. Pagod na pagod, halatang nasasaktan na at higit sa lahat, puno siya ng guilt. “Alejandro… I'm sorry..” Nanginginig ang boses nito. “Why are you saying sorry? You don't have to be sorry. Naiintindihan kita, kaya lang, masakit para sa akin ang ginawa mo.” Hindi galit ang tono ni Alejandro. Mas nangingibabaw ang takot at sakit. Takot na mawala ang kanyang asawa at sakit na baka ulitin na naman ito ni Ivy kapag hindi siya nakatingin sa kanya. Napayuko si Ivy. “Pagod na ako, Alejandro.” “Pagod ka na sa akin?” tanong ni Alejandro, patuloy ang luha sa kanyang mga mata noon. Mabilis na umiling si Ivy. “Hindi. Bakit ako mapapagod sayo? Mahal na mahal mo ako, bakit ko gagawin iyon sayo?” “Kung gano’n, bakit mo naisip na kailangan mong mawala?” Hindi agad nakasagot si Ivy noon. Pinisil nito ang kumot gamit ang nanginginig na mga daliri. “Gusto ko lang naman maging nanay pero hindi binibigay sa akin iyon. Bakit? May nagawa ba kong masama?” Napapikit si Alejandro. Alam niyang iyon ang pinakamasakit na bahagi ng lahat. Matagal nang pangarap ni Ivy ang magkaroon ng sariling anak. Ilang beses silang nagpakonsulta. Ilang beses silang umasa at ilang beses ding nauwi sa pagkabigo ang lahat. Pero hindi niya kailanman inisip na darating ang araw na magiging dahilan iyon para tuluyang sumuko ang asawa niya. “Hindi ibig sabihin na hindi tayo magkakaanak ay wala nang halaga ang buhay mo,” sabi niya. Tumulo ang luha ni Ivy.“Pero ikaw… gusto mo rin ng anak, di ba? Paano ka na kung wala tayong anak?” “Aaminin ko, gusto ko rin namang magkaroon ng anak pero kung buhay mo naman ang nakataya, okay lang kung hindi tayo mag-aanak,” diretsong sagot ni Alejandro. Napatingin sa kanya si Ivy at tuluyang napaiyak. “Akala ko kasi… magiging malungkot ka sa akin habang buhay.” Tumayo si Alejandro at bahagyang yumuko para mapantayan ang mukha nito. “Malungkot ako ngayon dahil muntik ka nang mawala sa akin.” Natahimik si Ivy. “Hindi ko alam kung paano tayo makakausad mula rito,” pagpapatuloy ni Alejandro. “Hindi ko rin alam kung magkakaroon pa tayo ng pagkakataong maging magulang. Pero hindi natin kailangang desisyunan lahat ngayon.” Huminga siya nang malalim. “Pwede tayong humingi ng tulong. Pwede tayong magpahinga. Pwede tayong umiyak. Pwede tayong magalit sa sitwasyon pero huwag mong iisipin na kailangan mong harapin lahat nang mag-isa.” Mahigpit niyang hinawakan ang kamay nito. “Kasama mo ako sa laban na ito kahit mahirap, mahal na mahal kita, Ivy.” Napahagulhol si Ivy. “Sorry.. Sorry talaga dahil naisip ko pang gawin iyon. I was so selfish.” “Hindi ko kailangan ng sorry mo ngayon pero kailangan mong sabihin sa akin kapag hindi mo na kaya. Okay? Malinaw ba iyon?” Tumango si Ivy habang patuloy ang pag-iyak. “Hindi ko kayang mawala ka, Ivy,” saglit siyang tumingin sa asawa. “Kung dumating ulit ang araw na maramdaman mong gusto mong saktan ang sarili mo, sabihin mo sa akin. Kahit anong oras, kahit anong mangyari at kung hindi mo kayang sabihin sa akin, sabihin natin sa doktor. Humingi tayo ng tulong. We will always find a way.” Tahimik na tumango si Ivy. Sa unang pagkakataon mula nang dalhin siya sa ospital, bahagyang kumalma ang mukha nito. Although, hindi pa tapos ang problema. Hindi pa rin nawawala ang sakit kay Ivy dahil gustong-gusto niya talagang magkaroon ng anak. Isa pa, hindi pa rin nila alam kung ano ang magiging kinabukasan nila bilang mag-asawa. Pero nang gabing iyon, isang bagay ang malinaw kay Alejandro. Hindi niya kailangang pilitin si Ivy na maging matatag agad. Kailangan lang niyang manatili sa tabi nito habang unti-unti itong bumabangon. Sa halip na pag-usapan muna kung paano sila magkakaroon ng anak, mas mahalaga munang tiyaking makikita pa ni Ivy ang susunod na araw. Hindi pa pwedeng mawalan siya ng asawa. Dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ng asawa. “Pahinga ka muna, dito lang ako. Tapikin mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong ko.” “Sigurado kang hindi ka mawawala sa akin kahit hindi tayo magkaroon ng anak?” natatakot na tanong ni Ivy sa asawa. Ngumiti si Alejandro pagkatapos ay tumawa saglit. “Hindi nga, paggising mo, nandito pa rin ako. Huwag kang matakot, okay?” Dahil sa assurance na binigay ng kanyang asawa ay pumikit na nga ulit si Ivy. May takot pa rin na nararamdaman si Alejandro noon pero pinangako naman niya sa kanyang sarili na hindi niya iiwan ang kanyang asawa.Makalipas ang ilang araw, maagang pumasok si Alejandro sa opisina. Hindi siya mapakali mula nang mapirmahan ang agreement. Kahit nasa harap na niya ang mga dokumentong kailangan niyang ayusin para sa trabaho, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari noong nakaraang araw. Hindi niya alam kung bakit parang mas mabigat iyon kaysa sa inaasahan niya. Bandang alas-diyes, pumasok si Brandon sa kanyang opisina. “Bro.” Hindi agad sumagot si Alejandro. Nakatingin lang siya sa isang folder sa ibabaw ng mesa. “Bro?” Doon lang narinig ni Alejandro na tinatawag na pala siya ni Brandon. “Ano iyon?” tanong niya. “Okay ka lang?” tanong ni Brandon sa kaibigan. Napatingin si Alejandro sa kaibigan. “A-Ah. Oo. Ayos lang naman ako. May sasabihin ako sa'yo.” Umupo si Brandon sa tapat niya. “About saan? Kay Sugar ba iyan?” Tumango si Alejandro. Napabuntong-hininga siya bago tuluyang sumagot.“Napirmahan na niya ang kontrata.” Sandaling natahimik si Brandon. “Seriously?” “Oo. Noong isan
Pagkatapos mapirmahan ang agreement, magkasabay na umuwi sina Ivy at Alejandro. Tahimik lang ang loob ng sasakyan. Si Ivy ay nakaupo sa passenger seat habang nakatingin sa dokumentong hawak niya. Ilang beses na niya iyong binuklat kahit alam na niya ang laman. Hindi niya mapigilang ngumiti. Sa wakas. Matapos ang matagal na paghihintay, mga consultation, mga pakikipag-usap sa doktor at mga gabing iniisip kung magkakaroon ba talaga sila ng anak, may pag-asa na siyang masasandalan. Hindi man siya mismo ang magdadala ng bata, magiging bahagi pa rin nito ang pamilya nila. “Hindi pa rin ako makapaniwala,” mahina niyang sabi. Nakatitig lang sa kalsada si Alejandro noon. “Hmm.” Napatingin si Ivy sa kanya. “Hindi ka ba masaya?” Sandali siyang natahimik. “Masaya naman ako.” Pero hindi sapat ang sagot na iyon para kay Ivy. “Parang hindi naman.” Huminga nang malalim si Alejandro bago sumagot ulit. “Hindi naman sa ganoon.” “Then ano? Bakit parang kanina ka pa tahimik dyan?” may inis na
Dumating ang araw na matagal nang iniiwasang isipin ni Sugar. Maaga pa lang noon ay gising na siya.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone niya. Ilang beses na niyang binuksan ang message ni Ivy.‘The documents are ready. We can meet at ten.’Alas-nuwebe pa lang, nakabihis na siya. Simple lang ang suot niya. Blouse, maong at maliit na shoulder bag. Wala siyang ginawang espesyal sa araw na iyon. Ayaw niyang maramdaman na parang may malaking selebrasyong mangyayari.Dahil para sa kanya, hindi iyon isang masayang araw. Isa iyong araw ng desisyon. Desisyon na talagang magpapabago sa buhay niya.Bago siya umalis, tiningnan muna niya ang kanyang ina na mahimbing na natutulog sa hospital room.Bahagya nang bumuti ang kondisyon nito, pero kailangan pa rin nitong manatili sa ospital para sa mga karagdagang tests.Lumapit si Sugar sa kama. “Ma, aalis lang po ko saglit ah.”Hindi sumagot ang kanyang ina. Kaya, marahan na lang niyang hinawakan ang kamay nito.“Gagawin
Pagbalik ni Sugar sa ospital, ilang segundo muna siyang nanatili sa labas ng pinto bago tuluyang pumasok.Huminga siya nang malalim at inayos ang mukha. Ayaw niyang makita ni Cece na may iniisip siya.Ayaw niyang mapansin nito na nanginginig ang mga kamay niya at ilang beses na niyang tinitingnan ang cellphone niya mula nang umalis siya sa coffee shop.Pagpasok niya sa waiting area, agad siyang nakita ni Cece. “Saan ka galing?”Napahinto si Sugar. “Ah…”Sandali siyang napatitig sa kaibigan. “May inasikaso lang ako.”Agad na kumunot ang noo ni Cece. “Anong inasikaso?”“May tinanungan ako ng assistance,” nanginginig pang sagot ni Sugar.“Assistance?” naguguluhan na tanong ni Cece.Tumango si Sugar. “Oo. May nagsabi kasi sa akin na baka pwede tayong makahingi ng tulong doon para sa hospital bills, kaya pinuntahan ko.”Bahagyang lumuwag ang mukha ni Cece. “Ah. Okay. Kaya pala. Kanina pa kasi kita hinahanap.”Umupo si Sugar sa tabi niya. “May nakuha ka bang information?”“May ilang require
Kinabukasan, hindi sinabi ni Sugar kay Cece ang tungkol sa desisyong unti-unting nabuo sa isip niya.Buong gabi niyang pinag-isipan ang sinabi ng kaibigan niya. Sinubukan niyang kumbinsihin ang sarili na may iba pang paraan. Pero habang nakahiga siya sa maliit na upuan sa tabi ng kama ng kanyang ina, paulit-ulit niyang tinitingnan ang listahan ng mga gastusin na hawak niya.Hindi pa iyon ang kabuuang halaga ng kailangan nila. May mga laboratory test pang kailangan, gamot at kung anu-ano pa. At kung sakaling kailanganin ng mas matagal na confinement ang kanyang ina, alam niyang patuloy lang lalaki ang bill.Bandang alas-diyes ng umaga iyon, nakatanggap siya ng message galing kay Ivy. Tinext niya kasi ito first thing in the morning dahil pakiramdam niya ay buo na ang isip niya.‘Pwede ba tayong magkita? Tayong tatlo ng asawa ko. May gusto akong pag-usapan tungkol sa offer ko.’Matagal na nakatitig si Sugar sa screen. Hindi niya agad sinagot ang text na iyon.Maya-maya, isa pang messag
Pagbalik nila sa waiting area, tahimik na umupo si Sugar. Si Violet naman ay may kausap sa kanyang tungkol sa ilang requirements sa ospital.Maya-maya, napabuntong-hininga si Sugar. Iniisip pa rin kung ano ba ang best decision para sa kanyang problema. “Cece. May naisip ako.”Lumapit si Cece sa kanya para marinig nito kung ano ang sinasabi ng kaibigan. “Hmm? Ano ang nasa isip mo?”“Paano kung…” Hindi niya itinuloy kung ano mang sasabihin niya, may idea na kasi siya kung anong magiging reaksyon ng kanyang kaibigan.“O bakit hindi mo tinuloy? Ano ba iyon?”“Paano kung tanggapin ko na lang?”Agad na nagbago ang mukha ni Cece. “Alin? Yung offer?”Tumango si Sugar. “Iyong offer nila Alejandro at Ivy. Kapag tinanggap ko iyon, sigurado akong masasagot na ang lahat ng problema ko.”“Hindi.” Mabilis ang sagot ni Cece. “Hindi mo tatanggapin ang offer na iyon dahil mas lalaki ang problema mo kapag tinanggap mo iyan.”Napatingin sa kanila si Violet pero hindi na nakialam. Alam niyang kahit kapati







