INICIAR SESIÓNDahil hindi na nga niya nakita si Alejandro, napabuntong-hininga na lang si Sugar. Ilang minuto rin siyang naghintay sa may hallway habang panay ang tingin sa paligid, pero wala talaga ang lalaking ilang linggo niyang iniisip.
Iniisip din niya noon na baka nagkamali lang siya ng tingin sa lalaki dahil todo isip siya tungkol kay Alejandro. Iniisip niya na baka dahil rin sa ilaw at dami ng tao kaya inakala niyang si Alejandro iyon. Napailing na lang siya noon at bumalik sa table ng mga kaibigan niya. Pagdating niya roon, agad siyang tinanong ng mga kasama niya kung saan siya nagpunta. Ngumiti lang si Sugar at sinabing may nakita lang siyang kakilala. Hindi na niya idinetalye ang tungkol kay Alejandro dahil ayaw niyang asarin siya ng mga kaibigan niya. Umupo siya at kumuha ng inumin pero ilang sandali pa lang ay naramdaman niyang may taong nakatayo sa likuran niya. Paglingon niya, nakita na naman niya ang lalaking kanina ay humahawak sa kanyang braso. “Anong ginagawa mo rito?” tanong ni Sugar, halatang hindi komportable. Inis na inis siya pero public iyong place kaya wala siyang nagawa. Ngumiti lang ang lalaki at umupo sa bakanteng upuan sa tabi niya nang hindi man lang nagpapaalam kung pwede bang umupo roon. “Hinahanap kita. Bakit? Hindi ba pwede? Mukhang mag-isa ka naman at walang boyfriend,” sagot pa ng lalaki kaya lalong nainis si Sugar sa kanya. “Bakit mo naman ako hahanapin?” Tanong ni Sugar. “Kanina pa kita gustong makausap. Bawal ba? Ikaw, ah. Ang sungit mo naman. Nakikipagkaibigan lang naman ako,” halatang inis na si Sugar pero wala siyang magawa. Hindi na siya pinansin ni Sugar. Bumaling siya sa kanyang mga kaibigan at ipinagpatuloy kung ano mang usapan ang meron sila. Akala niya ay aalis din ang lalaki kapag hindi niya pinansin pero nagkamali siya. Makalipas ang ilang minuto, naramdaman niyang hinawakan na naman nito ang kanyang braso. “Halika na. Samahan mo ako.” Napakunot ang noo ni Sugar at agad niyang inalis ang kamay nito. “Hindi ako sasama sayo, ano ba?” “Sandali lang naman. Saka, hindi naman tayo lalayo sa friends mo kung iyon ang concern mo.” “Sabi ko, hindi nga. Ayaw ko, di ba?” Tumayo si Sugar para lumipat ng upuan, pero mabilis siyang sinundan ng lalaki. Muli nitong hinawakan ang kanyang braso, sa pagkakataong iyon ay mas mahigpit na kaysa noong una. “Bitawan mo ako kung hindi tatamaan ka talaga sakin,” inis na sabi ni Sugar, bothered na bothered na siya sa kanyang sitwasyon. “Ang dami mong arte. Ikaw na nga itong nilapitan. Saka, saglit lang naman.” “Bitawan mo nga sabi ako!” Napatingin na ang ilan sa mga tao sa paligid nila dahil sa lakas ng boses ni Sugar. Lalong kinabahan si Sugar nang hindi siya bitawan ng lalaki. Sinubukan niyang hilahin ang braso niya pero mas lalo lang itong humigpit. “Sumama ka na sa akin. Mag-uusap lang tayo.Chill, ganun lang. Wala naman akong gagawin na masama sa'yo, e.” “Hindi nga ako sasama sa'yo! Bakit ba ang kulit mo, ha?!” Nagsimula nang kabahan ang mga kaibigan ni Sugar. Tumayo ang isa sa mga ito at lalapitan sana sila, pero naunahan sila ng isang lalaki na nasa kabilang bahagi ng bar. Nagulat si Sugar dahil si Alejandro iyon. Kanina pa pala siya naroon, tinitingnan sila. Nakita nito ang eksena mula sa malayo. Sa una ay hindi niya nakilala ang babaeng hinaharass ng lalaki dahil nakatalikod ito sa kanya. Pero nang marinig niya ang boses nito, biglang nagbago ang kanyang ekspresyon. Alam niyang pamilyar sa kanya ang boses na iyon. Hindi siya nagkamali. Agad siyang naglakad patungo sa kanila. “Hoy.” Mababa ngunit matigas ang kanyang boses. Napalingon ang lalaki. “Ano? Mangingialam ka ba rito?” Lumapit si Alejandro at diretso nitong tiningnan ang kamay na nakahawak sa braso ni Sugar, may awtoridad niyang sinabi ang mga salita. “Bitawan mo siya.” “Bakit? May problema ka ba sakin kung hinahawakan ko ang babaeng ito? Bakit? Kilala mo ba siya?”may pagkamayabang na sagot ng lalaki. Hindi sumagot agad si Alejandro bagkus ay lumapit pa siya hanggang sa tuluyan siyang humarap sa lalaki. “Sabi ko, bitawan mo siya.” Naramdaman ni Sugar na bahagyang lumuwag ang pagkakahawak sa kanya ng lalaki. Sinamantala niya iyon at mabilis na hinila ang braso niya palayo. Nang tuluyan siyang makalayo, saka siya humarap sa lalaking dumepensa sa kanya. Doon siya tuluyang natigilan. Hindi siya halos makapagsalita. Ang mukha, ang mga mata. Ang paraan ng pagtitig nito sa kanya. Totoong si Alejandro nga ang nasa bar. Ilang segundo silang nagkatitigan na parang parehong hindi makapaniwala sa pagkakataong iyon. “Ikaw?” Parang nanigas ang buong katawan niya nang marinig ang sinabi nito sa kanya. Napakurap na lang siya. “Al—Alejandro?” Bahagyang napangiti ang lalaki, pero kitang-kita pa rin sa mukha nito ang pagkagulat. “Ikaw pala, kaya pala pamilyar.” Hindi alam ni Sugar kung matutuwa ba siya o maiiyak dahil sa wakas ay nakita niya rin ang lalaking ilang linggo niya nang iniisip. Pero bago pa sila makapag-usap nang maayos, muling nagsalita ang lalaking kanina ay humawak sa kanya. “Kaibigan mo ba ‘yan?” Bumaling si Alejandro sa lalaki. “Hindi na mahalaga kung kaibigan niya ako o hindi. Ang mahalaga, ayaw niyang sumama sa iyo kaya dapat lang na irespeto niya iyon.” “Hindi naman kita kausap. Bakit ikaw ang sumasagot sa tanong ko?” lasing na lasing na ang lalaki noong mga oras na iyon. “Pero ako ang nagsasabi sa iyong lumayo ka sa kanya. Hindi ka ba nakakaintindi?” Tumahimik ang lalaki. Maya-maya, tila napansin nitong mas marami nang taong nakatingin sa kanila. Lalo na nang lumapit na rin ang mga kaibigan ni Sugar sa kanila. Prinotektahan niya ang kanyang sarili. “Wala naman akong ginagawang masama, ah.” “May ginawa ka,” mabilis na sagot ni Alejandro. “Paulit-ulit niyang sinasabing ayaw niya. Hindi mo pa rin siya binitawan. Bastos ka.” Nakita ni Sugar kung paano nagbago ang mukha ni Alejandro. Kanina ay kalmado lang ito, pero ngayon ay seryoso at halatang galit na sa lalaki. Muling sinubukan ng lalaki na lumapit kay Sugar pero agad na humarang si Alejandro. “Lumayo ka na.” “Relax ka lang, hindi ko naman siya gugulihin.” “Hindi ako makikipag-away sa iyo. Pero kapag hinawakan mo ulit siya, hindi na ako magiging mapag-pasensya pa sa'yo.” Natahimik ang lalaki. Maya-maya, napailing ito at tuluyan nang umalis. Sinundan iyon ng tingin ni Alejandro hanggang sa makalayo. Nang masigurong wala na ang lalaki, saka siya bumaling kay Sugar. “Okay ka lang ba?” Tumango si Sugar. “Oo. Maraming salamat sa tulong mo, ha.” “Sigurado ka ba?” paninigurong tanong ni Alejandro. “Oo nga, okay lang ako.” Tinitigan siya ni Alejandro mula ulo hanggang paa, tila tinitiyak kung may nangyari ba sa kanya. Kung meron, sigurado na dadalhin niya ito sa ospital para ma-check up. “Nakita kita kanina,” sabi nito. Nagulat si Sugar. “Kanina?” Tumango si Alejandro. “Pero hindi ko agad nakita na ikaw iyan. Nung narinig ko lang iyong boses mo, naisip ko na pamilyar sakin iyon.” Napangiti nang bahagya si Sugar. “Ako rin. Akala ko hindi na kita makikita.”Makalipas ang ilang araw, maagang pumasok si Alejandro sa opisina. Hindi siya mapakali mula nang mapirmahan ang agreement. Kahit nasa harap na niya ang mga dokumentong kailangan niyang ayusin para sa trabaho, paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang nangyari noong nakaraang araw. Hindi niya alam kung bakit parang mas mabigat iyon kaysa sa inaasahan niya. Bandang alas-diyes, pumasok si Brandon sa kanyang opisina. “Bro.” Hindi agad sumagot si Alejandro. Nakatingin lang siya sa isang folder sa ibabaw ng mesa. “Bro?” Doon lang narinig ni Alejandro na tinatawag na pala siya ni Brandon. “Ano iyon?” tanong niya. “Okay ka lang?” tanong ni Brandon sa kaibigan. Napatingin si Alejandro sa kaibigan. “A-Ah. Oo. Ayos lang naman ako. May sasabihin ako sa'yo.” Umupo si Brandon sa tapat niya. “About saan? Kay Sugar ba iyan?” Tumango si Alejandro. Napabuntong-hininga siya bago tuluyang sumagot.“Napirmahan na niya ang kontrata.” Sandaling natahimik si Brandon. “Seriously?” “Oo. Noong isan
Pagkatapos mapirmahan ang agreement, magkasabay na umuwi sina Ivy at Alejandro. Tahimik lang ang loob ng sasakyan. Si Ivy ay nakaupo sa passenger seat habang nakatingin sa dokumentong hawak niya. Ilang beses na niya iyong binuklat kahit alam na niya ang laman. Hindi niya mapigilang ngumiti. Sa wakas. Matapos ang matagal na paghihintay, mga consultation, mga pakikipag-usap sa doktor at mga gabing iniisip kung magkakaroon ba talaga sila ng anak, may pag-asa na siyang masasandalan. Hindi man siya mismo ang magdadala ng bata, magiging bahagi pa rin nito ang pamilya nila. “Hindi pa rin ako makapaniwala,” mahina niyang sabi. Nakatitig lang sa kalsada si Alejandro noon. “Hmm.” Napatingin si Ivy sa kanya. “Hindi ka ba masaya?” Sandali siyang natahimik. “Masaya naman ako.” Pero hindi sapat ang sagot na iyon para kay Ivy. “Parang hindi naman.” Huminga nang malalim si Alejandro bago sumagot ulit. “Hindi naman sa ganoon.” “Then ano? Bakit parang kanina ka pa tahimik dyan?” may inis na
Dumating ang araw na matagal nang iniiwasang isipin ni Sugar. Maaga pa lang noon ay gising na siya.Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama habang hawak ang cellphone niya. Ilang beses na niyang binuksan ang message ni Ivy.‘The documents are ready. We can meet at ten.’Alas-nuwebe pa lang, nakabihis na siya. Simple lang ang suot niya. Blouse, maong at maliit na shoulder bag. Wala siyang ginawang espesyal sa araw na iyon. Ayaw niyang maramdaman na parang may malaking selebrasyong mangyayari.Dahil para sa kanya, hindi iyon isang masayang araw. Isa iyong araw ng desisyon. Desisyon na talagang magpapabago sa buhay niya.Bago siya umalis, tiningnan muna niya ang kanyang ina na mahimbing na natutulog sa hospital room.Bahagya nang bumuti ang kondisyon nito, pero kailangan pa rin nitong manatili sa ospital para sa mga karagdagang tests.Lumapit si Sugar sa kama. “Ma, aalis lang po ko saglit ah.”Hindi sumagot ang kanyang ina. Kaya, marahan na lang niyang hinawakan ang kamay nito.“Gagawin
Pagbalik ni Sugar sa ospital, ilang segundo muna siyang nanatili sa labas ng pinto bago tuluyang pumasok.Huminga siya nang malalim at inayos ang mukha. Ayaw niyang makita ni Cece na may iniisip siya.Ayaw niyang mapansin nito na nanginginig ang mga kamay niya at ilang beses na niyang tinitingnan ang cellphone niya mula nang umalis siya sa coffee shop.Pagpasok niya sa waiting area, agad siyang nakita ni Cece. “Saan ka galing?”Napahinto si Sugar. “Ah…”Sandali siyang napatitig sa kaibigan. “May inasikaso lang ako.”Agad na kumunot ang noo ni Cece. “Anong inasikaso?”“May tinanungan ako ng assistance,” nanginginig pang sagot ni Sugar.“Assistance?” naguguluhan na tanong ni Cece.Tumango si Sugar. “Oo. May nagsabi kasi sa akin na baka pwede tayong makahingi ng tulong doon para sa hospital bills, kaya pinuntahan ko.”Bahagyang lumuwag ang mukha ni Cece. “Ah. Okay. Kaya pala. Kanina pa kasi kita hinahanap.”Umupo si Sugar sa tabi niya. “May nakuha ka bang information?”“May ilang require
Kinabukasan, hindi sinabi ni Sugar kay Cece ang tungkol sa desisyong unti-unting nabuo sa isip niya.Buong gabi niyang pinag-isipan ang sinabi ng kaibigan niya. Sinubukan niyang kumbinsihin ang sarili na may iba pang paraan. Pero habang nakahiga siya sa maliit na upuan sa tabi ng kama ng kanyang ina, paulit-ulit niyang tinitingnan ang listahan ng mga gastusin na hawak niya.Hindi pa iyon ang kabuuang halaga ng kailangan nila. May mga laboratory test pang kailangan, gamot at kung anu-ano pa. At kung sakaling kailanganin ng mas matagal na confinement ang kanyang ina, alam niyang patuloy lang lalaki ang bill.Bandang alas-diyes ng umaga iyon, nakatanggap siya ng message galing kay Ivy. Tinext niya kasi ito first thing in the morning dahil pakiramdam niya ay buo na ang isip niya.‘Pwede ba tayong magkita? Tayong tatlo ng asawa ko. May gusto akong pag-usapan tungkol sa offer ko.’Matagal na nakatitig si Sugar sa screen. Hindi niya agad sinagot ang text na iyon.Maya-maya, isa pang messag
Pagbalik nila sa waiting area, tahimik na umupo si Sugar. Si Violet naman ay may kausap sa kanyang tungkol sa ilang requirements sa ospital.Maya-maya, napabuntong-hininga si Sugar. Iniisip pa rin kung ano ba ang best decision para sa kanyang problema. “Cece. May naisip ako.”Lumapit si Cece sa kanya para marinig nito kung ano ang sinasabi ng kaibigan. “Hmm? Ano ang nasa isip mo?”“Paano kung…” Hindi niya itinuloy kung ano mang sasabihin niya, may idea na kasi siya kung anong magiging reaksyon ng kanyang kaibigan.“O bakit hindi mo tinuloy? Ano ba iyon?”“Paano kung tanggapin ko na lang?”Agad na nagbago ang mukha ni Cece. “Alin? Yung offer?”Tumango si Sugar. “Iyong offer nila Alejandro at Ivy. Kapag tinanggap ko iyon, sigurado akong masasagot na ang lahat ng problema ko.”“Hindi.” Mabilis ang sagot ni Cece. “Hindi mo tatanggapin ang offer na iyon dahil mas lalaki ang problema mo kapag tinanggap mo iyan.”Napatingin sa kanila si Violet pero hindi na nakialam. Alam niyang kahit kapati







