Hatinggabi na nang matapos ang lahat sa istasyon ng pulis. Halos wala nang tao sa labas nang lumabas sina Sugar at Alejandro. Tahimik na ang paligid kumpara sa ingay na iniwan nila sa bar.Napahikab si Sugar habang hawak ang kanyang bag. Ramdam na ramdam na niya ang pagod. Bukod sa puyat at dami ng nangyari ngayong gabi, nakainom din siya nang kaunti kanina. Hindi naman siya lasing noong una, pero habang tumatagal ang gabi, mas lalo niyang nararamdaman ang bigat ng ulo niya.“Sugar,” tawag ni Alejandro sa kanya kaya napatingin siya rito.“Hmm?” antok na antok ang boses niya noon, halatang lasing pa.“Ihahatid na kita sa inyo, ha,” sabi ni Alejandro pagkatapos ay ngumiti.Agad namang umiling si Sugar kahit nakainom na. “Ay, huwag na. Kaya ko naman umuwi mag-isa. Mukha lang akong lasing pero okay na okay ako.”Umiling si Alejandro. “Hindi. Hatinggabi na, tapos nakainom ka pa. Ayokong mag-isa kang umuwi. I insist, okay?”Pero kahit ganoon ay humindi pa rin si Sugar, para sa kanya ay labi
Last Updated : 2026-09-15 Read more