Share

Chapter 4

Chapter 4

It's a total mess. Their justifications were ridiculous!

"You're sending me to the Philippines? You've got to be kidding me!" I shrieked, practically seething with fury.

Really, of all places? I mean, hindi naman sa ayaw kong magpunta roon. In fact, nagpunta pa nga ako noon dahil kay Summer, but it was my job to keep her safe. This issue, however, is peculiar! Pinag-uusapan dito ay tungkol sa akin at sa mga gustong nsagsisimulang habulin ako!

Hindi ko na kinakailangang magpunta pa ng Pilipinas para magtago kung kaya ko namang protektahan ang sarili ko!

Tito Sebastian let out a sigh. "I know you can defend yourself, Alexis Kate, although revealing your identity will lead to your enemy locating you and putting you at risk."

"Why shouldn't you protect me instead of sending me to the Philippines?" giit ko habang tinitingnan silang dalawa.

Nakukuha ko naman ang punto ni Tito. What will happen to my life and missions in this country if I move to the Philippines to hide? Because I'm going to hide, I feel like a chicken, and it appears that I'm wimpy. I didn't go through the trouble of training and putting in the effort to get here for nothing.

"Tito Sebastian is entirely correct. Therefore, don't be concerned about us, okay? After all, I'm still here. Ang mas mahalaga naman ngayon ay ang kaligtasan mo at isa pa babalik ka pa naman, e," singit ni Wayne sa usapan na kasalukuyang nakahiga sa sofa habang hawak-hawak ang phone nito.

"Kahit na! Hindi ako makakapayag!" I wailed as well as I shrugged my shoulders.

Ang kaninang pagpipigil ko ng inis ay hindi ko na napigilan pa. Why can't they get my point here? Ayaw ko nga magpunta ng Pilipinas! Kahit anong sabihin nila, kahit takutin pa nila ako, hinding-hindi ako pupunta. Hinding-hindi ako aalis! Oh, my goodness, this really is causing me so much frustration!

Binaba niya ang phone nito saka humarap sa 'kin. His glared giving me chills pero 'di ako nagpa-apekto sa mga tingin niya. 

"Anong gusto mo ang palaging may nakasunod sa 'yo at nagbabanta sa buhay mo? Nag-aalala lang naman kami sa kalagayan mo. Isipin mo naman 'yon," he scoffed.

Natahimik ako sa sinabi ni Wayne. I bit my lower lip and averted my gaze. One against two. Excellent. Nakakatawa naman ang kinalalagyan ko. Anong laban ko sa kanila kung alam ko rin lang sa huli ay talo ako. I felt like I would weep out of frustration at any point.

I guess I have no choice, right? Ipagpipilitan pa rin nila ang gusto nila, gagawin pa rin nila kung anong gusto nila samantalang ako walang kalaban-laban at hihintayin kung anong magiging desisyon nila. Ano pa ang silbi ng opinyon ko rito?

"Then it's settled," declares Tito Sebastian. May inabot siya sa akin na envelope at binuksan ko ang laman no'n. Napakunot ang aking noo dahil sa nakita saka binaling ang tingin sa kanya habang nakataas ang kamay hawak-hawak ang mga dokumento.

Naglalaman ang envelope ng mga dokumento ko para sa pag-alis ko. Lahat kompleto at hindi kulang. Napangisi naman ako. Hindi naman halata na pinaghandaan ang pagpapadala sa 'kin sa Pilipinas.

"That will be your airline ticket, and that will be later," Tito Sebastian stated. "Additionally, don't purchase a condo; it will put you in danger; instead, rent an apartment."

Tumango ako bilang sagot. Naglakad na ako patungo sa may pinto kasama si Wayne ngunit bigla akong tinawag ni Tito Sebastian upang mapahinto at mapatingin ako sa direksyon niya.

"Alexis?"

"Yes, Tito?"

With a stern expression on his face, he glanced at me. Sa mga tingin pa lang na pinupukaw niya ay kinakabahan na ako. Hindi ko m****a kung anong nasa isip niya kaya hindi ko rin masasabi kung ano ang nais niyang sabihin sa ‘kin.

"Alexis Kate, don't get entangled with anything," he warned. Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko kung ano na ang sasabihin ni Tito sa 'kin.

Napangisi't napairap ako. "I'll give my best shot not to get involved with anything, but I can't guarantee you anything," pabalang na sagot ko saka na kami umalis ni Wayne sa loob ng opisina.

"Let's go, ihahatid na kita. Ilang oras na rin lang ang hihintayin mo," aniya saka ako hinila papuntang elevator. Mag gagabi na rin kaya ihahatid na rin niya ako.

Hindi rin nagtagal ay nakarating din kami sa airport at wala akong dala kahit ni isang mga gamit bukod sa sarili ko. Sa Pilipinas na lang ako bibili ng mga gamit ko since hindi naman ako puwedeng bumalik ng condo ko dahil baka nandoon pa rin sila't hinihintay ang pagbabalik ko. Isa pa, sira-sira na ang mga gamit ko roon.

"If something terrible happened, just contact me straight immediately, okay?" Wayne said, smiling sweetly.

"Yeah," tipid kong sagot saka na bumaba sa sasakyan niya.

Nang makaalis siya ay napabuntong-hininga naman ako. Napatingin ako sa airport bago napagpasyahang pumasok. Isang mapaklang ngiti ang sumilay sa aking labi.

"I suppose this is it," I mumbled.

Ano na ang mangyayari pagkarating ko sa Pilipinas? Iniisip ko pa lang ay parang ayaw ko nang umalis. Hindi ako sanay na wala masyadong ginagawa. Without a mission, everything feels pointless, and I think that something is lacking in my personality. Damn that woman, whoever she is! She's going to disrupt my peaceful life.

I'm going to leave New York for a bit to get away from the people who are attempting to hurt me. In the Philippines, I'm not sure what will happen to me. I'm praying that nothing goes wrong in the Philippines while I'm there.

Sana.

Pagkalabas ko ng airport sa Pilipinas, makulimlim ang kalangitan at mukhang gustong umiyak nito. Wala akong dala na kahit ano, dala ko lang ang sarili ko.

As I put on those eyeglasses, I sarcastically said to myself, "Welcome back to the Philippines, Alexis Kate Moore."

Nandito na ako sa Pilipinas, ngayon saan ako pupunta? Saan ako tutuloy? Mukhang mahihirapan ako dahil naulan ngayon. Kailangan may mahanap akong titirahan at kinakailangan ko pang bumili ng mga damit at gamit ko. Napabuntong-hininga naman ako.

Mas lalo yata akong mahihirapan sa lagay kong 'to.

"Miss, you want a ride. Where are you going?" May lumapit na isang taxi driver sa ‘kin. Napatingin ako sa kabuuan nito habang sinundan niya rin ang tingin ko sa kanya. I believe I can put my trust in this man, right?

Maghahanap lang naman ako ng apartment, e.

"May alam po ba kayong apartment?" Tanong ko, napalakpak naman siya sa gulat dahil marunong akong magsalita ng tagalog.

"Ay, Ma'am, may alam po akong lugar! Pero—"

"Bring me there, Manong," pagputol ko sa kanyang sinasabi. "However, don't ever try to fool me; I can kill you."

Nanlalaki ang mga mata habang sunod-sunod na umiling sa ‘kin. He defended himself, saying, "No, Ma'am! I'm a nice guy, and I would never do that to anyone!"

Katulad ng sinabi ng driver kanina ay dinala niya ako sa isang apartment na alam niya. Kilala raw niya ang landlady ng apartment at siya ang nakipag-usap. Ako naman ay nasa isang apartment na walang tao habang tinitingnan ang paligid kung ayos lang ba ito para sa ‘kin. Oo, ayos lang sa ‘kin ang lugar. Wala naman akong problema kung maliit o malaki ang tinitirahan ko, basta maayos ay wala akong problema roon.

"Uupa ka ng bahay?" masungit na tanong ng landlady sa akin.

Siya ‘yong tipong landlady na masungit at nang-aapi ng mga boarders. Papalayasin ka kaagad kapag hindi ka nagbayad sa tamang oras at kahit anong palusot ang gawin mo ay hindi ka pakikinggan nito.

"How much?" I spoke as I completed my inspection of the area.

"30k per month." Nasilayan ko ang ngisi sa kanyang labi. "Kung wala lang ipangbabayad—"

"200,000 for three months," I cut her off by handing her the money. Hindi naman ako magtatagal ng tatlong buwan dito. Baka wala pang isang linggo ay nakabalik na ako sa New York. Nanlalaki ang mga mata niyang tumingin sa akin saka inabot na ang susi saka umalis na.

In the next few days, I rarely leave the apartment. Kung lalabas ay bibili lang ng mga groceries and after that I would stay again inside. Madalas ko ring nadadatnan ang mga kapitbahay ko sa labas ng pintuan, sinisilip minsan ang bintana kung may tao ba sa loob. Naririnig ko rin sa kanila na pinag-uusapan nila ako at kung gaano kalaki ang binayad ko sa landlady.

"Come on! Nasaan ka ba kasi?! Ang tanga-tanga mo namang maglaro!" While continuing to strike the enemy, I hissed. We're both bored, so we're playing a game.

"Aray, ouch, pighati, pain! Maka-tanga ka naman wagas! Po—ayan tuloy, patay ang character!" reklamo ni Wayne nang mapatay ang character niya sa laro.

I smirked as I shout, "Victory!"

When we are done playing, I turned off the computer and sat down in the wooden chair, with the phone on the center table.

"Kumusta naman ang stay mo diyan sa Pilipinas?" pag-iiba niya ng usapan.

What is the meaning of my being in this place? Napangisi naman ako.

"Isn’t it obvious?” sarkastikong sabi ko.

Over the phone, I heard him guffaw, and my brow furrowed. Anong tinatawa-tawa niya? May nakakatawa ba sa sinabi ko?

"Naririyan ka na nga lang sa Pilipinas, nagagawa mo pang mag sungit sa ‘kin. Suhestiyon lang, Alexis, maghanap ka kaya ng boyfriend mo riyan para naman hindi ka palaging nagsusungit,” malokong aniya. Nalaglag naman ang panga ko.

He had already stopped the connection before I could say anything. Now what?! He dared to hang up on me! But what exactly did he say? Umismid naman ako. Finding a boyfriend isn't something I like doing. Palagi nilang pinagsisiksikan sa ‘kin na maghanap na ako ng boyfriend.

Malalim na ang gabi, at medyo may kaingayan ang lugar dahil may nag-siinuman sa gilid ng tindahan. Mabilis kong pinaandar ang motor nang makasakay ako at huminto ako sa isang Bay na malapit sa Port at binuksan ko ang can beer na binili ko sa isang mini store saka nilagok ang laman.

This is astounding! Here in the Philippines, while sitting on the beach, drinking a beer, and lurking. What a great life I've had. Hindi ko maiwasang matawa sa sarili. I'm renowned for being a hacker with a mysterious profile. Everyone desires to learn more about Black Rose's shadow, but they are unable to do so. Kailanman ay hindi sila naging matagumpay malaman kung ano ang katauhan ni Exis. Ngunit ngayon lang nagkaroon ng aberya at ngayon pinaghahanap ako ng mga kalaban ko.

That young lady. I can tell that the woman who assisted those goons in finding me is pretty skilled at hacking. It was simple for her to break into the system I had set up in my condo. My condo's security system is well-programmed, and even Wayne couldn't get into it as quickly as the woman did. If she wasn't my opponent, I might consider recruiting her to the group.

"Fuck!" Nabitawan ko ang can beer na hawak-hawak ko at natapon ang laman no'n nang nakarinig ako ng gunshot.

What the hell is going on with that gunfire?! What was the origin of it?

Hindi ko na sana papansinin, pero nakarinig na naman ako ng isang putok ng baril. Ngayon dinig na dinig ko kung saan iyon nagmumula. Sa isang port na hindi kalayuan dito. Tumayo ako upang pupuntahan ko sana nang muli akong mapaupo nang may naalala ako’t napasapo ng noo.

Even though I'm intrigued, they warned me not to get engaged in anything. Kung ano man ang nangyayari sa Port ay wala na akong pakialam doon. Tama.

"But I'm not going to make any problems. I'm just wondering what's going on there," I told myself as I peered towards the Port.

Nagkibit-balikat ako saka napagpasyahang tumayo. "No, no, no, I am not curious! Hindi ka pupunta. Hindi ka pupu—Ah, pupunta ako!"

Nakarating ako sa port, dahan-dahan akong naglalakad sa lugar kung saan ako nakarinig ng mga ingay, umakyat ako nang hindi gumagawa ng ingay sa isang container. I'm guessing the commotion came from the cops; perhaps they're here for some reason, like a raid or something. My hunch turned out to be correct. At the port, there is a raid going on. Kita ko rin na nanlalaban ang mga dealers dahil sinusubukan nilang tumakas.

"Ano tatakas pa kayo?!" rinig kong sigaw ng isang police. Nakapalibot ang mga police sa mga dealers at pinoposasan nila ang mga ito.

"Who's the supplier of GEMS?" Napahinto ako sa paglalakad nang nakarinig ako ng pamilyar na salita.

GEMS? Tama ba ang pagkakarinig ko, as in GEMS? Tiningnan kong mabuti ang sinasabi ng isang police na narcotic. It's the GEMS, the freshly developed narcotic! The GEMS that we have raided in several places!

Nawala ang atensyon ko roon nang makarinig ako ng kaluskos. They appear to be inspecting the site. I quickly fled the location and came to my apartment to seek information about GEMS before they noticed me hiding here and suspected me of being their colleague.

Wayne should be aware of this issue. They must be aware that GEMS has arrived in the Philippines.

Pero bakit ba ako nangingialam?

Gosh, this is frustrating!

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status