"ALIARA!" sigaw ni Matias sa likod ko. Mabilis siyang nagtungo sa harap ko upang sanggain ang pag-atake ang kalaban sa akin.
Marahan lamang ako tumingin sa kaniya, tila nawala na ang isip sa nangyayari sa aking paligid. Hindi maganda ito.
"Maging listo ka, nasa gitna tayo ng labanan!" singhal niya.
Kumurap-kurap ako, inayos ang sarili at muling itinaas ang aking espada upang makipaglaban. Isa muling sulyap kay Sevasti na kasulukuyan ding nakikipagtunggali sa aming mga kalaban.
Hinawakan ako ni Matias sa braso at malakas akong hinatak dahil matatamaan ako ng kalaban. Naging bato ang kamao niya bago iyon tumama sa mukha ng kaharap dahilan upang matumba ito. Matapos niyon ay saglit siyang sumulyap kay Sevasti bago muling makipaglaban, na siya ring ginawa ko.
"Hindi naman nakapagtatakhang pumupunta ang prinsipe nila rito ngunit bakit nakikipaglaban din siya sa mga tauhan ng Subastahan?" tanong niya ngunit hindi ako makahanap ng sagot.
Sini
NAUNA akong sumugod sa kaniya ngunit nanlaki ang mata nang bumagal ang mga galaw ko, unti-unting sumilay ang ngisi sa labi niya. Alam ko ang kapangyarihang ito, kaya niyang manipulahin ang oras ngunit limitado kaya ang pagbagal lamang ng paligid ang kaya niyang gawin. Saglit niya lamang magagawa iyon dahil mauubos ang lakas niya sa paggamit ng kapangyarihan ito kung hindi siya bihasa sa paggamit nito. At sa limitadong oras na paggamit niya ay alam kong ako ang nais niya, ang pinuno ng grupong sumalakay sa kaniyang teritoryo. Siya lamang ang may kakayahang kumilos ng mabilis sa oras na ito. Nangunot ang noo ko nang bumaling siya kay Sevasti at pasugod na lumapit dito, nakatutok ang espada sa ere. Hindi ako nagdalawang-isip na iharang ang sarili ko sa prinsipe. Pilit kong ginamit ang taglay kong bilis upang makasabay sa galaw niya ngunit kapalit niyon ang pagkabawas ng lakas ko. Nakangisi niyang hinampas ang espada sa akin na siya kong nasangga, ang sum
NANG sumapit ang dilim ay nagtungo na kami sa maluwag na parte ng aming kuta kung saan susunugin ang mga labi ng aming mga kasama. Pinagmasdan ko ang pagpipiring nila sa apat na nakahigang katawan sa mga kahoy at dayami, napapaligiran din sila ng mga bulaklak. Ang pagpipiring ay para hindi nila makita ang anumang bagay maliban sa pagtahak sa kabilang buhay, sumisimbolo iyon na hindi na sila maaari pang tumingin pabalik sa kanilang paglisan. Matapos niyon ay tatlong beses kaming yumuko sa lupa upang magbigay galang sa kanila. Blanko lamang ang aking ekspresyon upang hindi ako makitaan ng panghihina ng mga kasama ko, dahil kung manghihina ako ay wala silang pagkukuhanan ng lakas upang muling lumaban at ipagpatuloy ang aming hangarin. Ngunit sa loob ko ay nais ko na ring manghina katulad nang nakikita ko sa kanila, ang ilan ay umiiyak habang ang ilan ay pinipigil ang emosyong nais kumawala. Iniisip ko na lamang ang aking ama, kung narito siya ay ganito a
NAKASIMANGOT lamang akong habang tinitingnan ang marahang pagyuko ni Prinsipe Henicio sa aking ama, bumabati siya para sa kaniyang pagbisita ngayong araw. Katabi ko si Ama na sinalubong ang kaniyang pagdating. "Narito na naman ang prinsipeng ito," bulong ko sa sarili. Mas matanda sa akin ng dalawampung taon ang prinsipe ngunit tila magkaedad lamang kami dahil sa aming wangis, kaya hindi ko nakikitaan ng dahilan upang igalang siya. Isa pa ay hindi ko gusto ang presensya niya, ang itsurang iyon ay tila magtatraydor anumang oras. Matapos ang pagbati ay agad kong hinatak ang damit ni Matias upang sabihin na umalis na kami. Tumango siya at inilahad sa akin ang daan paalis. "Mahal na Prinsesa," tawag sa akin ng prinsipe kaya napahinto ako. Peke akong ngumiti bago marahang humarap sa kaniya. "Mahal na Prinsipe," wika ko at marahang tumango. Lumapit siya sa akin at tumango rin. "Nais lamang kitang batiin ng magandang araw," nakangiting aniya n
HAWAK ang aking espada ay agad akong sumugod kay Henicio nang makita ko siya, suot ko ang damit pandigma upang maprotektahan ang ilang bahagi ng katawan ko sa mga pag-atake niya. Sigawan at kalansing lamang ng espada ang maririnig sa buong paligid, nasa harap kami ng palasyo kasama ang aming mga sariling kakampi na lumalaban sa isa't-isa para sa kaniya-kaniyang ipinaglalaban. Matalim ang tinging iginawad ko sa kaniya, habang magkadikit ang talim ng aming espada ay lumapit siya sa akin, tinulak niya palapit sa akin ang armas niya na siya ko namang nilabanan din ng aking lakas. "Pagbabayaran mo ang pagpaslang mo sa aking ama!" galit kong wika. Ngumisi siya na lalo lamang nagpadagdag sa aking galit. "Hindi ba ay ito ang nais mo, Mahal na Prinsesa, ang tigilan ko ang pagpapanggap?" nakangising aniya. "Ngayon ay nakikita mo na ang totoong ako, ibinigay ko na ang gusto mo." Matapos niyang magsalita ay malakas kong sinipa ang binti niya kaya
NANLAKI ang mata ko nang biglang pumasok si Sevasti sa loob ng silid ko, puno ng pangungulila ang mga matang ipinukol niya sa akin. Mabilis siyang lumapit sa akin at sinunggaban ako ng halik, nabitawan ko ang hawak na suklay at nagpatianod sa kaniya. Iniyakap ko ang mga braso ko sa leeg niya, bahagya akong tumalon upang maiyakap ko ang mga binti sa baywang niya. Lumiyad siya upang buhatin ako at marahan naglakad patungo sa malaki kong kama, hindi tinatanggal ang labi sa akin. Nakasuot lamang ako ng puting bistida na siyang panloob ko, handa na sanang matulog ngunit bigla ay dumating siya. Nang maihiga niya ako ay agad siyang pumatong sa akin, sandaling humiwalay upang tanggalin ang pang-itaas niyang kasuotan. Namumungay ang mga mata kong nakatingin sa kaniya, tila nalalasing, habang siya ay puno na ngayon ng emosyon at pagnanasa ang mga mata. Muli ko siyang niyakap nang bumalik ang labi niya sa labi ko, mas mapangahas at mapusok ang halik na ibinigay sa akin.
MARAHAN kong iminulat ang mga mata ko na tila isang panaginip lamang ang mga nangyari, simula sa unang pagtatagpo namin ni Sevasti hanggang sa pagkatalo namin sa ginawang pagsalakay sa Subastahan. Agad akong tumayo sa kama upang ayusin ang aking sarili, wala na ang magkapatid na siyang lagi kong katabi sa pagtulog. Nang makapagbihis ay lumabas na ako, ang bawat nilalang na madaanan ko ay binabati ako na siyang sinusuklian ko lamang nang ngiti at pagtango. Sa labas ay bumungad sa akin ang mga nagsasanay sa malawak na bahagi ng lugar, pantay-pantay silang nakahilera kaharap ang kahoy na nababalutan ng dayami upang lumambot ito sa tuwing itatama nila ang mga hawak na espadang kahoy. Huminto ako upang pagmasdan sila, ang ilan sa kanila ay mga bata pa ngunit determinadong matuto na siyang isang dapat katangian ng isang mandirigma. At karamihan sa kanila ay mga dalagita at binatilyo na, ang mga noon ay batang sinanay namin limang taon na ang nakakalipas. It
INABOT ko kay Hurisa ang mga supot ng barya dahil siya ang namamahala niyon. Napakunot ang noo niya habang tinitingnan ang laman ng mga ito. "Ito na ang panglabing-isa ngayong linggo. Nagbabalak kang umalis muli?" tanong niya nang bumaling sa akin. Tipid akong ngumiti at tumango. "Bukas ay muli akong magpupunta sa ibang pamilihan upang mas madami pa ang maibigay ko sa iyo." "Saang kaharian ka magtutungo sa pagkakataong ito?" "Sa Widolla, ngunit ilang araw pa iyong mula ngayon." "Kailangan mo pa bang magtungo sa pamilihan bukas? Marami na ito kasama ang iba mo pang ibinigay, sa tingin ko ay aabot na iyon para sa susunod pang buwan. Magtatagal ka ba sa kahariang iyon?" "Hindi ko pa alam, Hurisa. Ngunit mabuti na ang sigurado, mas mapapanatag ang loob ko kung sobra pa ang kakainin ninyo para sa buwang ito kaysa kulang," wika ko, tipid na ngumiti. Ngayon pa lang ay nag-iipon na ako para sa kakainin ng aking mga kasama haban
NAKANGITI kong nilagpasan ang huling maharlikang ninakawan ko, hindi ko na tiningnan pa ang supot dahil alam ko na ang laman nito, basta ko na lang ito nilagay sa supot na nakasabit sa baywang ko. Lumapit ako sa tindahan ng mga kasuotan para bumili, hinawakan ko ang mga malalambot na tela nito at pumili nang madilim na kulay na siyang paborito ko. Babayaran ko sa sana iyon ngunit inilibot ko muna ang paningin sa paligid upang hanapin kung saan nakadapo si Vivi ngunit nahagip nang paningin ko ang isang pamilyar na ginoo. Binitawan ko ang hawak na kasuotan at pinagmasdan siya, ditretso lamang ang paningin niya. Mag-isa siyang naglalakad, nasa likod ang dalawang kamay at suot ang isang marangyang kasuotan. Wala talagang pinagbago, napakaguwapo niya pa rin. Tila kumikinang siya sa parteng iyon ng lugar na lahat ng binibining dumadaan ay napapalingon sa kaniya. Bumuntong hininga ako, hindi ko dapat hayaang magtagpo ang aming landas. Aalis na sana a