Share

Kabanata 38

LUMIPAS ang mga sandali na hindi ko namalayang sumapit na pala ang hapon, nasa isang burol kami ni Sevasti, hindi ganoon kalayo mula sa bahay ni Gudan. Mula rito ay kitang-kita ang mga berdeng bundok at ang bayan sa ibaba.

Kami lamang ang nilalang na nandito, nakaupo ako sa madamong lupa at nakasandal sa haligi ng malaking punong nagbibigay lilim sa amin. Si Sevasti naman ay nakahiga, ginawang unan ang hita ko.

Nakatingin ako sa kamay kong pinaglalaruan niya, pinagmamasdan ang bawat guhit sa aking palad.

"Binibilang mo ba ang kalyo sa aking palad?" biro ko. Wala namang kalyo iyon ngunit may kagaspangan dahil sa lagi kong paghawak ng espada at mga armas, hindi kasing perpekto ng palad ng ibang prinsesa.

Marahan siyang umiling, tumingin siya akin at inilapit sa labi niya ang palad ko, sunod ay ang likod niyon. Napatitig ako sa kaniya dahil sa ginawa niya, naghatid iyon ng kakaibang pakiramdam sa akin, tila nahawakan niyon ang puso ko na siya lamang ang

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status