Share

Alipin
Alipin
Author: Darkshin0415

PROLOGUE

ALIPIN

PROLOGUE

"Madam, ito na lang po ang gagawin kong pambayad sa inyo," umiiyak na wika ng isang Ginang sa kanyang amo na si Madam Matilda.

Napatingin naman ito sa batang nilalaro ang kanyang hawak na manika.

"Ano naman ang gagawin ko sa batang 'yan? Gusto mo pa talagang ipaampon sa akin ang anak mo. Kahit napakalaki na ng utang ninyong mag-asawa sa akin!" sigaw niya rito.

"Pwede niyo po gawin ang lahat ng gusto niya sa batang 'yan Madam, kaya sana tanggapin po ninyo siya bilang kabayaran sa aming utang sa inyo," napabuntong hininga si Madam Matilda at napatango. Wala naman siyang mapapala rito dahil alam niyang mahirap lamang sila, kaya naisipan na lang niyang tanggapin bilang pambayad ang anak nitong babae.

***

"Bening, ikaw na ang bahala sa batang 'yan, ayaw kong pakalat-kalat 'yan sa labas. Gusto kong sa likod bahay mo lang 'yan ilagay at 'wag na 'wag mong palabasin." Utos nito sa katulong habang umakyat sa second floor ng kanilang bahay, kung saan naroon ang kanilang silid.

"Hali ka na," asik nito sa bata at agad namang sumunod ito sa kanya. Napansin niyang tahimik lamang ito at hindi ito nagsasalita.

Biglang natumba ang bata nang may biglang tumulak sa kanya. Kinuha niya naman ang kanyang dalang manika habang tumayo.

"Who are you?" tanong ng binatilyo rito. Agad namang lumapit sa kanila ang katulong at agad itong humingi ng paumanhin.

"Senyorito, pasensya na po kayo, ito po ang bago nating katulong," wika niya sa binatilyo.

"Why she's kid? Do you think she knows how to do the household?"

"A-ang Mommy mo po ang nagdala sa kanya rito Senyorito," wika ng katulong habang nanatili pa rin itong nakayuko.

"Leave her to me." utos nito kaya agad tumalima ang katulong dahil ayaw niyang mapagalitan nito.

"Hey!" aniya sa batang nanatili lamang sa paglalaro sa kanyang hawak na manika.

"What is your name?" tanong niya ulit rito. Nag-angat naman ito ng mukha at bigla siyang napatitig sa napakagandang mukha nito.

"I said who is your name?" ulit niyang tanong rito habang ngumiti sa kanya ang batang babae.

Bigla siyang natulala dahil sa pagngiti nito sa kanya.

Nailing naman siya at mabilis na kinaladkad ang bata papunta sa likod ng kanilang mansyon.

"I think you don't know how to talk, do you want me to teach you?" wika niya habang may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.

Tanging ngiti naman ang sagot ng batang babae sa kanya.

Dinala niya ang bata sa kanilang pool at agad itong itinulak. Napasigaw naman ang bata habang umiiyak dahil sa takot na kanyang nararamdaman.

Napangisi ang binatilyo habang nakatingin sa batang babae na halos malunod na ito dahil hindi ito marunong lumangoy. Kumunot ang kanyang noo nang may biglang lumusob sa pool at kinuha ang bata.

"What the hell are you doing Anthony?" galit na wika ng kanyang Uncle James sa kanya habang nilapag ang batang babae sa semento.

"Tsk, she makes me mad Uncle. I asked her how many times but she didn't respond."

"She's still a kid."

"I don't care!! She's our servant and I want her to do everything I want!" Nailing ang kanyang uncle habang hinila niya ulit ang bata.

"Get in." utos nito sa bata habang napatingin naman ito sa paligid. Taka siyang napatingin kay Anthony dahil sa kulungan siya dinala nito.

Ngumisi si Anthony habang napatingin sa bata na nasa loob ng kulungan.

"I don't want you to go out here, you can stay here all your life." aniya sabay talikod sa bata. Kahit naguguluhan ang batang si Judy sa pinagsasabi ng lalaki kanina ay pinilit niya na lang ang manahimik. Natatakot itong magsalita dahil sa bawat bigkas at buka ng kanyang labi ay palo ang kapalit nito sa mula sa kanyang kinikilala niyang ina na si Emma. Binenta rin siya ni Emma kay Madam Matilda dahil sa laki ng utang nilang mag-asawa rito.

Napayakap si Judy sa kanyang katawan ng makaramdam ito ng lamig dahil basa pa rin ito.

"Lumabas ka na dyan, wala na si Senyorito kaya lumipat ka na sa silid mo," wika ng katulong sa kanya habang binuksan ang kulungan.

Dinala niya ito sa likod ng kanilang maids quarter na may isang silid. Pinabihis niya ito ng maids uniform at pinakain.

"Anong pangalan mo?" Tanong nito sa bata habang kumakain.

"Pangalan mo ano?" ulit niya rito.

"J-Judy," mahinang sagot ng bata sa kanya.

"Ilang taon ka na Judy?" Napatingin naman ang katulong sa daliri ng bata at binilang ito. Anim na taong gulang pa lang pala ito.

"Kawawa ka naman, marunong ka ba magbasa?" Umiling naman ang bata sa kanya, kaya kinuha niya ang dala niyang ballpen at papel. Sinulatan niya ito ng abaka.

"Kapag na-boring ka rito basahin mo ito," wika niya sa bata habang tinuruan itong magbasa.

Nang umalis ang katulong ay napatingin ang batang si Judy sa papel na binasa nila kanina.

Kinuha niya ito at sinimulan ulit basahin.

"A.. Ba… K-ka.. D-da.." paulit-ulit niya itong binasa habang nasa harap ng maliit na ilaw.

KINABUKASAN

Masayang-masaya si Judy ng makita ang katulong. pinarinig niya rin dito na ang kanyang binasa habang napahanga naman ang katulong dahil marunong na itong magbasa.

"Ang galing mo naman Judy, napaka-talino mo pa, sige kumain ka muna dahil tuturuan naman kitang magbilang," natuwa si Judy dahil sa sinabi nito sa kanya.

Lumipas ang isang araw na inaabangan niya ang katulong dahil gusto niyang sabihin dito na marunong na rin siyang magbilang ngunit iba na ang nagdadala sa kanya ng pagkain sa kanyang silid.

Gusto sana niyang tanungin ang naghahatid sa kanya ng pagkain kung nasaan na ang dating naghahatid ng pagkain sa kanya ngunit ayaw niyang magsalita rito. Tanging si Minerva lamang ang kinakausap niya.

Lumipas ang isang buwan na nakasanayan na niya ang kanyang buhay sa loob ng madilim na silid at tanging maliit lamang na ilaw ang nagbibigay sa kanya ng liwanag. Hindi rin niya naranasan ang makalabas at makakita muli ng liwanag mula sa araw. Ang taga hatid naman sa kanya ng pagkain ay hindi siya kinakausap at basta na lang itong umalis.

Sa paglipas ng isang taong ay hindi niya naranasan ang magupitan ng buhok pati kuko kaya nahihirapan siyang humawak ng mga bagay-bagay dahil sa mahaba niyang kuko. Sa tuwing naririnig niya ang paputok sa labas ng kwarto ay doon niya rin binibilang ang kanyang edad.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status