Share

Chapter 23

Nadatnan ni Mrs. Perez na bakante na ang kama ni Ruth, naayos na ng mga nurse ang kama. Inaasahan narin iyon ng guro, kaya naman inagahan niya ang pagpunta ng ospital subalit mas maaga pa pala itong nakaalis.

Lumapit ang nurse sa kanya, may iniabot itong sketch pad.

"Naiwan niya po siguro, nasa ilalim kasi ng unan nya. Malamang ay hindi na niya naalala bago siya umalis," palagay nito.

Nagpaalam ang nurse bago ito umalis, nagpasalamat naman sa kanya si Mrs.Perez. Nakasulat ang pangalan ni Ruth sa cover noon kaya sigurado ang babae na sa kanya ito. Binuklat niya isa-isa ang mga pahina noon, namangha siya nang makita ang mga larawan ng estraktura na nakaguhit doon.

Ang iba ay magagarang sasakyan, mga natural na pangarap ng mga batang kagaya ni Ruth. Paulit-ulit lamang ang mga iyon, nagbabago lamang ang mga disenyo.

<

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status