Share

All of My Debt
All of My Debt
Author: Diyosa Mamita

Chapter 1

Author: Diyosa Mamita
last update publish date: 2026-09-21 10:20:50

Nakamasid si George sa buhangin habang pinagmamasdan ang mga paa niyang bahagyang lumulubog sa bawat paghakbang. Ninanamnam niya ang malamig na hanging dumadampi sa kanyang balat at nililipad ang mahaba niyang buhok na nakapusod.

Huminga siya nang malalim bago tumingala sa langit na unti-unting nagiging kulay indigo habang papalubog ang araw. Namangha siya sa tanawin. Para bang nananalamin ang araw sa ibabaw ng dagat bago tuluyang magpaalam.

Sa wakas, isa na namang maghapong pakikipagbaka ang natapos.

Ngunit ilang sandali pa lamang ay biglang kumunot ang kanyang noo. May nakita siyang tila isang tao sa mas malalim na bahagi ng dagat. Mabilis niyang hinubad ang suot na tsinelas at tumakbo patungo roon.

Samantala, tahimik namang naglalakad si Wave palayo sa dalampasigan. Punong-puno ang kanyang isip ng mga problemang sunod-sunod na nagdatingan na para bang mga alon na walang tigil sa paghampas sa dalampasigan.

Problema sa pera. Problema sa pamilya. At higit sa lahat, ang nobyang akala niya ay magiging sandigan niya sa mga panahong pinakamahirap para sa kanya. Kung kailan niya ito kailangang-kailangan, saka naman siya nito iniwan.

Nang mapansin ni George na tila nasa panganib ang lalaki, mabilis siyang lumusong at hinila ito pabalik sa mababaw na bahagi ng tubig.

Pagkaahon nila sa dalampasigan, napaupo si Wave sa buhanginan habang sunod-sunod ang pag-ubo.

Samantala, nakatayo sa harapan niya si George at hinahabol din ang sariling paghinga. Hindi biro ang ginawa niyang pagsagip, lalo na at mas mabigat ang lalaki kaysa sa kanya.

“Lulunurin mo ba ako?” inis na tanong ni Wave matapos mairaos ang pag-ubo.

Naningkit ang mga mata ni George. “Hoy! Iniligtas ko ang buhay mo!”

“Hindi mo ako kailangang iligtas! Bakit mo ba ako pinapakialaman?” inis ding sagot nito.

Lalo namang uminit ang ulo niya. Sa tono ng lalaki ay parang siya pa ang may kasalanan sa ginawa niyang pagtulong.

“E gago ka pala, e! Kung ayaw mong maistorbo, siguraduhin mong walang makakakita sa’yo! Nananahimik din kaya akong naglalakad dito tapos bigla kitang nakitang nasa dagat nang gano’n! Sa tingin mo, papanoorin lang kita?”

“Sino bang may sabi sa’yong may masama akong balak?” tanong nito.

Biglang natigilan si George. Sandali niyang pinagmasdan ang lalaki. Maayos ang pananamit nito at hindi naman mukhang lasing o gulong-gulo. Pero hindi rin naman niya kayang basta ipagpalagay na alam niya ang pinagdaraanan nito.

“So, hindi ka talaga nasa panganib?” paniniguro niya.

“Hindi nga,” inis pa ring sagot nito.

“Okay. Sabi mo, e.” Tumalikod na siya upang hanapin ang tsinelas na iniwan niya sa buhanginan. Hahakbang na sana siya nang biglang hawakan ni Wave ang kanyang kamay.

Kunot-noo niya itong nilingon.

“Bakit ka ba nanghahawak ng kamay?” Agad niyang inalis ang kamay nito.

Bahagyang napahiya si Wave. Hindi niya sinasadyang hawakan ang babae. Naisip lang niyang baka mas mabuti kung may makausap siya sa sandaling iyon—isang taong, sa maikling panahon nilang pagkakakilala, ay tila hindi natatakot sabihin ang kahit anong nasa isip niya.

“Sorry,” mahinahon niyang sabi. “Naisip ko lang… baka puwede mo akong samahan sandali?”

Sandaling nag-isip si George bago tuluyang tumango. Umupo siya sa tabi nito.

“Ano ba kasing naisip mo at lumusong ka sa dagat? Hindi mo ba alam na high tide kapag ganitong oras?” Pinagalitan pa niya ito sa halip na agad makiramay.

“Gusto ko lang sana makalayo muna sa mga problema ko,” seryosong sagot ni Wave. Mukhang nagkamali yata siya ng taong kinausap. Hindi niya akalaing papagalitan siya nito sa ganoong klaseng sitwasyon.

 “Sa tingin mo, sasama sa dagat ang problema mo?” tanong ni George. “Naku! Allergic sa tubig ang problema. Giginawin lang iyon at sasama sa’yo pabalik.”

“Seriously?” Namangha siya sa sinabi ng babae. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito kaya pinipigilan niya ang sarili na matawa.

“Ang tagal ko nang nakatira sa dagat. Kung talagang naaanod ang problema, e di sana wala na akong problema ngayon. Naipaanod ko na sana lahat sa alon para hindi na bumalik ang mga letseng maniningil na iyon.”

“Maniningil? Marami ka ring utang?”

Sandali niyang tiningnan ang babaeng katabi. Abala ito sa pagmamasid sa dagat. Lalo siyang namangha sa pagiging prangka ng babae. Hindi niya maipaliwanag, pero habang tumatagal ang usapan nila, mas nagiging komportable siya rito.

Itinuon din niya ang pansin sa tahimik na karagatan. Unti-unti nang nilalamon ng dilim ang paligid at halos wala na silang maaninaw maliban sa ilaw ng parola na nasa hindi kalayuan.

“Tinatanong mo ba ako kung magkano ang utang ko?” tanong ni George. “Bakit? Mayaman ka ba? Babayaran mo ba ang mga utang ko?”

“Ano ako, hilo? Bakit ko babayaran ang utang mo? Hindi ko pa nga rin nababayaran ang mga utang namin ng Mama ko.”

“Nagtatanong ka pa. Marami ka rin naman palang utang.”

Napangiti siya nang bahagya bago muling tumingin sa dagat.

“Alam mo, kung ako sa’yo, hindi ko iisipin kung paano tatakasan ang mga problema ko. Ang gagawin ko, mag-iisip ako ng paraan kung paano ako yayaman.”

“Paano ka naman yayaman kung nandito ka lang?”

“Sinong may sabing hindi ako aalis sa lugar na ito?” mabilis niyang sagot. “Hoy! Aalis ako! At doon sa pupuntahan ko, yayaman ako!” Buo ang kumpiyansa sa boses nito.

Hindi naman agad sumagot si Wave. Hindi niya alam kung paniniwalaan niya ang sinabi ng babae. Agad naman nitong napansin ang katahimikan niya.

“Hindi ka naniniwala sa akin, ’no?”

Hindi pa rin siya sumagot.

“Sige, ganito.” Humarap sa kanya si George. “Tutal parehas naman tayong baon sa utang, mangako ka na kapag isa sa atin ang yumaman balang araw, iaahon natin sa hirap ang isa’t isa.”

Napatingin siya rito.

“Kung ako ang yumaman, bakit naman ako mangangako sa’yo?”

Tinitigan siya ni George na para bang napakasimple ng sagot. “Iniligtas kita tapos kinakausap pa kita ngayon. Utang na loob iyon!”

Napanganga si Wave.

“Ganoon magbayad ng utang na loob,” dagdag pa nito. “Ang hina mo naman!”

Hindi niya alam kung matatawa siya o mapapailing. Hindi niya rin alam kung seryoso ba talaga ang babaeng kaharap niya sa pangakong binitiwan nito o nadadala lamang sa emosyon ng kanilang pag-uusap.

Ang alam lang niya, kakaiba ito. Basta na lang itong nagbibitaw ng pangako sa isang taong ngayon pa lamang niya nakilala. At sa kabila ng lahat ng problemang bumabagabag sa kanya, sa unang pagkakataon nang gabing iyon, may kakaibang gaan siyang naramdaman.

Dahil sa isang babaeng hindi niya kilala. Isang babaeng walang pakialam kung gaano siya kayaman, kung sino siya, o kung ano ang problema niya.

Ang alam lang nito, pareho silang may utang.

At kapag yumaman ang isa sa kanila…

May utang na loob ang isa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • All of My Debt   Chapter 12

    Tiningnan ni Wave si George, na nakapamewang at balot pa rin ng tuwalya ang katawang basang-basa dahil sa maling paggamit ng bidet.  “Aba! Baka tumanda na ako, hindi pa ako nakakabayad sa’yo?” reklamo ni George.  “There’s no problem if you grow old with me,” bulong ni Wave, sabay ngiti.  “Ano kamo? Hindi ko narinig.”  Agad na nagbago ang ekspresyon ni Wave. Mabilis niyang itinago ang ngiti bago muling humarap kay George.  “Sabi ko, ayoko ring tumanda kasama ka. Masakit sa ulo. Ang dami mong reklamo.”  Naglakad na siya palabas ng kuwarto.  “Aba! Gusto mong manahimik lang ako at tumambak ang utang ko sa’yo?” pahabol na tanong ni George.  Muli siyang lumingon dito.  “Just change your clothes. I’ll wait for you outside.”  Isinara na niya ang pinto, iniwan si George na nakasimangot habang nakatingin sa hawak na damit.  Hindi nagtagal ang paghihintay ni Wave dahil agad ding lumabas si George matapos magbihis. Mula ulo hanggang paa, pinagmasdan niya ito at napangiti nang mapansing

  • All of My Debt   Chapter 11

      Pagkatapos ayusin ni George ang naging aberya sa mga tsekeng ibinayad niya sa palengke, dumiretso na sila ni Wave sa bahay nito.  Napanganga si George nang tumapat ang kotse sa isang malaking gate na kusang bumukas para papasukin sila. Idiniretso ni Wave ang kotse papunta sa garahe.  “Hanep! Bakit ganoon ’yung gate mo? Wala namang nagbubukas pero kusang bumukas?”  “May sensor ang gate. Nade-detect nito kapag papasok o lalabas na ang kotse ko.”  “Ha? Kilala niya ang kotse mo?” Lalo siyang namangha. “Ang galing naman! May nametag ba ang kotse mo?”  Napatingin si Wave kay George bago bahagyang umiling.  “George, walang nametag. Naka-program lang talaga ang mga gamit ko dito. Makikita mo mamaya.”  “Ibig sabihin, hindi lang iyong gate ang nakamamangha?” tanong niya.  Hindi sumagot si Wave. Sa halip, pinagbuksan niya si George ng pinto ng kotse.  Pagkalabas ni George, hindi pa man siya nakakahakbang ay napatingin na siya sa paligid. Tumambad sa kanya ang malawak na hardin na puno

  • All of My Debt   Chapter 10

      Nagpunta pa sina George at Wave sa ilang boutique para mamili ng mga kailangan niya. Kahit napakarami niyang reklamo bago nila matapos ang pamimili, hindi naman nagpapatinag si Wave.  Nakarating na sila sa kotse, ngunit panay pa rin ang reklamo ni George habang nakatingin sa backseat. Sinubukan niyang ayusin ang mga pinamili nila, pero tila lalo lamang sumikip ang espasyo dahil sa dami ng mga paper bag.  “Tingnan mo ang ginawa mo, sobrang sikip na tapos may hawak pa ako dito?” reklamo niya habang nakakandong sa kaniya ang isang paper bag na may lamang mga makeup kit. “Hindi ko naman kailangang magpintura ng mukha tapos binilhan mo pa ako ng ganito.”  “You have to be presentable, George. Hindi puwedeng haharap ka sa mga tao na ganyan ang itsura mo.”  Napalingon siya kay Wave at tinaasan ito ng kilay.  “Anong problema sa itsura ko e maganda naman ako?” Inilapit pa niya ang mukha sa binata, na ikinagulat nito. Muntik nang magtama ang mga mukha nila sa sobrang lapit. Si George rin

  • All of My Debt   Chapter 9

    Matapos kumain ay naglakad-lakad pa sila sa mall. Habang nakamasid sa nangingintab na sahig, napansin ni George ang suot niyang tsinelas. Hindi naman marumi, pero luma na.  Napatingin siya sa salamin na nasa gilid ng mall. Ngayon lang niya napansing hindi bagay ang magandang damit sa suot niyang tsinelas. Sa pagmamadali kasing makakain ay damit lang ang ibinili sa kanya ni Wave.  "Let me buy you some nice shoes," ani Wave, na nakita niyang nakatingin sa kanya mula sa repleksiyon ng salamin.  "Anong some? Isang pares lang ang kailangan ko. Yung bagay lang dito sa suot ko. Teka, sa tingin mo, bagay ang rubber shoes na iyon dito?" Itinuro niya ang puting rubber shoes na nakita niya sa estante ng isang boutique.  "Dress ang suot mo, tapos papartner-an mo ng rubber shoes?"  "Bakit, hindi ba puwede? May napanood ako noon sa cellphone ni Natoy. Naka-wedding dress, tapos naka-rubber shoes. Kumakanta pa nga, parang rakista ang itsura."  "Excited ka na bang magsuot ng wedding dress

  • All of My Debt   Chapter 8

    "Where do we go now?" tanong ni Wave nang makaupo na siya sa driver's seat, katabi si George sa passenger's seat. Hindi nawawala ang malapad na ngiti sa labi nito."Dahil may pera na ako, kailangan ko munang mag-grocery.""But you don't have to. I have everything you need in my house.""Sinong may sabing uuwi agad ako sa inyo? Hindi pa tayo kasal, eh.""But you can't stay in your apartment while we make the preparations.""Bakit naman hindi? Eh, may pambayad na ako ng renta? Ikaw pa nga ang nagbigay, o." Ipinakita pa niya kay Wave ang perang hawak niya."You can pay the remaining balance you owe your landlady, and then we can proceed to my house.""Diretso na sa inyo? Hindi na ako maggo-grocery?" Napalingon siya kay Wave. "Alam mo bang ang sardinas na dapat kakainin ko kaninang tanghalian ay naibigay ko pa sa batang nagtitinda ng sampaguita sa labas ng tindahan? Gutom na gutom na ako. Mula nang dumating ka kanina sa bahay, nakalimutan ko nang kumain."Saka lang naalala ni Wave na pagk

  • All of My Debt   Chapter 7

    Chapter 7 Tumaas ang kilay ni George nang makita ang naging reaksiyon ni Wave. Sandali niya itong pinagmasdan bago bahagyang sumandal sa upuan. “Bakit nagulat ka na naman? Wala ka ba talagang cash na tinatago diyan?” Napalingon si Wave sa kanya bago muling tumingin sa labas ng kotse. “Mayroon akong cash, pero nasa bangko. Hindi ako nagdadala ng ₱500,000 na cash sa loob ng kotse ko.” Bahagyang tumango si George bago sumandal sa upuan. Napatingin siya sa labas ng kotse, kung saan naroon ang mga tauhan ni Menandro. Hindi niya alam kung paano sila makalalabas doon nang ligtas kung wala silang maibabayad. “May point ka. Nakakatakot naman talagang magdala ng ganoon kalaking pera. Baka ma-holdap ka pa.” Humarap siya kay Wave at bahagyang kumunot ang noo. “Kaya lang, paano natin babayaran si Menandro nang buhay tayong makakalabas dito?” Sumilip si Wave sa labas. Nakatingin ang mga goons sa kotse niya, mukhang nagbabantay at may hinihintay. Maya-maya pa, kumatok sa bintana si Celso, isa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status