Share

ᴄʜᴀᴘᴛᴇʀ sᴇᴠᴇɴ: ᴄᴏᴜᴘʟᴇ ᴡᴀᴛᴄʜ

CHAPTER 7: COUPLE WATCH

Axelle’s POV

“Kanina ka pa tulala riyan, ah.”

Batid kong apektado rin si Kaye sa mga pangyayari. Nangako ako sa sarili ko na poprotektahan ko siya dahil bago kami pumasok dito ay aayaw na dapat siya, pero pinigilan ko.

Kinailangan kong makipagkasundo kay Yuhan para sa kaligtasan naming dalawa. Sa tingin ko naman ay hindi niya kami papatayin hanggang sa kailangan niya ako. Hindi ko kayang magtiwala masyado kay Yuhan, o sa kahit sino rito sa paaralang ito.

“May iniisip lang,” tugon niya habang nakatingin sa malayo.

Hinihintay namin na tumunog ang bell upang magsi-pasok na ang lahat sa kwarto. Nakaupo kami sa madalas naming upuan, doon sa pabilog na itsurang kahoy pero semento naman talaga.

Hindi lang ang pagpayag sa hiling ni Yuhan ang iniisip ko, iniisip ko rin kung papano ko papatayin si B-19, kung kaya ko nga ba. Isama mo pa kung sino ang nakabunot sa akin pati na kung nakita nga ba ako ni A-83. Dum

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status