Share

Allison University - School For Killers
Allison University - School For Killers
Author: YUHJJIN

ᴘʀᴏʟᴏɢᴜᴇ

Poverty, crimes, and over population. Ilan ito sa mga dahilan ng pagbagsak ng ating bansa, paano kaya ito malulutas at maso-solusyunan?

Sa bagong administrasyon ng aming bansa ay layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan at masolusyunan ang kahirapan.

Napag-usapan ng mga namumuno sa gobyerno ang pagtatayo ng isang paaralan. Paaralang kinatatakutan ng iba, ang iba naman ay tinitignan ang institusyong ito bilang isang bagong pag-asa.

Itinayo ang isang malaki— napakalaking paaralan na malayo sa mga tao, malayo sa siyudad at halos iilan lamang ang nakakaalam ng eksaktong lokasyon.

Taon-taon ay kumukuha sila ng isang daang mag-aaral sa iba't ibang paaralan sa buong bansa na papasok sa paaralang ito. At sa bawat taon na may guma-graduate ay nadadagdagan ang mga licensed killers sa kanilang bansa, na kung ituring nila ay mga bagong bayani.

Criminal haunting ang tawag sa trabahong ginagampanan nila, kung saan nasusubok ang kakayahan ng mga nakapagtapos sa pagpatay.

Isa, dalawa o tatlo, minsan ay wala. Iilan lamang ang nakalalabas sa impyernong iyon, dahil ang mga tao sa loob ang mismong tumatapos sa kanila.

At oo, isa ako sa mag-aaral na nakapasok sa impyernong ito.

Hindi ko ito ginusto ngunit kinailangan kong gawin. Dahil sa oras na mabunot ang pangalan mo sa araw ng paghahanap nila ng bagong estudyante, ay obligado kang pumasok. Dahil kung hindi, ang buhay ng buong angkan mo ang nakasalalay.

Hindi ako duwag at mas lalong hindi ako takot. Normal sa pagkatao ko ang pagiging palaban at matapang. Ginagawa ko nang mahusay ang lahat ng bagay, ngunit hindi ako mamamatay tao.

Ako si Axelle Esguerra at ito ang kwento ko.

Welcome to Allison University (The School for Killers).

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status