Share

Kabanata Ikawalo

CHAPTER 8

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin tungkol sa pag-amin niya ng nararamdaman sa akin, dapat ba  ganoon rin ang nararamdaman ko sa kanya? Paano kung hindi? Paano kung hindi talaga ako magkaroon ng nararamdaman para sa kanya?

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na may pumupuri sa akin at nagtapat sa nararamdaman nila sa akin. Hindi ako sanay, sa totoo lang. Hindi ko alam kung dapat kong pagdudahan sila o makaramdam ng saya.

Bumuntong hininga ako sa kanya at umiwas ng tingin. Hindi pa rin ako makapagsalita, hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

"Hindi ko hiniling na magkagusto ka rin sa akin, hindi mo responsibilidad iyon, Joy. Hindi ako responsibilidad mo, nais ko lang iparating sa iyo ... kung ano ang nararamdaman ko ... para sa iyo." Aniya, naramdaman kong hinawakan niya ulit ang kamay ko, hinayaan ko lang siya na hawakan ang kamay ko.

"Alam kong bata pa tayo para sa isang katulad nito at alam kong nagdududa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status