Alpha Conrad: Born as an Alpha raised as a Rogue

Alpha Conrad: Born as an Alpha raised as a Rogue

last updateHuling Na-update : 2024-03-06
By:  Malgorzata UchtoKumpleto
Language: English
goodnovel18goodnovel
10
6 Mga Ratings. 6 Rebyu
126Mga Kabanata
12.8Kviews
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

Mackenzie Allard, the illegitimate daughter of a respected Alpha, has known nothing but abuse and isolation. Just as she finds a glimmer of hope in her fated mate, Conrad Hamilton—a Rogue King with a heart sealed against the bonds of destiny—dark secrets and relentless enemies emerge to threaten their fragile bond. As fate intertwines their lives, Mackenzie and Conrad must confront their pasts and fight against forces determined to tear them apart. Will their love be strong enough to overcome the shadows threatening to consume them?

view more

Kabanata 1

Rejected

Napangiwi sa lamig si Mirella nang bumuhos sa mukha niya ang bagong biling kape. Tumulo ito pababa sa leeg, sa kwelyo ng puting blouse na suot niya, hanggang sa dulo ng kanyang palad.

“Are you stupid?!” singhal ni Mrs. Eleanora Zobel, ang kilalang modelo at CEO ng agency na pinapasukan ni Mirella. “Hot coffee, not iced! OMG, Mirella! Nakakaubos ka ng pasensya!”

Ramdam niya ang lahat ng mga matang nakatingin sa kanya — mga staff, mga modelo, pati ‘yung bagong intern na natigilan sa paglalakad. Gusto na lang niyang lumubog sa kinatatayuan niya.

“Pa-pasensya na po, Ma’am,” nauutal niyang sabi habang pinupunasan ang mukha ng panyo.

“Pasensya? You think sorry can fix my mood? You’re so useless!” Napawahak ito sa sentido, mariing pinikit ang mga mata, parang sinusubukang pigilan ang sarili.

“Bumalik ka doon sa coffee shop, Mirella,” malamig niyang utos. “At huwag na huwag kang babalik dito hangga’t hindi mo dala ang tamang kape na gusto ko.”

“Opo, Ma’am,” sagot ni Mirella habang nakayuko pa rin.

“Umalis ka na sa harapan ko! You’re ruining my energy!” sigaw pa ng modelo bago marahas na inayos ang line-up ng mga susunod na photoshoot. Ramdam ni Mirella ang mga titig ng staff. Iilan sa kanila ay naaawa, karamihan ay takot din kay Eleanora.

Marahan siyang umatras, bitbit ang basang panyo at pinipigilang hindi umiyak. In the hallway, the scent of luxury perfumes filled the air, contrasting sharply with the sticky smell of coffee on her clothes.

Paglabas niya ng building, sinalubong siya ng sikat ng araw, pero hindi nito naibsan ang bigat sa dibdib niya.

Dumiretso si Mirella sa Café La Rue, paboritong kainan ni Mrs. Eleanora at kung saan kabisado na ng barista ang order nitong Extra hot oat milk latte, no sugar. Ngunit sa pagmamadali kanina, hindi niya napansin na iced pala ang nasabi niya imbes na hot.

Habang naghihintay, napatitig siya sa repleksyon niya sa salamin. Basang basa pa rin ang damit niya sa ginawang pagbuhos kanina.

Nakakaawa talaga ang itsura niya kung pagmamasdan sa salamin. Namumula ang pisngi sa natuyong kape, magulo ang buhok, at pagod na pagod ang mga mata. Kung tutuusin, wala naman na siyang dahilan para manatili rito. Wala nang magulang na naghihintay sa kaniya sa bahay, wala nang tinig na tatawag sa kaniya ng “anak.” They had both died when she was little, leaving her with broken dreams and mountains of debt.

Lumaki siya sa poder ng tiyahin niyang mas matalim pa sa mga salitang binibitawan. Araw-araw, paulit-ulit niyang naririnig na pabigat lang daw siya, walang mararating, at dapat magpasalamat na may bubong pa siyang natutuluyan. Kapag minsan ay kulang ang perang naiuwi niya, sigaw at sampal ang kapalit.

So even now, no matter how humiliating, no matter how painful, Mirella endured every insult from Eleanora.

Kinuha niya ang kape nang iabot sa kanya ng barista, at dahan-dahan niyang hinigpitan ang hawak, parang kasama roon ang bigat ng buong araw niya.

Napapikit siya sandali, pinigilan ang buntong-hininga. Pagmulat niya, natanaw niya mula sa kanto ang mataas na gusali ng Zobel Models PH.

Kumikinang ang salamin ng building sa sikat ng araw. Ang bawat palapag, puno ng mga taong matayog mangarap—maganda, makintab, at laging nasa liwanag.

At siya… siya ‘yung nasa labas lang, nakatingala.

“Mabuti pa si Eleanora,” mahinang bulong niya. “Mayaman, maganda, kilala. Sana katulad din niya ako. Sana ganon din ang buhay na meron ako.”

Napatawa siya nang mahina, hindi dahil masaya, kundi dahil alam niyang imposibleng mangyari ‘yon.

Si Mirella Estelle Montelibano, isang assistant na parang alipin kung alipustahin, na tila iyon lang ang papel na nakalaan para sa kanya.

“Ano pang tinutunganga mo riyan?”

Biglang natigilan si Mirella nang marinig ang malamig na boses ni Mrs. Zobel mula sa loob ng dressing room. Suot ng modelo ang satin robe, habang inaayusan ng makeup artist. Nakaupo ito sa harap ng malaking salamin na may paikot na ilaw, at kahit sa liwanag na ‘yon, siya pa rin ang pinakamatingkad.

“Uh, opo, Ma’am.” Agad lumapit si Mirella at inilapag ang kape sa maliit na lamesa. Maingat niyang inilapit iyon sa babae, pero hindi man lang siya tiningnan nito. Abala si Eleanora sa paglagay ng pulang lipstick, tinitingnan ang sarili na parang siya lang ang may karapatang huminga sa kwartong iyon.

“Mamayang hapon, may pupuntahan tayong shoot,” sabi ni Eleanora habang naglalagay ng hikaw. “It’s urgent. Hindi pwedeng ma-move. Naghihintay na ‘yung designer sa Tagaytay.”

“Po?” halos hindi mapigilan ni Mirella ang tanong.

“Wala ang driver,” diretsong sagot ni Eleanora, saka tumingin sa kanya sa salamin. “So ikaw ang magmamaneho.”

Parang natuyo ang lalamunan ni Mirella. “M-Miss. Eleanora, baka puwedeng ipa-resched na lang po? Delikado po ang daan ngayon… may bagyo raw sa bandang south.”

Napailing si Eleanora, saka napangisi nang may halong inis. “Oh please, Mirella. It’s just rain. Don’t be dramatic. Kung hindi ako pupunta, mawawala ang kontrata. Alam mo bang ilang milyon ‘yon?”

Mirella fell silent. She knew there was no point arguing. Eleanora never listened.

“You have a license, don’t you?” tanong ni Eleanora habang inaayos ang buhok.

“O–opo…”

“Good. Then that’s settled.”

Tumayo si Eleanora, kinuha ang mamahaling handbag, at nagsimulang maglakad palabas ng kwarto.

“Meet me at the lobby in ten minutes. Make sure you don’t mess this up again.”

Pagkalipas ng ilang minuto, bumaba na si Mirella sa lobby, tangan ang bag ni Eleanora at mga dokumentong kailangan para sa shoot. Sa labas ng building, rumaragasa na ang ulan. Malalaki ang bawat patak, at bawat hampas sa bubong ng sasakyan ay parang babala.

Habang paparating si Eleanora Zobel, maingat niya itong pinagmamasdan suot ang beige trench coat, dark sunglasses, at isang eleganteng scarf na bumabalot sa leeg. Sa likod niya, abala ang stylist at manager sa pagsasakay ng mga gamit sa isang puting van.

“Mauna na kami, Ma’am Eleanora,” sabi ng manager habang sinasara ang pinto ng van. “Magkita na lang tayo sa venue. Nakaayos na lahat, pati glam team.”

Tumango lang si Eleanora. “Good. Don’t be late.”

Paglingon niya, naroon si Mirella, tahimik, bitbit ang payong habang binubuksan ang pinto ng itim na Range Rover.

“Let’s go,” malamig na sabi ng modelo.

Tahimik silang sumakay. Sa unang mga minuto ng biyahe, tanging patak ng ulan at humuhuning makina lang ang maririnig. Mahigpit ang kapit ni Mirella sa manibela, bawat kurba ng daan ay tinutukan niya.

Pero habang tumatagal, lumalakas ang ulan. Kumakapit sa mga gulong ang tubig, at ang windshield wiper ay halos hindi na makasabay.

“M-Ma’am,” mahinang sabi ni Mirella, “baka po puwedeng maghintay tayo sa gas station hanggang humina ang ulan—”

“God, Mirella,” putol ni Eleanora, tinitingnan siya mula sa passenger seat. “You’re not going to melt. Keep driving.”

Ngunit nanginginig na talaga ang mga kamay ni Mirella. Lalo na nang umakyat sila sa paakyat na bahagi ng Tagaytay ridge. Makipot ang daan nito, madulas, at halos wala nang ibang sasakyang dumadaan.

“Po—puwede po bang huminto muna sandali?” halos pabulong niyang sabi, pinipigilan ang takot.

Umirap si Eleanora, napailing, saka napalakas ang boses. “Pull over. I can’t take this anymore. Kung hindi mo kaya, ako na!”

Huminto si Mirella sa gilid ng kalsada, nanginginig pa rin. Hindi siya makagalaw.

“Give me the keys,” utos ni Eleanora, inis na inis. “At saka ‘yang bag, ako na rin ang mag-aabot pagdating.”

Tahimik lang si Mirella habang iniabot ang susi. Sa gitna ng kulog at ulan, nagpalit sila ng pwesto. Si Eleanora na ngayon ang nagmamaneho, mabilis, tiyak, matigas ang tingin.

“See? That’s how you drive,” sabi niya, bahagyang may ngisi.

Pero sa bawat liko, mas lumalakas ang ulan. Mabilis ang takbo ng sasakyan, at sa kabilang lane, sumulpot ang isang bus, mabilis, malakas ang ilaw, halos sabay sa ihip ng hangin.

“ M-Miss E–Eleanora—!” halos pasigaw ni Mirella.

Isang segundo lang ang pagitan, isang malakas na kalabog ang sumunod. Dumulas ang mga gulong sa basa at madulas na kalsada. Umikot ang sasakyan nang mabilis, parang nilamon ng hangin. At sa isang iglap, sumiklab ang puting liwanag bago tuluyang nagdilim ang lahat.

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Welcome to GoodNovel world of fiction. If you like this novel, or you are an idealist hoping to explore a perfect world, and also want to become an original novel author online to increase income, you can join our family to read or create various types of books, such as romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel and so on. If you are a reader, high quality novels can be selected here. If you are an author, you can obtain more inspiration from others to create more brilliant works, what's more, your works on our platform will catch more attention and win more admiration from readers.

RebyuMore

PWSZ Zaoczne
PWSZ Zaoczne
Amazing work...️
2025-05-20 01:32:41
3
0
wiktor.uchto
wiktor.uchto
Great book, interesting plot and well writer charachters. I totally recommend
2025-05-13 00:27:03
3
0
Malgorzata Uchto
Malgorzata Uchto
It is my story, so of course it is brilliant. Age gap, hidden identity, and strange plot I have ever imagined.
2024-08-10 07:54:09
3
0
Christy Rutland Robinson
Christy Rutland Robinson
Great book! Highly recommend if you love rejection to redemption and weak to strong tropes.
2024-04-29 03:39:20
1
0
Christine Owings
Christine Owings
101 chapters 2/7/24
2024-02-08 04:32:27
2
0
126 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status