Share

Chapter 21

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-07-26 09:37:22

Pagkarinig nito, mas lalo pang lumamig ang ekspresyon ni Clark. Lumapit siya, hinawakan ang payat na braso ni Alyanna at hinila ito palabas ng silid. Napakagat ng labi si Alyanna sa sakit at napakunot ang noo.

“Clark, huwag kang ganyan. Pakinggan mo muna ako bago ka magdesisyon, pwede ba?” Alam niyang hindi siya kailanman tatratuhin ni Clark nang mahinahon, kaya mahigpit niyang niyakap ang binti nito at ayaw bumitaw.

Parang bingi si Clark sa kanyang mga sinabi, at mabilis siyang hinila palabas. Hindi na niya kayang pigilan ang mabilis na paglalakad nito. Napatagilid ang kanyang katawan at tumama ang ulo niya sa pintuan, na may malakas na tunog.

“Ah——” Napaluha si Alyanna sa sobrang sakit noon.

Tumingin pababa si Clark sa kanya, at huminto sa paghila. Nakatingin ito sa kanya habang mahigpit ang pagkakapiit ng mga labi. Mas malamig pa ngayon ang aura ng katawan nito. “Ano ba talaga ang gusto mong mangyari? Ilang beses na kitang binalaan na huwag ka nang magpakita sa harap ko. Ano bang g
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 43

    Isang malakas na kalabog ang umalingawngaw mula sa direksyon ni Clark, ikinagulat ng lahat. Maging si Trevor ay napakunot-noo at tila naalibadbaran sa ginawa ni Clark. Pero si Alyanna, na para bang sinapian ng demonyo, ay inakalang ang kalabog na iyon ang pinakamatamis na "I love you" na narinig niya sa buong buhay niya. Nakatingin siya sa cellphone na para bang nakikita niya si Clark sa kabilang linya, galit na galit at handang makipagpatayan para sa kanya. Napuno ng luha ang kanyang mga mata. Matagal-tagal na rin mula nang maramdaman niyang ganito siya kahalaga kay Clark. Nang makita ang tunay na galit ni Clark, tumigil na rin si Trevor sa kanyang pang-aasar. Pinatay niya ang speakerphone at bumalik sa usapan. “Mr. Clark Benitez, hindi mo kailangang magalit sa akin. Hindi ko naman sasaktan si Alyanna at hindi ko na rin kukunin ang isang daang milyon. Pero sana, paboran mo ako. Pakawalan mo si Kairo Smith. Alam mo naman, sinira niya ang isa sa mga casino ng pamilya namin.” Kairo

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 42

    “Trevor Delos Reyes,” banggit ng lalaki sa mabagal at mariing tinig. “Trevor?!” Kumurap si Alyanna, iniisip kung tama ba ang narinig niya. “Ikaw ba ang kapatid ni Lou Delos Reyes?” Si Lou, tulad nina Clark at Gilbert ay kabilang sa hanay ng mga anak-mayaman. Dati silang malapit ni Alyanna, at nasabi ni Lou noon na may kapatid siyang Trevor ang pangalan. Ngunit dahil sa sexual orientation at pamumuhay nito, matagal na itong nanirahan sa ibang bansa. Kaya, kailanman ay hindi pa niya nakita nang personal si Trevor. Tumango si Trevor nang marahan, saka siya tiningnan. “Huwag mong isipin na dahil kaibigan ka ni Lou noon ay palalampasin ko na ang isandaang milyong utang ng tatay mo.” “Imposibleng magkaroon ng utang na gano’n kalaki ang tatay ko sa sugal. Hindi ‘yan naaayon sa patakaran ng mga sindikato. Wala siyang kakayahang magbayad niyan, maliban na lang kung talagang pineperahan niyo siya,” sagot ni Alyanna. Hindi siya tanga, alam niyang may something na mali. Ngunit hindi niy

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 41

    Nabigla si Alyanna nang marinig ang sigaw ng nurse sa kabilang linya, kasabay ng tunog ng isang malakas na sampal. "Hello? Hello?!" nanginginig ang kamay niyang hawak ang cellphone. "Anong nangyayari? Pakiusap, magsalita ka!" Isang hindi pamilyar na tinig ng lalaki ang sumagot mula sa kabilang dulo ng linya. "Ikaw ba si Alyanna?" "Oo, ako si Alyanna!" sagot niya agad, hindi na nag-aksaya ng oras. "Sino ka? Bakit nasa kwarto ka ng kapatid ko? Anong kailangan mo sa kanya?" "Kalma lang, Miss Alyanna Suarez. Wala akong masamang balak sa kapatid mo o kung kanino man. Gusto lang kitang makausap ng harapan." "Anong pag-uusap? Hindi kita kilala. Wala tayong dapat pag-usapan na kahit ano!” "Hmm..." Saglit na natahimik ang lalaki. Maya-maya'y nagbanta ito, "Kung ayaw mo akong harapin ng maayos, mapipilitan akong isama ang kapatid mo sa isang lugar na hindi mo alam." "Ano ka ba, kidnapper ka ba?! Galit na sigaw ni Alyanna. "Wala na bang batas ngayon na huhuli sa isang katulad mo?!" Wa

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 40

    "Saan ka pupunta?" tanong ni Clark, mahina pero mariin ang tinig, habang pinigilan si Alyanna sa pagbukas ng pinto. Amoy alak ang hininga niya, at ramdam ni Alyanna ang bigat ng titig nitong malamig at puno ng tensyon. Bahagya siyang umiwas, nilayo ang mukha, at pilit na pinanatili ang distansya. "Saan ka pupunta?!" ulit ni Clark, mas mataas na ang tono. Nag-aalab ang galit sa kanyang mga mata nang makita ang pag-iwas ni Alyanna. Parang apoy na hindi niya kayang pigilan. Napangiwi si Alyanna sa lakas ng sigaw. "Tama na, Clark. Hindi ito ang tamang oras para magbangayan tayo." "Tama na raw Anong tama na ang pinagsasabi mo dyan?" Mariing hinawakan ni Clark ang kanyang baba, pinapatingin siya diretso sa malamig nitong mga mata. "Isa ka lang sa mga babaeng binabayaran ko para hindi ako mag-isa sa gabi. Anong karapatan mong sabihin kung kailan dapat 'tama na'?" Napuno ng pait ang puso ni Alyanna. Nanginig ang kanyang mga mata sa naiipong luha, ngunit pinili niyang hindi umiyak. Hindi

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 39

    Pagkatapos maligo, sandaling tumingin si Alyanna sa salamin. May kaba sa dibdib niya. Mas naging maayos ang hubog ng kanyang katawan kaysa sa limang taon na ang nakaraan. Kahit suot niya ang pinakapayak at conservative pajama, ramdam niyang pansinin pa rin ang kanyang anyo. Ang kanyang kasexy-han. Tahimik siyang bumalik sa kwarto. Naroon si Clark, nakatayo sa may bintana, hawak ang isang baso ng red wine habang nakatingala sa buwan. Nang marinig niyang bumukas ang pinto, awtomatikong lumingon ito sa kanya. Basa pa ang mahabang buhok ni Alyanna, nakalugay at bahagyang magulo, habang ang liwanag mula sa kisame ay tumatama sa maputi at makinis niyang balat. Bahagyang kinabahan si Alyanna. Hindi niya alam kung saan ilalagay ang mga kamay, kaya nilaro-laro niya ang buhok niya. Mabagal ang bawat hakbang niya habang papalapit kay Clark. Nakaramdam siya ng halo-halong kaba at takot, pero pinilit niyang manatiling kalmado dahil ayaw niyang magalit na n

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 38

    Gabi na sa villa ni Alyanna. Nakaupo siya sa isang custom-made na beige na sofa, nanonood ng TV. Ang payat at marupok niyang katawan ay tila ba nagpapakita ng kalungkutan.Wala ang katulong ngayon dahil nagpaalam ito na aalis muna at pupunta ng probinsya, kaya siya lang mag-isa sa napakalawak na bahay na iyon. Hindi niya alam kung darating si Clark ngayong gabi. Gusto na sana niyang umakyat at matulog, pero inaalala niyang baka biglang dumating ito at walang mag-aasikaso sa kanya. Kaya't pinilit niyang manatili sa sala, nilalabanan ang antok habang hinihintay siya.Medyo malayo sa bahay ni Alyanna ang opisina ni Clark at alas-onse y medya na nang dumating si Clark. Alam niyang wala ang katulong, kaya nang makita niyang bukas pa ang ilaw sa hallway, inisip niyang gising pa si Alyanna at naghihintay. Bumaba siya mula sa kotse at tumayo sa tapat ng pintuan, naghihintay na pagbuksan siya ng babae sa loob.Pero kahit matagal na siyang naghihintay

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status