Pagkaalis ni Alfred sa kwarto, muling nanahimik ang paligid. Nakakabingi ito.
Nakatayo pa rin si Clark sa harap ng bintana, nakatanaw sa mga taong naglalakad sa kalye sa ibaba. Nasa kanto na noon si Alyanna, iniunat niya ang kanyang braso upang tumawag ng masasakyan, ngunit tuloy-tuloy lang ang pagdaan ng mga kotse. Walang taxi ang huminto para sa kanya. Para bang itinakwil siya ng buong mundo, at napaka-awkward ng feeling para sa kanya kung titingnan. Hindi niya alam kung gaano katagal ang oras na lumipas, pero naubos na ang sigarilyong hawak ni Clark noon bago pa man makasakay si Alyanna ng taxi at tuluyan nang umalis ng building. "Mr. Benitez,nahanap ko na po kung sino ang nagpadala ng babae para sa inyo kagabi," muling pumasok si Alfred sa kwarto ni Clark. "Ang babaeng nakatabi mo rito sa kwarto kagabi ay si Alyanna Suarez. Isa siyang hindi kilalang entertainment reporter. Kadalasan, sinusundan niya ang mga celebrity at palihim na kinukuhanan ng ilang pictures ang mga ito.” Sa isip-isip ni Clark, ‘isa pala siyang paparazzi.’ "Agad na tingnan ang buong kwarto ko," malamig na utos ni Clark kay Alfred. Tila ba nahulaan na niya ang tunay na layunin ni Alyanna kaya pumunta siya sa kwarto nito kagabi at sumiping pa sa kanya. Titingnan ang buong kwarto? Bakit? Natigilan si Alfred sa loob ng kwarto ng ilang sandali bago niya naintindihan ang gustong ipagawa ni Clark sa kanya. Iyon ay tingnan kung may camera ba sa loob ng kwarto niya na pwedeng nilagay ni Alyanna kagabi. Sikat si Clark Denver sa mundo ng negosyo. Maraming mabababang uri ng reporter ang nagtangkang maglagay ng camera sa mga kwarto ng hotel na tinutuluyan niya noon pa man. Ngunit dahil palaging mag-isa si Clark, kahit pa matagumpay silang makapaglagay ng camera, wala rin silang makuhang kontrobersyal na pangyayari sa buhay nito kahit na ano pa ang gawin nila. Tulad ng inaasahan ni Clark Denver, nakakita si Alfred ng isang wireless na pinhole camera sa loob ng kwarto. Nang makita ito ni Clark, nanlilimahid ang kanyang mukha sa galit niya kay Alyanna. ‘Ang galing mo talaga, Alyanna. Para lang makagawa ka ng mainit na balita na ikakataas mo sa kumpanya, handa kang isakripisyo ang sarili mong katawan sa akin! Anong klaseng babae ka?!’ "Itapon mo na ang camera na iyan. Huwag na huwag sanang kakalat ang balitang ito. Wala ni isang kompanya ng media sa Manila ang puwedeng makaalam nito, lalo na si Alyanna. Kung hindi, gulo ang ihahatid ko sa buhay nila. Huwag na huwag nila akong kakalabanin dahil hindi nila magugustuhan kapag nagalit ako," malumanay ang boses ni Clark nang sabihin niya iyon. Ngunit habang siya’y nagsasalita, tila ba karaniwan lang sa kanya ang sirain ang karera ng ibang tao. "Opo, Mr. Benitez. Masusunod po,” sagot ni Alfred pero ramdam ang takot sa kanyang boses nang sabihin niya iyon. Pagkabalik ni Alyanna sa kanyang dorm sakay ng taxi, agad siyang nagmamadaling pumasok sa banyo para maligo. Tumayo siya sa ilalim ng shower nang hindi matukoy kung gaano katagal. Ang mainit na tubig ay nagpasugat sa kanyang balat, ngunit hindi nito maalis ang sakit at sama ng loob sa kanyang puso. Ang mga salita ni Clark ay sobrang sakit, sagad sa buto. Tinawag siyang malandi at pinagbantaan na papatayin pa siya. Lahat iyon ay patuloy pa ring umuukilkil sa kanyang isipan. Naupo siya sa sahig, yakap ang kanyang ulo, at humagulgol. Walang pakialam kung marinig siya ng iba sa dorm. "Clark, bakit mo ako sinabihan nang gano'n? Hindi ako gano'ng klase ng tao. Hindi ko ibinebenta ang katawan ko para lang sa pera. Bakit hindi mo ako mapaniwalaan? Noon, pinapaniwalaan mo lahat ng sinasabi ko..." Hindi maintindihan ni Alyanna kung paano sila nauwi ni Clark sa ganitong sitwasyon. Magkaklase sila noong high school, parehas din ng university noong college at minsang nagsama sa iisang bahay. Pero bakit ngayon, para silang mortal na magkaaway? Ayaw niyang maging kaaway si Clark Denver Benitez. Masakit para sa kanya iyon at hindi maganda sa pakiramdam. Mula nang ituring siyang kaaway ni Clark, huminto siya sa pag-aaral, nawalan ng trabaho, at iniwan ang kanyang tirahan. Bawat araw sa kanyang buhay ay naging bangungot, para siyang nahulog sa isang walang hanggang bangin ng sakit at pighati. Para siyang lumulutang sa isang malalim na dagat, pilit na lumalangoy, ubos ang lakas, ngunit hindi pa rin makarating sa pampang. Pagkatapos maligo at matapos ang kanyang pag-iyak, narinig ni Alyanna ang tunog ng kanyang cellphone. Tawag iyon mula sa kanyang kasamahan sa trabaho na si Kira. "Kira, ikaw ba ang—" Sagot ni Alyanna sa tawag at handa na sanang itanong kung bakit siya nasa kwarto ni Clark kagabi. Ngunit laking gulat niya nang marinig si Kira na nagsabing, "Alyanna, pinapasabi ni boss na tanggal ka na sa trabaho. Effective today.” Nabigla si Alyanna at ilang segundo pa bago siya naka-react, "Si boss ba talaga ang nagsabi niyan? Bakit niya ako tinanggal? Anong kasalanan ko?" Nakarinig na lang siya ng sound sa kabilang linya. Pinatay na pala ni Kira ang tawag. Basta na lang itong binaba at hindi na nagpaliwanag. Lalong umiyak si Alyanna dahil hindi na niya alam ang nangyayari sa kanya. Una, nakita niya ulit si Clark Denver Benitez pagkatapos ng ilang taon. Tapos ngayon, sasabihin ni Kira sa kanya na wala na siyang trabaho? Makatao pa ba iyon? Sa pagkakaalala niya, wala naman siyang ginawang masama. Sa katunayan ay siya nga pa nga ‘yong ginawan nang masama. Bigla na lang siyang iniwan ni Kira roon sa tabi ng isang Clark Denver Benitez. Pero sa isip-isip ni Alyanna, wala namang mangyayari kung iiyak siya. Nangyari na ang nangyari. Matapos kumalma ay nagbihis siya at nagpalit agad ng sapatos. Nagmadali din siyang lumabas. Hindi siya puwedeng mawalan ng trabaho. Lalo na ang pagiging reporter.Kailangan niya ng pera. Kailangang pumunta siya sa kumpanya para alamin ang tunay na dahilan kung bakit nawalan siya ng trabaho. Hindi siya puwedeng basta-basta na lang tanggalin ng kanyang boss nang walang dahilan o paliwanag.Hindi inakala ni Alyanna na babalik siya sa dati niyang trabaho bilang isang entertainment reporter at lalong hindi niya naisip na ang una niyang assignment mula sa kanyang boss ay ang makapanayam ang isang artista na si Kim Lee.Sikat na sikat si Kim Lee sa mundo ng showbiz. Katulad ng biglaang pagsikat ni Lou, siya rin ay sumabog ang kasikatan nang magdamag at agad nagkaroon ng napakaraming tagahanga. Kilala rin siya bilang mayabang, mahilig magpasikat, at palaban sa mga bashers niya.Maraming reporter na nakapanayam siya ang umamin na mas gugustuhin pa nilang mamatay kaysa ma-interview siya ulit. Ganito kahirap pakisamahan si Kim Lee.Ang ideya na ito ng kanyang unang assignment ay nagbigay ng matinding sakit ng ulo kay Alyanna.“Miss Suarez, andito na tayo,” tawag ng cameraman habang binubuksan ang pinto ng sasakyan at bumaba.Dahil abala pa si Kim Lee sa paggawa ng bagong drama, sa mismong set gagawin ang interview nila. Si Kira, na sumama kay Alyanna, ay may hiwalay na iniinterv
Walang isa man sa opisina ang naglakas-loob na magsalita. Kita ng lahat na galit na galit ang direktor, at kung sino man ang unang magsasalita, siguradong madadamay sa gulo. Sa sandaling iyon, biglang pumasok si Alyanna sa opisina ng News Department. "Pasensya na, nalate po ako," hingal niyang sabi habang nakatayo sa may pintuan, magulo ang buhok at pawis na pawis. "Director, siya po ang bagong reporter na kinuha kahapon ng HR department, si Alyanna," sabi ng isa, sadyang malakas ang boses para marinig ng lahat. Kumunot ang noo ni Alyanna at agad na tumingin sa pinanggalingan ng boses. At ayun nga, si Kira, ang mortal niyang kaaway. Talagang kapag minamalas ka, kahit saan ka lumiko, andiyan ang mga taong ayaw mong makita. Tumingin ang director kay Alyanna na may halatang pagkainis. "Bawasan ng sampung puntos ang performance score ng babaeng iyan. Huwag ka nang malelate ulit." Huminga nang malalim si Alyanna at napangiti ng bahagya. Mabuti na lang at hindi siya natanggal. Nap
Nararamdaman ni Alyanna na parang naipit ang ulo niya sa pinto kagabi kaya niya hinamon nang todo ang pasensya ni Clark kaninang umaga. Kahit sa paglalakad ay nanginginig ang kanyang mga binti at paa. Masakit. Argh! Bwisit! Magdamag siyang pinagpuyat, at ngayon, late pa siyang dumating sa TV station. Napatingin siya sa oras sa kanyang relo. Bwisit! Limang minuto na lang ay late na siya. Ayaw niyang ma-late sa unang araw ng trabaho at mag-iwan ng masamang impresyon sa boss niya, kaya kumaripas siya patungo sa elevator na parang rocket. “Sandali lang!” Sigaw ni Alyanna, halos maubos ang boses habang tumatakbo, ngunit dahil parang may sira ang preno ng katawan niya, hindi niya na-kontrol ang sarili at bigla siyang bumangga sa isang tao. “Aray!” sigaw ng taong nasalubong niya. “Sorry, sorry,” mabilis na sabi ni Alyanna, agad niyang inalis ang paa sa natapakan niyang sapatos at magalang na humingi ng paumanhin. “Umalis ka nga riyan!” Isang pares ng kamay ang marahas na nagtul
Si Clark ay nakasuot ng pink na apron na may mga cartoon na disenyo. Hubad ang kanyang mga binti sa ilalim, na para bang nakasuot lang siya ng underwear. Nakakatawa pero sabay na nakakaakit ang itsura niya.Ang ikinagulat ni Alyanna ay ang dalawang plato ng pasta na hawak nito!Marunong palang magluto ang lalaking ito!Ilang taon na niyang kilala si Clark, pero ngayon lang niya nalaman na marunong pala itong magluto!“Ano? Hindi mo na ako nakikilala?” mahinahong sabi ni Clark habang maingat na inilalapag ang pasta sa mesa, saka dahan-dahang tinanggal ang apron at itinapon iyon sa gilid.Tama nga ang hinala niya, underwear lang ang suot nito sa ilalim ng robe. Pero dahil maiksi lang ang robe, hindi nito natatakpan ang mahahaba nitong mga binti. Payat at perpekto ang hubog, walang kahit anong taba, at ang kutis nito’y kasing puti na kayang ikahiya ng maraming babae.Halos lumuwa ang mga mata ni Alyanna habang nakatitig sa napakagandang mga binti nito, pakiramdam niya’y dumadaloy na ang
Sa isang iglap, hindi mapigilan ni Alyanna ang panginginig ng kanyang puso.Para siyang nakuryente, nanigas ang buong katawan, at naglaho ang lahat ng laman ng kanyang isipan.“Ho-honey… a-ako…” pautal-utal niyang bulong, ni hindi niya alam kung ano ang gusto niyang sabihin.“Gusto mo ba ng halik na ganito?” malamlam ngunit puno ng pang-akit ang tinig ni Clark, habang bahagyang kinakagat ang kanyang mga labi. Ang boses nito’y mababa, paos, at nakakabighani.“Hi-hindi,” iiling-iling na sagot ni Alyanna, halos hindi makatagal sa init ng tingin ng asawa.“Kung gano’n, subukan natin ang ibang paraan.” Mabilis na hinawakan ni Clark ang kanyang dila, at ang mga halik nito’y naging mas mapusok, mas mariin, at mas mapang-angkin.Napayakap siya nang mahigpit sa matipunong likod ng lalaki, tila ba wala na siyang ibang magagawa kundi ang sumabay sa agos ng nagbabagang damdamin.Habang magkahinang ang kanilang katawan, ramdam ni Clark ang mabilis na pag-akyat ng kanyang dugo, at hindi na niya map
“Pipilitin mong mahalin ang isang taong hindi mo naman gusto? ’Yan ang totoong pananakit. Hindi lang para sa’yo, kundi pati kay Gilbert. Karapat-dapat si Gilbert sa mas mabuting babae.”“Susubukan ko siyang kausapin mamaya.” Alam ni Clark na matagal na silang magkaibigan ni Gilbert kahit pa magpinsan sila at sabay na dumaan sa hirap at ginhawa. “Wala namang dahilan para tuluyang masira ang pagkakaibigan dahil lang sa pumalpak ang isa sa pag-ibig.”Ngumiti si Lou, malapad ang ngiti na iyon sa kanyang labi. “Advance thank you! Kapag kailangan mo ng tulong in the future, sabihin mo lang.”“Huwag mo na sabihing ‘future’ kasi kailangan ko na ng tulong mo ngayon,” sabi ni Clark, sabay taas ng tingin sa kanya.Kumindat si Lou at kumaway ng parang hari. “Sige, sabihin mo lang sa akin kung ano iyon. Basta kaya ko, walang problema sa akin iyan.”“Hindi naman malaking bagay,” wika ni Clark. “Si Alyanna, gusto niyang magtrabaho. Journalism ang major niya, at since close ka sa mga tao sa TV statio