LOGINSumakay si Alyanna ng taxi papunta sa building ng opisina ng kumpanya kung saan siya nagtatrabaho. Wala ang receptionist sa front desk kaya walang sinumang pumigil sa kanya.
Dumiretso siya sa opisina ng kanyang boss at nagsabi, “Boss, bakit mo ako tinanggal sa trabaho? Anong ginawa ko sa iyo at pinatawan mo ako noon?” Walang kahit na sino ang nasa office. Isang tinig lang ng babae ang narinig mula sa loob ng kwarto sa loob ng opisina, na agad niyang ikinatahimik. “Boss… Nandito na ko.” Si Kira ang babaeng iyon. Kahit nakapikit ang mga mata ni Alyanna ay alam niyang kay Kira nanggagaling ang boses na iyon. Iyon pala, may relasyon sina Kira at ang kanilang boss. Kaya pala si Kira ang may pinakamalaking performance bonus sa mga kasamahan nilang sabay pumasok sa kumpanya. Napakagat-labi tuloy si Alyanna at naupo sa sofa, may kaunting sama ng loob sa dibdib habang naghihintay na matapos ang pag-uusap ng dalawa. ‘Niloloko nila ang mga tao rito sa kumpanya. Paano nila nagawang itago ang relasyon nila sa lahat ng empleyado rito? Ang galing naman pala talaga ng Kira na iyan. Para sa pera, jojowain ang sariling boss?!’ Matagal ang oras na lumipas, tila isang taon, bago tumigil ang mga ingay sa kwarto pero hindi pa rin lumalabas ang boss ni Alyanna at si Kira. Hindi mapakali si Alyanna noon, ngunit natatakot siyang buksan ang pinto kaya nagpatuloy siyang maghintay sa labas, balisa pa rin siya sa lahat ng nangyayari sa kanya. “Boss, matagumpay kong nakuhanan ng picture sina Alyanna at Clark Denver Benitez habang magkasunod na lumabas ng kwarto kaninang umaga. Paano ba ‘yan? Boss, ‘yong bonus ko ha?” biglang narinig ni Alyanna ang boses ni Kira na humihingi ng bonus mula sa kanyang boss. Nang marinig ito, napatalon si Alyanna mula sa sofa at hindi makapaniwalang tumingin sa maliit na kwarto. ‘What? Ginawa niya iyon? Hindi man lang ba siya natakot? Ang kapal din talaga ng mukha niya!’ Alam ni Kira na nasa kwarto siya ni Clark pero kinuhanan pa rin siya nito ng picture. Sa isip ni Alyanna, siya rin kaya ang naglagay ng gamot sa inumin niya kagabi? “May lakas ka pa ng loob humingi ng bonus mula sa akin?! Buti nga at hindi kita sinibak kasama si Alyanna!” galit na galit ang tinig ng kanilang boss. “Bakit, boss? Bakit ka biglang nagalit sa akin?” halatang nataranta ang tinig ni Kira nang makita na galit sa kanya ang kanyang boss. “Hindi ba ikaw mismo ang nag-utos na lagyan ko ng gamot ang iniinom ni Alyanna? Sinabi mo rin sa akin na dalhin siya sa kwarto ni Clark Denver Benitez, at pagkatapos ay kukuhanan ko sila ng picture at video para maging headline ito sa news outlets, hindi ba?” Sa narinig na iyon, hindi na nakapagpigil si Alyanna at mariing binuksan ang pinto. "Bakit mo ako tinatrato nang ganoon? Nasaktan ba kita kahit isang beses? Bakit mo ako ipinadala roon at tinabi pa kay Mr. Clark Denver Benitez? Hindi mo ba alam na ilegal ang ginawa mo?” galit na galit si Alyanna nang sabihin niya iyon. Punung-puno ng emosyon ang kanyang boses, at ang kanyang pag-iyak ay punong-puno din ng matinding sakit. Diyos lang ang nakakaalam kung gaano siya nagsumikap na umiwas kay Clark sa lahat ng taon na lumipas. Para makalimutan niya si Clark, para lumayo sa mundo nito, at para hindi na muling mabuhay na palaging hinahabol ng mga taong may kutsilyo sa kalye. Iniwan niya ang kanyang tirahan at ipinagkatiwala ang kanyang kapatid na may malubhang sakit sa kanyang iresponsableng ama, upang tuluyang makaiwas sa anumang koneksyon kay Clark sa buong buhay niya, at mamuhay na lang ng tahimik. Pero ngayon, tapos na ang lahat. Dahil sa pansariling kasakiman, ipinadala siya ng boss sa kay Clark at pinatabi pa rito bilang maging kasangkapan sa isang balita na ikakalaki ng kumpanya nila. Wala na ang kanyang tahimik na buhay. Hindi na siya palalagpasin ni Clark. Alam niya ang kakayahan nito. Naalala tuloy niya ang mga araw na hinahabol siya sa kalsada limang taon na ang nakalilipas at ang lahat ng ito ay dahil sa dalawang sakim na taong nasa harapan niya. "Isusumbong ko kayo—" umiiyak na sabi ni Alyanna habang nakatingin sa dalawa. Biglang sumugod si Kira at isinara nang malakas ang pinto ng kwarto dahil natatakot siyang baka may iba pang makarinig sa kanila. "Alyanna, tama na. Tumigil ka na. Wala ka naman nang magagawa, di ba?" Nakangising sabi ni Kira, "Wala ka namang ebidensya, hindi ka papansinin ng mga pulis. At isa pa, sino ba si Clark Denver Benitez? Siya lang naman ang kilala pagdating sa negosyo rito sa Manila. Kapag nalaman niyang nagpunta ka sa presinto para magsumbong at sinabi mong pinilit ka niya, sa tingin mo ba ay hahayaan ka pa niyang mabuhay? Parehas nating alam na hindi na, kaya tumahimik kabna lang dyan.” "Hindi ako papayag na hahayaan ko na lang ang nangyari! Ginamit niyo ako!” Galit na titig ni Alyanna sa magkasamang traydor sa harap niya. Hindi siya susuko kahit mamatay pa siya. Ilang minuto pa ay malakas siyang sinampal ng maskuladong boss. Dahil hindi siya handa, natumba si Alyanna sa sahig. Kitang-kita ang pula at namamagang marka ng sampal sa kanyang pisngi, at halos himatayin siya sa sakit. "Alyanna, mas mabuting manahimik ka na lang sa isang tabi, kundi re-rape-in at papatayin kita! Sige, subukan mo lang magsumbong! Iyon talaga ang gagawin ko. Sinasabi ko sa iyo, hindi ka na makikita ng pamilya o mga kaibigan mo kahit kailan!" Ang malamig at malupit na tingin ng boss ay nagpapahiwatig ng apoy na hindi pwedeng talunin. Dahil sa narinig ay lalong nawala ang pag-asa ni Alyanna na makakaganti siya kay Kira at sa boss nila. Galit ang mga mata niya at natulo na rin ang kanyang luha. Durog na durog siya. Talaga bang ito na ang katapusan ng katahimikan sa buhay niya?“Hintayin mo ako, babalik ako agad,” biglang sabi ni Clark, dahilan para mabigla si Alyanna.“Huh? Bakit ka babalik ngayon? Hindi ba sabi mo bukas ka pa uuwi?”“Lulutuan kita ng noodles pag-uwi ko. Hindi ba sabi mo, sa’kin pinakamasarap ang luto ng noodles?” sagot ni Clark, kasabay ng malambing at pilyong tawa.Napakunot ang noo ni Alyanna dahil may ibang kahulugan siyang narinig sa tawa nito. Napuno ng inis ang dibdib niya. Dumilim ang mukha niya at pasigaw niyang sabi, “Bastos ka! Ang dumi ng isip mo! Ang tinutukoy ko ‘yung noodles na niluluto mo!! NOODLES!!!”Binaba niya ang tawag, at nang mapatingin siya sa niluluto niyang noodles sa kawali, biglang nawala ang gana niya.Galit na galit niyang hinaplos ang buhok niya, ibinuhos ang noodles sa lababo, saka kinuha ang bag niya. Nagpalit ng sapatos at lumabas ng bahay.“Ang mga babae,” bulong niya sa sarili, “dapat marunong silang alagaan ang sarili nila, lalo na kapag bad mood sila. Kumain dapat sila sa labas, pampasaya rin ‘yon kung
Hindi nagsalita si Jenny, ngunit tumitig nang matagal sa picture sa lapida ni Catherine at tahimik na sinabi sa sarili sa puso niya, “Tita, magpahinga ka na. Poprotektahan ko si Alyanna at Trisha para po sa inyo. Pangako iyan.”May gusto sanang sabihin si Alyanna nang nag-iisa kay Catherine, kaya sinabihan niya sina Fidel at Jenny na maghintay muna sa kotse.Pagkatapos nilang umalis, muli niyang inayon ang tingin sa picture ng yumaong si Catherine sa lapida. Puno ng luha ang kanyang mga mata habang ngumiti at nagsalita, “Mama, ang dala ko pong magandang balita ngayon, rehistrado na kami ni Clark bilang mag-asawa. May biyenan na kayo.”Naisip ni Fidel na may naiwan siya roon kaya bumalik siya sandali; nang marinig iyon ay natigilan siya at tumigil ng ilang hakbang, pinayagang magpatuloy si Alyanna.“Mama, congrats sa pagiging biyenang walang kapantay,” inialay ni Alyanna ang isang baso ng alak sa kanyang inang namayapa at nagpatuloy, “Plano ko sanang dalhin sa iyo ang biyenan mo para
Hinawakan ni Clark ang kamay ni Alyanna, marahang hinalikan ito, at sa mahinahon ngunit seryosong tinig ay sinabi, “Mag-behave ka at hintayin mo ako sa bahay. Babalik ako bukas. Promise ko iyan. Wala na akong pupuntahan after ng business meeting ko.”“Okay. Madali naman akong kausap. Isa pa, alam ko naman na iyon talaga ang gagawin mo. May tiwala ako sa’yo,” tugon ni Alyanna, kagat-labi habang bahagyang tumango.“No biting of your lip, please,” saway ni Clark, may halong biro sa boses. “Hindi ko kayang tiisin ’yan. Baka mamaya, maisipan kong hindi na lang umattend ng business meeting ko at samahan ka na lang dito.”Napangiti si Alyanna at marahang isinandal ang ulo sa balikat niya.Mahal niya ang ganitong klase ng pag-aalaga mula kay Clark, mahigpit, pero may lambing kahit paano.Yumakap nang mas mahigpit si Clark at ilang sandali pa’y tumigil ito, parang nag-aalangan. Ang mga mata niya ay puno ng init, ngunit may halong pag-aalala.“My wife,” bulong niya, paos ang tinig noong mga ora
“Basta’t hindi mo na siya hahabulin kahit kailan Clark, gagawin ko na ang gusto mo,” sa wakas ay napilitang magkompromiso si Wilfred. Alam niyang mas malaki ang kapahamakan kung makakalaban nila ang pamilya ni Clark, kaysa sa simpleng pagpapadala kay Beatrice sa ibang bansa.“Salamat po, Tito Wilfred, sa kabutihan ninyo na pinakita sa akin,” magalang na sabi ni Clark.Bahagyang napangiti nang pilit si Wilfred. “Sobra ka naman, Clark. Ako nga dapat ang magpasalamat sa’yo.”“Kung gano’n,” sabi ni Clark, malamig ngunit mahinahon ang tono, “pag-usapan na natin kung paano haharapin ang pamilya Sy.”Ang boses ni Clark ay kalmado, pero may halong kapangyarihang na hindi pwedeng tanggihan ng kahit na sino man.Dalawang dahilan ang pagpunta niya sa pamilya ni Lou nang gabing iyon. Una, para pilitin si Wilfred na paalisin si Beatrice palabas ng bansa, at pangalawa, para makipag-alyansa sa pamilya nila laban sa pamilya ni Rue.Ang gulong ginawa ng pamilya Sy sa bahay ng mga ito ay naging malina
Sumagot pa si Gilbert sa kanya. “Oo nga.”Dahil doon ay inis na inis na sumagot si Wilfred.“Gilbert, ito’y usaping pamilya namin! Hindi ka kasali rito. Naiintindihan mo ba iyon?!” matigas na sabi ni Wilfred, nilingon si Gilbert na para bang pinapayuhan siyang huwag magsalita nang sobra sa kanya.Nang makita ni Clark si Wilfred na tumuturo kay Gilbert nang malamig, lumubha ang mukha ni Clark. Inilagay niya ang mga binti nang magarang nagtawid, saka malamig na nagsabi, “Kung ganoon, pag-usapan natin ang usaping pamilyang ating pinagkakaabalahan.”“Anong pinagkakaabala nating pamilyang usapin? Ha? Anong sinasabi mo?”Itaas ni Wilfred ang mga kilay at lumingon kay Clark na may pagtatakang mukha. Dito lang niya napansin na ang Clark na kanina’y maamo ay ngayo’y napapalibutan ng malamig na aura, parang espada na hinubog mula sa yelo na libong taon ang tanda, napakalamig na tumusok sa buto. Nanigas siya sa upuan, na tila may napakabigat na bato sa dibdib at hindi makagalaw.Tumitig si Cla
Si Rue ay tumingin sa kanya at nagsalita, “May binayaran ang anak mo para ikalat ang nude photos ko, para rape-in ako. Tapos wala akong gagawin? Hindi pwede! I won't let this go! Naiintindihan mo ba ‘yon? Dad, let's go!”Pinilit sana ni John na ipakasal si Francis kay Rue bilang pagpapakilala ng paghihiganti at balak niyang pag-isahin ang dalawang pamilya para harapin sina Clark at Alyanna. Ngunit hindi niya inasahan na hihindi sa kasal si Francis dahil sa kanyang sexual orientation. Nang maubos ang pag-asa sa kasal, umalis siya nang galit.Dahil sa insidenteng ito, muntik nang mapahiya si Wilfred sa harap ng mga kasamahan. Nang makita niyang marangal na dumating at umalis sina John at ang kanyang anak, napuno siya ng poot at muntik na siyang magsuka ng dugo. Agad niyang iniutos sa katiwala niya si Beatrice sa ospital para gamutin, at pinaalis ang lahat ng mga kasambahay,hindi na niya binanggit pa ang balak na ibalik si Beatrice sa kanilang angkan.Si Lyn, nang malaman ang nangyari,







