LOGINBiglang may isang makinis at payat na braso na lumitaw mula sa likuran ni Alyanna.
"Ah——" "Gusto mong tumakas pagkatapos ng nangyari kagabi?" galit ang tono ni Clark nang sabihin niya iyon. Hinawakan ni Clark ang likod ni Alyanna na may madilim na mukha at mariing itinulak siya pabalik sa kama. Ang kanyang malamig na mga mata ay singlamig ng yelo. Kitang-kita ang galit sa kanya. "Sino ang nagpadala sa'yo rito? Sabihin mo sa akin! Sino?!” sigaw ulit niya. "Ahhh.. Hindi ko alam. Wala akong alam! Nakita ko na lang ang sarili ko na nasa kama, katabi ka,” paliwanag ni Alyanna sa kanya. Nataranta si Alyanna sa malamig niyang mga mata na tila nais siyang kainin ng buhay. Buti na nga lang din at nakapagsalita pa siya. Ang galit na kitang-kita sa kanyang mga mata ay naputol ang dahil sa pagkabigla niya nang malinaw na makita ang mukha ng babae, "Alyanna, ikaw pala ‘yan?!” "Oo... P-pasensya ka na. Hindi ko sinasadya. Nakita ko na lang din ang sarili ko sa kwarto na ito,” nanginginig na tinig ni Alyanna habang nagsasalita. "Clark, kung ano man ang nangyari kagabi sa atin, hindi ko iyon sinasadya…” Pagkarinig nito, mariing kumunot ang makakapal na kilay ni Clark, at ang malamig niyang mga mata ay bumagsak sa balat ni Alyanna na may bakas pa ng pag-ibig. Ang dating hhindi mabasang mukha ni Alyanna ay biglang napuno ng galit. "Alyanna, isa kang malanding babae! Wala pa akong nakitang babaeng mas masama pa sa'yo! Paano mo nagawa ito, ha?!” Matalim ang titig niya habang sumisigaw, malamig at mabagsik ang kanyang tinig, ang kanyang mga mata ay parang gustong lamutakin siya at higupin ang kanyang dugo, na para bang nahuli niya ang kanyang asawa habang nakikipagtalik sa kanyang kabit. Namutla ang mukha ni Alyanna noong mga oras na iyon, at biglang bumuhos ang kanyang mga luha na parang rumaragasang baha. Paano siya naging masama? Dahil lang sa nagtabi sila sa kama? Masama na agad ang tingin ni Clark sa kanya? Hindi siya tumabi sa kama niya para sa pera. Hindi siya isang malanding babae na bayaran ng kung sinu-sino. Isa siyang biktima na planadong scandal, hindi ba’t ganoon ang nangyari? Wala naman siyang alam sa pangyayaring iyon kagabi. "Alyanna! Bakit ka umiiyak? Anong karapatan mong umiyak sa harapan ko?" Walang bakas ng awa sa gwapo at nakasisilaw na mukha ni Clark. Ang kanyang mga mata ay parang dalawang espada ng yelo, na dumuduro sa mga mata ni Alyanna. Ang kanyang maninipis na labi ay bumuka, malamig ang tinig, at ang kanyang mga salita ay tila sumaksak sa puso ng dalaga. "Matapos ang nangyari sa atin, limang taon na ang nakalipas, sinabi ko sa’yo na huwag ka nang magpakita sa akin ulit, hindi ba? Kung hindi, ipaparanas ko sa’yo ang buhay na mas masahol pa sa kamatayan. Hindi ka lang nakinig sa akin, naglakas-loob ka pang tumabi sa kama?! Ibang klase ka rin naman!” Malinaw at mabagal ang pananalita ni Clark, ngunit ang dating nito ay parang pagsabog ng isang atomic bomb sa tainga ni Alyanna. Nang marinig ni Alyanna ang kanyang sinabi, namutla siya sa takot at hindi na nakuhang umiyak pa. "Lumayas ka rito! Hindi kita kailangan!" Marahas niyang hinila ito pababa ng kama at inihampas sa mukha nito ang sexy na pantulog at maskara. Nang marinig ni Alyanna na pinapalayaa na siya ni Clark, nakaramdam siya ng ginhawa. Pinulot niya ang kanyang mga damit sa sahig at agad na nawala sa paningin ni Clark noong oras din na iyon. "Put—ng ina! Bakit nasa iisang kama kami ng babaeng iyon?!" Habang pinagmamasdan ang aligagang pag-alis ni Alyanna, sinipa ni Clark ang unan sa kanyang paanan sa galit. Hindi niya alam kung bakit siya nagagalit. Dahil sa masama ang kanyang mood, nagsindi siya ng yosi at tumawag sa kanyang cellphone, “ Alfred! Pumunta ka rito!” Makaraan ang tatlong minuto, humahangos na pumasok si Alfred sa presidential suite ni Clark. Nakasuot si Clark ng itim na nightgown at nakatayo sa harap ng malawak na glass window. Hawak ng mahahaba niyang daliri ang sinindihang yosi habang nakatitig sa labas, hindi gumagalaw. Sa mga sandaling iyon, bahagyang napigilan ni Clark ang kanyang sarili sa galit, ngunit ramdam pa rin ang lamig sa kanyang presensya na tila nagtataboy siya ng mga tao. “Boss Clark..” maingat na lumapit si Alfred at tinawag siya, “Nandito na po ako. Ano pong meron?” “Sino ang nagpasok ng babae kagabi rito sa kwarto ko?” Bahagyang ngumiti si Clark, tila karaniwang tanong lang ito gaya ng "Ano ang schedule ko ngayon?" ngunit halos hindi makahinga si Alfred sa takot dahil sa tanong niyang iyon. Si Clark Denver Benitez ang hari ng mundo ng negosyo, hawak niya ang kapalaran ng maraming tao. Araw-araw, napakaraming gustong magpakitang-gilas sa kanya. At hindi lahat ay nabibigyan ng chance para gawin iyon. Gaya ng mga sinaunang ministro na sinusuyo ang emperor, ang pagpapadala ng babae sa kanyang kama ay isa sa karaniwang paraan para makapagpasalamat sa kabutihang taglay niya. Pero, hindi lamang tinatanggihan ng kanyang amo ang mga babaeng ipinapadala sa kanya kung hindi wala talaga siyang kahit sinong babae sa kanyang paligid buong taon. Dahil dito, kumakalat ang tsismis na may problema siya sa pakikipagtalik o di kaya'y bakla siya, kaya wala siyang interes sa mga babae. “Tinanong kita Alfred, pipi ka ba o bingi? Hindi mo talaga narinig kung anong sinabi ko?” Matagal nang walang sagot si Alfred kaya bigla siyang nilingon ni Clark, kumikislap ang malamig na liwanag sa kanyang mga mata. Seryoso siya. “Boss Clark, pasensya na po talaga. Huwag po kayong mag-alala. Aalamin ko agad kung sino ang nagbigay ng babae sa inyo kagabi at ibibigay ko sa inyo ang sagot sa loob ng sampung minuto.” Napagtanto ni Alfred noong mga oras na iyon na may malaking pagkukulang sa part niya. Hindi siya naging alisto. Iyan tuloy, may babaeng nakapasok sa kwarto ng kanyang boss na may masamang motibo. Ano na lang ang mangyayari sa kanya kung napahamak si Clark? Alam ni Alfred na sa ganitong simpleng pagkakamali lang kay Clark ay sapat na para matanggal siya. Syempre, hindi niya iyon hahayaan na mangyari.“Hintayin mo ako, babalik ako agad,” biglang sabi ni Clark, dahilan para mabigla si Alyanna.“Huh? Bakit ka babalik ngayon? Hindi ba sabi mo bukas ka pa uuwi?”“Lulutuan kita ng noodles pag-uwi ko. Hindi ba sabi mo, sa’kin pinakamasarap ang luto ng noodles?” sagot ni Clark, kasabay ng malambing at pilyong tawa.Napakunot ang noo ni Alyanna dahil may ibang kahulugan siyang narinig sa tawa nito. Napuno ng inis ang dibdib niya. Dumilim ang mukha niya at pasigaw niyang sabi, “Bastos ka! Ang dumi ng isip mo! Ang tinutukoy ko ‘yung noodles na niluluto mo!! NOODLES!!!”Binaba niya ang tawag, at nang mapatingin siya sa niluluto niyang noodles sa kawali, biglang nawala ang gana niya.Galit na galit niyang hinaplos ang buhok niya, ibinuhos ang noodles sa lababo, saka kinuha ang bag niya. Nagpalit ng sapatos at lumabas ng bahay.“Ang mga babae,” bulong niya sa sarili, “dapat marunong silang alagaan ang sarili nila, lalo na kapag bad mood sila. Kumain dapat sila sa labas, pampasaya rin ‘yon kung
Hindi nagsalita si Jenny, ngunit tumitig nang matagal sa picture sa lapida ni Catherine at tahimik na sinabi sa sarili sa puso niya, “Tita, magpahinga ka na. Poprotektahan ko si Alyanna at Trisha para po sa inyo. Pangako iyan.”May gusto sanang sabihin si Alyanna nang nag-iisa kay Catherine, kaya sinabihan niya sina Fidel at Jenny na maghintay muna sa kotse.Pagkatapos nilang umalis, muli niyang inayon ang tingin sa picture ng yumaong si Catherine sa lapida. Puno ng luha ang kanyang mga mata habang ngumiti at nagsalita, “Mama, ang dala ko pong magandang balita ngayon, rehistrado na kami ni Clark bilang mag-asawa. May biyenan na kayo.”Naisip ni Fidel na may naiwan siya roon kaya bumalik siya sandali; nang marinig iyon ay natigilan siya at tumigil ng ilang hakbang, pinayagang magpatuloy si Alyanna.“Mama, congrats sa pagiging biyenang walang kapantay,” inialay ni Alyanna ang isang baso ng alak sa kanyang inang namayapa at nagpatuloy, “Plano ko sanang dalhin sa iyo ang biyenan mo para
Hinawakan ni Clark ang kamay ni Alyanna, marahang hinalikan ito, at sa mahinahon ngunit seryosong tinig ay sinabi, “Mag-behave ka at hintayin mo ako sa bahay. Babalik ako bukas. Promise ko iyan. Wala na akong pupuntahan after ng business meeting ko.”“Okay. Madali naman akong kausap. Isa pa, alam ko naman na iyon talaga ang gagawin mo. May tiwala ako sa’yo,” tugon ni Alyanna, kagat-labi habang bahagyang tumango.“No biting of your lip, please,” saway ni Clark, may halong biro sa boses. “Hindi ko kayang tiisin ’yan. Baka mamaya, maisipan kong hindi na lang umattend ng business meeting ko at samahan ka na lang dito.”Napangiti si Alyanna at marahang isinandal ang ulo sa balikat niya.Mahal niya ang ganitong klase ng pag-aalaga mula kay Clark, mahigpit, pero may lambing kahit paano.Yumakap nang mas mahigpit si Clark at ilang sandali pa’y tumigil ito, parang nag-aalangan. Ang mga mata niya ay puno ng init, ngunit may halong pag-aalala.“My wife,” bulong niya, paos ang tinig noong mga ora
“Basta’t hindi mo na siya hahabulin kahit kailan Clark, gagawin ko na ang gusto mo,” sa wakas ay napilitang magkompromiso si Wilfred. Alam niyang mas malaki ang kapahamakan kung makakalaban nila ang pamilya ni Clark, kaysa sa simpleng pagpapadala kay Beatrice sa ibang bansa.“Salamat po, Tito Wilfred, sa kabutihan ninyo na pinakita sa akin,” magalang na sabi ni Clark.Bahagyang napangiti nang pilit si Wilfred. “Sobra ka naman, Clark. Ako nga dapat ang magpasalamat sa’yo.”“Kung gano’n,” sabi ni Clark, malamig ngunit mahinahon ang tono, “pag-usapan na natin kung paano haharapin ang pamilya Sy.”Ang boses ni Clark ay kalmado, pero may halong kapangyarihang na hindi pwedeng tanggihan ng kahit na sino man.Dalawang dahilan ang pagpunta niya sa pamilya ni Lou nang gabing iyon. Una, para pilitin si Wilfred na paalisin si Beatrice palabas ng bansa, at pangalawa, para makipag-alyansa sa pamilya nila laban sa pamilya ni Rue.Ang gulong ginawa ng pamilya Sy sa bahay ng mga ito ay naging malina
Sumagot pa si Gilbert sa kanya. “Oo nga.”Dahil doon ay inis na inis na sumagot si Wilfred.“Gilbert, ito’y usaping pamilya namin! Hindi ka kasali rito. Naiintindihan mo ba iyon?!” matigas na sabi ni Wilfred, nilingon si Gilbert na para bang pinapayuhan siyang huwag magsalita nang sobra sa kanya.Nang makita ni Clark si Wilfred na tumuturo kay Gilbert nang malamig, lumubha ang mukha ni Clark. Inilagay niya ang mga binti nang magarang nagtawid, saka malamig na nagsabi, “Kung ganoon, pag-usapan natin ang usaping pamilyang ating pinagkakaabalahan.”“Anong pinagkakaabala nating pamilyang usapin? Ha? Anong sinasabi mo?”Itaas ni Wilfred ang mga kilay at lumingon kay Clark na may pagtatakang mukha. Dito lang niya napansin na ang Clark na kanina’y maamo ay ngayo’y napapalibutan ng malamig na aura, parang espada na hinubog mula sa yelo na libong taon ang tanda, napakalamig na tumusok sa buto. Nanigas siya sa upuan, na tila may napakabigat na bato sa dibdib at hindi makagalaw.Tumitig si Cla
Si Rue ay tumingin sa kanya at nagsalita, “May binayaran ang anak mo para ikalat ang nude photos ko, para rape-in ako. Tapos wala akong gagawin? Hindi pwede! I won't let this go! Naiintindihan mo ba ‘yon? Dad, let's go!”Pinilit sana ni John na ipakasal si Francis kay Rue bilang pagpapakilala ng paghihiganti at balak niyang pag-isahin ang dalawang pamilya para harapin sina Clark at Alyanna. Ngunit hindi niya inasahan na hihindi sa kasal si Francis dahil sa kanyang sexual orientation. Nang maubos ang pag-asa sa kasal, umalis siya nang galit.Dahil sa insidenteng ito, muntik nang mapahiya si Wilfred sa harap ng mga kasamahan. Nang makita niyang marangal na dumating at umalis sina John at ang kanyang anak, napuno siya ng poot at muntik na siyang magsuka ng dugo. Agad niyang iniutos sa katiwala niya si Beatrice sa ospital para gamutin, at pinaalis ang lahat ng mga kasambahay,hindi na niya binanggit pa ang balak na ibalik si Beatrice sa kanilang angkan.Si Lyn, nang malaman ang nangyari,







