Share

Chapter 48

Author: Athengstersxx
last update Last Updated: 2025-08-10 18:40:19

Isang third-tier na aktres, makapal ang make-up at nakabihis na para bang handa nang rumampa sa red carpet, si Beatrice Delos Reyes iyon.

Pinsan siya ni Lou at isa ring artista sa film at TV company nito. Kahit kailan ay hindi siya sumikat, ngunit nakagawa na siya ng napakaraming pelikula kasama si Lou. Isang classic na halimbawa ng artistang hindi kailanman makaabot sa tuktok ng kasikatan.

Mas bata ng isang taon si Beatrice kay Alyanna at mula pagkabata ay nahumaling na sa kagwapuhan ni Clark. Sa tuwing magkasama sina Clark at Lou, ipinapakilala niya ang sarili bilang pinsan ni Lou at todo ang pagpapapansin sa lalaki.

Sa kasamaang-palad, si Clark na labis ang pagmamahal kay Alyanna ay hindi man lang siya tinitingnan kahit saglit, kahit kailan.

“Gilbert, Clark,” magalang na bati ni Beatrice sa dalawang pinakaimportanteng tao sa private room nang pumasok siya, na tila ba hindi nakikita si Alyanna na nasa pagitan nila.

Hindi siya pinansin ni Clark at basta na lang umupo sa sofa.

“Beat
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 54

    “Hubarin mo na, sino bang takot?"Matapang na hinawakan ni Alyanna ang sarili, inabot ang likod ng leeg at binuksan ang zipper ng kanyang damit, lantad ang makinis at maputing balat na parang porselana."Buang ka ba—" Nanlaki ang madidilim na mata ni Clark, agad na lumapit nang may galit para pigilan siya.Pakiramdam ni Alyanna, na matagal nang nakakaramdam ng sama ng loob, ay mas lalo pang nadagdagan ang inis nang marinig ang matalim na boses nito. Tiningala niya ito at biglang napaiyak."Ikaw, talagang baliw ka! Ang sama-sama mo sa’kin..."Tumagos sa puso ni Clark ang hinanakit sa boses niya."Tumahimik ka—"Lalong tumindi ang boses ni Clark, at pakiramdam niya ay gusto niyang sampalin ito nang malakas para matutunan nitong ano ang ibig sabihin ng pagiging masama.Lalong lumabo at namula ang mga mata ni Alyanna habang umiiyak."Ayoko ngang tumahimik... gusto kong buhatin mo ko.. gaya ng dati mo akong binubuhat..."Para siyang batang nagtatampo na humihingi lang ng kaunting lambing

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 53

    Galit na galit si Alyanna. Kung ibang bagay lang sana ito, baka napatawad na niya si Beatrice dahil pinsan ito ni Lou. Ngunit ang pinsalang idinulot ng insidenteng iyon sa kanyang buhay ay napakalaki. Hindi lang siya nabigong tapusin ang pag-aaral niya at makahanap ng disenteng trabaho, kundi pati ang kanyang reputasyon at kaisipan ay lubhang naapektuhan nito. Hanggang ngayon, hindi niya pa rin malimutan ang araw na tinutukan siya ng daliri ng kanyang mga kaklase, tinawag siyang malandi, pinagbabato ng mga libro, pinunit ang kanyang damit, at pinalayas palabas ng school. Noong araw na iyon, ilang lalaki niyang kaklase ang nakapanood ng video at inakalang isa nga siyang babaeng nababayaran ng kung sinuman. Pinagtulungan nila siyang ipitin sa isang eskinita, inalok ng pera para siya’y bastusin at halos hubaran na siya. Kung hindi lang dumaan ang mga pulis, matagal na sana siyang ginahasa ng mga iyon. Sobrang hirap at sakit ang dinanas niya, at ngayon, si Gilbert na matagal na niyan

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 52

    "Limang taon na ang nakalipas, tinulungan ko si Beatrice sa isang pabor. Pinaupload niya sa kapatid ko ang isang video ng isang babaeng estudyante sa college na ginagahasa. Kalaunan, nalaman ko na malapit pala ang babaeng iyon kina Clark at Gilbert at ipinakulong siya ng mga ito."Nabulunan ang lalaki sa iniinom niya bago muling nagsalita. "Yung malditang si Beatrice, natakot na kapag isinumbong ko ang totoo, gagantihan siya nina Clark at Gilbert, kaya patuloy niya akong tinatakot.."Medyo nakainom na ang lalaki ngayong gabi kaya siya naging prangka sa girlfriend niya. Kung hindi siya lasing, hinding-hindi niya basta-basta sasabihin ito kaninuman. Katulad ni Beatrice, natatakot din siyang gantihan nina Clark at Gilbert. Ang kapatid niya ang malinaw na halimbawa,na hanggang ngayon, nakakulong pa rin dahil sa ginawa nila.Natigilan si Alyanna. Hindi niya namalayang umalis na pala ang mag-jowa na medyo kakaiba ang ikinikilos. Ang babaeng estudyante sa college na tinutukoy ng lalaki ay

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 51

    Biglang napalingon ang lahat kay Alyanna."Sumagot ka, Alyanna."Nanlamig ang anit ni Alyanna sa mga titig na nakatuon sa kanya at tuwid siyang umupo."Ah, susubukan ko pa lang sukatin kapag may pagkakataon.””Hindi naman dahil ayaw niyang magsabi ng totoo, pero hindi pa niya nasusukat kailanman ang parte ng katawan na iyon ni Clark, kaya wala siyang ideya sa laki nito."Lou, parusahan mo siya dahil hindi niya sinagot ang tanong mo! Suntukin mo siya!" sigaw ng ilan, sabik na sabik sa eksena.Biglang lumamig ang tingin ni Clark. Matapos sulyapan ang mga nagbubuyo, itinuon niya ang matalim na titig kay Lou bilang babala na tumigil.Napangiwi si Lou sa inis. Habang inihahalo ang mga baraha, sabi niya,"Sige na nga, Alyanna. Sa pagkakataong ito, alang-alang sa Crazy na ‘to, palalampasin kita. Pumunta kayo sa banyo at bumalik ka pagkaraan ng kalahating oras.""Anong klaseng parusa ‘yan, Lou? Hindi ba masyadong magaan?" sigaw ng isa sa hindi pagsang-ayon.Itinaas ni Gilbert ang tingin at si

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 50

    "Pasensya na..." mabilis na umayos ng upo si Alyanna, ngunit agad niyang narinig ang malalim at kaakit-akit na tinig ni Clark,"Alyanna, hindi ganyan ang tamang paghalik.""Huh?" nagulat si Alyanna. Hindi pa siya lubos na nakaka-recover mula sa biro ni Lou nang biglang iunat ni Clark ang kanyang mahahabang braso at hilahin siya papasok sa yakap nito.Pilit na idiniin ang labi niya sa labi nito, at nanlaki ang mga mata niya sa takot. Sanay at bihasa itong humalik. Sinisipsip at kinakagat nang banayad ang pagitan ng kanyang labi at dila.Di nagtagal, namula ang buong mukha ni Alyanna at bumigat ang kanyang paghinga. Pinikit niya ang kanyang mga mata pagkatapos ay mahigpit na hinawakan ang harapan ng polo nito, hinayaan itong gawin ang nais, habang nanginginig ang kanyang mga kamay sa kaba.Biglang may isang malaking kamay na humawak sa kanya, at dumaloy ang nakakapanatag na init mula sa palad nito, dahilan para tumigil agad ang kanyang panginginig."Hoy, sobra na ‘yan! Mamamatay na si A

  • Alyanna - The Forced Wife    Chapter 49

    Pagkatapos, tumalikod siya at magiliw na binati ang lahat, “Si Gilbert ang taya ngayon. Marami siyang pera, kaya magpakasaya kayo at huwag mahihiya. Kapag may oras ako, i-iinvite ko kayo lahat sa bahay para mag-party.”“Okay, Lou, ang galante mo talaga!” Biglang sumigla ang atmosphere sa loob ng private room. Ang mga gustong uminom ay uminom, ang mga gustong kumanta ay kumanta, at naging masigla ang paligid.Pagkatapos ng tatlong tagay, hindi na maganda ang mood ni Gilbert. Mula nang pumasok si Lou sa kwarto, panay si Alyanna lang ang kausap nito o kaya’y nakikipaglaro ng inuman sa mga kasama niyang dinala, parang hindi pinapansin ang pag-amin ng damdamin ni Gilbert sa kanya.Naawa si Alyanna kay Gilbert, kaya sinuggest niyang maglaro sila ng “truth or dare” para mabigyan ito ng pagkakataong mag-confess kay Lou ng kanyang nararamdaman.Ang truth or dare ay sikat na laro pa noong college sila, kaya agad natahimik ang lahat. Nakatitig sila sa taga-bunot ng baraha, sabik na iniisip kung

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status