Share

Kabanata 18

“Good morning, Lance!” magiliw na bungad ni Yasmien sa bagong gising na bata kinaumagahan.

Humikab ito sa harapan niya. Nakasuot parin ng pajama na may disenyong spiderman si Lance na saktong kabababa lang din mula sa kwarto nito.

Subalit hindi kagaya ng nakasanayan, hindi pinansin ni Lance si Yasmien ngayong umaga. Nilagpasan lamang siya nito at nagtungo sa sala para maupo sa sofa at manood ng palabas na cartoons sa TV.

Napapakamot sa ulo na sumunod si Yasmien sa bata at naupo sa tabi nito. Tamad namang umurong si Lance palayo sa kanya nang hindi parin siya binabalingan ng pansin.

Karaniwan na pagkagising sa umaga ay bagong ligo at nakabihis na ng pambahay na damit si Lance. Pero ngayon ay nakasuot parin ng pajama, magulo ang buhok, may natuyo pang laway sa gilid labi at muta sa gilid ng mata.

Batid ni Yasmien na nagtatampo parin sa kanya si Lance dahil sa ginawa niyang pagtago mula rito kahapon. Nasaksihan pa nitong ‘nakikipaglaro’ siya kay Rence. Kaya ganito na lang kung hindi siy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Elizabeth Cabanilla
next please thank you
goodnovel comment avatar
Jha Yha
love psingit hehehe
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status