Reen
"HI! GOOD EVENING."
Mabilis akong natigilan sa paghakbang habang papasok sa loob ng bahay na aking tinutuluyan, nang isang bati mula sa kaibigan kong si Liller ang sumalubong sa akin.
Hindi ako kaagad nakapagsalita, sapagkat hindi ko inasahan na ngayon pala siya darating dito.
"Oh, bakit parang nakakita ka ng multo riyan?"
Napakurap-kurap ako matapos marinig ang sinabi niyang 'yon.
"Uhm, n-nandito ka na pala. Akala ko kasi— bukas pa ang dating mo?" sabi ko.
"Kaya pala mukhang gulat na gulat ka, eh."
ReenISANG malalim na paghinga ang aking napakawalan habang nagre-reply sa mensahe ni Kuya Marv sa akin.Bukas na ang kaarawan ni Maro. Kaya ito, tamang remine na naman sa akin si Kuya.Teka, remine? Remines? Ah, bahala nga 'yan!Napahikab ako matapos kong mai-send sa kanya ang tinipa kong mensahe. Alas-tres na ng hapon. At papasok pa lang ako sa trabaho pero ang enerhiya ko ay pang uwian na.Ewan ko ba pero wala talaga ako sa mood ngayon. Para bang mas gusto ko na lang humiga sa maghapon. Paano ba naman, simula kagabi ay hindi na nagparamdam sa akin ang Asher na 'yon. Kahit isang text lang, wala.
Reen TIBAY NG LOOB. Iyan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay narito ako sa mundong aking tinatapakan. Walang halong lohika, walang panghalina, walang ibang nag-atas, maliban sa mga bagay na aking kinamulatan sa buhay. Ang kahirapan . . . Habang patanda nang patanda ay lalo kong nasasaksihan ang kahalagahan ng salitang paglaban sa buhay. Paglaban mula sa mga kahinaan, paglaban mula sa ating mga kamalayan. At paglaban mula sa mga bagay na nagiging dahilan ng ating kalungkutan. May iba pa nga bang pamimilian? Gayo'ng limitado lamang ang sa ati'y pinagkaloob ng Maykapal?
Asher MABINI ko siyang hinalikan, habang pilit na dinadama ang init sa ginagawa naming dalawa. Kanina pa 'ko hindi mapakali, tila naghalo-halo na ang aking nararamdaman hanggang sa hindi ko na kinayang pigilan pa ang pagkasabik at gigil sa babaeng pinakamamahal ko buhat nang makita at mayakap ko ito. I took a deep breath. Mula nang ipasundo ko siya sa bar kung saan ito pumapasok ay pilit kong pinakakalma ang sarili ko. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa kanya, dahil tila ayaw niya akong pakinggan sa pagpapahinto ko sa trabaho nito. D*mn it! Hindi ko maintindihan kung ano ang gust
Reen NAALIMPUNGATAN ako nang mayroon akong maramdaman na tila humiga sa 'king tabi habang nakadapa sa isang katre. Sapo ang aking ulo ay umayos ako mula sa aking pwesto. Ramdam ko ang bigat nang talukap ng aking mga mata. Nais ko pa sanang bumalik sa pagtulog. Ngunit, hindi na 'yon natuloy nang mapagtanto ko na wala nga pala ako sa aming bahay. Bigla kong naidilat ang aking mga mata, nang marinig ang isang baritonong boses na nagmula sa aking gilid. "Breakfast?" Agad na hinanap ng aking mga mata kung saan nanggaling ang kanyang tinig. "Good morning," bati ko.
Reen TAHIMIK lamang ako habang pinagmamasdan si Maro sa pagbubukas nito ng mga regalo na kanyang natanggap ngayong kaarawan niya. Alam ko na masaya siya, kaya masaya rin ako dahil ngayon lang niya naranasan ang bagay na ito— ang makapag-celebrate ng kaarawan na bukod sa halos kumpleto ang handa, may mga regalo, clown, at mga bisita pa. "Hoy, Reen! Kumusta ka na? Ang ganda-ganda mo na lalo, ah!" bati sa 'kin ng isa sa mga kababata ni Kuya rito sa lugar namin. Kahit hindi ako okay, ay pinilit ko ang ngumiti sa kanya. "Okay naman," tipid kong sagot. "Mukhang hiyang mo ang trabaho mo ngayon
Reen "IHAHATID NA KITA." Ilang beses ko nang sinabi kay Kuya Marv na okay lang ako mag-commute mag-isa, pero hindi pa rin ito tumitigil sa pagpilit na maihatid ako sa tinutuluyan ko. Okay lang daw na mag-isa akong pumunta kanina rito dahil maliwanag pa, ngayon kasi ay madilim na. Hindi kasi nito alam na mayroong naghatid sa akin kanina sa pagpunta rito, 'pagkat hindi ako mismo sa tapat ng bahay bumaba— apat na bahay ang dinaanan bago makarating sa aming bahay. "Okay lang talaga ako, Kuya. Kung ebike lang din ang gagamitin mo." Nangunot ang noo ko nang ngumisi siya sa akin. "Wala na 'yung ebike na sinasabi mo, okay?"
Reen MASAKIT na ang aking mga mata dahil sa kaiiyak, habang narito sa lugar kung saan nakasanayan kong puntahan kapag hindi ko na kaya ang sama ng loob na nararamdaman ko— ang dagat. Kanina ko pa kino-contact si Asher. Pero hindi siya sumasagot sa akin. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Gusto kong malaman kung ano ang totoo, gusto ko lang marinig mula sa kanya kung tama ba lahat ng sinabi ni Kuya laban sa kanya. "Please, sagutin mo," bulong ko sa 'king sarili habang hinihintay ang pagtugon ni Asher sa tawag ko. Nakakaramdam ako lalo ng kabiguan, pero wala akong magawa kundi paglabanan ito. Ang sakit. Ang sakit-sakit na.
Two years later Reen Alas-siyete ng umaga nang magising ako mula sa 'king pagkakahimbing. Agad akong napahinga nang malalim, nang mapansin ko na nasa ibang kwarto ako. Umupo ako at sandaling ipinikit ang aking mga mata. Pagkatapos ay iniunat ko ang aking mga braso at humikab. Tahimik kong inayos ang hinigaan ko saka itinali ang aking buhok. Huminga ako nang malalim, bago kinuha ang aking phone para tawagan si Liller. "Yes?” bungad nito nang sagutin ang tawag ko. "Lier," mahina kong sambit. Napabuga ako ng hangin bago muling nagsalita, "Sensya na sa abala, ha? Hindi na naman ako nakauwi kagabi.