Share

Prologue

Naagaw ni Elyse ang lahat ng atensiyon ng mga lalaki sa loob ng Kardashi's Club. Sa suot ba naman nitong silver mini dress na kitang-kita ang kaniyang cleavage at mapuputing mga hita ay tila maluluwa na ang kanilang mga mata sa pagkakatitig. Natural din ang ganda nito na litaw na litaw dahil sa light lamang niyang make up sa mukha. Mahaba ang itim na itim nitong buhok na naka-pony tail at bahagyang tinatakpan ang backless niyang suot.

Napapanganga ang sino mang lalaki na madaanan niya dahil sa angking ganda nito.

Agad siyang nagtungo sa front bar para mag-order ng kaniyang maiinom. Isa itong Crystal Vodka na talaga namang napakamahal at tapang. Hindi 'man halata ay malakas talagang uminom si Elyse, taob ang sino mang lalaki na magtatangkang hamunin ito sa inuman.

"Another glass, please."

Agad niyang utos sa bartender pagkatapos niyang maubos ang huling baso ng Crystal Vodka.

Hindi niya namalayang naka-ilang ubos na pala siya ng baso nito nang unti-unti niyang nararamdaman ang epekto nito sa katawan niya. Marahang nananakit ang kaniyang ulo na para ba siyang mahihilo. Hindi rin niya maintindihan ang kaniyang pakiramdam na para bang may iba rito. Bago ito sa kaniya na siya namang nakakapagtaka dahil ito lamang din noon ang kaniyang iniinom.

Nawala ng saglit ang iniisip niyang ito ng magsimulang tumugtog ang isang musika. Nagsipuntahan ang mga taong naroon at nagtungo sa dance floor. Kaniya-kaniyang sayaw ang mga ito sa gitna. May iilang mag-isa lamang din na katulad niya. Mayroon din namang mag-jowa na kulang na lamang ay mag-live sex sa kaniyang harapan.

Kahit na parang matutumba na ay pinilit niya ang sariling tumayo. Iniwan niya muna ang inumin at nagsimulang maglakad. Sa ngayon ay gusto niya namang sumayaw. Gusto din naman niyang maranasang sumayaw kasama ang maraming tao sa nightclub. Kaya kahit tutuyog-tuyog ay hinayaan niya na lamang ang sarili. Palakas ng palakas ang tugtog na naririnig niya habang papalapit siya sa gitna ng dance floor. Nakisiksik siya sa nagsisiksikang mga tao na naroon. Agad niyang itinaas ang kaniyang dalawang mga kamay sa ere para simulan ang pagsayaw. Sinusundan ng malambot nitong bewang ang marahang tugtog na ngayon ay nakasalang. Ewan, ngunit kahit papaano ay gumaan ang kaniyang pakiramdam. Hindi niya malaman kung epekto rin ba ito ng alak ngunit isa lamang ang sigurado niya, gusto niya ang gan'tong pakiramdam.

"Hinihipuan mo ba ako?!" Bulalas na tanong ni Elyse sa estrangherong lalaki na ngayon ay kaharap niya.

Napahinto ito ng saglit ng mapansin ang maamo at guwapo nitong mukha. Ngunit hindi, ang ayaw pa naman niya sa lahat ay ang gan'tong klaseng mga lalaki, mga lalaking manyak. Kanina pa kasi niya napapansin ang paghipo nito sa kaniyang pwet na siya namang nagpa-init ng kaniyang ulo. Takang-taka ang ipinakita nitong ekspresiyon sa dalaga.

"What are you talking Miss? I do not touch your ass," diretso niyang sagot dito.

Ngunit hindi kayang basta na lamang paniwalaan ni Elyse ang tinuran ng lalaki dahil may iba itong nababasa sa kaniyang ekspresiyon, tila nagpipigil ito sa pagtawa. Tinitigan niya ito ng masama at tsaka nag-wika.

"A-anong hindi? Kanina mo pa hinahawakan 'tong pwet ko. Ikaw lang naman 'yung nasa likod ko kanina pa ah." Depensa ng dalaga.

"Miss, iba ang hawak sa hipo. Hindi ko naman sinasadyang hawakan 'yang pwet mo. And besides, this place is a nightclub kung hindi ka handang makaranas ng mga gan'yan ay mas mabuti pang umalis ka na lang. Hindi maiiwasan ang mga ganyang scenario rito lalo na kapag sayawan dahil nagsisiksikan ang mga tao," paliwanag naman nito.

Talo na siya. Lalong nag-init ang ulo nito sa mga sinabi ng lalaki. Parang ipinapalabas pa nitong kasalanan niya ang nangyari. Hindi ito maubusan ng rason para ma-corner siya. Sasagot pa sana itong muli ng sakto namang tumigil na ang nakasalang na musika, dumagdag pa ito sa init ng kaniyang ulo dahil ni hindi niya masyadong na-enjoy ang pagsayaw.

"Alam mo, whatever!" Nginitian niya muna ito ng pilit sabay talikod.

"By the way, your ass is fucking soft. I liked it."

Boses 'yon ng parehong lalaki na naka-talunan niya bago lang. Bago pa man siya makapag-isip ng masama rito ay pinilit niyang pigilan ang sarili. Isang masamang tingin ang kaniyang ipinukol sa estrangherong lalaki na ngayon ay nakangiti ng mala-demonyo sa kaniya. Mabuti na lamang at talagang dinadalaw na siya ng antok, mukhang umepekto ng husto sa kaniya ang Crystal Vodka. Kapag nagka-ganoon ay siguradong pinatulan na niya ang mapangahas na estrangherong ito na naglakas-loob bastusin siya.

Nakalabas na ito sa pinto ng Kardashi's Club nang harangin siya ng tatlong mga naka-inom na lalaki. Tutungo sana si Elyse sa kaniyang kotse dahil naiwan niya pala ang kaniyang cellphone sa loob. Balak niya sanang magpasundo na lamang ngunit mukhang maaantala pa ito dahil sa mga lapastangang lalaki sa harap niya.

"P-pwede ba u-u-umalis nga kayo sa harap ko. Tabi!" Asik na sigaw niya sa mga ito sabay tulak sa kanila.

Ngunit, imbes na tumabi ang mga ito ay mas lalong pumalibot sila rito.

"Miss, huwag ka ng pumakipot pa. Magugustuhan mo din naman 'to mamaya eh," bulong sa kaniya ng isang lalaki.

Hinawakan nila ang magkabilang braso niya at akmang pupwersahin na sanang sumama ng narinig nila ang isang napaka-pamilyar na boses.

"Sa'n niyo dadalhin 'yang girlfriend ko?" Walang emosyong tanong ng isang makisig na lalaki.

"Zach."

"A-a g-girlfriend mo pala 'to, pasensiya na akala kasi namin b-bagong b-"

Hindi na niya naipagpatuloy pa ang sasabihin ng makita niya ang matalim na titig ng lalaki.

"Get your fucking hands out of my girlfriend!" Sigaw niya sa mga ito na nagdagdag ng tensiyon sa pagitan nila.

"A-anong girlfriend 'di nga kita kilala eh. Si-sino ka ba huh?" Sabat niya sa mga ito ng maalimpungatan siya.

Nagkatinginan sina Zach at ang tatlong mga lalaki dahil dito.

"I'll count 'til three, kapag 'di niyo pa siya binitawan. Ihanda niyo na ang mga kabaong niyo." Mas lumalim ang titig na ipinukol ni Zach sa tatlong mga lalaki.

"Un-"

Ni hindi pa napapatapos ni Zach ang pagbilang nito ng kumaripas na ng takbo ang mga lalaki. Mabuti na lamang at nahawakan na niya ang dalaga sa mga braso nito dahil kung hindi ay siguradong natumba na ito.

"P-pwede ba bitawan mo nga 'ko. Sino ka ba huh? K-kasama mo siguro sila no?"

Nagpupumiglas ang dalaga sa mga bisig ni Zach.

"Sa tingin mo ba ay ililigtas kita kung kasama nila ako?" Mariin niya itong tinitigan sa mga mata.

Namilog ang mga mata ni Elyse ng mamukhaan niya ang kaniyang knight in shining armor. This damn fucking pervert face!

"Bitawan mo nga ako! Ikaw 'yong lalaking manyak na humawak sa pwet ko kanina sa bar. Natatandaan ko na," sabay tulak dito.

She heard him chuckled.

"Yes, I'm Mr. Pervert. Nice to meet you Miss, and your nice ass."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status