Share

Chapter 2- The Divorce Paper

Nang makabangon na si Elyse sa kaniyang kama ay agad siyang lumabas ng kaniyang kuwarto para magtungo sa sala. Narinig niya kasi na para bang may nagtatalo roon. Little did she know na masasaksihan niya pala ang ganoong tagpo sa kaniyang mga magulang.

Elyse was supposedly enjoying her vacation lalo't ilang linggo na lamang ang natitira at magbabalik na siya sa eskwela. She's a graduating architecture student from the prestigious University of Luxeton in Manila. At running for latin honor pa naman siya. But fate seems don't agree with her nang sunod-sunod na pagsubok ang dumarating sa kaniyang buhay.

She had lost her virginity to a stranger that night dahil problemado at stress na stress siya sa kaniyang family. Noong panahon kasing iyon ay nalaman niya na may balak ang kaniyang mga magulang na maghiwalay na. Kaya pala napapadalas ang mga pagtatalo nito. She don't know what to do and the only thing to her mind that time ay matakasan ang kalungkutang nararamdaman niya. That's why she went to the club where she met that hot pervert fuck boy who devirginized her. After all ay kasalanan niya rin naman. Masyado siyang naging mapusok at bumigay kaagad sa mga haplos nito.

Pero wala na rin naman siyang magagawa pa patungkol dito kundi ang kalimutan na lamang ang lahat. Nakuha na iyon, hindi na ito basta-bastang maibabalik. Dumagdag pa rito ang kaniyang mga magulang na desidido na talagang maghiwalay.

"Naisumite ko na lahat ng mga kakailanganing dokumento. Napirmahan ko na rin. Pirma mo na lang ang kulang Claudette," rinig niyang seryosong saad ng kaniyang Daddy.

Her mom was silent for a moment at kapagkuwan ay nagsalita.

"Sana ay pagkatapos nito huwag mo namang kakalimutan na may anak tayo Diego. Ga-graduate na si Elyse sa kolehiyo, kahit na ngayon lang ay magpaka-tatay ka naman sa kaniya."

Hindi siya nagkamaling lumapit mo na sa kanila dahil gusto niyang makinig ng mabuti sa mga ito. May nais siyang marinig na sabihin nila.

"Pera?"

"Huwag kang mag-alala, hindi naman matitigil ang pagsu-sustento ko sa anak natin. Wala kang dapat na ikabahala." Tinitigan nito ang asawa.

"Diego naman!"

"Talaga bang pera lang ang alam mong ibigay ha? Sa tingin mo ba ay 'yan ang kailangan ni Elyse? Kahit kailan ay wala ka na talagang inisip kundi ang pera!" Nagpipigil siya sa galit habang binibitawan ang mga salitang ito.

"Aba! Bakit? Sa tingin mo ba ay mabubuhay ng ganiyan ang anak natin kung hindi ako nagsikap ha Claudette?!"

"Alam mo wala na talagang patutunguhan 'tong pinag-uusapan natin. Pirmahan mo na lang 'yan para matapos na."

With no words came from her mother's mouth, she signed the divorce paper. Punong-puno na rin naman na siya sa asawa niya. With all her life ay sakal na sakal na rin naman siya rito. Claudette and Diego were tied from an arrange marriage, pakana iyon lahat ng kanilang mga magulang.

Sa totoo lang ay hindi nila mahal ang isa't-isa that's why it's easy for them to get divorce by the way.

"Mom, Dad. Mukhang, desidido na talaga kayong dalawa ah." Pinipigilan niya ang sariling maiyak.

"Anak," tawag sa kaniya ng Mommy Claudette niya.

"Mas mabuting nandito siya. Karapatan din naman ng anak natin na malaman ang lahat." Makahulugan ang iniwang mga salitang ito ng kaniyang Daddy.

"Elyse, matagal na naming binabalak na maghiwalay ng Mom mo sa kadahilanang hindi talaga kami magkasundo sa lahat ng bagay. I'm sorry anak, but this is the only way para maging maayos na rin ang lahat. I will not force you kung kanino ka sasama. Nasa sa iyo pa rin yun kung sa akin ba o sa mommy mo," mahahalatang desidido na talaga ito sa boses pa lamang niya.

"Akala niyo ba ay hindi ko alam? Matagal niyo na 'tong plano 'di ba? From the very start, it was all a plan. Alam ko na Dad, Mom." Pilit ang ngiting kaniyang ipinakita sa mga magulang niya.

Ang tinutukoy ni Elyse ay ang diary na nabasa niya noong isang linggo lamang. She knows it was from her mother. Hindi lamang niya isiniwalat muna ang laman no'n dahil hindi pa siya sigurado at naghihintay pa siya ng tamang pagkakataon.

Punong-puno ng rebelasyon ang laman ng diary na iyon na nagbigay ng mga kasagutan sa kaniyang mga tanong.

"Kaya ba binuhay niyo 'ko? Para makalaya na kayong dalawa sa isa't-isa ha?"

"E-Elyse, hija."

"Totoo, hindi ba Mom, Dad? Hindi niyo naman talaga mahal ang isa't-isa. You're tied from an arrange marriage dahil kay Lolo't Lola and the only thing na makakapagpalaya sa inyo ay ang magsilang ng anak. That's why you made me."

She's speaking sarcastically now.

"At ngayong malaki na 'ko the contract was over."

"Sa-Saan mo nakuha lahat ng 'yan Elyse?"

Nagulat ang mga ito at tila hindi makapaniwala sa mga tinuran ng dalaga. Hindi nila mawari kung saan o paano niya nakuha ang impormasyong iyon gayung iilan lamang sila ang nakaka-alam nitong sekreto.

"Hindi na importante kung paano ko nalaman ang totoo. Mom, Dad huwag niyo na 'kong isipin maybe it's time naman na talaga para lumaya kayo. Don't worry hindi ako magiging hadlang sa inyo."

Kapagkuwan ay tumakbo si Elyse patungo sa kaniyang kuwarto. Naiwan namang nakatulala ang kaniyang mga magulang. Nagtitigan lamang ang mga ito. Sa pagbaba ni Elyse ay may dala na itong malalaking mga bag at kapagkuwan ay tinawag ang mga kasambahay para ipasok iyon sa kaniyang kotse.

"Elyse, anak hindi naman kailangang umabot sa ganito."

Her mom was holding her hands. Nagmamakaawa itong kung puwede ay manatili siya sa kanila. But like them ay desidido na rin siya. Para maisakatuparan ang matagal na nilang gusto ay mas mabuti siguro na mawala na rin na muna siya sa kanilang piling.

She shook her head.

Umalis siya sa kanilang tirahan. Balak niya muna ngayon na tumuloy kay Katy, isa sa mga malalapit niyang kaibigan. Mas makakapag-isip siya ng mabuti kung malayo muna siya sa mga ito.

Nang bandang dapi't hapon na ay sinundo siya nito sa waiting shed. Hindi alam ng mga magulang ni Katy na itinago niya roon ang kaniyang kaibigan lalo't hinahanap ito ng kaniyang mommy at daddy.

"Idadamay mo pa talaga ako sa kalokohan mo Elyse." Iiling-iling ang kaibigan ito noong makarating na sila ng kuwarto. Mabuti na lamang at nasa trabaho pa ang kaniyang mga magulang.

"Pansamantala lang naman eh."

"Please," kukurap-kurap ito sa kinakabahang kaibigan.

"Sige na nga, hindi naman kita matitiis. Pero sandali lang ha. Nag-text sa akin si Ivy, hinahanap ka daw ng daddy mo sa kanila."

"Oh, Anong sabi niya?"

"Syempre, sinabi niya ang totoo. Alangan namang magsinungaling 'yon eh 'di siya pa ang natudas . Alam mo naman ang Daddy Diego mo di ba? Kahit nga ako ay natatakot sa kaniya."

"Huwag nga kayong nagiging OA, 'di naman kayo sasaktan no'n at tsaka pabayaan mo na. Promise me, 'di mo sasabihing nandito ako sa inyo. Babatukan talaga kita," seryosong saad niya.

"Sige, pag-iisipan ko." Natatawa ito sa mukha ng kaibigan.

"Katy!"

"Oo na nga, 'di ka naman mabiro eh." Pigil ang pagtawa nito.

"Pinky swear?"

"Para naman tayong mga bata Elyse eh. Fine, pinky swear."

At 'yon ang sumelyo sa usapan ng magkaibigan. Matagal na silang partner's in crime dahil noong mga maliliit pa sila ay parating kinakantsawan sila ng mga taong magkambal daw. Mabuti na lamang at may kaibigang mapagkakatiwalaan si Elyse na parating nariyan para sa kaniya. Walang itinatagong sekreto ang mga ito sa isa't-isa maliban na lamang kay Elyse na hindi pa sinasabi ang patungkol sa pagkaka-devirginized sa kaniya ng isang estranghero. Natatakot kasi itong baka kapag sinabi niya ay pandirihan siya nito kung kaya't itinatago niya na lamang din.

Walang may ibang alam sa sekretong ito kundi siya at ang lalaking 'yon. Sana nga lamang ay maitago niya ito. Elyse wouldn't allow it to ruin her, not her image, not her name.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status