Share

Chapter 3- Moving Into A New House

"Natutulog pa po Tita eh," mahinang sambit ni Katy sa katawag.

Pinagmamasdan nito ang kaibigang si Elyse na mahimbing pa rin sa pagkakatulog. Siguradong late na itong magigising dahil late na rin silang natulog kagabi. Alas-dose na silang natulog dahil sa pagmo-movie marathon ng magkaibigan.

"O' sige, basta't kapag nagising ay alam mo na ang gagawin ha. Maraming salamat Hija."

Mababakas sa boses niya ang kasiyahan.

"Opo, ako na po'ng bahala Tita."

"Sige po, b-bye."

At kapagkuwan ay pinatay ang linya. Naghahalo ang kaniyang nararamdaman habang pinagmamasdan ito, alam niya kasing magagalit si Elyse sa kaniyang ginawa. Lalo't nangako pa siya naman dito na hindi niya sasabihing sa kanila siya pansamantalang naninirahan. Sa unang pagkakataon ay, pakiramdam niya'y sinaksak niya ito ng patalikod. But she have no choice either. Hindi rin naman niya puwedeng tanggihan ang Ginang dahil naki-usap ito ng mataimtim sa kaniya. Ang isa pa ay nalaman na rin ng kaniyang Mommy at Daddy ang pagtatagong ginawa niya kung kaya't wala na rin itong takas pa.

Montefalco, Devri, and Castillo Families build a strong alliance together. Isa sa mga kilala at bigating pamilya ang kinabibilangan ng magka-ibigan. Rason din ito kung bakit magkakalapit hindi lamang ang kanilang mga parents kundi pati na rin silang mga tagapagmana.

Iniwan niya na muna ito para makapagpahinga. She needs to think of a plan na hindi siya gaanong magagalit dito kung sakali.

"Bakit ba kasi sinama-sama mo 'ko dito sa Mall? May nakain ka ba Katy? Dati nama'y gusto mo lang na mapag-isa ah. Ano'ng nangyari?" Panunukso nito sa kaibigan habang sila ay naglalakad.

"Wala lang, syempre para malibang din naman tayo. At tsaka kahit paano ay maarawan ka naman," biro naman niya.

Humagalpak sila ng tawa.

"Omg best, tingnan mo may bookstore banda ro'n. Halika, tingnan natin," galak na galak si Elyse ng makita ang napakarami-raming libro na naka-hilera.

Agad na nagtungo ang magkaibigan at tinignan ang mga libro. Hinahanap nila ang mga nobelang kanilang hinahangaan na isinulat ng mga favorite writers nila.

"Best, halika dito," pagtawag ni Elyse kay Katy.

"Possessive Series 'yan ni Inang C.C. ah."

Nagulat ito sa hawak ng kaibigan. Kompletong mga libro kasi ito ng latest series ng sikat na writer na pareho nilang iniidolo. Kahit kailan ay hindi nag-aaway sina Katy at Elyse, nagkakasundo sila sa anumang bagay maliban na lamang sa mga iniidolo nilang fictional characters sa libro. Nag-aagawan kasi ang mga ito at parehong inaangkin ang mga walang-buhay na characters na kanila raw asawa.

Kumuha ng tig-iisang copy silang dalawa sa bawat libro na nakahanay. Ngunit, agad silang nagkatitigan ng makitang isang copy na lamang ang natira sa libro na patungkol kay Knight Velasquez— ang pinaka-paborito nilang fictional character sa lahat. Isa ito sa mga possessive series na isinulat ni C.C. at kung minsan nga ay umaabot pa sa pagtatampuhan ang dalawa dahil sa pag-aagawan dito.

"Best, 'di ba ay mahal mo ko?" Tinitigan niya si Katy.

"Oo naman best."

Napangiti ito sa kaniyang sagot.

"Pero hindi ibig sabihin no'n na ibibigay ko sa 'yo ang Knight ko. Akin na 'yan, Elyse."

Dali-dali nitong kinuha ang libro na hawak ng kaibigan. Tinitigan naman siya ng masama nito saba'y pout. Natatawa siya sa ipinakitang ekspresiyon nito sa kaniya.

Sakto namang nag-ring ang kaniyang cellphone. At ng mai-open niya ito ay napalunok na lamang siya ng kaniyang laway. It was Elyse's mother. Her Tita Claudette texted her kung nasaan na sila ngayon.

"Sino 'yon? Si RC ba?" Tanong nito ng mapansing namumutla ang kaibigan.

Elyse was talking about Katy's bf.

"Ah-Ah oo best, hinahanap na 'ko eh." Napakamot siya ng kaniyang ulo.

"Pwe, lason!"

"Naiinggit ka naman naman noh? Mag-jowa ka na kasi best para naman magka-kulay 'yang mundo mo. Bakit kasi wala ka pang pinapansin doon sa libo-libo mong manliligaw?"

Napatawa na lamang siya sa tinuran ng kaibigan niya.

"No, my husbands are enough. Masaya na 'ko sa mga fictional na asawa ko," at kapagkuwan ay niyakap ang mga librong hawak-hawak niya.

"Sige na nga, sa 'yo na to'ng copy ni Knight ko. Magpapa-order na lang ako mamaya."

Iniabot nito ang libro sa kaibigan.

"Sure ba 'to? Baka naman may kapalit 'to Katy ha?Kilala kita." Nag-aalangan itong tanggapin.

"Gaga!"

"Oo naman no, halika na nga pumunta na tayo do'n nagugutom na 'ko," hinawakan nito sa braso ang kaibigan para igiya sa malapit na restaurant.

"Te-teka babayaran ko na muna 'to."

"H'wag na ako ng bahala diyan naka-usap ko na kanina pa yung bookseller noong namimili ka pa. I've already paid it. Kaya halikana't nagugutom na ko."

Nang maibalot ng lahat ang kanilang mga pinamiling libro ay agad silang nagtungo sa restaurant na tinutukoy ni Katy. Pagdating nila ay agad silang nag-order ng mga pagkain. Sa kalagitnaan nito ay nagpa-alam muna ang kaibigan niya na mag-c-cr lang. Naiwang mag-isa si Elyse.

Habang tinatapos nito ang pagkain ay agad siyang napatingin sa babae na papalapit sa kaniyang gawi.

"Oh fucking hell!"

It was her Mom. Sunod-sunod na mura ang pinakawalan nito. Sa isip niya ay paano nalaman ng kaniyang Mommy na nandoon siya? O' baka naman talagang coincidence lamang. But she smells something fishy. Mayroon talagang hindi tama.

She's about to stand para umalis na lamang but her mother quickly grabbed her hands. She pleaded her to stay.

"Ilang milyon na naman ba ang binayad niyo ni Dad sa mga spies niyo ha?" Iritableng tanong nito sa Ginang na nasa harapan niya.

"Hija, puwede bang mag-usap naman tayo ng maayos? Let me explain everything to you. Please," she's in teary eyes.

"Fine, tutal ay nandito naman na rin tayo."

"Spill it out Mom, kasi hindi ko pa rin matanggap na nawasak yung pamilya na kinukunan ko ng lakas sa araw-araw. You know idol na idol ko kayo ni Dad eh, but it was all a lie. Matagal niyo na pala akong niloloko." Medyo napalakas ang boses nito dahil awtomatikong nagtinginan ang ibang customers na naroon.

"Calm down," she said as she tried to hold the hands of her daughter.

"Mahal ka namin at hindi magbabago 'yon anuman ang mangyari. We will not bear it na mawala ka. I will tell everything to you, just don't leave me. Ikaw na lang ang mayroon ako anak. Please."

Naluluha ang Ginang habang nagkatitig pa rin sa kaniyang anak. She don't know what exact words soothed her broken heart. But as she heard those three magical words from her mother she knew she can't take it too.

"I'm sorry Mom. Hindi ko lang po talaga napigilan ang sarili ko. I thought all this time I was just a mistake." She can't help herself.

"No you are not, my precious darling. You are the most beautiful gift that God ever gave to me. Ikaw ang kayamanan ko."

Kapagkuwan ay tumayo ang Mommy nito para yakapin ang noo'y naluluha na ring anak. She kissed her forehead. Sa pagkakataong 'yon ay naramdaman niya ang pagmamahal ng totoong magulang. Pagmamahal na kailan man ay hindi mabibili, masusuklian, o mapapalitan man ng kahit na ilang halaga ng pera.

"Halika na, I want you to see our new house. Siguradong magugustuhan mo ang bagong bahay natin. Pero don't worry anak, you can still visit and see your father hindi kita ipagkakait sa kaniya. Anytime na gusto mo'ng dumalaw sa dati nating bahay ay malaya kang gawin."

Hinahagod niya ang ulo ng anak habang naglalakad sila patungong kotse.

"Thank you Mom."

"Pero teka lang po, Katy didn't know na umalis na 'ko roon baka magtaka 'yon pagbalik niya na wala na ako."

"Don't worry Hija, naka-uwi na siya."

Napa-kuno't ang kaniyang noo sa sinabi ng kaniyang Mommy Claudette. Paano nito nalamang naka-uwi na ang kaibigan gayo't ang alam niya ay nag-cr pa ito.

"Po- Paano nangyari 'yon Mom? She told me mag-c-cr lang siya." Naguguluhan na ito sa nangyayari.

"I've told the driver na ihatid na lang ang kaibigan mo pauwi. Hija, huwag ka sanang magagalit sa kaniya but she helped me para magka-usap tayo."

"Si Katy?"

"Yes, without her ay hindi ko malalamang narito kayo ngayon."

The fire urged immediately into her blood.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status