Share

Chapter 11- Elyse got sick

Ethan can't sleep that moment, kahit anong posisyon pa ang gawin nito ay ayaw talaga siyang dalawin ng antok. Iyon yata 'yong tinatawag nilang "namamahay" o 'di kaya ay dahil na naman ito sa dalaga na parati na lamang siyang pinag-aalala.

Nasa guest's room siya ngayon ngunit naisipan niya munang lumabas para magtungo sa kusina at kumuha ng maiinom na tubig. Baka sakaling makatulong ito na makatulog siya.

Mababatid ang katahimikan sa buong bahay dahil mukhang tulog na rin ang lahat. Mag-a alas dose na ng hating-gabi ngunit siya ay gising na gising pa rin. Nang maka-inom na siya ay agad siyang nagtungo sa kaniyang kuwarto ngunit napadako ang kaniyang tingin sa kwarto ng dalaga na madadaanan niya bago tuluyang makarating sa guest room. Sa isip niya'y baka mahimbing na itong natutulog lalo't lasing na lasing ito kanina.

Naisipan niyang silipin mo na ito. Wala namang masama kung i-check nito na maayos itong nakapagpahinga. Dahan-dahan niyang pinihit ang doorknob para hindi ito maistorbo.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status