Share

CHAPTER FOUR

WAAAHHH!!! Ang sarap ng tulog ko, ah. Ano na bang oras?

Oh, geez! 9 A.M na, dyahe! 8 AM ang usapan namin ni Armina. Tiyak na sasabunin na naman ako niyon nang walang banlawan. Nagmadali akong tumayo sa kama, hinayaang nakasabog ang unan at kumot ko. Binuksan ko agad ang kabinet ko, kalkal na naman ako ng kalkal. Parang basurahan lang. Kinuha ko ang bagong bili ni Mama na shirt at shorts. Simple lang na navy blue Gorgiano shirt at shorts lang ang pinili ko. Dali-dali akong pumasok ng banyo.

After 15 minutes na pagbabad sa shower ay lumabas na ako ng banyo.

After 5 minutes, nagsusuklay na ako nang pumasok sa loob ang maganda kong ina.

NAKATATLO na akong katok sa pintuan ng anak ko nang ipinasiya kong ipihit ang seradura ng pintuan. Nakita kong nagsusuklay ng buhok ang guwapo kong anak. Pakanta-kanta pa siya, tila masayang-masaya.

"Hi there, Luis! Saan ka pupunta? Wala akong natatandaan na may lakad ka," amused kong sabi sa anak ko na nakuha pang kumindat-kindat sa salamin na tila naaaliw.

"Ma, I'll meet a friend. Kaya tara na sa baba. Let's have breakfast. Late na ako sa usapan pero kakain muna ako. Ayaw kong magutom."

"Okay, dear, let's go," I said.

Habang masagana kaming kumakain ng anak ko ay hindi ko maiwasang mapuna sa aura ng anak ko ang kasiyahan.

"Luis, pansin ko," taas kilay na sabi ko sa kaniya.

"Ang alin Mama?" nakangiting tanong ni Xander sa akin.

"Iba ka ngayon, ah. Is there something. . . Hmmm. . . dear?" nakangiti ko pang tanong.

Nakangiti lang siya.

"Silence means yes," malinaw na sabi ng isip ko. Hinayaan ko na lang si Luis kung ayaw pa niyang sabihin sa akin.

Natapos kami sa pagkain na wala kaming napagtuunan ng paksa. Mabilis kong pinadaanan ng tingin si Luis na nag-uumpisa nang magpahid ng table napkin sa kaniyang bibig. Mabilis siyang tumayo at masuyo akong dinampian sa pisngi ng halik bago magpaalam.

"Ma, I'm going na. . ." Xander said.

"Okay, ingat! Ano ba gagamitin mong pajero, Xander?"

"The Cheverolett, Ma."

Iiling-iling na lang akong pumasok sa kwarto ko. Marami pa akong aasikasuhin sa kasal namin ni Armando. Two weeks and three days from now at magiging husband and wife na kami. Napangiti na lang ako nang matipid. Naisip ko ang nauna kong plano, na oras na ikinasal ako sa iba ay ibebenta ko ang bahay na ito. Para sa huling pagkakataon ay maibaon ko na sa limot ang masalimuot na tagpo sa buhay ko sa piling lang naman ng namayapa kong esposo.

MATAAS NA ang sikat ng araw, pasado alas-otso na. Pero wala pa ang hayop na si Xander, letse siya! Filipino time talaga siya.

"Tsk! Tsk!"

Siguro hindi na pupunta iyon. Nagdadabog ak0ng umalis sa terrace at nanatili akong nangalumbaba sa study table ko. Mataman ko lang tinititigan ang orasan na nakapatong sa table ko.

9:00 . . . 9:30 . . .

Pero wala pa rin siya. Dahan-dahan akong tumayo sa kinauupuan ko. Mabilis kong inihiga sa kama ang katawan ko. Sa sobrang pagkayamot, ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung ilang minuto ako sa ganoong ayos.

Hindi ko tuloy namalayan na naitulog ko na ang pagkakapikit ko.

10:35 A.M.

"Sa wakas, nakarating din ako!"

Mabilis kong ipinarada sa gilid ng mansiyon ang aking sasakyan. Ilang beses din akong nag-doorbell, hanggang sa hinayaan akong papasukin ng guwardiya ng mga Deo Gracia.

"Wow, this place looks fabolous. Tulad din ng may-ari," puna ko sa mansiyon nina Armina.

Iginala-gala ko pa ang aking paningin. Napaka-classic pala ng bahay nila. Ala kastila ang disenyo ng tahanan ng mga Deo Gracia. Bago ka makarating sa mismong mansiyon ay maglalakad ka muna sa napakalawak na lawn.

"Geez! Sa sobrang layo nagugutom na naman ako."

Then I finally came up. Sinalubong ako ng maraming katulong. Pati ata mga driver at hardinero naroroon.

Tulala lang ako. Grabe, para akong instant hari!

Hari sa palasyo ng mga Deo Gracia. Yeah, right, palasyo nang matatawag ang bahay nila. Sa laki ba naman nito. Lumapit pa sa akin ang mga katulong. Andami din nila. Pinagsilbihan nila ako

"Utos ni Don Armando, sir Xander, kapag dumating kayo!"

"Wa-wow! Grabe naman ang magiging stepfather ko. Sobrang bait naman. Hindi katulad ng namayapa kong ama."

I hate comparing pero 'di ko maiwasan. Ang suwerte ni Armina sa Dad niya. Yeah, na magiging Dad ko na rin this coming month.

"By the way, nasaan na si Armina?" taka kong tanong sa mga katulong na umaasikaso sa akin.

"Ah, sir, nasa kuwarto niya. Ipinagbilin po ng ama niya na puntahan mo na lang siya roon, sir," kinikilig na sabi ng bata-batang maid.

"Ahh, okay, uubusin ko lang muna itong juice."

Pagkaubos ko ay nagmadali na akong pumanhik sa napakahabang hagdan.

"Jusmiyo! Malayo pa po ba?" tanong ko sa mayordoma, ang pinakamatandang namamahala sa mansiyon.

Pero nagpatuloy lang sa paglalakad ang mayordoma na tila walang narinig.

"Bingi," mahina kong bulong.

Pero sa gulat ko ay bigla siyang tumigil at nagsalita. "Sir, andito na tayo." Tapos tiningnan niya lang ako sa malamig na tingin.

Anong ibig sabihin niyon? Weird, huh! Pagkatapos ay umalis na siya. Kumatok ako nang tatlong beses at marahan kong binuksan ang pintuan. I saw her lovely face. Grabe, ang ganda niya talaga. Isa siya sa mga pinakamagandang binibini sa henerasyon namin. Napailing-iling na lang ako sa tumatakbo sa isip ko.

"Stop thinking like that, Xander. She's going to be your stepsister."

Ewan ko pero parang may something lang. I had this gut feeling ever since I meet her at dinner.

"Papasok na nga ako! Gugulatin ko siya!" pilyong sabi ko sa sarili.

I sat beside her and stare at her beautiful face.

"Para ka palang anghel kapag tulog," mahina kong bulong. May bikig ako sa aking lalamunan nang masabi ko iyon. Napalunok ako ng ilang beses. Pipisilin ko na sana ang mapupula niyang pisngi nang biglang dumilat ang malalantik niyang mga mata.

HINDI KO ALAM kung ilang minuto o oras akong nakatulog. Naalimpungatan ako nang may maramdaman akong umupo sa tabi ko. Nakarinig ako ng mahinang bulong, akala ko nga nanaginip lang ako.

"Para ka palang anghel kapag tulog."

Then bigla kong idinilat ang mga mata ko. At sa pagkagulat ko, nabungaran kong titig na titig si Xander sa akin. Napaawang ang mga labi ko.

"A-anong gagawin mo?! Kukurutin mo ako?!" utal-utal kong sabi. Hindi ko mapigilan ang kabahan.

Mabilis niyang ibinaba ang kamay niya at mabilis siyang tumayo. Nag-cross siya ng arms niya patalikod sa akin kaya hindi ko makita ang reaction ng abnormal kong stepbrother.

"Nah! Eh, tulog mantika ka kaya. Kumatok na nga ako, hindi ka pa bumangon!" inis niyang sabi.

Iiling-iling na lang akong bumangon at nag-inat. Atleast, gumaan ang pakiramdam ko.

"Eh, kasi naman, Mr. Montenegro! Late ka na po kayang dumating sa usapan natin. Alas otso ang usapan, ha? Anong oras ka na dumating? Pasado alas dyes na!" inis ko ring buwelta sa magaling na lalaki.

"Malay ko ba sa iyo? Masyado ka kasing excited."

"What!" malakas kong sabi.

Smile lang siya, talagang nang-iinis ang magaling na lalaki.

I counted from one to three at sa nagtitimping boses ay nagsalita ako nang marahan.

"Isa pa, Luis, mang-inis ka pa. Kakalbuhin na talaga kita!" Nag-umpisa akong maglakad papunta sa terrace. Agad namang sumunod ang buwisit na bisita ko.

Tatawa-tawa pa siya sa likuran ko, tila tuwang-tuwa.

"Halika! Tanghali na, dapat kanina pa tayo tapos. Letse ka!" malakas kong bulyaw sa kaniya. Malakas kong hinampas ang braso niya.

"Ouch!" He glaired at me.

Ooops! Napalakas yata!

"Ang bigat pala ng kamay mo? Oh, shit, my arm!" maarte niyang sabi.

Tawang-tawa naman ako. Mabuti nga sa kaniya.

"Hey, Armina, akala mo hindi masakit? Tae ka, nabalian yata ako!" nakasimangot niyang sabi pagkatapos ay mahigpit niya akong hinila.

"Hoy, tumahimik ka na nga! Mag-review na tayo! Dapat before three tapos na tayo!"

Nag-pout siya na tila isang bata. Kahit konti na naku-cute-an ako sa kaniya.

Wait. Cute? Duh! Joke lang iyon.

Tahimik ko na siyang tinuran. Ang tagal bago siya naka-concentrate. Tinalo pa niya ang grade three. Pero nang tumahimik na rin siya ay isa-isa kong ipinaliwanag ang dapat ipaliwanag.

Nang matapos ko ang mahabang paliwanagan ay binigyan ko siya ng answer sheets.

Then, the results are. . .

Tinining!

Gotta cha! Tama lahat ng sagot niya.

"12:09 na, let's have a break. Mag-lunch na tayo dahil gutom na ako," masaya kong sabi sa kaniya sabay hila sa kamay niya.

Pero sa gulat ko ay tumigil siya.

"Oh, ano na naman bang arte mo riyan, Xander?" nakasimangot kong sabi.

"Ikaw, huh, nasasanay ka nang hinahawakan ang kamay ko. Chansing na iyan!" presko niyang sabi, sabay kindat sa akin ng mokong.

Nanlaki ang mga mata ko. "Xander! Stop accusing me. Hindi ka nakakatawa!" patili kong sabi at iniwan na siyang nakatayo roon. Bahala siya sa buhay niya. Basta ako? Gutom na.

Pagkaupo ko sa favorite kong upuan ay mabilis kong tinawag si Yaya Trining na agad namang naghain sa table. Nagulat pa ako dahil bigla na lang siyang tumikhim sa likuran ko.

"Ganyanan na? Lalamon ka nang hindi ako tinatawag? Tsk tsk!" Iiling-iling pa niyang sabi habang umuupo na rin sa kaibayong upuan.

Kumakain na kami nang pumasok sa dining area ang Dad ko at ang Mama ni Xander.

"Hi, hija," nakangiting sabi ni Tita Ysabelita at bineso ako.

Mabilis na tinapunan niya ang kumakain na si Xander. Feeling at home lang ang ungas!

"Hello there, Xander! Ba't narito ka nga pala? 'Di ba sabi mo, you will meet a friend?" nakataas ang kilay na sabi ni Tita Ysabellita.

Iimik na sana si Xander pero siyempre inunahan ko siya.

"Kasi, Tita, ire-review ko siya ngayon sa Math subject niya. Bumagsak kasi siya, eh, ako ang naatasan ni Ms. Nombre na magturo."

Mabilis na nawala ang ngiti ni Tita ganda at naniningkit na tumingin kay Xander.

"Wahaha! Buti nga, kasalanan mo. Sinabi ko na kahapon na ikaw rin ang mapapahiya," bulong ng isip ko.

"Mama, let me explain," sukol na sabi ni Xander.

Pero matagal pa bago hindi umimik si Tita Ysabelita.

"Leave your explanation, son. Hindi pa ako handang makinig!" malamig na sabi ni Tita Ysabelita.

Ipinagpatuloy nito ang pagkain. Para namang humingi ng saklolo si Xander sa Dad ko.

"Bahala ka riyan!" Sabi ko sa isip ko habang painosenteng nakatingin sa kaniya.

"Honey munch, please listen first to your son. Maybe he had enough reason to explain."

Bumuntong-hininga lang si Tita Ysabelita at mapait na ngumiti.

"Yeah, sure, sige. Let's eat," tipid lang na sabi nito.

"Mama!" tawag naman ni Xander. Pero tinitigan lang siya nang malamig ni Tita. Hindi man lang siya inimik nito.

Masama akong tinitigan ni Xander. Nagkibit lang ako ng balikat.

"Akala mo, ha? Mabuti nga sayo!"

Matapos kaming kumaing apat ay hinayaan namin ni Dad na mag-usap ang mag-ina.

FEELING DISAPPOINTED talaga ako sa narinig ko mula kay Armina. Akala ko pa 'man din nag-aaral siya nang mabuti.

Humihigop na ako ng juice nang magsalita ang anak kong si Xander.

"Mama, I'm sorry," Xander said.

Dahan-dahan kong ibinaba ang basong iniinom ko. Mataman ko lang pinagmasdan ang anak ko.

"Okay. . . but be sure you won't do it again, Xander Luis. Okay?" matipid ko lang na sabi.

Nagulat pa ako nang mahigpit akong niyakap ni Xander at pinupog ako ng halik sa mukha.

"Luis, stop!" natatawa kong sabi.

"Oh, Mama! Thanks. I promise, hinding-hindi na ako babagsak," masaya niyang sambit. Tila seasaw ang mga mata niya sa tuwa.

Napailing-iling na lang ako at sinundan na lang ng tingin ang nag-iisa kong anak. Agad namang lumapit si Armando sa akin, then, our lips meet a casual one.

"Honey blood, ano, ayos na ba kayo?" tanong sa akin ni Armando.

"Kailan pa kami hindi naging okay ni Xander? Nagtampo lang naman ako pero saglit lang. Hindi ko kayang tiisin ang nag-iisa kong anak," nakangiti kong sabi.

Masuyo lang akong niyakap ni Armando mula sa likuran at dinampian ng mumunting halik sa bumbon ng buhok ko. Oh, I love the sweetness of my love.

TAHIMIK AKONG nakasilip sa siwang ng pintuan kung saan kitang-kita ko kung gaano ka-sweet ang Dad ko sa magiging Mama ko.

How I wish na maging ganoon din kami ng future husband ko.

Nagulat na lang ako nang biglang may dumakma sa magkabila kong balikat.

"Ay, pusa!" Napatili ako dahil sa gulat.

"Hey, what are you staring at?" mahinang bulong ni Xander nang malingunan ko.

Mabilis niya akong niyakag sa upuan kung saan nakahanda na ang mga ire-review ko pa sa kaniya. Napailing-iling na lang ako habang mataman ko siyang tinititingan. Naniningkit akong tumitig sa kaniya.

"Ikaw, Xander! Magtino ka na para naman 'di madisappoint si Mama sa 'yo," out of the blue na sabi ko.

Mabilis niya akong tinitigan na tila nagtatanong. "What did you said? Mama?" naaliw na sawata ng hambog na si Xander.

Ano ba ito? Alangan namang 'di ko sanayin na tawaging Mama ang ina niya. Eh, next next week, magiging officially family na kami.

"Oh, bakit? Something wrong? Totoo naman, ah!"

Tumigil siya sa pagsasagot then he stared at me. Amusement filled his eyes.

"Nagtataka lang ako, gustong-gusto mo talaga ang set-up ng family natin. Never mo bang naisip na. . ." pabitin niyang sabi.

"Na ano?" napa-puzzle ko pa ring tanong.

Umayos siya ng upo at tinitigan ako ng tutok sa mata.

EWAN KO BA pero parang may kakaiba talaga kapag tinititigan ko siya nang ganito. Malagkit ko lang siyang tinitigan. Napailing-iling ako.

"Nothing, sis, never mind!" mabilis kong sabi.

Nagkibit na lang siya ng balikat at itinuloy ang pagtuturo sa akin hanggang sa mag alas-tres na.

I'm leaving her place now. Papasok na ako ng kotse ko nang kumakaway pa siya. As if close na kami. Minsan away bati talaga kami. Kumaway na lang din ako bilang pamamaalam. Tumango lang ako kay Tito Armando.

I murmured a simple thanks between my lips and she replied an okay sign.

Habang nagbiya-biyahe . . . I just keep thinking of the way she smile.

"Jeez! Why am I thinking about her over and over again?"

Napapikit na lang ako nang mariin. Now, I realize something.

NO!

It can't be.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status