Share

CHAPTER TWENTY SEVEN

Bakas na bakas ang kasiyahan sa kanyang mukha. Unti-unti niyang inilayo ang matikas niyang katawan. Matama niya akong tinitigan, bigla akong natuliro ng maging mapungay ang mga mata niya, maski ang ekspresyon sa mukha niya'y umiba.

Napalunok ako ng unti-unti ay tila lumiliit ang pagitan ng aming mga mukha.

"Kate. . ."malakas lang sa bulong ang pagkakabigkas niya sa pangalan ko. Tila musika sa aking pandinig ang pagkakaturan niya sa pangalan ko ng mga sandaling iyon.

Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari, dahil tuluyan ko ng ipinikit ang aking mga mata.

Tila niyanig ang buo kong katauhan ng magdikit ang aming mga labi.

Sa una'y pagdampi-dampi lamang ng kanyang labi ang ginagawa niya na tila ako'y pinapatakam lamang.

Sa isang masuyong pagdampi niya sa labi ko'y unti-unting lumalim iyon.

Lalo niyang hinigpitan ang pagkakayap

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status